02 [ roses and courtship ]


"AY, sorry po!"

Okay, joke lang. Hindi talaga siya nasagasaan, nabunggo lang ng pedicab. At kaunting galaw lang kaya nabunggo, hindi talaga umaandar.

OA lang ako, sorry na.

Pero tawang-tawa ako dahil si Nate pa ang nag-sorry sa pedicab! Hindi sa driver, sa pedicab talaga.

Minsan hindi ko na rin gets sarili ko, eh. Kasi sa totoo lang, late bloomer nga ata ako tulad ng sinasabi ng mga kaibigan ko. Ngayong nag-aayos na ang mga kaklase ko, naglalagay ng make-up, may maayos na fashion style, may mga experience na sa buhay - ito ako, nag-aayos lang ng Friendster layout dahil gusto ko ma-try 'yong image mapping na ginagawa ng mga master tulad nina Nickastig.

Tsaka, ang gusto ko lang talaga ay pumasa sa school kahit hindi nag-aaral.

Simpleng estudyante lang.

Eh kaso, ayon nga, nakilala ko si Dan Nathaniel Moises Manio. Isa lang ang pedicab incident sa kakaibang nangyari the past few weeks. Ang lakas tuloy ng feeling ko na maraming magbabago sa nakasanayan sa mga susunod na buwan.

Pero sana mangyari rin 'yong pumasa ako sa school kahit hindi nag-aaral. Hehe.

Ilang araw ang nakalipas sa pedicab incident, umaga at inaantok pa, may tumawag sa phone ko. Number ni Nate.

"H-Hello, Ianne?"

Pero hindi niya boses ang narinig ko.

"Sino to?"

"Ianne! S-Si Nate . . ."

Nagising ako sa kaba.

"Anong nangyari?"

"Pumasok ka na sa school, pumunta ka sa room, dali!"

"Wait, sino ba t—ay, binaba?"

Naka-receive naman ako ng text sa number ni Nate na kailangan ko magmadali.

Na-pressure ako kaya kumaripas ako sa pagkilos. Namatay muna ako sa lamig ng tubig sa pagligo, halos mamatay din dahil nabulunan sa pagkain, at bumyahe papuntang school, thankfully hindi namatay sa byahe kasi literal na 'yon if ever. Pagkarating sa school, naghikahos ako paakyat sa 3rd floor.

Ilang weeks pa lang kami . . . anong nangyayari sa akin? Trip lang 'to noon, ah. Bakit no'ng sinabi nila na may nangyaring masama kay Nate at kailangan kong pumasok agad, kulang na lang lumipad ako para makarating sa classroom? Kahit ayaw ko sa school?

Nagke-care na ba ako sa kanya?

Weh?

Naabutan ako ni Toto pagtapak ko sa 3rd floor corridor. Mukhang naubusan siya ng dugo, pagod na pagod, kaya lalo akong natakot. Hinawakan niya ang balikat ko at niyugyog ako.

"Ianne! Si Nate, Ianne!"

"Teka lang naman, 'To," pigil ko sa kanya. "Nahihilo ako. Ano ba kasing nangyari?"

"'Wag kang mabibigla!"

"Nabigla ako!"

Sumimangot si Toto kaya nag-peace sign ako. Pampawala lang sana ng kaba, eh.

Hinatak ako ni Toto papuntang room at nagtaka nang may tumugtog ng gitara. Kahit madilim ang classroom, naaaninag ko pa rin ang mga kaklase naming mahinang nagtatawanan at nagngingitian.

"Anong—?"

Hindi ko pa natatapos ang tanong ko, nasagot na agad ng boses na narinig ko. Isang malamig, malalim, at gwapong boses na kumakanta.

"Binibini, sa aking pagtulog."

Pagkabukas ni Toto ng ilaw, isa-isang lumapit ang mga kaklase namin sa akin. 'Yong iba, nanonood lang na nakangiti. Ang iba naman, nagbibigay sa akin ng mga pulang bulaklak, at ang natitirang iba? 

Bitter.

Mga nakasimangot, eh. Mukhang naistorbo ng kalokohang 'to.

