08 [ oreshiasdfghjkl what?! ]


HINDI na ako nagulat sa mga babaeng kinikilig nang makita ko si Emotionless Guy na nasa tapat ng classroom ko. Nagkunwari akong hindi ko siya nakita at dumiretso lang sa paglakad. Pasukan na ulit at ayaw kong ma-badtrip agad.

Kaso, iba talaga ang way of thinking ni Emotionless!

"Oy."

Sa isang 'oy' lang niya, nanginig na ang buong kalamnan ko. Dahan-danan akong tumingin sa kanya at napangiwi dahil titig na titig siya sa akin.

"Uhm, hi?" bati ko.

Lumapit siya sa akin at nanliit ako sa tingin niya. Halos yumuko na nga siya sa lapit namin.

"Bayad mo?"

Hinintay ba niya talaga ang pagbayad ko?

"Ah—kasi. . ."

"Ge. Desisyon mo 'yan."

Lumayo siya at tumalikod. Napansin kong ang bagal ng lakad niya. Mas mabagal sa pacing talaga niya. Natawa ako dahil siryizli? Itong si Emotionless Guy, ganito kakailangan ng pera? Hay. 

Bye, five thousand.

"Mamaya, sa library. . ." sabi ko sa kanya pero nagpatuloy lang siya sa lakad.

Sinusundan siya ng tingin ng mga tao. May ilan ding nakatingin sa akin na nagtataka.

"Anong meron sa library?"

Napalingon ako sa boses ni Nate. Ngumiwi lang ako. Hindi ko pwedeng sabihin dahil siguradong lalo siyang magtataka.

"Magha-house party kami sa library," natatawa kong sagot.

"Weh, hindi nga?"

Nag-ring na ang bell para mag-flag ceremony. "Okay, tara na. Tama na ang chismis session." Tinulak ko siya pababa ng hagdan. Pero habang bumababa, hindi pa rin mawala sa isipan ko . . .

. . . aanhin ni Emotionless Guy ang five thousand?


Pero ang importante?

I'M FREE!

Nag-champion kami ni Emotionless Guy sa competition! 

Ang ganda kasi ng plano niya. Sobrang perfect to the point na nawala sa isip ko ang five thousand na binigay ko sa kanya. Bale ang nangyari, siya ang utak, ako ang tagasagot. O minsan tagapindot dahil nagpa-panic ako at mabilis reflexes ng mga nagpa-panic!

Perfect!

Sobrang natuwa sa akin sina Mama at Papa na binigyan nila ako ng bagong laptop, na sobrang kinainggitan ni Kuya. Natuwa rin ang mga teacher ko at napangiti ko rin si Ma'am Carillo na laging may mens. Hindi na rin ako masyadong nahirapan sa exams dahil may plus na ako sa grade at naaral ko rin kahit papaano ang mga lesson!

Yehey.

Nakakaiyak. January pa lang pero ang saya ko na. All thanks (kahit labag sa loob ko) to Art Felix Go, the Emotionless Guy, the weird-o.

Natapos na ang trahedyang pag-aaral.

But the thing is, hindi lang pala si Emotionless Guy ang weird. 

Sino ang isa? 

Si Cloud. . . pinsan ni Nate.

Absent si Nate sa hindi malamang kadahilanan (ulit) kaya pumunta si Cloud sa school (at pinagkaguluhan pa) para ihatid ako sa bahay namin. 

Nate's order daw.

Nang i-text ko si Nate ng:

Thanks

Nag-reply siya ng:

Bakit?

So yeah, ang weird but then again, free ride, e. Aayaw ba ako sa free ride?

Akala ko uuwi na kami pero nagtaka ako sa pagliko niya at pagtigil sa isang napakapamilyar at ma-issue na hotel. Hindi pa ako nakakapasok pero naririnig kong pinagkukwentuhan ng mga kaklase kong lalaki na maraming maririnig na disturbing sounds pagpasok sa loob.

Kulay red at green ang buong building. Napatitig ako sa logo na black and white. Parang japanese ang babae dahil singkit tapos may nakatakip na pamaypay na yellow sa may bibig.

Kinabahan ako dahil naka-park lang si Cloud sa tapat ng hotel. Hindi siya nagsasalita o kung ano man.

"Ah—anong . . . anong gagawin natin dito?" tanong ko.

Grabe ang sakit na ng dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, ugh. Hindi pa rin ako sanay sa presensya niya lalo na't dalawa lang kami sa kotse!

Natakot ako nang unti-unti siyang tumingin sa akin at unti-unti ring ngumiti. "It depends. Ano bang gusto mo?"

"H-Ha?"

Bakit ba ako kinakabahan? 

Ianne, pwede kang tumakbo. Pwede ka ring sumigaw.

Pero ang hassle, e.

Hay, ewan ko sa 'yo, Ianne ganda.

"Ikaw, Ianne, anong gusto mong gawin dito?"

"C-Cloud? Anong . . ."

