28


Hindi niya alam bakit pa siya tinulungan ni Lloyd. Medyo hindi pa rin siya nagtitiwala rito dahil alam niyang galit ito sa kapatid, sa asawa niya. Pero hindi naman siya nakaramdam ngayon na mapanganib ang lalaki. Pumunta siya sa kusina para kumuha ng maiinom.

Kasalukuyang nasa baguio siya, sa bahay bakasyunan ni Lloyd. Nagpalipas sila ng gabi sa isang hotel bago tuluyang umalis at tumungo sa baguio. Naawa pa nga siya rito dahil kulang ang tulog nito. Nang maihatid kasi siya nito ay binilinan lang siya ng mga kailangan niya malaman sa bahay at umalis na rin ito.

Simple lang ang bahay pero may kalakihan pa rin. Kailangan niya munang mag-isip isip at ikalma ang utak niya. Masiyadong maraming gumugulo ngayon sa isipan niya. Nasaktan siya dahil parang pinaglaruan siya nito. Hindi pa rin siya makapaniwalang ito talaga ang asawa niya.

Ilang beses niyang nabanggit sa binata ang tungkol sa asawa niya pero napakagaling nitong umarte na parang hindi ito ang asawa niya. Nag mukha siyang tanga sa harapan ng binata at isa iyong malaking kahihiyan.

"Ang tanga mo, Aj," bulalas niya sa sarili.

Pagkatapos niya uminom ay pumunta siya sa sala at humiga roon sa sofa. Nagulat pa siya nang tumunog ang cellphone niya. Napatitig siya nang makitang si Xion ang tumatawag. Marahil nakauwi na ito at nagtatakang hinahanap siya.

Pinindot niya ang airplane mode para wala siyang matanggap na tawag. Ayaw niya munang isipin ang binata. Ayaw niya munang problemahin pa ang problema.

Nilapag niya ang cellphone sa tabi niya at binuksan ang tv. Wala siyang magawa at wala pa rin siya sa mood lumabas ng bahay. Nanood lang siya ng palabas sa telebisyon hanggang sa makaramdam siya ng gutom dahil ala-sais na ng gabi.

Dederetso na sana siya sa kusina nang may kumatok kaya agad siyang tumungo sa pintuan at binuksan iyon.

"Neng, pagkain oh, birthday kasi ng apo ko," sambit ng matandang babae na nakilala niya kanina. Ito ang caretaker ng bahay ni Lloyd.

"Ay, maraming salamat po nay. Happy birthday po sa apo niyo," nakangiting sambit niya rito.

"Wala iyon! Basta pag may iba ka pang kailangan 'wag kang mahiya na kumatok sa bahay namin," ani nito at tinuro ang kabilang bahay. "Siya nga pala, hindi ba uuwi ang nobyo mo?"

"Nobyo po? Si Lloyd? Ay nako nay, hindi ko po siya boyfriend," wika niya at nailing-iling pa.

"Totoo ba hija? Akala ko'y nobya ka niya dahil ngayon lang siya nagpapunta rito ng ibang tao at babae pa!" halakhak nito. "Akala ko pa naman ay mayroon na siyang makakasama," dagdag pa nito at ngumiti ng tipid.

Hindi niya alam kung ano ang ire-react niya sa matandang babae. Wala siyang masabi sa kinwento nito pero kita niya ang lungkot sa mat anito.

"Oh siya, mauuna na ako hija ah? Siya nga pala, itatanong ko lang din kung pwede ba magkaraoke ang mga bisita ng anak ko? Hanggang 10pm lang naman, kung okay sa'yo na medyo maingay."

"Wala pong problema nay, mag-enjoy lang po kayo," sagot niya kaagad. Hindi naman kasi sobrang dikit ang bahay ng mga ito kaya ang tugtog na naririnig niya kanina pa ay mahina lang kung nasaan siya.

"Maraming salamat! Kumain ka na at 'wag magpalipas." Tumango lang siya at nagpaalam na sa matanda. Dumeretso siya sa sala at doon niya pinatong ang dalawang paper plate na may laman na iba't ibang putahe. Bumalik siya sa pinto para mai-lock ang screen at mismong pintuan na rin.

Kumuha siya ng tubig sa ref at bumalik sa sala. Doon na siya kakain habang nanonood ng palabas. Magliliwaliw muna siya para hindi mag-isip ng kung ano-ano.

***

Gabi na at kanina pa hindi mapakali si Xion dahil hindi niya ma-contact si Aj. Tinawagan niya na rin si Francis para tanunging kung tumawag ba ito rito pero hindi ang sagot ng kaibigan.

Sumasakit na ang ulo niya at hindi alam kung saan nagpunta ang dalaga. Pumunta siya sa restaurant para magtanong sa mga kasamahan nito sa trabaho pero hindi rin nila alam ang sagot.