At kung babalik ako sa mga panahong wala akong pakialam, siguro nasa isang gilid ako at humihikab habang pinapanood ang pangyayaring ito.

Kaso, ako 'yong participant.

"Ika'y panaginip ko."

"Uyyy, kilig si Ianne . . ." panunukso pa ng isa.

Ang pinagtatakahan ko, ano kaya ang ibinayad ni Nate sa mga kaklase namin para gawin to? Kaluluwa niya?

"Panaginip ng kathang dakila."

Nakangiting naggigitara sina Troy at Jek habang nagpapalo na ng beatbox si Toto sa may platform. Lumalapit sa akin si Nate habang kumakanta. Feel na feel at feeling gwapo—pero sa puntong 'to . . . okay. Medyo plus pogi points.

"Ang katulad mo raw ay birhen."

Sa ilang pulang bulaklak na binigay sa akin ng mga kaklase ko, puti ang binigay ni Nate.

"Sa abang altar ng punong pag-ibig, O kay ganda, O kay gandang mag-alay sa 'yo."

Tuloy pa rin ang pagtugtog pero mga kaklase na namin ang kumakanta. 'Yong totoo, ano kaya ang ibinayad ni Nate sa mga kaklase namin? Nangako ba siya ng world peace o ano?

"Puro pulang bulaklak tapos puti sa 'yo? Papansin talaga," natatawang sabi ko.

Ngumisi siya. "Maraming pula para sa maraming pagmamahal. Puti naman para malaman mong puro ang napakarami kong pagmamahal."

"Korni! Para saan ba 'to?"

Lumapit siya sa akin at bumulong ng, "Nanliligaw."

"May amnesia ka na? Sinagot na kita no'ng August, ah."

Hinawakan niya ang pisngi ko at naramdaman ko ang panlalamig ng kamay niya, medyo pawisan pa. Yak, pasmado.

"Nanligaw ako para maging girlfriend kita noon. Ngayon, nanliligaw ako para maging asawa kita sa sus—"

"Nand'yan na si Ma'aaaam!"

Nagkagulo kaming lahat at nag-panic kaya wala na akong time kiligin. Agad inayos ang mga upuan at halos ibato sa akin ng mga kaklase ko 'yong mga bulaklak na hawak nila kaya nag-panic din ako sa pagpupulot. Nakipulot din si Nate.

Pinipigilan kong matawa sa nangyari. May ilang muntikan pang masubsob sa pagmamadali, at bago pa makapasok ang adviser namin, tahimik kaming lahat. Isa-isa kaming tinitigan ni Ma'am Carillo. Tinawag ko na rin ang lahat ng santo at santa nang huminto ang tingin sa akin ni Ma'am. Tapos tumingin sa hawak ko.

"Para saan ang mga bulaklak na 'yan, Janine Anne? Ang aga-aga naglalandian kayo?"

Napatingin ako sa paligid sa takot. Nagtaka kaming lahat nang tumayo si Nate at lumapit sa akin. Walang sabi-sabi niyang kinuha ang mga bulaklak at pinulupot sa isang pink cartolina ang mga 'to.

"Ma'am," lumapit siya sa platform, "para sa 'yo po, pampagana ng araw."

Pagkabigay ni Nate ng mga rosas, ngiting-ngiti si Ma'am Carillo. Ayiee, kilig, kilig adviser namin, inagawan pa ata ako ng boypren. Hihi.

"How nice of you, Mr. Manio." Inamoy ni Ma'am ang bulaklak at ngiting-ngiti pa rin. Hindi ko tuloy malaman kung anong mafi-feel ko nang nakangiti pa rin si Ma'am habang sinasabi ang, "Alright class, get one-half crosswise!" sigaw niya sa amin. "Number it from one to twenty, quiz number two. Bilis! NUMBER ONE—"

"WAIT LAAAaaAaAaNG!"

Hindi pa rin ako maka-get over na tinangay na ni Ma'am Carillo 'yong mga bulaklak na para sa akin pagkatapos ng quiz. Una, akin kasi dapat 'yon, eh. Pangalawa, 8/20 lang ako sa quiz. Andaya!

