07 [ cousin greetings ]
KAPAG malungkot, maraming kinakain. Kapag maraming kinakain, nasusuka. Kapag nasusuka. . . "Buntis ka?"
Halos mabulunan ako sa sarili kong suka sa sinabi ni Kuya. Kinuha ko ang tabo ng tubig para ibuhos sa kanya pero nakaiwas siya at nagsisisigaw na buntis daw ako.
Nang mahimasmasan na ako, lumabas ako ng banyo para i-massacre si Kuya pero natigilan ako nang maramdaman ko na namang lumalabas ang kinain ko sa bibig.
Pagbalik ko sa CR, narinig kong sumigaw si Kuya. "Tingnan mo Ma, buntis 'yang si Ia—aray!"
"Nako Eos, manahimik ka d'yan ah."
Natawa ako habang naglilinis ulit ng sarili. Buti nga sa kanya.
Sabi ni Mama baka Christmas sickness lang daw 'to. Nagpahinga ako nang ilang araw pero walang kahit isang tawag o paramdam mula kay Dan Nathaniel Moises Manio.
Anyare sa lalaking 'yun?
Hindi ko man sure kung totoo ang sinabi ni Emotionless Guy pero di na ako nagpatumpik-tumpik pa. Kinausap ko sina Mama at Papa para sa isang deal.
Lilinisin ko ang bahay, ako lagi ang maghuhugas ng pinggan, gagawin ko lahat ng utos niya kahit labas-masok ako, para sa 'sweldo' na 5,000 pesos. Noong una, hindi pa sila kumagat pero sabi ko, kailangan ko talaga ito at life and death situation ito.
Syempre, OA lang yon pero um-oo na lang sila.
Nakiepal naman si Kuya . . . pero at least, binabayaran din niya ako!
Pagdating ng Christmas, nakaipon na ako ng 2,500 pesos. At nang Christmas na, tuwang-tuwa ako dahil binigyan nila ako ng another 2,500 pesos! May pera na ako!
Pero nanlumo rin dahil nakita ko ang mukha ni Emotionless Guy sa pera ko. Bye, five thousand pesos. Mag-ingat kayo sa magician poker face na emotionless na 'yun.
Walang paramdam si Nate hanggang sa dumating ang araw bago magbagong taon. Kahit sa Friendster o Facebook, hindi siya nag-online. Anong nangyari?
Pero paano kung makipag-break siya sa akin nang biglaan?
Watda, bakit ganito naiisip ko?
Ano ba Ianne, 'wag mo ngang iniisip 'yan. Hindi dapat iniisip ang mga bagay na 'yan. Think of happy thoughts. Think of happy th—WOAH.
You're my hunny bun, sugar plum, pumpy upmy upmy upmkin.
You're my sweetie pie.
You're my cuppy cake, gumdrop, shyummkums pure,
The apple of my eye!
And I love you so, and I want you to know that I'll always be right here.
And I love to sing this song to you
Because you are so dear!
I love you Ianne ko, sagutin mo ang call ng gwapo mong boyfriend. Please?
Sasagutin ko na sana nang tumigil ang call. Pero ilang segundo lang, tumawag ulit siya kaya sinagot ko na agad.
"H-Hello?" Kinabahan ako dahil walang sumasagot. "Hello?" Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. "Hello, N-Na—"
"Ianne!"
Nagtaka ako dahil ibang boses ng lalaki ang narinig ko sa kabilang linya. Masyadong malalim ang boses at parang may accent.
"S-Sino 'to?"
Ang lalim ng paghinga ng tao sa kabilang linya. "Pinsan niya 'to."
Nanlamig na ang kamay ko sa takot. Bakit ako tatawagan ng pinsan ni Nate sa cellphone niya? Bakit?
"B-bakit ka tumawag?"
"Si Nate kasi . . ."
"Ano'ng nangyari? Nasaan siya? Pakausap mo ako sa kanya." Alam ko parang ang OA ko na pero natakot kasi ako. 'Yung tono kasi nung lalaki, parang hindi maganda ang sasabihin.
"Si. . ." Suminghot siya. Teka, umiiyak siya? ". . . Nate."
"Ohmygahd." Napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero parang alam ko na.
"K-Kasi. . ."
Kasi ano?
"K-Kakatae lang—"
DUG POINK TAK TOK DING DONG TING
"Sira ka!" boses ni Nate?
PSHH
"Itai!"
May kung ano-ano pang ingay akong narinig. Mga tawa at sigaw hanggang sa. . . "Hello Ianne!"
Napa-relax ang buong katawan ko sa boses ni Nate.
"Pasensya na sa pinsan ko—'wag ka ngang maingay—hindi ako maingay!" Nagkakagulo na ata sila sa kabilang linya. "Hello? Galing kasi 'tong bundok eh, ngayon lang nakarinig ng boses ng magandang babae." Tumawa si Nate sa phone habang nawawala na 'yung kaba sa dibdib ko.
Bakit for an instant, naging paranoid ako?
"Oo nga pala." Nagseryoso ang boses ni Nate kaya nawala ang ngiti ko. "Sorry pala."
"Ha? Bakit?"
"Hindi kasi ako nagparamdam sa'yo ngayong Christmas break. Naging ano, e. Busy."
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. "Okay lang."
"Ianne. . ."
Bakit ba kapag nagseseryoso ang boses ni Nate, kinakabahan ako?
