01 [ i, n, and a ]
[ tulad ng spoilers, posting unrelated to the story comments will cause accounts be banned from commenting at all. iwasan pong magbanggit ng mga hindi connected sa pinakakwento. thank you! ]
no kpop related comments pls. will mute accts who won't respect my notes.
~
"WHAT is love?"
"Hoy!"
Nagulat ako sa kumuha ng sinusulatan kong papel at naupo sa tabi ko. Nakangiti ang mokong pagkalingon ko sa kanya. Malakas ang loob paano, walang teachers dahil may urgent meeting daw.
Minsan nagtataka rin ako sa mga teacher kung bakit sila magmi-meeting sa oras ng klase? Hindi naman sa nagrereklamo ako, ah, masaya akong wala ginagawa pero bakit hindi pa kami pinapauwi? No students sa school, less electricity bill din, ah. Pinagtitripan na naman tuloy ako nitong isang 'to.
"Love is blind?" natatawang sabi ni Nate. "Ang korni mo talaga, Ianne. Ano ka, kinder?"
"Eh kung ibalik kaya kita sa kinder?" Pinipilit kong kuhanin 'yong papel ko. "Akin na!"
"Yoko nga, ba't ko bibigay sa 'yo?"
"Bakit mo ba nilulukot?! Bubulagin kita, Nathaniel. Ang epal mo~"
"Ayoko lang na puro ganito sinusulat mo. Korni, eh." Binilog niya 'yong papel at binulsa. Pinanlakihan ko siya ng mata. "Di mo na rin ako kailangan bulagin, bulag na nga ako para sa 'yo, oh."
"Grabe 'yon 'tol," biglang react ni Troy (kabanda ni Nate) na nakaupo sa likod, "lakas, ah! Saan galing 'yon?"
"Pag-ibig, pare."
Nagsigawan 'yong kumpol ng lalaki sa likod at nagkantahan ng Umuwi Ka Na Baby na pinangunguhan ng mokong. OA siyang kumakanta nang hawakan kamay ko at pinipilit akong tumayo.
"Bitiwan mo ako, isa," pagbabanta ko. "Hinayaan ko na ngang sirain mo 'yong papel ko, ha."
"Alam mo, Ianne, hindi mo dapat sinusulat 'yang tungkol sa love," maangas niyang sabi. Mas malakas ang pwersa niyang itinayo ako. Napaatras ako nang yumuko siya at biglang nilapit ang mukha sa akin at bumulong ng, "I love you."
"Boom! Na-stun si Girly," react ni Toto, kabanda rin ni Nate.
Hindi ko pa naa-absorb mga sinabi niya, hinalikan agad ako ni Nate sa pisngi. Natauhan na lang ako nang bumagsak ang mahaba kong buhok mula sa pagkaka-ponytail sabay takbo niya palayo!
"Akin na panali ko."
"Yoko nga."
"Isa."
"Takbo, 'tol, takbo!" sigaw ni Jek (kabanda pa rin ni Nate).
Tumakbo nga ang uto-uto palabas ng classroom. "Habulin mo ako~" Nakakainis lang kasi hindi bagay! Ang tangkad-tangkad tapos gaganyan?
"Pa-cute!"
Humawak siya sa dibdib na parang nasaktan. Lalo siyang sumimangot at natawa ako dahil sa pagkaka-distort ng mukha niya.
"Parang hindi mo naman ako sinagot—"
"'Wag mo nang ipaalala!"
Lumabas na rin ako para kuhanin ang panali ko. Kaso, natigilan kami sa pagkilos sa babaeng sumigaw.
"Hi, Papa Art!"
Ang tinis ng boses ng babaeng hindi masydaong pamilyar. Mukhang lower batch. Maliit, maputi, at naka headband na malaking ribbon 'yong design. Tuwang-tuwa siyang umakyat ng hagdan at bumaba rin, pero may kasama na.
Si Emotionless Guy.
Kahit mailap sa lahat, naging center of attention si Emotionless Guy. May mga sinasabi sa kanya yong babae habang sinasabayan siya sa lakad. Pero siya, diretso lang, dinadaanan ang lahat - hindi pinapansin 'yong cute na babaeng sumasabay sa kanya, hindi pinapansin 'yong mga taong nasa corridor na sinusundan siya ng tingin, hindi pinapansin 'yong attention na nasa kanya.