Tulala tuloy ako sa mukha si Sir habang nagdi-discuss ng nakakabaliw na Chemistry. Minsan nagtataka talaga ako bakit pinagsunod ang Geometry at Chemistry, eh. Bored na bored tuloy ako at mukhang bored din ang katabi kong si Alex dahil ilang beses akong kinalabit.

"Alex, isa pang kalabit mo . . . "

"Kwento ka," bulong niya, "ang tamis n'yo ni Nate kanina, paano kayo nagsimula? Absent ako nung nagtapat siya sa 'yo, eh."

Tinitigan ko pa si Alex sandali at mukhang eager talaga siyang malaman. Kahit ayaw ko talaga, sige na nga. Mapilit, eh.


"Psst."

It all started with a "Psst." Finals week last school year at excited akong umuwi dahil inaabangan ko talaga ang Spongebob Squarepants every afternoon at 5:00.

"Psst."

Hindi ko dapat papansinin pero may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako. Inangat ko pa ang ulo ko dahil sa tangkad ng lalaking humawak sa akin.

Si Nate.


"Teka, bakit d'yan ka nagsisimula? Sabi ko, sa umamin siya, eh."

"'Wag ka makialam. Makinig ka na lang."

"Pero—"


So ayun nga, ngiting-ngiti siya sa akin. "Ang snob mo naman, ate."

"Huh?"

So uhm, medyo snob nga ako nung second year.

"Hi, Nathaniel nga pala." Ngumiti siya. "Nate na lang."

Pagtingin ko sa mga kabanda niya sa likuran, nagtatawanan. Unang pumasok sa isip ko, of all people, bakit ako pa ang pinagtitripan nila? Anong problema ng mga 'to?  

Kilala ko siya, sila. Si Nate, at 'yong bandang Burning Thunder. Hindi ko siya masyadong trip dahil ang lakas niya maka-signal number seventy-four. Mahanging may kasamang ipo-ipo.

Tinitigan ko lang ang kamay niyang gusto makipag-shake hands at tinalikuran na siya.

"Ang snob."

Lalong lumakas ang tawanan ng mga kabanda niya at natawa rin ako deep inside.

Pero pagdating nitong third year, napasimangot naman ako.

Kaklase ko kasi siya.


"'Yung totoo, Ianne. Ang gusto ko lang talaga malaman ay kung paano siya nagtapat sa 'yo."

Hindi ko pinansin ang pagsasalita ni Alex at itinuloy ang kwento ko.


Hindi niya ako tinantanan mula first day. Laging ako ang nakikita. Tinuturo ako sa recitation. Kapag may partner-partner, lagi niya akong vino-volunteer kasama siya. Lagi akong pinagtitripan. Nakakainis pa dahil tinutukso kami ng mga kabanda niya. I mean, hello? Ayaw ko sa kanya.

Pero pagkarating ng araw bago ako mag-birthday, nagbago ang lahat.

"Hi Ianne," mapang-asar pa rin 'yong ngiti niya, "balita ko 15th birthday mo raw bukas? Ang cute, July 15 'yong 15th birthday mo."

Kinuha ko ang unang notebook na nakita ko sa bag at nagkunwaring nagbasa. Medyo nahilo pa ako sa nabasa ko dahil puro formula. Pero mas okay na 'to kesa sa kayabangan ni Nate.

"Aw, snob pa rin. Alam mo, kung crush mo ako, okay lang. Promise."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ako ba kausap mo?"

"Oo, obvious kasing crush mo ako—"

"Ha?" putol ko sa kanya, "anong pinagsasasabi mo d'yan?"

"'Wag ka nang mahiya sa akin, ano ka ba. Ilang buwan na rin tayong friends." 

"Friends?! Kailan pa?"

Hindi niya ako pinansin.

 "Ang tatanungin mo lang, 'Nate, pwede bang manligaw?' gano'n lang. Hindi naman kita babasterin eh pero syempre magpapakipot muna ako. Mga ilang minuto ba gusto mo bago kita sagutin?"

"Ewan ko sa 'yo." Dumukot ako sa bulsa ng uniform ko at kumuha ng piso. "Ito piso, maghanap ka ng kausap mo."

Tumayo ako at paalis na nang pigilan niya ako. "Teka."


