14 [ cloudy feelings ]


NAPAATRAS ako dahil pumapasok si Cloud sa loob ng cubicle. Tinulak ko siya pero palapit siya nang palapit hanggang sa napaupo na ako sa inidoro.

Nakangisi siya hanggang sa ilang inches na lang ang layo namin sa isa't isa. Yuyuko sana ako nang hawakan niya ang baba ko at pinantay ang paningin naming dalawa. Natatakot talaga ako sa lalaking 'to.

"A-Ano ba, Cloud," nanlalaki ang mga mata ko. "Anong ginagawa mo? Bakit ka nandito sa girl's CR?"

Napapikit ako nang lumapit pa siya lalo at bumulong ng, "Congrats, Maiden."

Napadilat ako sa sinabi niya. Lumabas na siya ng cubicle habang nakangiti. Nakatingin lang ako sa kanya dahil kinakabahan pa rin ako sa pagpasok niya sa cubicle.

Ngumiti siya sa akin. "Let's celebrate."

Hindi pa ako nakaka-react, hinatak na niya ako at tumakbo.

"B-Bakit tayo tumatakbo?" tanong ko.

"Nagmamadali."

Huh? Bakit nagmamadali? Bakit parang may gusto siyang iwasan? Pero napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin.

Mali 'to. Ianne. . . mali 'tong ginagawa mo.

Pero hindi ako ang humahawak sa kanya. Siya ang humahawak sa akin. At in fairness, ang lambot ng kamay niya.

Pinigilan ko siya. Hinihingal na rin ako. "Teka. 'Yung mga gamit ko!"

Nagkamot pa siya ng ulo at hinila ako papasok ng auditorium. For some odd reason, sobrang bilis niyang kinuha ang mga gamit ko. Sobrang nagmamadali. Parang hinahabol. Parang may time limit.

Hindi kami nakalabas agad dahil may lalaking bumukas ng pinto.

"Kuso!" pagalit na sabi ni Cloud.

Nataranta ang pagkatao ko. Nakita kong tumingin siya sa magkahawak na mga kamay namin ni Cloud. Inaalis ko ang kamay ko pero ang higpit ng kapit ni Cloud.

Kahit ayaw ko, tiningnan ko ang mukha niya. Pinagpapawisan siya na mukhang katatakbo lang. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nandito na siya. Nasa harap ko na. Dapat galit ako. Matatag. Pero nanlalambot na ang puso ko.

"Ianne."

Si Nate.

Nanlalambot ang puso ko sa boses pa lang niya. Sa pagtawag pa lang ng boses niya sa pangalan ko.

Isang taon ang pakiramdam kong lumipas habang nagkakatitigan kami. Habang tinitingnan ko ang mukha niya, dalawa ang nangunguna sa mga nararamdaman ko: galit at pagkainis.

"Lalabas kami," sabi ko.

Wala na akong pakialam kung nabunggo ko siya o kung nasasaktan ako. Blangko na rin ang utak ko sa mga nangyayari.

"Ianne. . ."

Sumikip ang dibdib ko nang marinig ang boses niya.

"'Wag kang umalis. Kailangan kita."

Badtrip. Nilingon ko siya at tinitigan sa mga mata. "Kailangan ako ni Cloud," mariin kong sabi.

Mukhang nainis siya. "Pero ako ang boyfriend mo."

Mas nainis ako. "Ako ang girlfriend mo."

Lumapit siya at hinawakan ako sa pisngi. "Ano ba Ianne. . ."

Naghahalo ang galit at lungkot sa nararamdaman ko. Sobrang init sa pakiramdam. Ang sakit sa puso.

Inalis ko ang hawak niya sa akin. "Ewan ko sa 'yo. Aalis na ako."

Lalapitan pa sana ako ni Nate pero humarang na sa amin si Cloud. "Look, Nate. . ."

"Anong 'look, Nate'?" Nagkatitigan sina Nate at Cloud. "Ikaw nagplano nito ah, anong ginagawa mo?"

Bumitaw sa akin si Cloud at hinarap si Nate. "Eh ayaw ka nga niyang makasama, can't you just respect her decision?"

"Girlfriend ko siya, Cloud."

"And so?"

Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Nate. Nanliit ang mata niyang nakatingin kay Cloud. "May gusto ka ba sa kanya?"

Ngumisi si Cloud. Napahinto ang paghinga ko nang sumagot siya ng, "Paano kung sabihin kong oo?"

"Langya ka!"

"Nate!"

Napaatras ako sa pagsuntok ni Nate kay Cloud. Napahiga si Cloud sa sahig habang ako, nakahawak lang sa bibig dahil sa gulat. Galit na galit ang mukha ni Nate. Nakakatakot.

"Kisama!" sigaw ni Cloud.

"'Wag mo akong dyina-Japanese kang Hapon ka baka gusto mong itapon kita pabalik sa Japan!"

"Koshinuke. Magni-Nihongo ako hangga't gusto ko." Nakita kong pumutok na ang ibabang labi ni Cloud.

Hinawakan ni Nate si Cloud sa kwelyo. "Pinsan kita, Cloud."

Ngumisi ulit si Cloud at tinulak si Nate. Pinunasan niya ang labi niyang may dugo. "Walang pinsan-pinsan sa babaeng sinasaktan, Nathaniel."

Nagpipigil na ako ng hininga dahil naguguluhan na ang utak ko. Wala na akong naiintindihan sa mga nangyayari pero tumingin sa akin si Nate na may lungkot sa mukha. "Ianne, s-sorry. . ."