Iba talaga 'tong si Emotionless Guy. Grabe maka-artista, kulang na lang mag-shades, eh.
Gusto kong alisin ang tingin sa kanya, at gagawin ko na nga, kaso napatitig ako nang magtama ang tingin namin sa isa't isa at shet, bakit parang natatakot ako? Ang talas ng tingin! So deadly. So scaarryy.
Pumikit ako nang mariin para mawala 'yong pagtitig ko. Pagdilat, nakalagpas na siya sa kinatatayuan ko.
Sumulyap pa ako ulit sa likod niya. Animated na nagsasalita 'yong babaeng sumasabay sa kanya habang papasok sila ng library. Minsan napapaisip ako, masaya kayang kumausap ng pader na naglalakad? Mukhang tuwang-tuwa 'yong babae, eh.
"Uy."
Napaangat ang tingin ko kay Nate. Tangkad kasi!
"May napapansin na ako, ah."
"Ako rin. Parang napapansin kong nasa sa 'yo pa rin panali ko sa buhok."
Nilayo niya 'yong panali, pero parang wala akong lakas para makipagkulitan. Feeling ko naubos 'yong energy ko no'ng nagkatinginan kami ni Emotionless Guy. Huhu.
"'Yang tingin mo kay Emotionless," sabi ni Nate. "Crush mo?"
"Ha? Over my dead and sexy body, ah?"
"Whuszh . . . ano 'yon Ianne . . . mahina whuszh . . . signal dito," natatawa niyang sabi. "Wala whuszh . . . akong marinig whuszh."
"Bingi!"
"Gwapo!"
"Yuck! Siryizli?"
"Uy, grabe 'yon. Nakakasakit ka na, ah," dinampi niya ang kamay sa dibdib, "kawawa naman ang gwapong ako."
Suminghal ako. "Ano 'yon Nate?" panggagaya ko at lumayo. "Mahina signal dito, wala akong marinig!"
Tumawa ako habang palayo nang palayo.
"Kapag ikaw, nahabol ko, Janine Anne Santos, akin k—"
Aakma na sana siyang tatakbo kaya automatic na tumakbo ako—Ahh!
BOINK BOINK BOINK
"Sorry!
Nagulat ako sa mga nagsilaglagan sa lakas ng impact ng nabunggo ko.
Pagtingin sa sahig, mga librong makakapal 'yong nalaglag. Pag-angat naman ng tingin—Dear God, sabi nila kapag malapit ka nang mamatay, your life will flash before your eyes. Pero bakit gano'n, God? Bakit parang singkit na mata ni Emotionless Guy 'yong nakikita ko po? Either siya po ba ang buhay ko o siya po ba ang kukuha ng buhay ko? Choose one lang po ba?
RIP, Janine Anne Santos. You will be missed.
"S-Sorry, Emot—I mean, hindi ko po sinasadya."
Pupulutin ko na sana 'yong mga libro kaso nagkatitigan kami.
I felt something beat—wait, puso ko pala 'yon.
Hehe.
Natakot ako sa tingin niya kaya parang pinanood ko lang siyang magpulot kahit gusto ko talagang tumulong.
Bakit gano'n? Nawala 'yong good vibes sa paligid. Nawala ang ingay. Ang mga masasasayang alaala. Ang mga tagumpay ng buhay. Parang hinugot niya ang lahat ng joyful memories sa straight face niyang mukha. Ang weird!
"Uy, Ianne?"
Hinawakan ako ni Nate sa balikat.
Pagkatapos pulutin ni Emotionless Guy 'yong mga libro, tiningnan niya ulit ako kaya napaatras ako at medyo nabunggo si Nate. Mukha siyang mangangain, mommy! Ang scary talaga!
"Pasensya na sa kakulitan ng batang 'to, ah," sabi ni Nate sabay patong ng kamay sa ulo ko. "Ang ligalig, eh."