"Hala, ayan na!"

"Shhh. Calm down, Alex."


Ayon, paglingon ko, tumibok nang mabilis ang puso ko. Ang seryoso kasi ng mukha niya. Nawala ang mapang-asar niyang itsura at napalitan ng maamong mukha. Dun ko lang din napansing. . . Oo nga. . . gwapo nga siya.

Pero nawala ang lahat ng positive vibes nang humirit siya."Nineteen pesos pa, twenty 'yong pang-unli sa Globe."


Natawa si Alex. Sa sobrang paghagalpak niya, napatingin na sa amin si Sir Cortez pero yumuko lang kami na kunwaring hindi kami nag-ingay.

"Abno talaga si Nate."

"Totoo."


"Ewan ko talaga sa'yo," sabi ko at inirapan siya. "Malala ka na."

Lumabas ako ng classroom at tumambay sa corridor. Medyo nawindang din kasi ako sa sarili kong reaksyon. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko, eh. Ang seryoso kasi niya for a moment. Kainis!

"Ayan na, ayan na!" bulungan ng mga kaklase ko. "Hindi na siya torpe."

Paglingon ko, nagulat akong nasa likuran ko si Nate. Para hindi obvious na kinakabahan, tinarayan ko siya ulit. "Umalis ka nga."

"Ayaw mo bang itanong?"

"Anong itanong?"

"Ako na nga lang."

Nanlaki mata ko nang mag-bend siya para magtagpo ang paningin namin.

"A-Ano ba, Nate—"

"Ianne," nakangiti niyang sabi,"pwede ba akong manligaw?"


"Ang tamis!" mahinang pumalakpak si Alex para hindi rinig ni Sir Cortez. Mas lumapit siya sa akin at bumulong, "Mahal mo?"

"A-Ano?"

"Maha—"

"Goodbye . . ." 

Napatayo ako nang magsalita mga kaklase namin.

". . . and thank you, Mr. Cortez. See you tomorrow. Classmates, study your lessons."

Nagpaalam agad ako kay Alex at nagmadaling lumabas bago pa niya ako matanong ulit. Nilapitan ako ni Nate na nagtataka dahil bigla akong lumabas, habang si Alex naman, tinanguan ako bago bumaba.

Mahal? Tumitig ako sa mukha ni Nate. Hindi . . . hindi ko sure?

Paano ba masasabing mahal na natin ang isang tao?



~

rayne's note: salamat sa lahat ng nagbabasa ulit at sumasabay sa agos ng buhay ko yiee. sobrang appreciated ang comments <3333

maraming nagbago sa chapter na ito and i think this is the better version na kaysa sa libro. better version pero puro kakornihan pa rin hahaha sorry na agad.

dedication: to meanswing dahil may katotohanan talaga yong nasa adulting world na ang afgitmolfm haha pero pinipilit ko pa rin ang sarili kong mas i-push ang teen years kahit ang hirap hirap huhu chos.

ankyut din ng comment na 'to. na-touch ang late bloomer kong art skillz. ♥


for accounts na 'di na makapag-comment: hi, sorry sa mga ni-mute ko. ang nilagay ko kasi sa note ay avoid posting unrelated comments pero nag-comment pa rin ng kpop, songs, at tv shows. magbanggit lang po sana tayo ng mga bagay kapag binanggit mismo sa story pls TT__TT

ang nangyayari kasi, kapag ginawa ng isa, gagawin na rin ng iba. tapos andami ngang in line comments, puro unrelated naman sa kwento. huhu. ayoko na po ng ganito :"<

no hard feelings po.

kung nais n'yo pong tanggalin ko ang mute sa accounts, you can email me at [email protected] na ang subject email ay ang username naka-mute tapos may nakasulat na di na po ako uulit sa pag random comments back to back sa one whole sheet of yellow paper. 

haha chos.

but seriusly, kung sa tingin n'yong mapapanindigan na ang pagpigil ng random and unrelated comments, email me. kapag inulit ulit, mute ulit at hindi ko na ia-unmute.

for now, accounts are muted until sasabihin n'yong na-gets n'yo na ang point ko.

tenkyu ~


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top