Ngumiti siya lalo. "Gusto mo ba matikman ang cloud nine?"

Napaatras ako nang lumapit siya sa akin. Nauntog pa ako sa bintana ng kotse dahil sobrang lapit na niya. Hindi na ako makahinga nang hawakan niya ang likod ng ulo ko at nilapit sa kanya.

Sisigaw na sana ako nang magtaka ako dahil narinig kong bumababa ang bintana ng kotse. Ilang sandali lang, naramdaman ko na ang hangin sa labas.

"Ate," tawag ni Cloud. Hawak pa rin niya ang ulo ko at sobrang lapit ko sa pisngi niya na kaunting tingin ko lang sa kanan, dadaplis na ang labi ko sa pisngi niya. "Ate, pabili po ng cloud nine."

Cloud nine?

Kinakabahan pa rin ako hanggang sa narinig ko na lang na lumapit ang isang tao sa may likuran ko. Hindi ako makakilos at makagalaw nang isara ulit ni Cloud ang binata sa side ko.

Tinanggal niya ang pagkakahawak sa ulo ko at sinandal ulit sa bintana. Akala ko okay na pero ang lapit-lapit pa rin niya sa mukha ko.

"Gusto mo ba matikman ang cloud nine?"

Bakit ba. . . bakit ba kailangan niyang ibulong 'yan?

Lalong lumawak ang ngiti niya nang lumayo siya at nag-seatbelt na. Binigyan niya ako ng cloud nine.

"Eat. Masarap 'yan," sabi niya nang magsimula na siyang mag-drive.

Natulala pa ata ako ng 9.3498 minutes bago kainin ang cloud nine.

Buong byahe, kwento lang nang kwento si Cloud tungkol sa buhay niya sa Japan. Nalaman ko ring sa Pinas lang siya nagda-drive dahil sa Japan, halos walking distance lang ang lahat mula sa bahay nila. Marami pa siyang kinuwento tungkol sa mga kaibigan niya at mga babae niya hanggang sa mapunta kami sa usapang. . . ako.

"Alam ko na ang mukha mo before I got to talk to you." Hindi na nawala ang ngiti niya sa labi. Kanina pa. "And when I saw you personally, I was disappointed."

Anong disappointed pinagsasasabi niya?

"The picture didn't do justice for your beauty." Tumingin siya ulit sa kalsada. "Bijin da yo."

"H-Ha?"

"You really are beautiful."

Naririnig ko ba talaga 'to o nag-iilusyon ako? Hindi ako nakapagsalita for a minute. Tahimik lang kaming dalawa.

"Natakot ba kita?"

"Magpinsan nga kayo ni Nate," natatawa kong sabi. "Parehong bolero."

"But I'm saying the truth," sabi niya.

Kahit kinakabahan, bumanat ulit ako. "Yes, I know. Kaya nasasaktan ako."

Nanlaki ang mga mata niya na parang natakot.

"You know, the truth hurts kasi."

Tumawa siya sa sinabi ko kaya nakitawa na rin ako. But then again, napatigil ulit ako sa sinabi niya.

"Nakakatawa ka, Ianne." Tumigil na ang kotse dahil nasa tapat na kami ng bahay namin.

Nagpaalam na ako at paalis na sana nang pigilan niya ako.

"Wait, I have something for you." Kumuha siya ng ballpen at papel sa dashboard at nagsulat. Binigay niya sa akin 'yung papel kaya nagtaka ako.


俺がイヤン-ちゃんお好きと思う


"Ano 'to?" tanong ko.

Ngumiti siya. "Hulaan mo. Kapag nakuha mo, may prize ka sa akin."

"Pagkain ba 'yan?"

Tumawa ulit siya. "Ibang klase ka."

Nagpaalam na kami sa isa't isa. 

Hindi ako mapakali habang tinitingnan ang papel na 'to. Ano kayang meaning nito? Ano kayang meron dito? At ano kaya ang prize kapag nalaman ko ang sagot? Masarap kaya 'yung prize na pagkain?

Habang nasa deep thoughts ako (wow, deep thoughts--ito ata ang naging epekto nung pag-aaral ko with Emotionless Guy), may tumawag sa phone ko. Sinagot ko ang tawag kahit unknown number.

"Hi, Ianne!"

"C-Cloud?"

"Wow, kilala mo na boses ko," natatawa niyang sabi.

Well, sino bang hindi makakakilala ng boses niya? Sobrang lalim at laki tapos may accent pa. Okay, okay. Gwapo rin.

"Ah, hehe. . ." Okay, ang awkward lang. "Bakit ka napatawag?"

I have something to tell you. . ."

"A-Ano?" Bakit ba ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Ugh.

"Don't tell this to Nate, okay?"

Tumango ako—wait, hindi niya ako nakikita. "O-Okay?"

"Ore ga Ianne-chan o suki to omou." Tumawa siya at binaba ang phone bago pa ako makapag-react.

Oreshiasdfghjkl What?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top