37


Nag-umpisa na ang business niya at tuwang-tuwa siya dahil marami agad ang bumili sa kaniya. Ang mga suki niya noon at ang mga katrabaho niya sa restaurant dati ay sinuportahan siya. Nag-post din siya sa social media para kumalat pa ang page niya. As a reseller ng mga magagandang cosmetics marami ang bumibili sa kaniya dahil hindi fake ang mga tinda niya.

Ilang araw pa lang pero busy na talaga siya. Gusto pa nga siya kunan ng assistant ni Xion pero hindi siya pumayag dahil nag-uumpisa pa lang siya. Hindi siya pumayag na ito ang magpapasahod para lang magkaroon ng assistant sa Negosyo niya. Kaya niya pa naman dahil madali-dali lang ang pagbabalot ng mga orders. May printer na rin sa bahay at hindi siya mahihirapan mag-print ng mga information ng mga customer niya.

Gumagamit din kasi siya ng shopping app para hindi na siya mahirapan kung sakaling may mag-order din sa kaniya sa app na 'yon, ang mga nagde-deliver kasi ang pumi-pick up para mai-deliver ang order. Ngayon ay may kumontak sa kaniya sa facebook page at bumili ng maraming cosmetics at mga skincare, pang-freebie raw kasi iyon sa party kaya nagmamadali ang customer na 'yon na kunin.

Siya mismo ang magde-deliver sa address na sinabi nito. Pumayag naman siya dahil mukhang importante talaga ang event at marami ng inaasikaso ang customer. May mga customer kasi na pag bago pa ang pinagbibilhan ay walang tiwala ipa-deliver sa delivery app.

Nag-taxi siya papunta sa address na 'yon. Nakatanaw lang siya sa may labas ng sasakyan para makabisado ang daan. Pumasok ang taxi sa isang village, huminto lang ang sinasakyan ng nasa bandang dulo na sila ng street. Binayaran niya ang taxi driver bago bumaba bitbit ang mga products.

Nakita niya ang numero na naka-ukit sa gate ng malaking bahay kaya hindi na siya nagdalawang isip na magdoorbel.

"Aimar Joyce Balansag?" tanong ng lalaking guard ata ng mismong bahay. Ngumiti naman siya at tumango tiyaka ipinakita ang mga products na dala.

Kinuha nito ang dala, akala niya ay maghihintay lang siya roon sa labas pero sinenyasan siya nito pumasok. Pumasok naman siya dahil hindi pa naman bayad ang order ng mga ito.

Nang makapasok sa loob ng bahay ay nililibot niya lang ang paningin niya. Maganda ang bahay at napaka-elegante dahil may makinang na chandelier pa.

"Pababa na si ma'am para sa bayad, ito ang juice, maupo ka muna riyan." Nagpasalamat siya sa isang kasambahay na babae. Umupo siya sa isang sofa at tinanggap niya naman ang inabot nitong juice, nagpasalamat siya muli dahil ito pa ang nagsalin ng inumin niya.

Napatingin siya sa hawak na baso, mukhang fresh juice iyon kaya natakam siya. Mainit din sa labas at saktong nauuhaw na siya kaya hindi na siya nahiyang inumin pa iyon. Halos maubos niya ang isang baso dahil sa nakaka-preskong inumin.

"You're now here." Agad siyang napalingon dahil sa pamilyar na boses. Tatayo sana siya nang bigla siyang makaramdam ng hilo, para siyang biglang inantok. Kinurap-kurap niya ang mata para piliting gisingin ang sarili.

Anong nangyayari sa akin?

"Kahit anong kurap mo riyan ay hindi mo malalabanan ang gamot. Makakatulog ka pa rin," ani nito at natawa sa kaniya. Mas bumigat ang talukap ng mata niya at parang kinakain na siya ng kadiliman. Napasandal siya sa kinauupuan at sinulyapan ang ininom niyang juice.

"Alora... a-anong gagawin mo... sa akin..."

***

Pinark ni Xion sa garahe ang sasakyan. Napatingin naman siya sa pinto dahil hindi pa lumalabas si Aj, lagi kasi siya nitong sinasalubong sa garahe pag narinig na nito ang makina ng sasakyan. Marahil ay nasa kwarto o nasa banyo kaya hindi siya narinig.

