27
Alora was pissed big time because of what she found out. Nakita niya ang mga pictures ni Lloyd na kasama sa club si Aj at magkasama pa ang dalawa papunta sa unit ng binata. Mas lalong kumulo ang dugo niya dahil sa dalaga.
Lloyd is mine and you dare to touch him and get near to him?!
The truth is she was getting scared, just the thought that Lloyd has feelings for that woman makes her mad. Gusto niyang magwala at saktan ang babaeng 'yon.
Nalaman niya ang tungkol sa kontrata ng dalawa dahil pinaimbestigahan niya si Aj at ang pamilya nito. Nalaman niyang laki ito sa hirap kaya sigurado siyang hindi nagpakasal ang dalawa dahil lang sa pagmamahalan. Hindi ito kilala ni Xion nang magpakasal ito sa babae kaya sigurado siyang nagkaroon ng kontrata lalo na na may lawyer si Xion na matinik at kilalang kilala sa larangan ng trabaho nito.
Money can buy and do anything. Hindi na rin siya magtataka na malaki ang binayad ni Xion sa babaeng 'yon. Xion is one of the richest young businessman around the the asia. 'Di niya mapagkakaila na napaka-talented nito. She would fall for him if she never met Lloyd.
Pagkarating niya ng pilipinas ay dumeretso agad siya sa babaeng 'yon para kumprontahin, ngayon naman ay papunta na siya sa unit ni Lloyd para ito naman ang kausapin.
Naitaas niya ang isang kilay nang makitang nagtatrabaho si Lloyd sa bahay nito. Lloys was never an work-a-holic. He just working if he's on working hours.
"You get drunk last time? What happened?" deretsong tanong niya sa binata.
"So you're the one who sends that man to check on me," he said as a matter of fact. Hindi man lang siya nito nilingon at patuloy pa rin na nakatutok sa computer nito. Lumapit siya rito nang maibaba ang gamit niya sa tabi.
"You didn't answer my calls! I did go there to paris for our plan. Sinunod kita pero anong ginagawa mo sa akin? You said you'll marry me if I succeed pero parang hindi naman 'yon mangyayari!"
"What makes you think that I'm not going to marry you?" ani nito at binaling ang tingin sa kaniya. Napahakbang siya ng kaunti dahil pakiramdam niya mainit ang ulo ni Lloyd sa kaniya.
"Y-you like Aj, didn't you?" Kinuyom niya ang kamao habang nanghihintay ng sagot nito. Isang ngisi ang pinakawala nito sa labi.
"Yes. I like her. But still, I'll marry you. Iyon ang napag-usapan natin kaya papakasalan kita pag nagawa mong paghiwalayin ang dalawa," he stated.
Umawang ang labi niya at natawa ng maiksi. He's planning to marry her but still his heart is on another woman. Pero dahil tanga siya sa pagmamahal ay kahit gano'n man lang ay payag na siya. Pag nagpakasal na sila ni Lloyd wala na itong kawala sa kaniya at doon niya sisiguraduhin na mahuhulog na ito sa kaniya.
"They legally married but with a contract. Binayaran lang ng magaling mong kapatid ang babaeng 'yon para magpakasal sila," ani niya rito at tumungo sa mini fridge ni Lloyd para kumuha ng alak.
"I know."
"Kailan pa?" kunot noong tanong niya. Wala naman kasi itong sinasabi sa kaniya. Kakausapin lang siya nito kung kailangan siya nito sa kama o kaya may ipapagawa ito sa kaniya tungkol sa plano nila.
"Last week," he plainly answered. Nilagok niya ang alak na nasa bote at nilapitan ulit ang binata. Dahil nakaupo ito ay dumeretso siya sa kandungan nito paharap. Hahalikan niya sana ito nang iniwas nito ang mukha sa kaniya.
"I'm not in the mood." Mas lalong uminit ang ulo niya dahil sa ginawa nito.
Is this because of that bitch? 'wag mong sabihin na talagang gusto mo na 'yong babae na 'yon?!
She wanted to shout and ask about his actions nowadays.
"Should I'll kill her? Parang mas madali iyon gawin para maghiwalay sila. What do you think?" ngising tanong niya sa binata. Binalik nito ang tingin sa kaniya, walang emosyon ang makikita sa mga mata nito kaya napalunok siya dahil sa kaba.
"Do it and there's no marriage will happen between us. The only plan is you should break them apart. You can hurt that man, but you can't hurt Aj." Tinulak siya nito paalis sa kandungan kaya napatayo siya. Tumayo na rin ito at tinalikuran siya. Dere-deretso itong pumasok sa kwarto at malakas na sinarado ang pinto.
Humigpit ang hawak niya sa bote ng alak.