"Hmm?"
"I love you."
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Napangiti ako at ini-imagine ang itsura ni Nate ngayon.
Ang gwapo niya siguro ngayon.
"I less than three you, Nate."
Tumawa yong pinsan niya at sumigaw ng,"Dude, are you blushing? Gay!"
Nag-usap kami magdamag ni Nate at nagkwentuhan. Kaya raw siya naging busy dahil inuutusan siya magdamag ng Mama niya dahil nga dumating ang pinsan niya. At para makabawi, magtatawagan kami hanggang sa count down at bagong taon.
Pagtingin ko sa orasan, 11:59 na ng 2009.
"Happy Monthsary, Ianne. . ." bati niya ulit.
Nag-countdown na at lumakas ang ingay sa labas. Ako na talaga ang KJ dahil imbis na mag-ingay sa labas, nasa kwarto ako habang kausap ang boyfriend ko. Pagtingin ko sa orasan, twelve na ng umaga.
"Happy New Year, Nate. . ."
Masaya kong sinalubong ang 2010 at sigurado akong masaya ako buong taon dahil kasama ko si Nate.
Hindi ako excited pumasok dahil balik aral lang ang mangyayari sa akin habang nakikipagtitigan sa poker face ni Emotionless guy . . . pero gusto ko na talaga makita si Nate! Buti na lang, bago matapos ang bakasyon e bigla niyang naisip na mag-surprise visit sa bahay.
"Tao po! Ianne, buksan mo ang gate!"
Kahit labag sa loob kong iwan si Spongebob Squarepants, binuksan ko ang pinto. May napansin akong dalawang ulo sa may bandang taas ng gate.
"I know you're in there, Ianne! Buksan mo 'to."
"Hoy, eskandalo ka."
Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Nate.
Tumigil lang sa pagsigaw ang pinsan ni Nate nang buksan ko ang gate. Nakahawak sa batok si Nate na parang nahihiya pero napangiti nang makita ako. Pagtingin ko sa katabi niya, nanlaki ang mata ko.
"I-Ikaw si Cloud?"
"Yo!" Nag-salute siya sa akin at ngutiti.
Napanganga ako nang kaunti dahil . . . sobrang gwapo niya! Ang singkit, ang blonde ng buhok, ang tangkad, at ang kinis ng balat! Hindi siya kaputian pero grabe, ang angas niya tingnan dahil sa suot niya! Napansin ko ring ang dami niyang hikaw sa tainga. Lagpas lima.
Napatingin ako sa tainga ni Nate, may isa rin siyang piercing.
Tsk. Hindi badass si Nate.
Makapigil-hininga. Sobrang gwapo. Kahawig niya 'yung isang bida sa Final Fantasy na nilalaro ni Kuya. Si Cloud Strife. Bagay pati sa pangalan niya.
Oops, teka muna. (Art Angel?) Hindi porke't naguwapuhan ako kay Cloud, siya na ang gusto ko ah? Team Nate pa rin ako.
"Naku Ianne, nagseselos na ako."
Napatingin ako kay Nate. "Ay, nand'yan ka pa pala. Hindi ko napansin," sabi ko sabay tawa.
"Luh?!"
Natawa si Cloud. Kumunot ang noo ni Nate at nagulat ako nang halikan niya ako sa pisngi.
"Wah?"
Nakita kong tumigil sa pagtawa si Cloud at ngumiti sa amin.
Lumapit si Nate at inakbayan ako. "Nakakaselos tingin mo kay Cloud eh."
Hala? Hindi kaya ako tumitingin. Tumititig kaya ako. Joke.
Di ko expect, ibang-iba si Cloud sa personal at sa phone.
Mas makulit siya sa phone. Medyo naiilang ako sa kanya dahil sa tuwing napapatingin ako, nakatingin na siya sa akin tapos ngingiti.
Hindi sa nagko-complain ako. Maganda ngipin ni Cloud: all white, pantay-pantay parang commercial model ng toothpaste, pero ang weird lang dahil lagi siyang nakangiti?
At nakatingin.
At nakatitig.
Gulp.
Nalaman kong yearly pala ang pag-uwi ni Cloud sa Pilipinas para magbakasyon pero ngayon, graduate na siya kaya iniisip niya kung papasok siya ng college sa Japan o sa Pinas, o magtatrabaho na siya. Minsan napapatitig lang ako sa kanya habang nagkukuwento siya dahil narinig ko naman na sa phone pero na-a-amaze pa rin ako sa lalim ng boses at accent kahit ang payat.
"Isa lang ang ayaw ko rito sa Pinas," sabi ni Cloud. "Ang init. Sobrang init! Nasasapawan ang hotness ko."
"'Yung totoo? Nasa lahi n'yo ba ang aircon?" tanong ko kay Nate.
Tumawa silang dalawa at nag-apir. Boys. Hindi ko talaga maintindihan kaya nakitawa na lang din ako.
Pagbaling ko kay Cloud, natigilan ako nang ngumiti siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at nilapit sa labi niya ang likod ng palad ko. Habang nakatingin sa akin, binulong niya ang, "Nasa lahi rin namin ang romantic," at kumindat.
Napatitig ako sa mga mata ng pinsan ni Nate na si Cloud. At kinabahan.
NO SPOILERS | NO TOXIC COMMENTS PLS! Thank you! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top