17-B [ fragmented glass ]


"P-Pero. . ."

Tulo nang tulo ang luha ni Mama. "Mag-aaral ka nang mabuti. Pangako?"

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Kung panaginip lang 'to, please, gisingin n'yo na ako at papasok pa akong school.

Ang kaso, hindi panaginip. Totoo lahat. Ang sakit. At ayaw ko pang pumasok ng school.


SINUBUKAN kong maging masaya nang niyaya ako ni Nate na gumala. Ang aga niyang nagpunta sa bahay para mag-date kami buong araw.

Hindi ko sinabi sa kanya ang nangyayari dahil ayaw kong maging emosyonal. Siguro mamaya na lang. By next week, lilipat na ako sa boarding house ni Tita Joey. By next week, aalis sina Mama at Papa papuntang probinsiya. By next week, sa dorm muna si Kuya. By next week, mag-isa muna ako.

Buti na lang kasama ko si Nate dahil kung hindi, mamamatay na ako.

Nagsimula kami sa Mcdo at kumain. Inorder ni Nate ang usual order ko tuwing nasa Mcdo kami—spaghetti + medium fries + coke float + oreo hot fugde layered twist—samantalang siya naman, inorder din ang favorite niya—crispy chicken fillet + large fries + coke float + vanilla sundae + mcflurry.

Hindi kami gutom, promise.

Naubos ko na ang spaghetti at fries ko pero hindi pa rin nagagalaw ni Nate ang pagkain niya. At nakatitig siya sa akin.

"Bakit?"

Ngumiti siya sa akin. Napansin kong parang wala siyang masyadong tulog dahil sa pangingitim ng eyebags. Kadiri. Naging maleta na. "Wala, gusto lang kitang tingnan."

"Malusaw ako ah."

"'Yun na nga eh, gustong-gusto na kitang lusawin."

Binatukan ko siya kaya tumawa siya. Ako lang ba 'to o parang pumapayat siya? Sisimulan ko na sana ulit ang kumain nang mapansin kong ayaw talaga niyang kumain.

"Ayaw mo ba n'yan?" Tinuro ko ang pagkain niya. "Ako na lang kakain."

Concerned ako, okay? Sayang ang pera. Dapat hindi nagsasayang ng pagkain. Maraming nagugutom. It's a free country. Mabuhay Pilipinas!

Kukunin ko na sana ang fries niya nang paluin niya ang kamay ko. Kumain na rin siya at dun lang parang naging at ease ang feeling. Nagpatuloy kami sa pagkain at daldalan. Mga four hours kaming nagkwentuhan at naglokohan hanggang sa nagparinig na 'yung manager na ang dami raw tambay kaya umalis na kami.

Buong magdamag kaming nagkulitan at kung saan-saan nagpunta. Nakakatuwa kasi matagal na rin kaming hindi nagkukulitan dahil sa dami ng nangyaring problema.

Sana ganito na lang lagi. Masaya lang. Walang pinoproblema.

Buntonghininga.

Nang gumagabi na, nag-stay kami sa isang bench malapit sa fountain ng mall. Tahimik lang kaming dalawa habang magkahawak ang kamay. Ang bilis nga ng tibok ng puso ko kasi ngayon lang kami naging ganito katahimik ni Nate.

Hinalikan niya ang kamay ko kaya kinilabutan ako.

"Alam mo bang crush na crush kita dati?"

Nagtaka ako sa confession niya. Diretso lang ang tingin niya sa fountain habang nakangiti.

"Nung bagong lipat ka sa school, grade five tayo. Ang cute mo nun. Iyakin ka pa." Natatawa siya. Naku po, nagre-reminisce si Koya. "Naalala mo ba nung kinuha ni Jek 'yung bracelet mo?"

"'Yung may pangalan ko?" nanlalaki ang mga mata kong sabi. "Oo. Bully 'yun eh."

Lumawak ang ngiti ni Nate. "Inutos ko 'yun. Nasa akin 'yung bracelet hanggang ngayon."

"Ibalik mo sa akin, magnanakaw kayo."

"Ayaw," natatawa niyang sabi. "Tapos nung first year, nagulat ako. Gumanda ka. Nakakagulat talaga." Tumawa siya.

"Anong point mo?"

Ngumiti siya sa akin nang sincere. "Nagulat ako kasi maganda ka na eh, sumobra ka na sa ganda. Quota ka na."

Napangiti ako. Okay, good enough.

"Tuwang-tuwa ako nung second year. Nagkausap kasi tayo, naaalala mo? Kahit sinungitan mo ako, sobrang kilig pa rin ako. Medyo naging gay ako pagkatapos," sabi niya sabay tawa.

Natatawa na rin ako.

"Tapos pagdating ng third year, ang saya ko kasi magkaklase tayo. Alam mo bang ako ang pinakamasayang lalaki nung first day nung nakita kita sa classroom?"