Hindi nagsalita si Emotionless Guy, ni hindi siya tumingin kay Nate, sa akin lang, hanggang sa lagpasan niya kami na parang walang nangyari.
Pareho kaming natigilan ni Nate at natahimik. Para ngang nagkaroon ng mental prayer meeting sa mga isip namin dahil sa katahimikan
"Kinabahan ako dun, ah," sabi ni Nate, nagkakamot ng leeg.
"Akala ko ako lang," sagot ko.
"Parang napunta tayo sa ibang dimension."
Tumango-tango ako.
Medyo gumaan ang loob ko dahil hindi lang pala ako ang kinabahan sa presensya ni Emotionless Guy. Good. Normal ako.
Inakbayan ako ulit ni Nate.
"Pasok na tayo sa room, babe."
"Babe?!"
"O bakit, ayaw mo ba? Kailangan na natin ng endearment, one week na ta—"
"Shhh." Tinakpan ko ang bibig niya at sinamaan ng tingin. "Baka magsisi pa ak—eww, Nate, kadiri ka! 'Yong laway mo!"
Dinilaan ba naman niya 'yong palad ko?!
Tawa siya nang tawa habang pinupunas ko sa kanya 'yong laway niya.
"Tara na, babe, ang alat ng kamay mo!" natatawa niyang sabi. "Tama na rin landian natin, uwian na, oh. Tumitingin na rin sila," turo niya sa mga batchmate naming nagre-ready na rin pauwi. "Marami nang naiinggit."
Napairap na lang ako at pinahid sa pisngi niya 'yong laway niya.
Simula talaga no'ng magkamali ako't kinausap ko 'tong mokong na 'to, lagi na kaming sabay umuwi. Well, siya talaga ang namimilit. A must daw dahil baka raw kidnapin daw siya ng make believe stalkers daw niya. Kailangan daw niya ng pambugaw daw.
If I know, inggit lang kay Emotionless Guy na literal na may mga stalker.
Naglalakad kami sa labas ng school habang kumakain ng frostee nang may mapansin ako. Babae at lalaking magka-holding hands. 'Yong babae, naka-uniform ng kabilang school habang 'yong lalaki, civilian na malaki ang damit at naka-baston jeans.
Cool sana ni kuya kung hindi lang niya dala 'yong pink, fluffy, and glittery shoulder bag ng girlfriend niya, eh.
"Alam mo ba dahilan kung bakit kita sinagot?" Nginuso ko kay Nate 'yong dalawang nasa gilid na naglalandian. "Hindi ka kasi ganyan manamit."
"Ikaw, alam mo kung bakit niligawan kita?" Ngumisi siya. "Kasi hindi ganyan 'yong bag mo, fluffeh!"
Sumakit tiyan ko kakatawa namin habang iniisip na kailangan kong magpenetensya para sa kasalanang ito. Pero mabilis ata ang karma sa amin ni Nate dahil napahinto ako sa paglalakad sa napansing papalapit. Wala sa sarili akong napasigaw sa sobrang takot.
"N-Nate!" sabay turo ko sa likod.
Paglingon niya, huli na ang lahat.
Nasagasaan na siya.
~
rayne's note: jsyk, the story is set in year 2008 - 2009.
for sure may maghahanap ng mga bagay na hindi pa nag-e-exist dito kaya huhu paalala lang. 2008 - 2009 ang year nito kaya third year high school (at hindi grade 9); wala pang shs noon. Plus, hindi pa uso ang Facebook. Hindi pa nga uso dito 'yong wifi, data, o mga app.
( opo, ganito na ako katanda hahahaha )
N O S P O I L E R S PLS TENKYU!
dedication: para kay flatlayer ng taon, plrdrgz! you don't actually need to read or even comment dahil nasa sa 'yo na ang first chapter dedication for being here since fetus days. pero nag-comment ka pa rin nang kusa! huhu.
tenkyu for letting me know you're still here no matter what since 2009. ansaya kasi may kasama akong naging jejemon at naintindihan ang jejenism ko noon real time. haha!
at salamat for letting me know at sa pagiging active (na nagsimula no'ng afgitmolfm tv movie days? yiee.)
tenkyu rin sa mga gif at papercutting for afgit, plrdrgz :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top