Bumaba siya ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Dereto agad siya sa itaas at sa kwarto nilang dalawa. Pagkapasok niya ay wala roon ang asawa pati na rin sa banyo. Binaba niya ang gamit na dala at muling lumabas para tumungo sa ginamit nitong kwarto dati.

"Baby?" he called. Binuksan niya ang pinto ng kwarto pero nakapatay lang ang ilaw. He tilted his head and get his phone on his pocket. Tinawagan niya ito pero naka-off ang phone nito.

Bumaba siya at saktong may nag-doorbell. Lumabas siya kaagad, hindi niya pa nabubuksan narinig niya na ang boses ni Lloyd.

"What are you—"

"Alora kidnapped Aj," bulalas nito. Mas lalong nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito.

"Where is she?" he asked calmly. Nakakuyom na ang kamao niya at pinipigilan ang sarili. "Did you two fucking plan this? If you hurt her, I'm going to kill you both," matigas na ani niya.

"Do you think if I plan this thing I'll go here to you and tell what's happening? The company is in my hands now so I was done messing with your life. That's what I said, right? And do you think I can hurt your wife? Of course not, siguro naman alam mo ang nararamdaman ko para sa asawa mo?" deretsong sambit nito sa seryosong mukha.

Napabuga siya ng hangin. "Where are they? Where did Alora take Aj?" Pinipilit niya maging kalma sa oras na 'yon kahit gustong gusto niya na hanapin kung nasaan ang mga ito. Pero alam niya kung magpapadalos siya ay mas lalong hindi niya makikita ang asawa.

"She sends me the picture... Hindi ko alam kung ano ang nasa utak niya ngayon kaya hindi ako sumugod doon. She hired men." Nilabas nito ang cellphone at pinakita nito ang picture. Aj was sleeping, her hands are tied on the bed. Mas lalong nagpainit ng dugo niya nang makitang may lalaking nakatingin sa natutulog niyang asawa. Sigurado siyang iyon ang ex-boyfriend ni Aj, 'yong nabugbog nila sa resort.

"I think Alora hired her ex-boyfriend—"

"If something happened to my wife, I fucking kill all of you," he fumed and gritted his teeth while he grabbed his shirt. Tinitigan niya ito ng masama at sinalubong naman iyon ng kapatid.

"Don't worry because I'll kill myself if something happened to Aj. Ako naman ang may kasalanan kaya 'wag kang mag alala dahil ako ang gagawa ng lahat para maligtas ang asawa mo." Hinawakan nito ang kamay niya at malakas na tinanggal iyon.

"Get in my car, we'll go at Alora's house. She didn't know that I already entered her basement, so I know the design of it. I'm sure it's her house." Hindi na siya nag-isip ng kung ano-ano pa at sumakay na agad sa sasakyan nito. Habang nasa byahe ay pinaalam niya na kay Francis ang nangyayari, sinend niya rin ang address ng babae para magkaroon ng back-up pag may hindi magandang nangyari.

But he is hoping that everything is going to be alright.

"Alora was mad because I can't marry her immediately. Nalaman niya rin na may gusto ako sa asawa mo."

"So you're really the cause," he clenched his jaw.

"Of course, I'm always the burden one right?" he chuckled. Napalingon naman siya rito, nakatingin ito sa may daan at mabilis na nagmamaneho. Tumatawa ito pero hindi abot sa mata.

"You always have a choice to do a right thing or wrong. But you always choose to be bad that's why people around you didn't trust you." Hindi siya galit dito kahit na nalaman niyang kapatid niya ito sa ibang ina. Hindi naman nito kasalanan na lumabas ito sa mundo. Nagkaroon lang siya ng galit dito nang mag-umpisa itong awayin ang lahat ng nasa pamamahay nila. Palaging may gulo itong pinapasok at hindi pa nag-aaral.

"Hindi ako kagusto-gusto dahil isa akong bastardong anak—"

"Then why I did like you when the first time I met you? I found out that I have a brother, and I was so happy back then. But you just disappointed me because you chose to be evil." Nakita niyang natigilan ito sa sinabi niya. Totoong masaya siyang malaman na may kapatid siya dahil hindi na siya nag-iisa lang. Hindi kasi siya nakikipag-kaibigan basta-basta dati dahil nakapokus siya sa pag-aaral.

