18-A [ letter "a"]


Putspa, namimiss ko na kaagad siya.


Aaa.NateKo.<3

Hi miss. I miss you. N less than three I o(^*^)o


HINDI na tumigil sa pagte-text si Nate kahit international text. Sabi niya kahit 'wag na raw akong mag-reply basta hindi lang daw siya titigil sa pagte-text para alam kong hindi niya ako nalimutan.

Ahihi, ang landi talaga niya.

Wala na rin akong nagawa nang magpaalam na ako kina Papa at Mama para mag-stay ako sa boarding house. Nagmukmok pa nga ako kaya lang nawalan din ng saysay kasi ano pa nga bang magagawa ko? Sabi ni Mama, gagawa sila ng paraan agad. Basta maka-graduate lang ako.

Oo na lang ako.

Umalis din si Tita Joey dahil may business meeting siya. Dapat isasama na lang niya ako pero sabi ko, 'wag na lang.

Gabi na nang matapos ako sa pag-aayos ng gamit. Nakarinig na rin ako ng ingay sa labas na siguro, umuwi na ang mga boarder. Paglabas ko, unang tumambad sa akin ang painting ng isang babae sa tabi ng pintong katapat ng sa akin. Nakapatong siya sa isang maliit na table na may pink envelop din.

Dahil chismosa—este curious—ako , tiningnan ko 'yung papel. Isang letter na mukhang 2007 pa pinadala. Hindi ko sinasadya pero nabasa ko 'yung letter. Promise. Hindi ko sadya.


Hey A,

How are you? I'm fine here in America. Been very busy lately because of work. Oh, how I miss Philippines, the A.F.Generation, the kids, Aunt Inang and of course, you. It's been five years. I hope you have a good health there. I've heard you're living by yourself, why is that?

Hoping to see you soon when I visit Philippines. I badly miss your cute face. Please, sign up in friendster to communicate. You can search me in friendster. I upload pictures there.

It's been almost five years. Hope you're doing fine. I'll visit you soon, I promise.

xoxo, X.


Ang ganda ng sulat niya. Na-conscious ang sulat ko.

"Hey."

Nagulat ako nang may nagsalita na lalaki. Paglingon ko, may nakita akong lalaking nakangiti sa akin.

"I don't think it's a good idea to read that." Sinabit niya sa leeg ang headset niya. "Are you a new boarder here? I'm Angelo."

Aw syet, nosebleed.

"Ianne po."

Nagbihis muna si Kuya Angelo bago kami nakapag-usap. Napag-alaman kong nagma-masters siya at nagbo-boarding house dahil mas malapit sa school niya. Nagtatrabaho rin siya sa CSantos Design Studio na wala akong ideya kung ano. Madalas siya sa work at pinapatulog naman siya ng boss niyang si Sir Allan sa office nila pero tuwing Sunday, dito siya the whole day.

Nagkuwento siya sa akin tungkol sa mga boarder at hilong-hilo na ako. Nosebleed. Wala na akong dugo. Help. Pero na-regain din ang energy ko dahil nanlibre siya ng pizza.

"I suggest you don't touch the chocolate chips cookies at the cabinet over there." Tinuro ni Kuya Angelo ang isang cabinet sa pinakadulo.

"Why?"

Dito ko lang napagtantong tahimik pala ako. Lakas ko maka-one word eh.

"There's this high school boarder like you. I'm not sure about his name but. . . he. . .uh, is aloof to everybody. I tried talking to him but he just stared at me. Scary guy." Tumingin siya sa gilid na para bang may hinahanap. "Then one day after work, I got home early and no one was around. I saw the stock of chocolate chip cookies. Ate one cookie. Just one cookie and then. . ."

"Then?"

Napangiwi si Kuya Angelo na parang inaalala ang nangyari. "I prefer not to tell the story but it was, kind of, disturbing."

Ano kayang nangyari? Err, creepy naman.

Nag-usap pa kami tungkol sa kung ano-ano at sobrang na-curious ako sa lalaking high schooler na boarder din. Pero natatakot din ako dahil baka nangangain.

Basta, note to self: 'wag galawin ang chocolate chip cookies sa cabinet. Life or death situation, Man.

