16 [ paper soulmates ]


"ALAM ko ang kapalaran ko."

Hinila ako patayo ni Nate. Nagulat ako sa reaksyon niya dahil hindi naman siya ganito kaseryoso. Akala ko matutuwa siya pero base sa mukha niya, naiinis siya, mukhang galit at parang kinakabahan?

Pero bakit?

Palabas na kami ni Nate ng tent pero natigilan kami nang magsalita 'yung babae.

"Hindi lahat, tinatakasan."

Nilingon ko ang babaeng nakatingin sa amin. Pinilit akong hilahin palabas ni Nate pero parang nahihipnotismo ako sa mga sinsasabi niya.

"Tumakbo ka. Lumayo ka. Magtago ka. Wala itong saysay. Ang bawat butil na pumapatak ay oras na nalalagas. Desisyon. Magbabago ang lahat. Ang magandang daloy ay gugulo at magsasara. Ikaw ang dahilan. Ikaw ang may sala. Iibahin mo. . ."

Humigpit ang hawak ni Nate sa kamay ko. Kitang-kita ko ang takot niya sa babae. Kahit ako, kinikilabutan na lalo na sa huling sinabi ng babae.

". . . ang kahulugan."

Hinila ako palabas ni Nate ng tent. Nakangiti pa sa amin 'yung batang nagbabantay. Nagbigay ng pera si Nate sa bata. "Ito, one hundred. Pampagaling dun sa nababaliw na babae sa loob."

"Pero, Kuya. . ."

Kumuha pa siya ng pera. "Tulong ko na sa pagpapagamot niya." At ibinigay ulit sa first year.

Nagkatinginan kami ni Nate saglit bago niya ako niyakap gamit ang isang braso. "'Wag kang maniniwala sa mga hula, ah? Kalokohan talaga."

For a moment, nakaramdam ako ng takot.

Nagsaya na lang ulit kami ni Nate pero parang may iniisip siyang malalim. Hindi ko na lang din pinansin siguro kasi weird talaga ang sinabi sa amin ng manghuhula.

Dahil hindi kami pwede sa classroom, tambay kami sa grounds. May dalang banig ang kaklase namin kaya may tambayan kami. Tulog ang iba pero kaming mga gising, pinatulan na ang lahat ng laro: pick-up stick, uno, killer-killer, hanggang sa mapunta sa tong-its, lucky nine at nagsugalan na ang mga kaklase ko.

Pagkauwi, nagtaka ako nang makita kong nakatayo sa labas ng bahay si Kuya.

"Bakit nandito ka? Ayaw mo pu—"

"Shhh!" Hinatak ako ni Kuya.

Tiningnan ko siya nang masama hanggang sa nakarinig ako ng sigawan sa loob ng bahay. Kinakabahan akong tumingin kay Kuya, naghihintay ng sagot.

"Nag-aaway sila."

Hindi ko alam kung bakit ako natakot. Grabe kasi ang sigawan. Rinig na rinig sa kinatatayuan namin sa labas.

"Bakit sila nag-aaway?" tanong ko. Umupo kami sa three-step stairs sa pintuan ng bahay.

"Malay ko. Kararating ko lang eh."

Wala talaga akong nakukuhang matino sa Kuya kong 'to. Nakinig lang kami sa mga sigawang hindi tumitigil. Malabo pero gets na galit sina Mama't Papa sa isa't isa. Sa buong buhay ko, ngayon lang nagsigawan nang ganito mga magulang ko.

"Wala ba tayong gagawin?" tanong ko.

Bumuntong-hininga si Kuya at tumayo. "Tara, pasok."

Pagpasok namin, natigilan sina Mama at Papa at tumayo nang maayos. Nagkatinginan kaming apat.

"Bakit ka umuwi?" tanong ni Papa kay Kuya.

"Kumain na ba kayo?" tanong ni Mama. "Magluluto lang ako, kain na tayo mamaya."

Huminahon pareho ang boses nila na parang hindi sila nagsigawan. Pareho pang nakangiti. Creepy.

Nagkatinginan kami ni Kuya at sa hindi malamang kadahilanan, napangiti kami sa isa't isa. Lalong creepy.


HINDI ko na lang ininda kung ano man ang nangyari kanila Mama at Papa dahil parang natural lang 'yun. Pagpasok ko sa school, nakangiting binati ako ni Ate Alie.

"Uy Ianne," kaway niya habang palapit sa akin. May hawak siyang pink box. Napansin kong may mga kasama siyang kapwa seniors na may hawak na pink at blue box. "Bunot ka rito, oh."

"Ano 'yan?" pagtataka ko.

"Paper for Soulmates," sabi ni ate Alie.

"Soulmate? Naniniwala ka sa ganun, Ate?"