"You will be fucking dead meat, bitch," he murmured with so much anger.
***
Mayamaya ay lumabas si Lloyd ng kwarto at wala na roon si Alora. Paniguradong umuwi na 'yon pagkatapos uminom ng alak sa unit niya. Hindi siya nag-aalala na nagmaneho ito pauwi dahil lagi itong tumatawag ng driver pag nakainom.
Kinuha niya ang susi niya at lumabas ng unit. Tumungo siya kung nasaan naka park ang kotse niya. Nang makasakay sa sasakyan ay pinaharurot niya iyon papuntang kung saan. Gusto niyang magpahangin kaya pupunta lang siya kung saan siya mapadpad.
Napadaan siya sa pinagta-trabahuan ng dalaga pero sarado na iyon. Nang makalapagpas siya roon ay nadaanan niya rin ang village kung saan nakatira si Aj.
Natigilan naman siya at napabagal ang pag-drive niya nang may makitang pamilyar na taong naglalakad sa gilid. May maleta itong dala at isang bag.
"Aj..."
Binilisan niya ang pagmaneho hanggang sa maunahan niya ito. Huminto siya at agad na lumabas ng kotse. Tama nga siya, si Aj ito. Napatigil ito sa paglalakad nang makita na siya nito. Nakayuko lang kasi ito habang naglalakad kaya hindi man lang nito napansin na nasa harapan na siya.
"Where are you going?" he asked. Blanko siya nitong tiningnan at walang sabi-sabi na nilagpasan. Napatitig pa siya rito bago sundan ito at hatakin ang maletang hawak. He knows that Aj was escaping.
"Saan ka pupunta ng ganitong oras? Umaambon at gabi na—"
"Tigilan niyo na ako!" sigaw nito na ikinagulat niya. "Tigilan niyo na ako ni Alora, okay? Hindi ko alam na siya pala talaga ang asawa ko... akala ko... akala ko napakalandi ko dahil pumapatol ako sa iba nang may asawa ako! Kaya parang awa niyo na tigilan niyo na akong dalawa!" she shouted. Napabuga siya ng hangin bago hatakin ang kamay nito.
"Get in. Let's talk inside the car."
"Ayoko!"
"Hindi ka makakaalis sa kaniya. Kung gusto mong hindi ka niya makita kailangan mo ng tulong ko," matigas na ani niya sa dalaga. Hindi na siya naghintay ng sagot at pinasok ang maleta sa likuran bago niya ito pagbuksan ng pinto sa harapan. Hinawakan niya ito sa siko at pinapasok sa loob nang hindi man lang ito gumalaw. Mabilis siyang umikot para makapasok at makaupo na rin sa driver's seat.
"What are you saying that you didn't know that Xion is your husband?" seryosong tanong niya rito. Binalingan niya ito ng mabilis nang hindi ito umimik.
"I know about the contract. Last week ko pa alam. So tell me what happened," he added.
"Iyon ba ang sinasabi mo? Kailangan ng asawa ni Xion para makuha ang mana ng lolo niyo? Iyon ang sinabi mo noong lasing ka," sambit nito.
He tilted his head. Naalala niyang naibuhos niya pala lahat ng nakatagong hinanakit sa dibdib niya.
"Yes. Kung sino ang unang makakapag-asawa sa amin makukuha lahat ng iniwan ng lolo. I'm not that rich as Xion so I can't do what like he did." But I already planned to marry Alora but Xion was fast and quiet. Hindi ko man lang nalaman na nakuha niya na pala at nakapangalan na sa kaniya ang kompanya. What an assh*le.
"But as you said, how come you didn't know that he was your husband?" Naguguluhan pa rin siya sa nangyayari rito.
Nag-park sila sa bakanteng lote para makausap niya ito ng maayos.
"Bakit ba curious ka? Para malaman mo kung paano pababagsakin ang kapatid mo? Galit ka sa kaniya 'di ba?"
He let out a heavy sighed. Yes, he's curious but not because how can he crush his half-brother but because of her. Gusto niya itong tulungan.
"You're giving me an idea," bulalas niya rito.
"Akin na ang gamit ko! Aalis na ako!"
"You're protecting him? Kahit na may ginawa siya sa'yo?" kunot noong tanong niya. She really like him...
He nodded his head like he understands everything. "Fine, I'm not going to ask." Muli niyang pinaandar ang sasakyan.
"Saan tayo pupunta? Sabi ko bababa na ako—"
"As I said, I'll help you to hid. Don't worry, I will not hurt you. Kung gusto mong mag-isip isip muna at gusto mong hindi ka niya mahanap, just trust me."
----
A/N: Hello po sa lahat ng nagbabasa nito! Comment naman kayo~ <33 Thank you sa paghihintay ng bawat update!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top