Akala niya ay may makaka-bonding na siya dati dahil lalaki rin ang kapatid niya pero hindi pala. Mas lalo lang silang lumayo dahil sa mga ginagawa nito.

"You d-did like me? Anak ako sa labas paano mo ako magugustuhan? Hindi ka ba nainis dahil may makikisiksik sa pamilya niyo?" kunot noong tanong nito. Humigpit ang hawak nito sa manobela at mas lalong pinabilis ang pag-andar ng sasakyan.

Seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin sa daan.

"Why would I be mad? It already happened, wala na akong magagawa roon. Also it's not your fault too! Be matured, Lloyd. Hindi ka na bata dapat maintindihan mo ang lahat—"

"I always feel alone that's why I became a rebel."

"Ikaw ang gumawa ng dahilan kaya ka laging nag-iisa. Tinataboy mo kami kahit anong pilit naming pakisamahan ka."

"My mom like you more than me!" he shouted.

"Your mom is always asking me if I can check you time to time because you're avoiding everyone! She was always worried because of what you're doing! Hindi ka na naming pinapansin masiyado dahil baka ayaw mo talagang pinapansin ka," giit niya rito. Napahawak siya sa seatbelt nang tumigil bigla ang sasakyan. Tiningnan niya ito gamit ang seryosong mukha.

"Our dad, your mom, lolo and I are always worried of you. Hindi mo lang napapansin dahil sarado ang puso at utak mo. Dad is mad of you because you always hurt yourself when you're fighting other kids back then. Nag-aalala kami sa'yo noon ba dahil baka mag-iba ang landas ng buhay mo!"

Hindi ito kumibo sa lahat ng sinabi niya. Nakayuko lang ito habang nakahawak pa rin ang kamay sa manobela. Mayamaya ay tinanggal nito ang seatbelt.

"That's her house," sambit nito at lumabas na ng kotse. Lumabas na rin siya kaagad at sinundan ito.

"We will pretend that we didn't know where's Aj. We will just ask her a question, that's all. Don't talk to much and follow my lead." Hindi na siya kumibo pa sa sinabi ng kapatid at sinundan na lang ito. Hahayaan niya ito dahil ito ang mas nakakakilala kay Alora.

Hindi niya rin akalain na magagawa ito ng babae.

"Hello? Where are you? Nasa labas ako ng bahay mo, mag-usap tayo," rinig niyang sambit ni Lloyd sa telepono. Mayamaya ay lumabas si Alora sa bahay, mukhang nagulat pa ito dahil naririto rin siya.

"Wow. Interesting, how come you two are here?" she chuckled. "Sinabihan mo ang kapatid mo?"

"Where is Aj?" matigas na sambit niya kaagad. Tinaasan lang siya nito ng kilay na parang walang nangyayari.

"So you really told to your brother I kidnapped his wife?" hindi makapaniwalang ani nito at muling natawa.

"Why are you doing this? I told you that I'll marry you," mahinahong ani ni Lloyd.

"You'll marry me? Kailan? Sabi mo ngayong week pero ano? Naurong na naman!" sigaw ni Alora.

"I have important meeting to attend. Marami akong inaasikaso sa kompanya, alam mo 'yan."

"No! Nagdadalawang isip ka na kasi dahil may tao nang nagmamay-ari ng puso mo!" Tinulak ni Alora si Lloyd sa dibdib. Siya naman ay hindi na mapakali at gusto ng makita ang asawa niya.

"Stop you're doing Alora and bring back my wife!" singit niya na sa mga ito. Wala siyang oras para marinig ang mga pagtatalo ng dalawa.

"Oh, too bad? Kinuha na siya ng ex niya, umalis na sila. So, basically, I am not the one who kidnapped Aj." Sa sobrang inis ay hinablot niya ang damit nito banda sa leeg. Nauubos na ang pasensiya niya at hindi niya na kaya pang kumalma pa.

"Where is my wife?" matigas na tanong niya ulit. Hindi niya nakita na natakot ito sa kaniya ngunit mas lalo lang itong natuwa.

