31
Tiningnan niya ang kabuuan niya sa isang malaking salamin. She looks like an elegant and sophisticated woman. Nakasuot siya ng isang mamahaling dress at sapatos na binili sa kaniya ng binata. Bumaba ang tingin niya sa singsing na nakasuot din sa daliri niya.
Makikilala niya na ang ama nito at mga kamag-anak. Gusto niyang matawa dahil mapaglaro talaga ang tadhana. Kung kailan na may problema silang dalawa tiyaka pa sumakto ang family gathering ng mga ito. Wala siyang magagawa dahil isa lang siyang empleyado nito.
Bayad siya para umaktong asawa ng binata.
"If you're ready we can go now." Hindi nya nilingon ang binata nang pumasok ito sa kwarto niya. Hindi siya umimik at tahimik na kumilos para kunin ang sling bag na dadalhin. Lalagpasan niya sana ito para siya na ang maunang lumabas ng kwarto nang hawakan siya nito sa kamay.
"Aj... we will talk after the gathering—"
"Nag-uusap naman tayo, puwede mo nang sabihin ang sasabihin mo mamaya," matabang na ani niya. Her expression was just straight and blank. Hindi ito nakapagsalita at napabuntong hininga na lang dahil sa tugod niya.
"We will talk later," ulit nito at binitawan na ang kamay niya. Nauna itong lumabas kaysa sa kaniya. Kinalma niya muna ang sarili bago tuluyang sumunod dito.
Buong byahe ay tahimik lang siyang nakamasid sa daan. Hindi siya umiimik at hindi siya gumagawa ng kahit anong ingay. Hanggang sa makarating sila sa resort kung saan gaganapin ang gatherings ng pamilya at kamag-anak nito ay tahimik lang siya.
Tiyaka lang siya napilitang humawak sa braso ni Xion nang may sumalubong sa kanilang dalawang babae at isang lalaki.
"Kuya Xion!" bati ng dalawang kambal na babae. Sa tingin niya ay minor pa ang tatlo pero kung sa tangkad ang pag-uusapan ay inabutan na siya nito.
"Is she your wife?" nakangiting ani ng lalaki.
"Yes," mabilis na sagot naman ng binata. Tiningnan siya ng tatlo kaya ngumiti siya sa mga ito. Kahit wala siya sa mood ay pinipilit niyang tumugon sa mga ito at magpakita ng ngiti sa labi.
"I'm Yuli and she's Yuri, we're twin, obviously," they both chuckled. "You'll know I'm Yuri because I have a tiny mole in my right cheeks," ani naman nito. Tumango siya at hindi inalis ang ngiti sa labi niya. Pinagmasdan niya ang dalawa, sobrang identical talaga at kung wala sigurong nunal si Yuri ay malilito siya.
"I'm Yosef, I'm the eldest and we're the cousins of kuya Xion," pagpapakilala naman ng lalaki. Matured ito tingnan kaya hula niya ay nasa twenty na ito.
"Where's your mom?" tanong ni Xion nang lumakad na sila. Inalis niya na ang pagkakahawak ng kamay niya sa
"She's helping to prepare the food. You know mom, mahilig mag plating ng mga pagkain," tawa ni Yuri.
Nang makarating sila sa malaking gazebo area ay doon niya na nakita ang mga kamag-anak ni Xion. They are talking and laughing.
"Mom! Kuya Xion is here with his wife!" sigaw ni Yuli kaya awtomatikong napatingin sa kanila ang mga tao na naroon.
"Son..." Napalunok siya nang may lumapit na lalaki, halatang may edad na ito pero hindi mawawala ang kakisigan sa itsura.
"Dad," simpleng bati ng binata sa ama. Napahawak siya ng mahigpit sa bag na dala nang bumaling ito ng tingin sa kaniya.
"You must be the wife of my son," ngiting ani nito sa kaniya. Hindi siya kaagad nakasagot dahil medyo na intimidate siya sa aura nito. Nagulat na lang siya nang hapitin siya sa bewang ng binata at ito na ang nagsalita.
"Yes. This is my wife, Aj."
"Xion, hijo." Bumaling ang tingin niya sa babaeng papunta sa gawi nila. Kumapit ito sa braso ng ama ni Xion at doon niya lang napagtanto kung sino iyon. Hindi naman mapagkakaila na kahawig ito ni Lloyd.
"Nandito na pala kayo," ani nito. "Ito na ba ang asawa mo? Napakaganda naman." Ngumiti lang siya sa mga ito dahil hindi niya alam ang sasabihin niya. Kasal lang naman kasi sila sa papel at paniguradong dadating ang panahon na malalaman ng mga ito ang tungkol sa bagay na 'yon.
Balak niyang tumahimik lang buong araw at umiwas sa mga tanong ng mga ito. Sigurado siyang magtatanong ang mga ito tungkol sa kanila ni Xion at wala siyang maisasagot.
Umupo sila sa isang sofa. Nakahawak pa rin sa bewang niya si Xion. Gusto niya sanang alisin iyon pero maraming mata ang nakatingin sa kanila.