Natawa si Ate Alie at hinatak ako palayo sa mga kapwa niya fourth years. Nawala ang ngiti niya at sumimangot. "Dali na, bumunot ka na lang."

Nagulat ako nang hawakan ni Ate Alie ang kamay ko sabay pinabunot sa box. Forced picking of paper! Child abuse! Illegal child labor!

Natawa siya nang kumuha na ako ng papel.

Sapilitan ito. I feel so used and damaged and violated.

"Mamaya, may activity. Hindi ako naniniwala sa kalokohang soulmates pero masayang activity 'to."

Kinilabutan ako sa narinig ko. Masayang activity? The last time na sinabi niyang masayang activity ay nung Foundation Day rin at may binigay siyang bola sa akin dahil masaya raw ang laro.

Nagulat na lang ako nang natulak ako dahil hinahabol pala ang bolang 'yun. Tawa nang tawa si Ate Alie sa akin at sinabing, "Sabi sa'yo eh. Ang saya ng activity, 'no?"

One word to describe Ate Alie? Sadista. Lalo na sa akin. May hidden galit ata at gustong-gusto akong nahihirapan.

Lumingon muna ako sa paligid at mukhang walang hahabol o tutulak sa akin. Bumunot ako ng papel tsaka niya ako pinalo nang sobrang lakas sa likod. Akala ko masusuka ko na spinal cord ko.

"Salamat sa pagbunot!"

Napangiwi na lang ako. Ouch. Ang sakit ng likod ko.

Soulmates. Hmmm, exciting. Disappointed lang ako dahil expected kong si Nate ang may chance na makabunot ng half ng akin pero mukhang hindi siya pumasok. Napilitan tuloy akong sumama kay Ellaine na nagpapaka-fangirl habang hinahanap si Emotionless.

"Nasaan na ba 'yun?"

Hindi ko alam pero napapa-facepalm talaga ako rito kay Ellaine.

"Hindi siya masagap ng Art-radar ko!"

"Art-radar?"

"Alam mo Ianne, kapag may connection kayo, malalaman ninyo kung nasaan ang isa't isa. Parang soulmates! Red string of fate! Destiny! Kiligs!"

Napakamot ako ng noo sa narinig ko. 'Yung tataa? Anong nahithit ng babaeng 'to? Mas malala pa ata siya kay Humi na obsess kay Emotionless Guy slash Nate slash Cloud slash poging nakakasalamuha.

"Nasaan na ba sina Papa Art at Papa Nate?"

Napalingon ako sa gitna ng grounds at nakita si Humi na parang naghahanap. Suot pa rin niya ang headband niyang may malaking ribbon habang hawak ang dalawang pulang lobo. Napa-facepalm ako nang makitang may chibi face nina Emotionless Guy at Nate sa lobo.

"Huhuhuhu! Wer ar yu?"

Okay, binabawi ko na ang sinabi ko. Mas malala si Humi. Walang kupas.

Matapos ang pagsasayang ng ilang oras, nag-announce ang isang fourth year sa Dedication Booth. "Announcement. Para po sa mga may papel para sa soulmates, kindly look for the room assigned to you. Malalaman n'yo pong room n'yo 'yun kapag nakita n'yo ang kabuuan ng symbol sa pinto. Thank you."

Nakarinig ako ng napakaraming sigawan at tilian sa iba't-ibang parte ng ground.

"Ano 'yun?" tanong ni Ellaine.

Pinakita ko sa kanya ang papel ko at nanlaki ang mga mata niya. "OMG, bakit may papel ka tapos ako wala?"

"Sa'yo na lang."

"Bakit binibigay mo sa akin?"

"Wala kasi si Nate."

Humiga ako sa banig na dala ng isa naming kaklase para pwedeng tambayan. Nanahimik ako at pumikit para pakiramdaman ang peacefulness nang may tumulak sa mukha ko.

"ARAY!"

Napadilat ako at napahimas ng ilong ko.

Nakataas-kilay si Ellaine na nakatingin sa akin. "Alam mo bang masama ang manulak ng mukha? Pango na nga, itutulak mo pa paurong."

Hinila ako ni Ellaine paupo. Hinawakan niya ang kamay ko at binigay ang papel. "Sa'yo yan. Soulmate mo 'yan, hindi akin."

Tinulak niya ako palayo. Fine. Ito na nga.

Fourth floor ko pa nakita ang kabuuan ng symbol ng akin. May dalawang fourth years na nasa may platform; babaeng may hawak na papel at lalaking may hawak na camera. Ipinakilala nila ang mga sarili nila as Jerika at Onat. Nakangiti sila sa akin pero napansin kong pilit ang ngiti nila. Tumingin sila sa kanan kaya napatingin din ako.

