00 [ your meaning ]
"I may not have gone where I intended to go,
but I think I have ended up where I needed to be."
— Douglas Adams
NAPAKA-unpredictable talaga ng buhay.
I mean, sino bang mag-aakala na ang the almost perfect boyfriend kong si Tan ay makikipag-break sa akin para hindi ako masaktan dahil sa sakit niya? Sinong mag-aakala na masasali si Emotionless Guy sa magulo kong buhay na kahit hindi marunong ngumiti ay naging dahilan para mapangiti ako at mapawi ang luha ko?
Sino bang mag-aakala na ganito ang kahihinatnan ng lahat ng saya at sakit na naramdaman ko noon?
Ang goal ko lang ay malaman ang meaning ng love . . . hindi ko akalain na makakakuha pa ako ng mas magandang sagot sa ine-expect ko.
Graduation ng anak namin kaya nagbalik kami sa school. Natutuwa nga ako dahil ang dami nang nagbago pwera na lang sa katabi pa rin ng school ang sementeryong may lapidang naka-form na puso kung saan nakalibing ang isang lalaking napakaimportante sa akin.
Nagpunta na kami sa graduation ceremony at sobrang proud. Nasabi ko na bang valedictorian ang anak ko? Ahihihihihi.
"Nagmana talaga ang anak natin sa akin," sabi ko habang pailing-iling.
"Sigurado kang sa 'yo?"
Tiningnan ko siya. "Malamang. Alangan sa 'yo eh hindi naman siya poker face."
Inakbayan niya ako at nagulat ako nang hatakin niya ang magkabila kong pisngi. "Anong gusto mong parating?"
Natawa ako sa reaksyon niya. "Kaya siya cute dahil sa genes ko."
"Matalino siya dahil sa akin," diretso niyang sabi.
Pinalo ko ang dalawa niyang kamay para bitiwan ang pisngi ko. Nakaakbay na lang siya sa akin. "And so kung matalino siya dahil sa 'yo?"
Ngumiti siya na parang nang-aasar. Tinitigan ko siya nang masama. Magsasalita pa sana ako nang magsalita ang isang nanay na katabi ko.
"Ano ba 'yan ang ingay, hindi marinig ang valedictorian speech."
Nanlaki ang mga mata ko. "Excuse me, ana—" Mag-aamok pa sana ako pero tinakpan na ni Art ang bibig ko. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at umiling lang siya.
Nakinig na lang kami.
". . . Don't forget that whatever happens, He planned our life very well and all we need to do is trust Him."
Nagpalakpakan ang mga tao sa speech ni Tan.
"Grabe. Ang galing ng anak ko!" sigaw ko kaya napatingin sa akin 'yong nanay na nagreklamo. Nilakasan ko ang pagpalakpak ko. "Woohoo! Anak ko 'yan!"
Narinig ko na lang na natawa si Art.
Nilapit niya ako sa kanya dahil nakaakbay pa rin siya. Hinalikan niya ako sa gilid ng noo ko at bumulong, "tigil na."
"Okay po. Titigil na po ako," sabi ko.
Lumingon sa akin ang nanay na nagreklamo at nginitian ko siya na sa sobrang sweet, lalanggamin na siya.
Pagkatapos ng ceremony, lumapit sa amin si Tan na may kasamang babae. Mukhang alam ko na 'to. Nahihiya si Tan habang nakangiti nang sobrang awkward.
"Angas-angas ng anak mo pero tiklop sa babae," bulong ko kay Art habang papalapit si Tan. "Mana nga siya sa 'yo," dagdag ko.
"Mana sa akin?"
"Tumitiklop sa babae," sagot ko.
"Ako? Tumitiklop? Kanino?"
Tiningnan ko siya at nginitian. Nilapit ko ang bibig ko sa bibig niya pero hindi ko dinikit. "Sa akin."
Boom! Na-stun siya.
"Ma, Pa. Pati ba naman dito?"
"Sorry, may pinatunayan lang ako sa tatay mo."
Tiningnan ako ni Tan na nagtataka pero ngumiti lang ako. Pinakilala niya ang babaeng kasama niya. "Uhm, si Rhianne po, girlfriend ko. At Ma, idol ka raw niya."
"Idol?"
"Ilang beses ko po nabasa ang libro n'yo. Nung kinwento po sa akin ni Tan na kayo po pala ang author ng AFGITMOLFM, mas minahal ko siya."