Hindi na siya makapagtanong pa dahil baka magtaka ang mga ito. Alam niya rin naman kasing last day nito sa trabaho kahapon.

"Where are you, baby..."

Saktong pagtayo niya sa pagkakaupo ay biglang may nag-doorbell sa labas kaya agad siyang lumabas para pagbuksan iyon. Akala niya si Aj pero ang bumungad sa kaniya ang kapatid niya.

"What are you doing here?" seryosong tanong niya rito. Ngumisi ito sa kaniya.

"Oh... akala ko nakapagbayad ka na ng tao mo para tingnan ang cctv sa lugar na 'to. Akala ko lang naman kailangan mo ako makausap tungkol sa asawa mo... ay oo nga pala, mag-asawa lang kayo sa papel."

Kinwelyuhan niya agad ito nang marinig ang mga sinabi.

"Where is my wife?" he gritted his teeth while holding him. Humalakhak ito kaya mas nag-init ang ulo niya. Binitawan niya ito at malakas na sinapak sa mukha.

"Where is my wife?!"

"Why are you asking me? Sabi mo nga asawa mo siya pero hindi mo man lang alam kung nasaaan siya?" he mocked. Kinuyom niya ang kamao niya, pinipigilan ang sarili dahil gusto niya ulit sapakin ang kapatid niya.

"Pag nalaman kung may ginawa kang masama sa kaniya hindi ako magdadalawang isip na patayin ka."

"Sino ba ang may kasalanan? Why your wife was shocked when she found out that her husband is you? What the hell did you do?" natatawang ani nito sa kaniya. Talagang inaasar siya nito hanggang sa sumabog siya.

Napasuklay siya sa buhok niya sa sobrang inis. "Stop messing with my life, Lloyd. Please grow up! Hindi ka na bata para gumawa ng mga kung ano-anong katarantaduhan!"

Ngumisi ito sa kaniya habang nakahawak sa pisngi na nasugatan dahil sa suntok niya.

"I'll stop when you give the company to me, but of course, I know that you can't sacrifice it because Aj is your contract wife. Wala lang siya para sa'yo, siguradong isang bayaran na babae lang siya sa paningin —" Pinutol niya ang sinasabi nito sa pamamagitan ng pagsuntok muli.

"Don't fucking call her like that. You don't know anything," he fumed. Hinawakan niya muli ito sa kwelyo at mas lalong hinigpitan iyon. Halos mabuhat niya na ang kapatid dahil sa sobrang gigil.

"Xion!" Binitawan niya ito nang malakas dahilan para mapaupo ito sa sahig at mapaubo.

"You two, stop!" saway ni Francis na kakarating lang. Tinulungan nitong tumayo si Lloyd pero hindi ito pinansin ng kapatid.

"You will never find her, but if you found her, don't expect that she'll be going to come with you. A liar bastard like you is not deserving for her." huling sambit nito bago siya talikuran at sumakay sa 


"He does know something," ani ni Francis sa kaniya. "Siya ang huling kasama kagabi ni Aj papunta sa hotel pero napanood ko ang cctv, hindi lumabas ang kotse na ginamit nila. I think he changed the car they've used. We still checking each car."

"Do everything." Tinalikuran niya ito at pumasok sa loob ng bahay. Naramdaman niya na sumunod naman ito sa kaniya hanggang sa makapasok sa mismong loob ng bahay.

"One more thing... I'm sorry because I just found out that some stranger goes to my office. Hind ko napansin na nawawala na pala roon ang kontrata niyo ni Aj. I was so busy and my office is always clean so I don't have a hint of what happened."

"For sure, it's Lloyds doing. That fucker won't stop until he gets our lolo's company." Kinuha niya ang alak sa ref at sinalinan ang baso.

"You can give it to him but it's just you can't trust him on how long can he handle it," Francis stated.

Sa una talaga nang buhay pa ang lolo niya alam niya na ang will na 'yon pero hindi niya sineryoso. Wala siyang balak kunin 'yon dahil gumagawa siya ng sarili niyang kompanya dahil gusto niya lahat ng makukuha niya ay galing sa paghihirap niya.


He's willing to give it to Lloyd even they are not okay. Pero nang mas naging rebelde pa ang kapatid ay hindi na niya hinayaan na makuha pa ni Lloyd ang kompanya na pinaghirapan ng kaniyang lolo.


Ayaw niyang biglang bumagsak na lang 'yon dahil sa pagiging pabaya ng kapatid. He wants them to be okay before because he was happy that he has a brother but when he found out how greedy and rebel Lloyd is, he stopped pursuing him. 


Dati ay kinakampihan niya pa ito ng palihim pag laging pinapagalitan ng ama, siya ang kumakausap lagi sa ama na hayaan na lang ang kapatid sa mga ginagawa pero hindi niya akalain na lalala ito.

Hindi niya maintindihan kung bakit ito galit na galit sa kaniya una pa lang.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top