"Don't worry, we will not stay here for too long. I know you're not comfortable," bulong nito sa kaniya. Umiwas lang siya ng tingin dito at kunwaring tumitingin sa paligid. Pangiti-ngiti siya pag may nakaka-eye contact siya na mga kamag-anak ng binata.
Mayamaya lang ay mas rumami pa ang dumami. Lumipat sila sa isang table dahil nakahanda na ang mga pagkain. May mga server na rin at bartender para sa mga drink. Nahagip naman ng mata niya si Lloyd na kasama si Alora. Kung pabonggahan ng suot ay panalo na si Alora. Parang aattend ito ng club party dahil sa revealing na suot.
Nawala ang ngiti nito nang magtama ang paningin nila. Pinaikutan siya nito ng mata at nang may lumapit sa kanila ay biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito.
Napailing na lang siya sa isip.
"Sir, ma'am? champagne?" Inangat niya ang tingin sa waiter at kukuha na sana nang makita niya ang itsura ng nagse-serve sa kanila ngayon. Nanigas siya at hindi makagalaw sa kinauupuan. Nakangiti ito sa kaniya pero pansin niya ang mapanghusga na tingin at ngiti nito sa kaniya.
Tumikhim siya at kumuha ng isang baso na may lamang champagne.
It's her ex. Her ex-boyfriend who cheated on her because she can't give her virginity to him. She's not dreaming, he's real! Hendrix is here.
Hindi siya makapaniwalang nagtatrabaho ito sa resort na 'to.
"Hello tita, tito," bati ni Alora nang malapit na sa pwesto nila. Kasama kasi nila sa isang table ang daddy ni Xion at ang mommy ni Lloyd.
"Good to see you, hija. Kumusta kayo? Anak, hindi mo man lang sinabi sa akin na pupunta kayo," baling naman ng ina ni Lloyd sa anak.
"You're busy with you boyfriend, I don't want to disturb you," pabalang na sagot nito sa ina. Kita niya ang gulat at lungkot sa mata ng ina ni Lloyd.
"Umayos ka ng sagot, Lloyd." Hindi naman nito pinansin ang ama na sinita ito. Tumingin si Lloyd sa kaniya at kay Xion. Akala niya magsasalita ito pero tumabi lang ito sa kaniya dahil bakante na ang kabilang katabi niya.
Napaayos siya ng upo at napatingin na lang sa pagkain na nasa table na nila. May nag-serve na kasi ng pagkain nila. Hindi niya alam kung saan babaling ng tingin dahil hindi maganda ang pakiramdam niya lalo na kasama niya pa sa table si Alora at higit sa lahat ang nagse-serve pa sa kanila ay ang ex niya.
"When will you get married, Lloyd?" tanong ng ama nang makapag-umpisa na silang kumakain.
"Not sure," simpleng sagot nito habang naghihiwa ng steak.
"Pero magpapakasal din po kami tito, wala pa lang po sa plano kung kelan," singit naman ni Alora.
"So you two are really in a relationship? Akala ko magkaibigan lang kayo ng anak namin," masayang sambit ng ina ni Lloyd. Umiwas siya ng bahagya nang mag-serve si Hendrix ng panibagong putahe. Sa gilid niya kasi ito pumwesto.
Nang makaalis ito sa tabi niya tiyaka lang siya nakahinga ng maluwag. Kinuha niya ang fork and knife niya para hiwain ang steak na sinerve sa kanila kaagad pero bago niya pa iyon magawa ay may umagaw sa plato niya.
Nanlaki ang mata niya dahil si Lloyd iyon. Ang plato nitong may laman na hiniwang steak niya ay nilagay nito sa harapan niya.
"Eat. Don't stare at the food," mahinang sambit nito. Napatikhim siya dahil napansin niyang nakatingin ang magulang nito sa kaniya. Nakita niya rin ang pagkuyom ng kamay ni Xion habang hawak ang tinidor.
"O-oh... magkakilala din kayo ng anak ko, Aj?" pagtatanong ng ina ni Lloyd.
"A-ah, o-opo—"
"Yes. She's the best server in my favorite restaurant." Nanuyo ang lalamunan niya dahil sa ginagawa nito. Hindi na siya makakain ng maayos dahil mukhang hindi siya matutunawan.
"Oh, really?! Nagta-trabaho ka sa restaurant?" baling sa kaniya ng ina nito.
"Before but she already resigned," singit ni Xion. "Because I want her to be only my housewife," he added. Diniinan talaga nito ang 'housewife' na salita.
"How sweet," Lloyd's mom commented.
"Hayaan mo siyang magdesisyon kung ano ang gusto niya. Women wants to work too even they already have a family. Mag-usap kayo sa mga bagay bagay para magkaunawaan kayo," sambit ng ama nito. Alam niya ang pinupunto nito pero double meaning iyon sa kaniya.
"Of course, I'll do that." Napapitlag siya nang hawakan ni Xion ang isa niyang kamay. "Also, I need to clarify something, later," bulong pa nito na siya lang ang nakarinig dahil hindi na nag-react ang mga kasama nila sa table.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top