"Rhianne?!" nanlalaki ang mga matang sabi ni Tan.
Natawa na lang ako dahil magkakasundo ata kami nitong si Rhianne.
"Joke lang," natatawang sabi ni Rhianne. "Jokes are half meant nga lang."
"RHIANNE?!"
"Chill lang anak, ayaw mo nun? Dahil sa akin, mahal ka ng girlfriend mo?" natatawa kong sabi.
Sumimangot si Tan.
"Pero, Ma'am—"
"Tita," pagko-correct ko. "Call me Tita."
Syeeet, feeling ko ang gurang ko na.
Ngumiti si Rhianne at may kinuha sa bag niya. Napangiti ako nang makita ang libro ng AFGITMOLFM.
"Ilang beses po akong napaiyak at napatawa nito, Tita. Natakot din po ako sa ibang part. Nai-imagine ko po ang lahat na parang totoo."
Ngiting-ngiti ako habang nagsasalita si Rhianne. Nakakataba ng puso dahil first hand kong nakikita ang reaksyon niya. Hindi kasi ako nagpapakita sa mga tao. Anonymous effect para mas mysterious.
Pina-publish ko ang libro sa tulong ni Kuya Angelo na nosebleed kausap sa BH noon. Nagkadaupang-palad kami sa art exhibit ni Art nung nakaraan. Ang nakakatuwa pa, ka-partner niya si Alie na senior ko noon na malakas ang trip sa buhay.
Pumayag ako sa kanila dahil tinulungan nila akong i-immortalize kahit papaano ang ilang chapters ng buhay ko. Inalagaan din nila ako bilang manunulat.
Naka-display ang pinakaunang AFGITMOLFM sa restaurant naming 'Kahit Saan' restaurant na may napaka-unique na pangalan. Sampung taon na ring available ang libro sa bookstores at hindi nawawalan ng sales dahil kasalukuyang on-going ang 25-episode series ng story na pinapalabas sa national TV every M-W-F tuwing 10:45 PM.
Kasama ng first book na puno ng drawings at reactions at notes ko, naka-display rin ang mga paintings ni Art nung mga panahong hindi pa niya ako maalala pero puro tungkol sa akin na paintings.
Ang hirap talaga kapag head over heels ang asawa. Ahihihihi kelergz.
"Pa-autograph po."
Pinirmahan ko ang libro ni Rhianne. Sobrang ngiting-ngiti siya at napansin ko ring nakangiti si Tan. Kahit pa hindi niya ipakita, alam kong proud sa akin 'tong anak ko.
Pakipot lang.
"Tanong ko lang po, Tita, true to life po ba ang AFGITMOLFM?"
Napangiti ako dahil naghihintay talaga siya ng sagot. Pagtingin ko kay Art, ang poker face niyang mukha ay kakikitaan ng maliit na ngiti habang nakatingin sa akin.
Humigpit ang hawak ni Art sa baywang ko. Pinatong ko ang kamay ko sa dibdib ni Art.
"Ito na naman po tayo," pailing-iling na sabi ni Tan. Bitter siya kasi wala siya sa libro eh ginagawa pa lang namin siya nun. Hmp. Hindi maka-move on 'tong anak ko.
Hindi ko na lang pinansin si Tan at nginitian si Rhianne.
"Rhianne, meet my husband, Art Felix Go."
ILANG taon na rin akong nag-isip kung ano ba ang meaning ng love. Ilang taon na akong nasaktan, at nagmahal, at lumuha. Sa totoo lang, pwede akong gumaya sa iba at gumawa ng sariling quote tungkol sa love pero sa tingin ko, ang love?
Hindi nadadaan basta-basta sa quotes.
Basta ang alam ko, you will know the real meaning of love when you fall in love.
Ang sa akin, alam ko na.
Eh ikaw ba . . .
Anong meaning ng love para sa 'yo?
.
.
.
THE END.
THANK YOU SA PAGBABASA NG AFGITMOLFM REVISED (but not really) VERSION!
Do you have questions?
May A/N pa po sa next chapter (soon).
THANK YOU ULIT.
no spoilers. mehe.
THANKS!!!!!
~ rayne (pilosopotasya)
twitter: @ulaaaann
instagram: @screenshots.ni.rayne
facebook page: Pilosopotasya
email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top