39


Months passed and today they are celebrating her birthday. Naging okay na rin ang lahat at sa lumipas na araw ay puro magaganda ang nangyayari sa buhay niya. Naipakilala niya na rin sa magulang at mga kapatid si Xion at pinaliwanag niya na ito ang dahilan kung bakit nabayaran nila ang utang at napagamot ang ama sa madaling panahon.

Ang sarap sa pakiramdam na wala ka ng tinatago sa pamilya mo. 'Yong pakiramdam na magiging maayos na rin ang lahat sa wakas.

Kumpleto ang pamilya niya at ang pamilya ni Xion, nasa isa silang resort para sa birthday celebration niya. Ayaw niya na sana mag celebrate ng ganito ka bongga dahil kasal na nila ni Xion next month. Ito lahat ang gumastos dahil ayaw siya nito pagastusin kahit anong pilit niya.

Para sa kaniya, bongga ang mag-birthday sa isang private resort pero sa pamilya ni Xion at sa asawa ay ito na ang pinakasimple dahil hindi naman daw marami ang inimbita. Hindi pa rin siya sanay sa mga simpleng bagay nito na masiyadong mataas na para sa kaniya.

Pumasok muna siya sa may kwarto nila ni Xion habang abala ang lahat sa pagsasaya. Kanina niya pa gusto pumasok sa banyo at gawin ang dapat gawin dahil kanina pa siya nababahala.

Tinungo niya ang bag niya at kinuha ang bagay na binili niya kahapon ng patago. Pumasok siya sa banyo at ni-lock iyon ng mabuti. Umupo siya sa toilet bowl at binuksan ang bagay na dala-dala niya.

Pregnancy test kit...

Iniisip niyang buntis siya dahil sa mga symptomps na nararanasan niya. Hindi naman malala kaya hindi rin nahahalata ni Xion ang mga pagsusuka niya minsan at pagiging sensitive sa pagkain.

Ginamit niya 'yon at naghintay ng ilang minuto. Nakatingala lang siya at hindi tinitingnan ang hawak niya. Mayamaya ay naglakas loob na siyang silipin iyon at halos tumalon ang puso niya dahil sa dalawang linya na nakita.

Tama nga ang hinala niya, buntis nga talaga siya. Napalunok siya dahil parang may bumara sa kaniyang lalamunan dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman. She's happy, too happy that she can't express it well. Napapikit siya at nagpasalamat sa diyos sa panibagong blessings na natanggap niya ngayon.

Ilang beses na niya naririnig kay Xion na gusto na nitong magka-baby. Minsan pa nga ay iniimagine na nito ang mukhag ng magiging anak nila.

Paniguradong matutuwa ito sa magiging balita niya. Ito na ata ang pinakamagandang birthday gift na natanggap niya.

Muli siyang bumalik sa labas, nag-iinuman na ang mga ibang bisita habang ang mga kapatid niya naman ay naliligo sa pool. Ang magulang niya ay maaga na natulog dahil anong oras na rin.

"Where did you go? Are you already sleepy?" tanong sa kaniya ni Xion habang yakap-yakap ang bewang niya. Hinalikan siya nito sa ulo kaya napayakap siya sa asawa.

"Medyo antok na ako," pagdadahilan niya rito. "Pwede na kaya nating iwanan sila?" tanong niya pa. Nakaramdam na talaga siya ng antok pero nang malaman niya ang magandang balita ay napawi iyon. Gusto niya na lang sabihin dito ang balita bago matapos ang kaarawan niya. Mag a-alas dose na rin kasi ng gabi, 20 minutes na lang ay tapos na ang birthday niya.

"It's fine. Let's go," ani nito at hinawakan ang kamay niya. Nagpaalam muna sila sa pamilya ni Xion at sa kapatid niya na nagsasaya pa.

Dumeretso sila papunta sa kwarto at ni-lock niya naman agad iyon. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa asawa na buntis na siya.

Napakapa siya sa bulsa ng dress na suot. Nandoon kasi iyong pregnancy test na tinago niya. Rinig niya ang sariling tibok ng puso dahil sa excitement.

"Baby? Are you okay?" Napakurap siya dahil sa boses ni Xion. Hindi niya namalayan na nakaupo na pala ito sa kama habang nakatingin sa kaniya.

"Let's do our routine before we sleep," ani nito at muling tumayo tiyaka hinawakan ang kamay niya. Tango na lang ang nasagot niya dahil iniisip niya pa rin kung paano sasabihin. Nagpalit sila ng pangtulog na damit pagkatapos nila mag-toothbrush ng sabay mag-skincare.

Hinatak siya nito pahiga sa kama at niyakap ng mahigpit. Kagat-kagat naman niya ang labi nang maramdaman na nahulog ang bagay na kanina niya pa tinatago. Dahil nagpalit siya ng pangtulog ay nilipat niya iyon sa bulsa ng suot niya ngayon pero hindi kalaliman ang bulsa na suot niyang pajama kaya nahulog iyon.

Agad niyang kinapa at nang mahawakan ay mahigpit niyang hinawakan iyon na napansin naman ni Xion dahil sa ekspresyon ng mukha niya. Napaupo siya ng wala sa oras at tumingin dito.

"What's that?" kunot noong tanong nito sa kaniya at napaupo na rin.

"A-ano..."

