13-B [ demon and maiden ]
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hindi kami masyadong magkalapit pero kinakabahan ako sa presensya niya. Naglakad kami sa forest at may kung ano-ano kaming ginawa. Namitas ng prutas. Gumawa ng bonfire. Ngayon ko lang na-realize na ang landi pala ng Demon at Maiden.
"The heart saw what the eyes forbade to see. Every night, the Demon and the Maiden would spend their time with each other—telling stories, playing games and enjoying each other's company."
Ginagawa namin ang lahat ng nasa plano na para bang nag-practice din si Emotionless. Ang galing dahil kahit wala siyang emosyon, kinikilig pa rin 'yung mga tao.
"The Demon was surprised for he did not know what fun was before the Maiden came along. However, the inevitable happened. And their short-lived happiness must come to an end."
Bumalik ako sa village kung saan nakatambay ang mga kaklase kong kasama ang tatlong itlog na hindi makatingin sa akin.
Kausap ko ang kaklase ko habang nakangiti. "I met a nice man in the woods."
"A man? In the woods?"
Lumapit sa akin halos lahat ng mga kaklase ko at parang naging keen listeners ang itsura nila. May sound effects ding nakadadala ng scene.
"Yes. And we would always meet at the entrance of the forest. Share some storie—" Naputol ang sasabihin ko nung nagbulungan 'yung mga kaklase ko.
"There's no man in the woods!" sigaw ng isa. "Maiden, that was no man."
"What are you saying?" tanong ko.
Isang kaklase ko ang sumigaw. "The Demon!"
Naghiyawan ang mga kaklase ko at nagkagulo sila. Naglakad ako papunta sa higaan ko at nagpanggap na tulog. May musical pang naganap kaya kumanta at sumayaw pa sila.
"The Demon waited for the Maiden to arrive but he did not expect to see the villagers, glaring at him with torches on their hands."
Naririnig kong binabato ng mga kaklase ko ang pinto ng bahay ng Demon. Nagsisigawan din sila.
"The Maiden, who was sleeping soundly, had no idea of what was happening."
"Art, matakot ka!" narinig kong bulong ni Belle mula sa backstage.
"Leave the woods. Leave us alone. Never come back!" sigawan ng mga kaklase ko. "And don't ever come see the Maiden again!"
Nagdilim muli ang paligid. Next act na kaya mabilisan kaming nag- ayos. Nagbihis ako at nagpunta sa entrance ng forest.
"The Maiden was in delight when she heard the Demon's voice. She never thought it would be the last time she'd hear from him. "
"I'm going."
"Where?"
"Somewhere. Far."
Nanigas ang katawan ko nang hawakan niya ang kamay ko. Nasa script ito pero. . . ewan. Ang lambot ng mga kamay niya. Nakatingin siya sa akin. Blangko lang.
"Your. . . your hands." Pinakiramdam ko ang kamay niya at hinawakan ang props na kuko. I know, para akong manyak pero nasa script kaya 'to.
"I am not human, Maiden."
"Both of their hearts shattered and lay broken on the ground. The serene ambiance of their love contrasted the war of feelings inside their hearts."
"I. . ." bulong ko.
Nagsalita ulit si Ellaine. "It was the first time their skin made contact with each other. The Maiden finally felt the skin of the Demon whom she thought was a man. The sharp and long nails that could pierce a heart anytime he wanted, and fangs that could easily puncture skins within seconds. But she couldn't see the eyes of the Demon. The bloody red eyes that could be deemed frightening and yet capable of caring for someone and ultimately, to feel love. Eyes that would only look at her. Only her."
"Don't. . ." Napatigil ako sa paghinga. Namuo ang mga luha sa mata ko dahil naalala ko si Nate. Hindi. . . teka. 'Wag Ianne. ". . .leave me."
Pero, umagos ang luha ko nang magsalita si 'Demon'. "I need to."
Kailangan din kita.
Hindi na ako makapagsalita at nagulat ako sa pagbulong ko. "Nate."
Nagulat ako nang lumapit si Emotionless sa akin kaya napaatras ako. Wala kasi 'to sa script. "Farewell, Maiden."
Blangko ang expression niyang lumayo sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad siya palayo, at unti-unting nagkahiwalay ang mga kamay namin.
Umiiyak ako. Naalala ko na naman ang sakit dahil kay Nate. Pero okay lang dahil sumasakto sa scene. Pero hindi ko akalaing ganito na ako kalala. Ganito na ako kahina.
Kailangan niya ako, Ianne.
Takte Nate. Kailangan din kita, tae ka.
"The Demon walked away, leaving everything. The woods. The fun. The Maiden. And his heart."
Nagdilim ulit nang magpunta kaming lahat sa backstage. Cue ulit ito ng ilang villagers. Nagpalit na kami ng damit at tinanggal na ang bandage sa mata ko. M-in-ake-up-an kaming lahat at ang iba ay medyo pinatanda ang itsura.
Nakaupo si Emotionless sa tabi habang inaayusan. Napatingin ako sa kamay niya at nakaramdam ako ng something sa tiyan ko kaya iniwas ko ang tingin ko. Tumingin ako sa kamay ko. Bakit ganito? Parang kinukuryente.
