30


Nagising siya sa isang malakas na kalabog sa labas ng kwarto. Napabangon siya agad ng kama at dali-dali niyang binuksan ang pinto. Hindi niya alam kung bakit hindi na siya nagulat nang makita si Xion sa harapan niya. Madaling araw pa lang at halos kakatulog niya pa lang.

Tama nga si Lloyd na kahit anong tago niya ay walang impossible sa binatang ito.

"Aj..." Aj? Natawa siya sa isipan niya. Napasuklay siya sa magulo niyang buhok at tinalikuran ito, isasara niya pa lang ang pintuan ng kwarto nang maiharang n anito ang kamay at dahil mas malakas ito sa kaniya ay hindi niya na nagawang isarado.

"Why did you come with Lloyd? You can't trust him! He's a man and this is his house!" he fumed in her face. Hindi niya ito pinansin at dumeretso sa kama niya at nagtalukbong.

"Aj, talk to me—"

"Inaantok pa ako, madaling araw pa lang, 'wag kang istorbo," ani niya na parang wala lang kahit na halos lumabas na ang puso niya sa katawan niya. Meron sa kaniyang parte na gusto niya tumakbo papalapit dito at yakapin ng mahigpit ang binata pero dahil mas nangibabaw ang galit niya rito ay hindi niya iyon gagawin.

"I don't have a good and enough sleep since you left, so talk to me now," there's a full authority in his voice that makes her get nervous more. Napabuga siya ng hangin at tinanggal ang kumot na nakataklob sa buong katawan niya. Umupo siya at tiningan ito ng blanko.

"Anong pag-uusapan natin? Tungkol sa pag-alis ko o tungkol sa kasinungalingan mo?" deretsong tanong niya habang nakatingin sa mga mata nito. Sinigurado niyang wala itong makikita na ekspresyon sa mukha niya.

"Baby... "

"Hindi ako sanggol, kaya 'wag mo akong tawagin ng ganiyan at isa pa, hindi mo dapat tinatawag ng ganiyan ang empleyado mo."

"I'm sorry, okay? Gusto kong humanap ng mas magandang tiyempo bago ko sa'yo sabihin ang tungkol sa bagay na 'yon," ani nito at hinuli ang kamay niya.

"Pinagmukha mo akong tanga— oh, baka naman nag-eenjoy ka makita ang isang malanding contract wife mo na pumatol sa isang bodyguard na asawa niya naman pala talaga?" rinig na niya sa sariling boses ang pait at sakit. Winaksi niya ang kamay nito.

"Hindi ako kailanman nag-isip ng ganiyang bagay sa'yo. You're my wife so what happened between us is not a sin or wrong!"

"Pero hindi ko alam! Hindi ko alam na ikaw pala ang asawa ko? Maraming pagkakataon, Xion! Marami... pero hindi mo man lang nagawang sabihin sa akin? Manhid ka ba para hindi maramdaman ang nararamdaman ko para sa'yo? Bakit ako bumigay? Para lang sa sex? Hindi! Hindi ako klaseng babae na bumibigay basta basta sa tawag ng laman lalo na't hindi ko gusto ang isang tao... Siguro naman ramdam mo na gusto kita 'di ba?" Pumiyok ang boses niya nang tumulo ang luha niya.

Masakit sa kaniya na nagsinungaling ito lalo na iba na ang nangyayari sa kanila.

"I... I don't know..." Natawa siya ng pagak sa sinabi nito. Napakamanhid...

"Ganito na lang, para matapos na 'to, pwede bang umalis na ako sa puder mo? 'Wag kang mag-alala, hindi mo na ako kailangan swelduhan pa kada-buwan. Payag din akong tapusin ang kontrata natin at makikipag-divorce lang ako sa'yo kung hanggang kailan ang nasa usapan. Ibabalik ko rin ang mga sahod ko galing sa'yo simula noong tumira ako sa bahay mo. Tutal hindi ko naman masyadong nabawasan ang pera na binibigay mo."

Tama, dapat lang na umalis siya sa puder nito. At least kahit papaano ay maisalba niya ang sarili niya 'di ba? Tuloy pa rin ang pagiging mag-asawa nila sa papel hanggang sa maging dalawang taon na sila. Halos isang taon na lang naman at matatapos na.

"Are you saying that you'll going to leave me for good?" kunot noong tanong nito. Dumilim ang tingin ng binata sa kaniya at umigting pa ang panga nito. Binasa nito ang ibabang labi habang napahawak sa sintido.

