10-A [ lemaris galis ]
"FIVE years na kaming magkakilala," pagmamayabang ni Lemaris habang kumakain ng dinner. Hindi pa ako umaalis dahil wala pa ang magulang ni Nate at natatakot akong baka sunggaban ng Lemaris na 'to si Nate. Mahirap na. "Hindi ba, Moe?"
"Moe?" Naiirita akong tumingin kay Nate. Kanina pa siya tahimik at mukhang nage-gets na niyang naiinis ako.
Umarteng nagulat si Lemaris. "Hindi mo alam na Moe ang nickname niya?"
Nakita kong ngumisi si Cloud.
Sasabog ako. Seryoso. Makakapatay na talaga ako ng babaeng kulang sa tela ang damit. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya ibinato ko sa kanya ang hawak kong tinidor.
Bull's eye sa kamay niyang nakahawak kay Nate.
Pero joke lang, syempre. Binitawan ko kaagad ang tinidor bago ko pa maibato. Sayang 'yung tinidor eh.
"Lem, matagal na ak—"
"Eh bakit hindi mo sinabing nickname mo ang Moe?" Pinutol ni Lemaris ang sinasabi ni Nate. Tiningnan niya si Nate nang nagpapa-cute. Naka-pout? Watdahek?
"Bata pa ako nun."
"Kahit na. Girlfriend kaya siya." Tiningnan ako ni Lemaris. Nanlilisik na ang mga mata ko. "Dapat alam niya lahat ng tungkol sa'yo."
"Lem. . ."
"What? Buti pa ako. Kilala ka inside and out." Bumungisngis si Lemaris.
Naiirita na ako. Eh kung ikiskis ko ang mukha niya sa pader, makakaganyan pa kaya siya? Survey lang.
Tumayo ako dahil hindi ko na kinakayang kumain kaharap ang babaeng 'to. "Uwi na ako."
"Hatid na kita." Patayo na sana si Nate nang hawakan siya ni Lemaris sa braso kaya feeling ko nag-aapoy na ang aura ko sa galit.
"Moe, promise mo sa akin buong araw tayong magkasama."
Nagpapanting na talaga ang tainga ko. Araw? Eh gabi na? Moe-Moe-kin ko mukha niya eh. Pakiramdam ko mapuputol na ang mga ugat ko sa katawan sa sobrang pagkairita.
"Kaya ko na sarili ko," sabi ko at naglakad na palabas.
"Ako na lang maghahatid sa kanya."
Paglingon ko, nakangiting lumapit sa akin si Cloud. Napalunok ako nang maalala ko ang ginawa niya kanina.
TAHIMIK lang kami sa kotse ni Cloud. Nag-iinit ang ulo ko at nagdidilim ang paningin ko sa sobrang pagkaasar. Kapag naaalala ko ang mukha ng babaeng 'yun, ang sarap hampasin ng kotse. Kaya lang baka masaktan 'yung kotse.
Napalingon ako kay Cloud nang marinig kong tumawa siya. Bakit ba parang wala 'tong problema sa buhay? Laging masaya.
"Mukhang naiinis ka kay Lemaris, ah?" nakangiti niyang sabi.
Inirapan ko siya at tumingin sa labas ng bintana.
"Whoa, sungit."
"Hindi ko lang nakakalimutan ang pangha-harass mo sa akin kanina."
"Harass?" Lalong lumakas ang tawa niya.
Nagulat ako nang i-park niya sa gilid ang kotse at tumingin sa akin. Natatakot na ako sa talas ng tingin niya. "O-Oy, ano na naman ba 'yan?"
Lumawak ang ngiti niya habang papalapit na siya nang papalapit sa akin. Ready na akong itulak siya at sumigaw pero natigilan ako nang kinuha niya ang seatbelt sa gilid at isinuot sa akin. Bago pa makalayo ang mukha niya sa mukha ko, tumingin siya sa akin nang nakangisi kaya kitang-kita ko ang pores ng mukha niya. Too much perfection. Ugh.
"Hindi harass 'yun kung gusto rin," bulong niya bago umupo nang maayos.
Come to think of it—ay wait—teka. Natahimik na lang tuloy ako habang nakangisi lang siya. Nag-drive na ulit siya habang nakatingin ako sa labas ng bintana habang yakap ang sarili.
Bakit ba ang unsafe ng pakiramdam ko sa titig at boses pa lang niya?
Nakarating na kami sa bahay. Pababa na sana ako ng kotse nang pigilan niya ako.
"Ready akong agawin ka kay Nate 'pag nagpaagaw siya kay Lemaris." Hinalikan niya ako sa pisngi bago ako bumaba. "Oyasumi, Ianne."
Tulala lang ako hanggang sa pinaandar na niya ang kotse niya. Napahawak lang ako sa pisngi ko. Ano ba 'tong nangyayari sa akin?
MATAGAL-tagal na rin kaming nagpa-practice para sa play. Matagal na ring nakikiepal sa mundo ko si Cloud at feeling ko isandaang taon na ang nagtagal nang umepal si Lemaris sa buhay namin ni Nate. At hindi na ako natutuwa.
Naririndi na ako kay Lemaris. Bakit?
Well, let me enumerate my case.