"Ang ganda ng pag-iyak mo, Ianne," bati sa akin ni Belle.
Napangiti na lang ako.
Nagpunta ako sa Maiden's house habang nagmu-musical ang mga villager.
"Years had passed. Healers after healers, the Maiden finally had her eyes cured. She was in a state of bliss; she loved seeing the colors, faces and emotions of the people surrounding her."
Sumama ako sa musical pero hindi ako kumanta. Nagsalita lang ako nang pakanta. Alam kong hindi ako magaling kaya hindi na ako nag-push.
"But what the villagers didn't know was every night, the Maiden would go back to the woods and look for that certain someone whom she always wanted to see."
Naglakad ako papuntang entrance ng woods habang nagsasaya ang mga kaklase ko slash villagers. Nakatayo lang ako, naghihintay.
"The man whom she always wanted to see from the moment she was able to look with her eyes."
"Can you hear me?"
Kinabahan ako nang marinig ang boses niya. Nagkaroon ng background music. Naghiyawan ang mga babaeng audience.
Lumingon ako at nakita ko siyang nakaupo sa props na bato. Nakasumbrero siya at nakayuko.
"Can you see me?"
"Hala, ayan na, ayan na. Nakakakilig." narinig kong sabi ng isang audience na malapit sa kinatatayuan ko.
"Bagay sila. Ang cute nila together."
"Maiden?" Tumingin sa akin si Emotionless. Nagulat ako dahil. . . ngumiti siya.
"Finally, the Maiden saw the man who took her heart without pretentions and judgments."
"D-Demon," sabi ko.
Lumakas ang background music. Nagkatinginan lang kami nang halos half a minute bago nagdilim ang buong paligid.
"The Demon and the Maiden," pahuling sabi ni Ellaine.
Ipinakilala kami isa-isa ni Ellaine at sobrang lakas ng hiyawan dahil kay Emotionless Guy. Napangiti ako at napahinga nang malalim dahil sa wakas, tapos na rin.
Pagdating sa backstage, may napansin akong pinagkakaguluhang lalaki. Matangkad, blonde, maputi at pamilyar. Kamukha ni Cloud Strife.
"Ano bang ginawa ko at pinagpala ako ni Papa Jesus?"
Napatigil ang gulo nang sumigaw si Humi. Tumabi ang lahat nang maglakad si Humi palapit kay Cloud.
"T-teka sino ka—" Hinawakan ng ka-batch ko si Humi pero hindi siya pinansin ni Humi. Dire-diretso lang siya pumunta kay Cloud. Napansin ko ang pagngisi ni Cloud. Tsk. Playboy.
"Hi, I'm Humi," nakangiting sabi ni Humi. "I duno yer neym bet cen I kel ye mine?"
"Cloud," natatawang sabi ni Cloud.
Niyakap ni Humi ang braso ni Cloud. "Alam mo, papa. May kamukha ka."
"Sino?"
"You look like, uhm... Sino ba 'yun?" Nag-isip si Humi. "Ah! My next boyfriend." Kumindat si Humi at tumawa si Cloud. "Pwedeng pa-kiss? Kahit sa cheeks lang, please? Uy rhyming 'yun oh, dapat libre na ang kiss ko."
Teka, ako lang ba ang nawe-weirdo-han sa nagaganap? May ilang natatawa pero may ilang hindi pinapansin ang nangyayari.
"If you want to kiss me, you need to ask her first."
Nanlaki ang mga mata ko nang ituro ako ni Cloud. Lahat ng tao, nakatingin sa akin.
"Oy, teka—!"
"Hindi ba kay Papa Na—"
Nagulat ang lahat nang hinalikan ni Cloud si Humi sa cheeks.
"Hu." Nanlaki ang mata ni Humi. "Mi." Hinawakan niya ang pisnging hinalikan ni Cloud. "Gad."
Napa-facepalm na lang ako sa mga pangyayari. Minabuti ko na lang na umalis para magpalit ng damit. Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong nag-uusap sa gilid na parte ng auditorium.
"Hindi ko kinaya ang fans ni Art." Boses ni Belle?
Nagtago ako sa mga naglalakihang props at nakinig.
"Suportado talaga pero grabe magalit."
"Sorry. Tinry ko ang best ko, Bels." Si Ellaine?
"Okay lang. Atleast hindi sila nag-rally sa labas." Tumawa si Belle. Palakad na sila papunta sa kinatatayuan ko nang mapatigil sila nang makita ako. Bakit parang natakot sila?
"H-Hi, Ianne." Masyadong malawak ang ngiti ni Belle na nakakapanibago. Bakit ba parang may tinatago sila? "Alis na kami."
Anong meron sa kanila?
Hinayaan ko na lang at nagbihis na ako sa CR. Pagkalabas ko sa favorite cubicle ko, may napansin akong pamilyar na boots. Nang iangat ko ang paningin ko, nakangisi siya sa akin.
"Yo."
shoutout to zyronzester kasi the comment! i layk this kind of realization. i relate. haha. hindi na naka-dedicate dahil dedicated na sa kanya yung isang chapter :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top