13-A [ demon and maiden ]
"GOOD afternoon students, teachers, and other guests."
Sobrang busy ng mga ka-batch ko habang nakaupo lang ako at sobrang kinakabahan.
"We are here today to witness an extraordinary love from an extraordinary story."
Nagdilim ang buong paligid habang inaayos ng kaklase ko ang bandage na nakabalot sa mata ko.
"Nakakakita ka?" tanong sa akin.
Tumango ako.
"Dun ka na sa spot mo."
Kinakabahan akong tumayo. Tumingin ako sa gilid kung saan inaayusan pa rin ang bagong demon na si Emotionless.
Paksyet ka Nate. . . pero the show must go on.
Pumasok ako sa entrance ng woods na ginawa ng mga ka-batch ko. Ginawa nilang isang malaking playground ang auditorium. Nasa gitna ang mga nanonood at nakaupo sa lapag habang nakapalibot ang buong set sa kanila.
Pabilog ang set-up kaya na-amaze ako. Dugtong ang lahat mula sa Maiden's house, mahabang set para sa village, entrance ng forest, forest at Demon's house na katabi ng Maiden's house.
Ang magical ng paligid dahil sa mga background na painting at sa colorful na designs at props.
"There are a lot of things that come in our minds when we talk about love." Napunta ang spotlight kay Ellaine na narrator.
Nagsayawan at kantahan ang mga kaklase ko sa village dahil musical munang normal at nagsasaya ang mga villager.
"In this story, we will tackle about a love so pure. A love without any pretentions, without a hint of judgment. A love that will never ask for anything in return. This story will show us an example of pure love that can give us a reason to believe that love moves in mysterious ways."
Nagsimulang magpalakpakan ang mga tao.
"The Third Years present to you, The Demon and the Maiden."
Lalong lumakas ang pagtugtog ng mga kaklase ko.
"A thousand years ago, a young man lived in the heart of the forest. This young man isolated himself from the others, knowing that his mere existence brought fear to the people. No one dared to look past through his features. For the villagers, he was considered dangerous. No one wanted to get too close to him for he was. . .the Demon."
Napansin ko ang pagbubukas ng spotlight sa loob ng Demon's house.
Ang daming nagsigawang babae. Tumitili. Ang ingay.
"It was almost dawn. The colors of orange, pink and blue kissed the villagers' skins as it enveloped the night sky. They were singing happily without knowing that a maiden, who has been blind for years, got lost in the woods."
Ako na. Tumutok ang spotlight sa akin at may narinig akong isang sigaw.
"Go Ianne! Ang ganda mo!"
Nandito si Cloud. Buti pa siya, hindi ako iniwan.
Nakasisilaw pala ang spotlight. Nanginginig ang buong katawan kong naglakad sa forest. Nagkunwaring bulag. Gusto ko na lang mahiga rito sa sobrang kahihiyan.
Huminto ako sa pintuan ng bahay ng Demon.
"She had no idea on what's going to happen next. She was lost. With no knowledge of her whereabouts, the Maiden continued her blind search until she felt that there was a place to stay nearby."
Kinapa ko ang pinto kahit nakikita ko, at nagsimulang magsalita. "H-hello, anybody here?"
Binuksan ni 'Demon' ang pinto.
Sumigaw ulit ang mga babae sa kilig. Gusto ko naman matawa dahil sobrang straight face niya.
"Art, magulat ka," narinig kong bulong ni Belle from somewhere.
Tiningnan ko ang lalaking nasa harapan ko para makita ang 'magulat ka' emotion pero wala pa rin. Poker face pa rin.
"The Demon was surprised to see the Maiden in front of his haven in the dark heart of the forest. Nevertheless, he smiled. . ." Tumigil si Ellaine.
Natamik ang lahat ng tao. Naghintay kami pero wala. Walang ngiting naganap.
". . . Err—and let the ano, the Maiden in."
"Come in," diretsong sabi ni Emotionless.
Hindi niya ako inalalayan makapasok kahit nasa script 'yun. Ewan ko na. . . wasak na talaga itong play namin.
"You're my soulmate, Art! I love you!"