Nagulat ako nang makitang may nakaupo sa isang upuan at nakatingin sa akin with his poker face. Anong ginagawa niya rito? 'Wag mo sabihing nakikisali siya sa ganitong kakornihan?

"B-Bakit ka nandito?"

"Pagdating kasi namin, nandito na siya," sabi ni Ate Jerika.

Nagsalita si Kuya Onat. "Ayaw niya umalis eh."

Nilapitan ko si Emotionless Guy at tumingin nang masama sa kanya. "May activity dito, bakit nandito ka?"

Hindi siya nagsalita. At ang bastos pa dahil yumuko siya at nagkunwaring tulog. Humarap ako sa dalawang fourth years.

"Ano po ba ang activity?" tanong ko.

"Uhm, magsasayaw ang mag-soulmates tapos pi-picture-an." Tinuro ni Ate Jerika si Kuya Onat. "Bale ang may best picture, may premyo."

"Magkano?"

Nagulat ako nang magsalita si Emotionless Guy. Mukha talagang pera. Pagtingin ko kay Ate, ngiting-ngiti siya. Mukhang kinilig.

"Two thousand ang grand prize."

Dahil lang sa best picture?

"Wah!" Nagulat ako nang tumayo si Emotionless Guy at hinawakan ako sa beywang. Kinabahan ako dahil sobrang lapit namin sa isa't isa.

Watdahek?!

Hinawakan niya ang kamay ko at ipinatong sa magkabilang balikat niya. Sobrang kinakabahan na ako sa pinaggagawa niya. Nanginginig pa ako at nanlalamig.

"A-Ano ba?"

Hindi niya ako pinansin. Nanlaki ang mga mata ko nang pinilit niya akong mag-sway. Tapos nagkatugtog. Biglang may flash.

"Teka, 'wag." Tinakpan ko ang mukha ko dahil nakatapat sa amin 'yung camera.

"Ngumiti ka na lang," sabi ni Emotionles Guy.

"Ikaw nga 'tong hindi ngumingiti eh," reklamo ko.

Hindi siya nagpaawat. Nag-sway lang kami. At ano, dahil sa pera kaya niya ginagawa 'to? Plus, hindi siya kasama sa activity tapos makikisali siya sa grand prize?

"'Wag mo nga akong gamitin para sa pera."

Natulak ko siya nang napatigil siya. Natakot ako nang sumama ang tingin niya sa akin at unti-unti akong nakaramdam ng konsensya. Foul ka na, Ianne.

Pagkalabas niya ng classroom, nagkomento si Kuya Onat. "Sayang 'yun, ang cute n'yo pa naman tingnan."

Kailangan ko kayang mag-sorry? Bahala siya, hindi ko siya kaano-ano. At tsaka hindi ko pa rin nakakalimutang kinuha niya ang napamaskuhan ko.

Pero tinulungan din niya ako sa competition.

Pero ginagamit niya ako sa pera.

Pero parang nasaktan ko siya sa sinabi ko.

Pero!!!

Why is life so complicated?

Binigay ko na ang papel ko nang mapansin kong hawak ni Ate Jerika ang papel na may kalahati nung symbol ng akin.

"Teka, bakit nasa inyo 'yan?" pagtataka ko. Hindi sa curious ako pero akala ko ba find your soulmate ang peg? Bakit nasa kanila?

"Ah kasi ayaw umalis ni Art kaya pinabunot na lang din namin siya. Tapos eto." Pinaglapit niya ang papel na binigay ko at ang hawak niya kaya lalo akong kinabahan at kinilabutan. "Soulmates kayo. Cute, 'no?"

What? 

Erase, erase.


PAGKAPASOK ko the next day, hinila ako ni Ellaine papuntang Freedom Board: isang malaking chalk board sa tagong part ng fifth floor na hindi pinapakialaman ng mga teacher.

May mga estudyanteng kinikilig nang makarating kami ng fifth floor. Ang sama ng tingin sa akin ng ilang babae. Nagtaka ako, syempre. Sa ganda kong 'to, bakit sila ganyan makatingin?

Nagulantang lang ako nang pagkalapit namin, naka-Valentine's design ang buong Freedom Board. Paanong--? Huh? What?

"Explain mo nga 'yan, Ianne." Hindi ko malaman kung naiinis ba sa akin si Ellaine o hindi pero kahit ako, hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. "Dapat pala hindi ko binalik 'yung papel sa'yo!"

"Congratulations for winning," sabi ni Ate Jerika sa akin.

Ano bang nasa Freedom Board? Isang picture. Maganda ang pagkakakuha. Maganda ang pagkaka-edit. Pero anong nakakaloko? Ako 'yung babae. . . gulat ang itsura. . . habang ang lalaki? Si Emotionless Guy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top