Magsasalita pa lang sana ako, pinigilan na niya ako.

"Hindi mo alam 'yun kasi tae ka, ini-snob mo kagwapuhan ko."

Sabay kaming natawa sa sinabi niya. Tumayo na kami at naglakad. Madilim na at napansin kong puno ng mga lover ang parte ng mall na 'to.

"Naalala ko," natatawa niyang sabi, "okay na akong mahatid kita pauwi gamit ang mga mata ko."

"Ha? Anong hatid?"

Ngumiti lang siya nang may kahulugan pero hindi niya ako sinagot. "Tapos sobrang tuwa ko nung nahahatid na kita mismo sa tapat ng gate ninyo. Kasama ako. Magkatabi tayo. Holding hands pa."

Natawa ako kasi hindi ko akalaing may hidden desire siya sa akin since grade five pero kinabahan din dahil anong meron? Bakit may ganitong usapan?

"Iiwan mo ba ako?"

Napatigil kami sa paglalakad. Bumigat ang puso ko nang magseryoso siya ng mukha.

Isipin ko pa lang na iiwan niya ako, gumigiba na ang mundo ko.

Ngumiti siya sa akin pero alam kong hindi masaya ang mangyayari. "Nasa puso natin ang isa't isa. Bakit mo natanong?"

"Weh? Kay Lemaris nga eh."

Natigilan siya at nawala ang ngiti. "Si Cloud naman talaga 'yung tumawag, eh."

"Si Cloud din ba 'yung nahimatay sa labas ng simbahan?"

Ngumiwi siya at napakamot ng batok. Natawa ako nang k-in-iss niya ako sa cheeks. "Sorry na po."

NAGPARA siya ng taxi at ibinulong sa driver kung saan kami. Mukhang wala ata siyang balak umuwi. Nagtataka lang ako dahil nawawala na ang mga building at hindi na ako pamilyar sa paligid.

Saan niya ako dadalhin? Mga bata pa kami. Marami pa akong pangarap sa buhay (kasama naman siya pero. . . ) hindi pa ako handa. Bata pa kami at madi-disappoint sa akin sina Mama kapag nangyari 'yun.

Emergehd.

Exciting!

Joke.

"Nate, mga bata pa tayo."

"Ha? Ano?" Nagkatinginan kaming dalawa hanggang sa matawa siya at inakbayan ako. "Adik. Anong pinag-iisip mo?"

Ay, hindi ba? Sayang.

Nagtaka ako nang makalabas na kami ng taxi dahil nasa airport kami.

"May susunduin ba tayo?"

Hindi niya ako pinansin at dumiretso lang kami papasok. Hinarangan kami pero may pinakita si Nate kaya nakapasok din kami. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad. Hawak lang niya ang kamay ko at diretso lang ang tingin niya.

"Nate." Tumigil ako sa paglalakad. "Ano bang gagawin natin dito?"

Humarap siya sa akin at niyakap ako. Kahit hindi ko alam ang nangyayari, automatic na tumulo ang luha ko.

"Ianne. . ."

"A-Ano 'to?"

"'Wag kang umiyak."

Napakagat ako ng labi dahil nage-gets ko na ang pinagsasasabi niya. Na-gets ko na ang tulala mode niya kanina. Nage-gets ko na ang flashback moments niya.

Pero bakit? Anong meron?

"A-Aalis ka ba?"

Ibinaon niya ang mukha niya sa balikat ko at bumagsak ang buong mundo ko sa sunod niyang sinabi. "Mamimiss kita."

"Weh?"

Natawa siya sa reaksyon ko habang pinupunasan ang luha sa mukha ko. Nakangiti siya pero kita ko ang pamumula ng mga mata niya. It's either nag-aadik siya o naluluha.

"'Wag ka ngang umiyak," bulong niya. "Baka hindi ko kayaning umalis n'yan, eh."

"Mas okay 'yun. 'wag ka na umalis."

"Hindi pwede."

Sinuntok ko siya nang mahina sa dibdib. "Tae ka, bakit mo ako iiwan?"

"Isang buwan lang." Hinawi niya ang bangs ko. "Ikaw naman. Katawan ko lang ang aalis. Maiiwan dito ang puso ko."

"Aanhin ko ang puso mo? Katawan mo lang gusto ko eh."

Binatukan niya ako habang tumatawa. Akala ko hindi ko na mapapansin ang pangungulila kina Mama at Papa dahil kay Nate pero iiwan din pala ako ng mokong na 'to.

"Tama na. Please?"

"Letse ka. Ako pa naghatid sa'yo sa airport." Pinilit kong tumawa pero tuloy lang ang luha ko. "Paano ako makakauwi? Napaka-gentleman mo talaga."

Natawa siya sa sinabi ko. Sa sobrang tawa nga eh, ang OA na niya. Sa totoo lang, ang abnormal na namin dahil iyak-tawa ang nangyayari; lalo na ako.