"M-mas makakabuti iyon—"

"It's not! I don't want that... I don't want you to leave me for good. You can't do that," sambit nito at napailing pa. Kinagat niya ang labi dahil sa reaksyon nito.

"B-bakit? Bakit hindi ako pwedeng umalis?" mahinahong tanong niya rito. Parang may nagwawala sa kalooban niya at hinihintay ang sagot nito.

"It's because... I... I still need you beside me... I need you to attend a family gathering with me." Umawang ang labi niya at mayamaya ay natawa siya ng mahina. Iyong tawa na puno ng sakit. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya.

"You're my legal wife and our contract is legally made. You... you need to follow all my orders," he added. Napahawak siya sa buhok niya at naipagdikit ang labi at tiyaka tumango-tango na parang intinding-intindi niya ang mga sinabi nito.

"You just need me beside you because I'm still your contract wife... Because I am like your employee... Oo nga 'no?" she laughed in herself.

Natulala siya sa kawalan at unti-unting nawala ang tawa niya. Biglang namanhid ang buong katawan niya. Gusto niyang umiyak pero dahil naririto ito ay hindi niya maibuhos lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon.

***

Napasulyap siya sa dalaga nang makita itong natutulog sa tabi niya. Pagkatapos niyang sabihin na uuwi na sila paglitaw ng araw ay tanging tango lang ang tugon nito sa kaniya. He sighed before he get up and goes outside the room.

Napatingin siya sa kabuuan ng bahay ni Lloyd. A simple house that not too big but also not small. Hindi niya akalain na may sarili itong bahay rito. Tumungo siya sa may kusina para tingnan kung mayroon bang alak. Nang makakita siya ng mga beer ay kumuha siya ng tatlo at tumungo sa sala para roon uminom.

He doesn't know why he can't answer why he needs Aj beside him. His answer a while ago is not that serious. There's a party but they both have a choice if they're going to the family gathering. Hindi niya alam kung bakit niya sinabi iyon. Nataranta siya sa pag tanong nito ng 'bakit'.

He just said what he feels. Pero hindi niya pa rin matukoy ang sariling nararamdaman kung bakit ayaw niya itong umalis ng tuluyan sa tabi niya. Ngayong umalis nga ito at hindi niya lang nakita ng ilang araw ay halos hindi na siya makatulog at mabaliw na sa kakahanap sa dalaga. Paano pa kaya kung talagang aalis na ito ng tuluyan sa kaniya.

He can't now imagine living without her. But first, he should sure of what he really feels. He's not gay or what but since he was busy in his career and business, he never dated anyone. Hindi siya sigurado kung ano ba dapat ang maramdaman mo para masigurado mo na gusto mo ang isang tao.

"Fuck this..."

He doesn't want to hurt her more. Ayaw niya maging padalos-dalos sa mga bagay. Paano na lang kung hindi pala siya sigurado sa nararamdaman niya at nagsabi siya ng isang bagay na panghahawakan ng dalaga? Sigurado siyang mas lalo lang ito masasaktan.

Kinuha niya ang cellphone niya na nasa bulsa. Nakita niyang tumatawag si Francis kaya agad niya itong sinagot.

"All the documents of your grandfather's company are already transferred to your brother. I think he will be happy now and he can now stop messing with your life."

"Thanks," he plainly said and drink the beer.

"Are you drinking right now?" tanong ng kaibigan sa kaniya.

"Yes."

"What are you feeling right now? Do you feel regret? Na dahil sa isang babae ay nagawa mong ibigay sa isang iglap ang pilit mong pino-proteksyonan na kompanya ng lolo mo, para lang malaman kung nasaan siya?" Natigilan siya at napaisip.

Nakaramdam nga ba siya ng panghihinayang ngayon, na wala na ang kompanya ng lolo niya sa kamay niya.

It's true that he was try to protect that company at all cost. Alam niya ang paghihirap ng lolo niya roon kaya ayaw niya rin pabayaan pero ni katiting ay wala siyang naramdaman na panghihinayang lalo na't nakita niya na ang dalaga.

He was sorry for her late grandfather because he can't protect it but at the same time happy because he now found his wife.

Binaba niya ang bote ng beer sa isang kamay niya at napasandal sa sofa na kinauupuan. Tumikhim muna siya bago magsalita.

"How can you know if you already like the woman?" deretsong tanong niya. Biglang natahimik ang kabilang linya pero ilang segundo lang nang makarinig siya ng halakhak.

"Tangina! Congratulations! Binata ka na rin sa wakas," tuwang-tuwa na bulalas nito na ikinakunot ng noo niya. 



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top