"Too late, Man."

"C-Cloud!"

Sinuntok ni Cloud si Nate.

Gusto kong puntahan si Nate para tulungan siya pero nananaig pa rin ang sakit at galit.

Susuntukin pa sana ni Cloud si Nate pero napahinto siya nang magbukas ang pinto ng auditorium.

Tiningnan kami ni Emotionless Guy bago naglakad at dinaanan si Nate na nakahiga sa lapag. "Ang ingay n'yo," sabi niya bago bumaba ng hagdan.

"Tara na." Hinawakan ako ni Cloud sa kamay at hinila paalis.

Tiningnan ko si Nate na nakaupo habang nakasandal sa pader. Nakayuko siya at napansin kong sinuntok pa niya ang sahig.

"Cloud!" sigaw ni Nate pero hindi lumingon si Cloud. Nakayuko lang din ako. "Ang talino mo."

Pagkabaling ko ng atensyon kay Cloud, nakangiti lang siya habang naglalakad. "Wakatteru yo," mahinang bulong niya.


ANG bigat ng loob ko kahit nasa sasakyan na kami ni Cloud. Akala ko magiging okay ang lahat. Akala ko magiging masaya ako dahil dapat maging masaya tuwing Foundation Day. Walang klase. Walang Math. Walang Science. Walang assignments. Pero grabe naman 'tong nangyayari sa akin, emotional stress.

"I'm sorry this thing happened," panimula ni Cloud. "Hindi ko alam na ipagpapalit ka ni Na—"

Naiirita na ako kaya pinatigil ko siya dahil baka makapatay pa ako. O mamatay ako sa sobrang sakit ng lahat.

Nginitian ko siya. "Tara, celebrate?"

"Are you sure?" mahina niyang sabi.

"Oo." Oo kahit hindi. Oo kahit masakit pa rin.

Tahimik pa rin ako kahit nakarating na kami ng mall. Pinilit niyang maging masaya kami. Nagjo-joke pa si Cloud pero hindi mawala sa isip ko ang tingin sa akin ni Nate kanina. Hindi mawala sa isip ko 'yung suntukang naganap. 'Yung galit niya.

Pero galit din kasi ako.

"When I said I like you. . ."

Tiningnan ko siya at nginitian. "Alam ko, joke la—"

"Totoo 'yun."

Nagkatitigan kami ni Cloud. Seryoso ang mukha niya kaya kinabahan ako agad.

"I already liked you. Even before I met you in person," nakangiti niyang sabi. Sobrang amo ng ngiti. "Naranasan mo na bang magkagusto sa isang taong kinukuwento lang sa 'yo?"

"A-Ano?"

"Kinukuwento ka na sa akin for the last three years. Alam ko ang pagkakalog mo. Ang pagkaadik mo. Ang pagkaayaw mo sa Science at Math. The way you tell your jokes. Your brother who annoys you a lot. I fell in love with the stories about you. I fell in love with you." Napansin kong nawala ang ngiti niya sa labi at huminga nang malalim. "All I wanted was to celebrate my birthday with you."

"Birthday. . . mo?"

Ngumiti nang malungkot si Cloud. "Don't worry, I'm already happy that you're here with me right now. Physically, that is."

"Sorry."

Hindi ako masyadong nakapagsalita habang naglalakad kami sa mall. Nagtitingin ako kung saan-saan dahil sobrang guilty ako na gusto niya akong makasama sa birthday niya pero sabog ako.

Napangiti naman ako nang may makita ako sa isang stall na pwedeng makabawi sa effort ni Cloud na pasayahin ako.

Nagpaalam akong magsiCR at iniwan siya sa isang bookstore. Nagmadali ako sa stall at binili ang regalo ko para sa kanya. Nang magdesisyon na kaming umuwi, tahimik kami buong byahe. Sobrang kinakabahan ako nang makarating na kami sa bahay dahil hindi ko alam kung paano ko ibibigay ang regalo.

Huminga ako nang malalim bago siya hinarap at binigay ang necklace na may cute na cloud pendant.

"Hindi ko ineexpect na suotin mo 'tong necklace pero ang cute kasi, bagay sa'yo," sabi ko.

"W-What. . ."

Hindi ata siya makapaniwala sa regalo ko. Natulala siya saglit at hindi ko na alam kung anong naisip ko nang halikan ko siya sa pisngi. "Happy Birthday, Cloud."

Mabilis akong lumabas ng kotse at pumasok ng bahay. Sobrang kinakabahan ako papasok sa kwarto ko at nahiga sa kama. Habang nakatitig sa kisame, naghalo-halo na ang lahat ng nararamdaman ko.

Anong ginawa mo, Ianne? Pinsan 'yun ng boyfriend mo.

Ang bigat kasi ng loob ko. Pakiramdam ko hindi tama ang ginawa ko kay Cloud dahil kami pa ni Nate. Pero. . . sinaktan ako ni Nate. Pero. . . magpinsan sila.

Anong nangyayari sa akin?

Gulong-gulo na ako kaya sabog ako kinabukasan. Hinayaan ako ni Mama na huwag munang pumasok dahil mukhang pagod ako. Oo, pagod na pagod talaga ako.

Nagpaalam ako kay Mama na hindi na ako papasok dahil Foundation Week lang naman at walang ginagawa. Gusto ko sana makalimot sa sakit pero hindi ata ako tinitigilan ng problema dahil paglabas ko ng bahay para sana magtapon ng basura, nakakita ako ng basurang naglalakad.

Lemaris Galis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top