"Ihahatid ka ng driver ko."

"May driver kayo?"

"Kailan pa ako naging driver ninyo?"

Napalingon ako nang marinig ang boses ni Cloud. Nakangiti siyang papalapit sa amin pero binalik ko rin agad ang tingin kay Nate.

"Ouch, they ignored me," komento ni Cloud.

Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik sa moment namin ni Nate.

"Babalik ka talaga?"

"Isang buwan."

"Promise?"

"Promise."

Niyakap ko siya ulit. Nilanghap ko ang bango niya para hindi ko siya mamiss kaagad. Isang buwang bakasyon na wala si Nate at mag-isa ako sa boarding house? Hindi kaya mabaliw ako?

"Papa Nate wait for meeee~"

Napalingon kami sa direksyon ni Humi at napangiwi nang makitang tumatakbo siya papunta sa amin. Nang madaanan niya si Cloud, humalik muna siya sa cheeks ni Cloud. "Ohai, Papa Cloud!"

Mabilis din namang kumyabit si Humi kay Nate na parang Koala Bear. "I'll come with you, Papa Nate!"

"Humi," natatawang sabi ni Nate habang inaalis ang galamay ni Humi sa katawan niya, "Magpapakabait ka, ah? 'Wag mo halayin ang pinsan ko."

Lumingon si Humi at pinagmasdan ang buong pagkatao ni Cloud. Ibinalik niya ang tingin kay Nate at sumimangot. "I can't promise."

Natawa kami ni Cloud.

Hinawakan ni Humi ang magkabilang pisngi ni Nate at kahit sobrang lapit nila sa isa't isa, hindi ako makaramdam ng selos. Ang light kasi ng aura ni Humi.

"Babalik ka ba, Papa Nate?"

Ngumiti si Nate. "Oo naman."

Natawa ako nang magmukhang isda si Nate sa pag-ipit ni Humi ng pisngi niya.

"Promise?"

Teka, pamilyar 'yang linyang 'yan?

"Prah-mish."

So may dramatic scene rin sila? Um-extra na ako. Ayaw pa sana paawat ni Humi pero ginamit ko si Cloud para pangsuhol. Kumagat naman kaagad at kay Cloud na kumyabit.

"Nagseselos ba si Girlfriend?" nakangiting tanong ni Nate.

"Hindi ako nagseselos. Pumapatay ako."

Natawa siya sa sinabi ko at k-in-iss ako sa noo. "I."

"Hmmm?"

Hindi na niya ako pinatapos nang i-kiss niya ako sa right cheek. "Less."

"Than." Tapos sa left cheek.

Yumuko siya at hinalikan ako sa ilong. "Three."

Naghintay ako ng "You" or "U" pero ngumiti lang siya sa akin. Anong hinihintay niya? Pasko? Nagkatitigan lang kami. Nasaan na? Nasaan na ang sunod?

Nagulat kaming lahat nang magsalita ang parang announcer. Hindi ko alam tawag, basta 'yun.

"FLIGHT CHUVA ECKLAVOO CHURVALOO CHENES. I REPEAT FLIGHT CHUVA ECKLAVOO CHURVALOO CHENES PLEASE PROCEED TO CHORVA. Thank you."

"Nagtatawag na," bulong ni Nate.

Bumagsak ang puso ko sa sinabi niya.

Inakbayan ako ni Nate at niyakap gamit ang isang braso. Tumingin siya kay Cloud.

"Ikaw muna ang bahala kay Ianne," bilin ni Nate. "Off-limits, ah? Girlfriend ko siya at magpinsan tayo. Patay ka talaga sa akin kapag. . ."

Lumapit si Cloud at nag-man hug silang dalawa ni Nate. "Oo na. I'll miss you too, Bro."

Naglayo sila at nagkatinginan ulit kami ni Nate. Naghihintay pa rin ako. Nasaan ba ang "U"? Kainis.

"FLIGHT CHUVA ECKLAVOO CHURVALOO CHENES. I REPEAT FLIGHT CHUVA ECKLAVOO CHURVALOO CHENES PLEASE PROCEED TO CHORVA. Thank you."

"Killjoy talaga," komento niya. Niyakap niya ulit ako at hinalikan sa bunbunan.

Papaalis na siya. . . wala pa rin ang "U" ko.

Hindi na ako nag-isip pa. Tumingkayad ako at hinalikan siya sa labi. Napansin kong napangiti siya sa ginawa ko at bumulong sa tainga ko. "You."

Napangiti ako. Hinihintay lang pala niya ako. Nagpaalam na ulit siya kaya naluha na ulit ako. Nag-behave na rin si Humi hanggang sa tumalikod na si Nate at naglakad palayo.

Habang palayo siya nang palayo, pakiramdam ko unti-unti akong nilalayuan ng puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top