"Art, expression. Expression," bulong ni Belle pero parang hindi nakikinig sa kanya 'tong lalaking nasa harapan ko. Medyo nadi-distract pa ako sa mga sigawan mula sa mga babae.
"Aaahhh! Pakasalan mo na ako, Demon. Papakagat ako sa'yo, promise!" Isang pamilyar na boses ng babae ang narinig ko.
"Demon siya, hindi bampira!" sigaw pa ng isa.
"Hoy, Humi, bakit nandito ka?" sabi ng isang babae.
Hindi man ako nakatingin, may napansin akong isang babaeng napatayo at napatakbo.
"Why are you here?"
Napunta kay Emotionless ang atensyon ko. Hala, nadi-distract na ako.
"Habulin n'yo si Humi!"
Humi? Siya na naman?
"Uh. . ." Hindi na ako makapag-concentrate. Bakit kasi may naghahabulan sa loob ng auditorium? Nawala na ako. Hindi ko na maalala ang sasabihin ko.
"Lost?"
Napatingin ako sa kay Emotionless. Niligtas ba niya ako? "Y-yes, yes. I got lost on my way home."
"You'll never catch me~ I LOVE YOU PAPA ART!" At nakarinig ako ng pagbagsak ng pinto, at isa pa, at isa pa.
"Love at first sight?" panimula ulit ni Ellaine. "It wasn't. For the Maiden couldn't see the Demon and the Demon refused to look at the Maiden."
Binigyan ako ni 'Demon' ng soup at pinaupo sa upuan.
"Y-you are so kind."
Nanliit ang mata ko nang mapansin kong nanigas ang katawan niya sandali pero bumalik sa dati na parang walang pakialam.
"But for that night, they talked and shared stories for each other to hear. The Maiden shared the lives of the villagers. How living with the people you care for was more than enough to live one's life."
Nagkwento ako. Ito ang pinakaayaw ko sa script dahil andaming kinabisado. Nagtaka ako dahil at ease lang si Emotionless sa lines. Kanina lang niya binasa ang lines pero gets niya agad?
Ay wait. May photographic memory nga pala siya.
"Can I ask something?" sabi ko.
"Hmmm?"
'Yung totoo, bakit shino-shortcut niya lahat ng lines?
"Why are you living in the woods? By yourself? Have you no intention to interact with us?" tanong ko.
Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya. "I am someone you will most probably not wish to be with. For I am not a person. I am the. . ."
"You are a person, Mister."
Nailang ako sa titig ni Emotionless. Sobrang titig siya sa mga mata ko. Ngumiti ako dahil 'yun ang nasa script.
Pero ikinagulat ko rin ang sunod na ginawa ni Emotioless—ngumiti siya.
"Thanks."
Teka. Hindi na ito kasama sa script. Hindi dapat siya magpasalamat. Waht.
"Ang pogi mo, Art! Pa-kiss!"
"Hoy Humi, paano ka nakapasok ulit dito?"
"H—the—Demon, it was—was the first time h-he smiled." Narinig ko sa boses ni Ellaine ang pagkagulat. Wala ito sa script—pero bakit ganito nangyayari? "It was a night they would never forget for it seemed that magic filled their hearts as they spent every moment together. The Maiden couldn't see a thing but she saw the pure heart the Demon owned."
Pumunta kami ni 'Demon' sa tapat ng forest entrance. Maliwanag na ang light. Ibig sabihin, umaga na.
"It was nice to meet you, Mister. I'll come again," nakangiti kong sabi.
"No." Kinilabutan ako sa lalim ng boses niya. "You can't."
Nginitian ko siya—dahil 'yun ang nasa script—pero napansin kong parang nagulat siya sa ginawa ko.
Nawala ulit sa akin ang spotlight at nagbihis ako sa backstage. Ganun din si Emotionless. Sa villagers ang spotlight habang nag-aayos kami.
"The Maiden went home. The villagers were more than happy to see that the Maiden came back to the village. The next night, as what she said she'd do, she went to the entrance of the wood and waited for the Demon to call her."
"Maiden. . ."
Nakaupo ako sa may entrance ng woods nang lumingon ako kay Emotionless.
"Can you hear me?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top