"Magpapakasal muna kami ni Lloyd bago ko sabihin!" ngumiti ito ng malawak at pinagsiklop ang dalawang palad.

"You're insane," he stated. Napatingin siya kay Lloyd at may kung ano itong sinesenyas sa kaniya. Nang maintindihan niya na ay bigla niyang hinablot si Alora at hinawakan ng mahigpit.

"I'm sorry but I need to do this. Doon niya lang nakita na may patalim pala itong hawak.

"What are you doing Lloyd? Are you going to hurt me because of that woman?! Really?" Hindi sumagot si Lloyd at hinatak ito papasok ng bahay.

May dalawang lalaki na tumutok sa kanila ng baril. Pero agad ding binaba nang makitang hawak nila ang amo ng mga ito.

"Ma'am!" sambit ng isa.

"Get my wife—"

"Xion! Ahhhh!" Naputol ang sasabihin niya nang marinig ang boses ng asawa. Mukhang nakatakas ito sa pagkakatali sa kama at tumakbo pero agad ding nahablot ng lalaki, si Hendrix.

"Let go of my wife," he warned. Nagdilim ang paningin niya at gustong-gusto niya nang sakalin ang lalaking nasa harapan niya.

"No! Nag-eenjoy pa akong hawakan ang katawan niya," he laughed. He snapped on what he heard, mabilis niyang nilapitan ito dahil wala naman itong patalim na hawak kaya hindi siya natatakot na masasaktan nito ang asawa.

"O-oh! Anong ginagawa niyong dalawa? bakit—" Hindi na natapos ang sinasabi nito sa dalawang goons at malakas niya itong hinablot tiyaka sinapak ang mukha. Doon niya binuhos ang lahat ng lakas niya. Agad na tumba ito at nawalan ng malay. Wala siyang pakialam kung dumudugo man ang ilong at bibig nito dahil nararapat lang iyon sa walang hiya na katulad nito.

"Let go of me! Lloyd!" pagsisigaw ni Alora habang pinipilit makawala kay Lloyd. Walang magawa ang dalawang lalaki na may hawak na baril.

Niyakap niya ng mahigpit ang asawa, hinaplos niya ang buhok nito at hinalikan sa noon ang maramdaman na nanginginig nito.

"Xion," iyak nito sa bisig niya.

"I'm here... I'm sorry, baby, I was late," bulong niya rito at pinaghahalikan ang ulo. Mabibigat pa rin ang paghinga niya dahil sa sobrang galit.

"Drop your gun or we'll shoot you." Napalingon siya sa pinto at naroroon na si Francis kasama ang mga police. Agad binaba ng dalawang lalaki ang baril at nagtaas ng kamay. Si Lloyd naman ay binitawan na si Alora.

Halos sumabog sa galit si Alora dahil hindi niya akalain na kaya siyang tutukan ng patalim ni Lloyd. Dahil sa isang babae ay nagkaganito ito at mas lalong napalayo ang loob nito sa kaniya. Dumating lang sa buhay nila si Aj ay nagulo na ang iniingatan niyang relasyon sa binata.

Siya ang unang nakilala ni Lloyd pero hindi pa rin ito bumagsak sa kaniya. Napatingin siya ng masama kay Lloyd na lumayo sa kaniya at kay Aj na nakayakap kay Xion.

Kinuyom niya ang kamao, hindi siya papayag na ito lang ang magsasaya.

Dapat maramdaman mo rin kung gaano ako nasasaktan dahil sa paglayo ng mahal ko sa akin!

Habang busy ang mga police sa paghuli sa dalawa ay agad niyang nilabas ang nakatagong baril sa likuran niya. Maliit lang iyon kaya hindi kapansin-pansin lalo na't malaki ang suot niya.

Agad niyang tinutok iyon kay Xion at napangisi siya nang nagsalubong ang mata nila ng babaeng kinaayawan niya.

Bago pa ito makasigaw ay naiputok niya na ang baril pero hindi niya inaasahan na may haharang doon. Halos lumuwa ang mata niya nang makitang bumagsak sa harapan niya ang taong pinakamamahal niya.

"Lloyd!" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top