"Are you hiding something? Kanina ka pa natutulala at balisa riyan," seryosong tanong nito. "Or are you not feeling well? You can tell me, baby," he added and fixed her hair.

Napabuntong hininga siya bago ilahad ang kamay niya sa harapan nito. Nakatingin lang siya sa mukha ng asawa at tinitingnan ang magiging reaksyon nito. Tumingin ito sa kamay niya at nakita niyang natulala ito sa bagay na hawak niya.

Nakaramdam siya ng kaba nang ilang segundo na siyang nakatulala roon at walang sinasabi na kahit ano. Nabigla siya nang bigla itong tumayo at dere-deretsong lumabas ng kwarto nang walang sinasabi. Parang piniga ang puso niya sa oras na 'yon at parang gusto niyang maiyak.

Tila ba'y na-blanko ang utak niya at hindi alam ang gagawin. Sinundan niya ito kaagad sa labas at bago pa siya makalabas sa mismong bahay ay narinig niya na ang malakas na boses nito.

"Fuck! I'm going to be a dad!"

Mabilis ang lakad niya at lumabas ng bahay. Nakita niya ang mga nag-iinuman na bisita na napatigil sa kakainom habang nakatingin kay Xion. Nabasag lang ang katahimikan nang tumawa ang ama nito.

"Congrats, son!"

Naiyak siya dahil nabunutan ng tinik ang puso niya. Akala niya ay hindi nito gusto dahil sa reaksyon. Nilingon siya ni Xion at agad na pinuntahan tiyaka mahigpit na niyakap.

"Thank you so much, baby. I love you..."

"Baliw ka! Akala ko ayaw mo dahil hindi ka man lang kumibo agad," naiiyak na ani niya at hinampas pa ang dibdib nito. Hinalikan naman siya nito sa noo, mata, ilong at sa labi.

"I'm sorry... It just, my mind is not processing at all when is saw it. Hindi ako makapaniwalang nabuntis na rin kita. You know how much I want a child with you." Napangiti siya rito at napayakap muli.

Narinig niya ang mga congrats ng mga pamilya ni Xion sa kanilang dalawa. Nandoon din ang mga kapatid niya na tuwang-tuwa.

"Congrats ate! Sayang tulog na sila mama at papa, panigurado ay tuwang-tuwa rin 'yon!" masayang sambit ni Aimee.

"Bukas nga biglain natin," ani pa ni Jane na natatawa dahil may binabalak na plano. Napailing na lang siya sa mga kapatid.

"Congratulations... Sayang, balak ko pa naman agawin ka," sambit ni Francis nang makalapit sa kanilang dalawa.

"Do you want to die?" nakasimangot na ani ni Xion.

"Oh, you're threatening your lawyer again..."

"Tumigil na nga kayo!" natatawang saway niya sa dalawa. Mukhang hindi na naman kasi titigil ang dalawa dahil sa pang-aasar ni Francis. Ilang beses niya na rin narinig ang sinasabi nito lalo na paggusto nitong bwisitin si Xion pag napapadalaw sa bahay.

Binati sila muli ng ama ni Xion at mga tita, tito at pinsan ng side sa ama ng asawa. Wala ang ina ni Lloyd dahil sinamahan nito sa ibang bansa si Lloyd. May kompanya rin kasi sa states ang lolo nila at inaasikaso iyon ni Lloyd. Ang ina naman nito ay bumabawi sa lahat ng pagkukulang sa anak.

Masaya siya para kay Lloyd dahil kahit papaano ay nagiging bukas na rin ang puso nito sa pamilya. Nararamdaman niya ang mabuting pagbabago nito.

"Can't wait to marry you, my wife," bulong ni Xion nang makabalik sila sa may kwarto nila. Ngumiti naman siya at hinawakan ang mukha nito.

"Ako rin naman... Kasal naman na tayo kahit sa papel lang pero iba pa rin pala pag ikakasal sa simabahan. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko," pagsasabi niya ng totoo. She hugged Xion tightly while sniffing his natural scent.

Inangat niya ang tingin dito at nagtama ang mata nila. Bumaba ang mata niya sa mapupulang labi nito. Kumurba naman iyon kaya bumalik ang tingin niya sa mata nitong nakangiti na rin.

"My wife wants me inside her," he smirked. Nag-init ang pisngi niya at napaiwas ng tingin pero hinawakan nito ang baba niya gamit ang isang kamay tiyaka hinalikan siya ng marahan pero mabilis lang.

Napanguso naman siya dahil nabitin siya sa ginawa nito.

"You gave me a best gift so I'll do what my wife wants tonight," he stated while looking at her intently. He started kissing her on neck then when his kisses stopped at her ear lobe, he whisper something that made her insane because of overflowing heat she felt.

"Be ready, my wife. I'll give you the best birthday sex that you can only experience with me."



EPILOGUE NEXT...


---

A/N: Can't believe that this story will end tomorrow! Thank you so much for waiting everyday for my update. Sobrang nakakataba po sa puso makita ang mga comments niyo na waiting kayo. Thank you rin sa walang sawang pag-vote every chapter. Sana makita ko pa rin kayo sa ibang upcoming stories ko. 


Thank you darkers, hindi ako magsasawang magpasalamat sa inyo! Mahal ko kayoooo~ <333




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top