Napunta ang usapan namin sa sports, sa mga boarder na umalis at dumating at umalis hanggang sa mapunta kami sa usapan ng pangarap niya.

"I want to publish a book or help someone to publish one. I don't mind if it's my story or not as long as I am the one who will publish it."

Napahikab ako at napatingin sa orasan. Alas-tres na pala nang umaga. Humikab na rin siya at sa tingin ko oras na para matulog.

"Uhm, sige Kuya. You push that dream. You can do it and I shall sleep na po." Tumayo na ako. "Goodnight."

"Wait." Tama na po. Ubos na ubos na ang baon kong English. "It's nice to talk to you, Ianne."


HINDI naging madali ang lahat lalo na kung English-spokening ang nakakausap. Mabuti na lang minsan lang umuwi si Kuya Angelo at madalas knockout dahil pagod sa work.

Masaya siya kausap kaya lang nosebleed talaga. As in. Minsan ang lalalalim ng mga word niya, nalulunod ako. Pero masaya ako kasi nakakausap ko siya at nililibre pa ako ng dinner. Ang iba kasing boarder eh, come and go lang na parang tulugan lang ang bahay. Ako nga lang ata ang tambay sa boarding house eh.

Umiikot ang buhay ko sa gising, kain, ligo, nood TV, internet tapos tulog hanggang sa nagparamdam sa akin si Cloud.


Ulap

Hi Ianne, Would you mind if I invite you for a date—I mean, for a bonding session with me? I won't bite, yakusoku da yo. ;)


Isa pa itong nosebleed. . . Wala rin akong tiwala sa Japanese niya at ang landi ng wink pero wala eh, wala akong magawa sa BH o boarding house for long kaya pumayag ako. Nang dumating siya sa tapat ng BH, nakakotse pa. Napansin ko ring nagtitinginan ang ilang kapitbahay namin.

"Wow, so ito na pala bago ang mong bahay," sabi niya habang pinagmamasdan ang BH.

"Hindi. Hindi 'yan. 'Yung sa kabila."

Ngumisi lang siya at hinatak na ako sa kotse.

Sa SM ako dinala ni Cloud para mag-window shopping, magkwentuhan at kumain. Nako-conscious lang ako sa dami ng mga nakatingin sa aming mga babae na ngiting-ngiti kay Cloud.

Ano ba, akala ba nila nagco-cosplay itong si Cloud?

"Sa Japan, every Saturday kami nagka-karaoke ng mga kaibigan ko," trivia for the day niya habang naglalakad kami papunta sa karaoke something. "Minsan ginagamit din namin ang karaoke for. . ."

"For?"

Nginitian niya lang niya ako at hinatak na ako papasok sa isang room ng karaoke thingy.

"You want to sing?"

Umiling ako dahil naaalala ko ang sinabi sa akin ng tatlong itlog. Para maligtas ang mankind, 'wag na raw ako kumanta. Nang kumanta si Cloud, napatango ako dahil na-realize ko na ang katotohanan.

No one is perfect. Mabuti na lang gwapo si Cloud. Sana lang hindi pa gumuho ang mundo, please?

Naupo lang kami sa sofa habang nagpapahinga siya. Three songs na kasi ang kinakanta niya.

"May nakalimutan ka. . ."

"Ha?" pagtataka ko. "Ano?"

Ngumiti si Cloud. Badtrip, bakit ang pogi ng lalaking 'to?

"Birthday ko."

Nag-sink in ang lahat sa akin. Kaya pala sobrang sigla niya ngayong araw. Birthday nga pala niya.

"Hala, paano 'yan, wala akong regalo."

Natigilan ako nang mapunta na kami sa senaryong palapit siya nang palapit habang palayo ako nang palayo hanggang sa mauntog ako sa pader.

Natawa siya at nasaktan ako. Ang sakit ng ulo ko. Paksyet.

Hinatak niya ako at niyakap. Pumasok kaagad sa utak ko si Nate kaya gusto ko na kumawala pero hindi ko magawa. Nanghihina ako.

"Kahit ito lang regalo mo," bulong niya. "I'm okay with this."

Kung pwedeng sumabog ang puso, marahil ay may bomb threat na rito sa mall. Nagtagal kaming nakayakap lang siya sa akin habang naririnig ko ang tibok ng puso niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top