One. Feeling niya sa kanya si Nate.
Gets kong 'magkababata' sila pero malayo ang magkababata sa girlfriend. Ako ang girlfriend pero siya ang ka-holding hands. Tinalo pa niya ang linta kung makadikit kay Nate. Ang nakakainis pa, kapag yumayakap siya kay Nate, ngiting-ngiti sa akin. Ang sarap i-glue ng ngipin niya sa pader.
Two. Feeling baby.
Napakapa-baby niya. Spoon feeding ang gusto—literal! One time kasi, kumain kami sa karinderya. Nag-inarte pa dahil nilalamok daw siya eh hindi na ako nagtaka dahil isa siyang malaking tae. Hindi rin kasi talaga siya kasama dapat, nakiepal lang at nag-inarte. Nagpahiwa pa ng chicken na parang walang kamay. Gusto ba niyang isaksak ko sa lalamunan niya ang kutsilyo?
Three. Feeling ko, taghirap siya.
Bakit? Dahil kulang talaga sa tela ang damit niya. Kung hindi kulang sa tela, kulang sa molecules sa sobrang nipis. Everytime na nakikita ko siya (which is everyday dahil laging buntot kay Nate), white V-cut shirt ang lagi niyang suot o kaya sando. Syempre, sa everyday na 'yun, halos mabuo na niya ang rainbow sa pagka-colorful ng suot niyang bra. Hindi mawawala ang micro mini-shorts na akala ko nung una, nauso na ang maong na panty. Sige na, bagay naman sa kanya. Pero ginagawa niya yon para akitin si Nate!
Four. Feeling cute.
Super pa-cute. Napapansin ko ring sa tuwing may lalaking tumingin sa kanya, ngumingiti siya. Pati kay Nate, sobrang makangiti. At hindi lang siya basta 'ngiti' dahil kaunti na lang, naka-peace sign na siyang naglalakad.
Five. Feeling niya. . . feeling niya. . .
Isa siyang feelingera!
Enough said.
Nakakainis. Nakakabadtrip. Nakakasuka. Agh.
Isa pa yang si Cloud!
Kung hindi text nang text, tawag nang tawag. May nalalaman pa siyang mga Japanese word na sinasabi sa akin at nano-nosebleed ako. Hindi ko alam kung anong trip niya: kung trip ba niya ako o trip niya asarin si Nate. Nevertheless (wow, nosebleed), ginugulo niya ang buhay ko.
Lalo na nang nagdesisyon kami ni Nate na tumambay sa bahay nila. Nung una, nagdadalawang isip pa ako dahil ayaw ko talaga makita si Lemaris pero pagdating namin sa bahay nina Nate, hay naku po Lord, thank You Lord, thank You. Magsisimba na po ako eight times a week or better yet, sa simbahan na ako matutulog, pramis.
Wala si Lemaris sa bahay. Mabuhay ang Pilipinas!
Umalis si Nate para bumili ng ice cream kaya taimtim akong nanonood ng Spongebob Squarepants nang makarinig ako ng ingay sa isang kwarto. Paglingon ko, nawala ang ngiti sa labi ko.
Wala nga si Lemaris. . . nandito naman si Cloud.
"Yo, Ianne," bati niya.
Ngumiwi—este ngumiti ako.
Kinabahan ako nang lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Tatayo sana ako kaya lang napansin ko, nilipat niya ang channel.
"Dobol yu tee eff, Cloud?" Kinuha ko ang remote tsaka ko ibinalik sa Nickelodeon ang channel. "Nanonood ako, pwede ba?"
"Gomen." Ngiting-ngiti siya. "When Nate said you're a Spongebob Fan, didn't know you're an obsessed one."
"Anong point mo?"
"Wala."
Natahimik na ulit kami pero nagulat ako nang tumawa siya. Hindi ko na nga dapat papansinin pero sobrang papansin niya.
"Bakit ang saya-saya mo?" tanong ko. "Nang-aasar ka ba?"
"Hala. Ako, nang-aasar? Why would I tease the Ianne?"
Inirapan ko siya at pagbalik ko ng atensyon sa TV, tapos na ang Spongebob Squarepants.
"Ugh tapos na. Ikaw kasi eh." Sumimangot ako.
"Ang kulit mo," natatawa niyang sabi. "Where's Lemaris?"
"Malay ko. Baka nasa kabaong na niya."
Tumawa kaming dalawa sa sinabi ko. OMG. I'm so benta.
"Lemaris Galis 'yun eh."
Natawa ako sa sinabi niya. Lemaris Galis? OMG that's so benta, Cloud.
"Hayaan mo na, aalis na rin 'yun. Just be patient." Tumigil siya sa pagtawa at hinawakan ako sa pisngi. Sumabog ang ova—este ang puso ko nang madikit ang mainit niyang kamay sa balat ko. "Sana ganyan ka na lang lagi. I like it when you're happy."
Bumilis tibok ng puso ko nang mapansin kong palapit siya nang papalapit sa akin. Titig na titig siya sa akin na pakiramdam ko, nahuhubaran na ako sa tingin niya.
"T-Teka, Cloud. . ."
NO SPOILERS | NO TOXIC COMMENTS PLS! Thank you! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top