26


Nakatanaw siya sa labas ng restaurant, malakas ang ulan dahil sa bagyong dumating. Hindi kasi siya nakapanood ng balita mabuti na lang na lagi siyang may dalang payong sa bag. Bilang lang sa kamay ang customer ngayong araw dahil na rin sa panahon. Ito ang last day niya sa trabaho kaya naman ay kumikilos siya ng todo kahit na sinisita siya ng mga kasamahan niya na sila na sa ibang gawain.

"Ako na magpupunas dito, sa counter ka lang muna," ani ni Dianne sa kaniya.

"Okay lang, kaunti lang naman ang lilinisan," sagot niya rito.

"Last day mo na rito kaya chill ka lang," natatawang ani nito. "Isa pa't kaunti lang ang gagawin natin kaya 'wag mong akuin ang lahat dahil kaya mo, dapat hati pa rin sa gawain," dagdag pa nito. Hindi na siya nakapalag sa kaibigan at hinayaan na itong magpunas ng mga table. Sa counter lang siya tumambay at inayos ang mga nakalagay roon. Pinupunasan niya rin ang makitang may kaunting dumi dahil hindi talaga sila busy ngayon.

"May pick up order tayo, mga 4pm daw dito kukunin lahat ng order kaya kahit 'wag daw magmadali," ani ng isang kahera. Tumango naman siya at kinuha ang lista ng mga inorder. Marami nga iyon kaya sakto lang ang oras ng pag-order sa kanila. Alas-tres pa lang kai ng hapon at may isang oras pa bago dumating ang magpi-pick up.

Nang matapos ang pagluluto sa mga order ay tumulong na siya sa pagpa-pack ng mga pagkain at mga drinks. Mabilis lang din ang oras at dumating na rin ang magpi-pick up ng food. Pagkatapos no'n ay wala na namang panibagong customer. Ilang oras ang lumipas hanggang sa naubos na ang customer sa loob ng restaurant.

"Ang swerte naman ng last day mo, hindi hussle!" Napangiti siya nang makita si Ms. Sharron na papalapit sa kaniya.

"Opo ma'am, walang masiyadong ginagawa. May iuutos po ba kayo? Pwede ko pong gawin," tanong niya rito. Umiling ito sa kaniya at tinapik ang balikat niya.

"Wala naman," ani nito sa kaniya at binalingan ang tingin ang mga kasamahan niya. "Kumuha pala kayo ng isang buong cake sa chiller natin, it's on me. Meryenda muna ang lahat dahil wala na rin naman tayong customer," anunsiyo nito na ikinatuwa ng lahat.

"Free kayong kumain pero pag biglaan nagkaroon ng customer titigil agad ha?"

"Yes ma'am! Salamat po!" pasasalamat ng iba pa. Napapalakpak naman ang iba dahil sa tuwa. Kumuha ng isang tiramisu cake si Dianne sa chiller at ito na ang naghati sa bilang nilang lahat. Masaya silang kumain at nagkwentuhan sa may counter habang nakatayong kumakain. Hanggang sa matapos sila ay wala pa ring customer.

Nang matapos ang duty niya ay naiyak pa siya dahil sa mga paalam na natanggap niya sa mga ka-trabaho.

"Mami-miss ka namin!" sigaw ni Dianne sa kaniya kaya nagtawanan ang lahat.

"Bumalik ka kung nagbago ang isip mo, kailangan ko pa rin naman ng masipag na katulad mo," ani sa kaniya ni Ms. Sharron.

"Maraming salamat po sa inyo dahil mababait kayong lahat. Lalo na noong time na bago lang ako rito, ginawa niyo ang best niyo para i-guide ako. Bibisita pa rin ako rito pag may time ako! Bebentahan ko kayo ng mga paninda ko!" ani niya at tumawa pa. Nagpaalam siya sa lahat bago tuluyang umalis sa lugar na 'yon.

Sinundo siya ng driver niya kaya mabilis siyang nakauwi. Pagkarating niya sa bahay ay umalis na rin ang driver niya. Paakyat pa lang sana siya para magbihis at gawin ang routine niya nang may mag-doorbell sa bahay. Mabilis siyang umikot para dumeretso sa labas ng gate. Pagkabukas na pagkabukas niya pa lang ay bumungad na sa kaniya ang walang emosyon na mukha ni Alora.

Nangunot ang noo niya dahil hindi niya inaasahan ang pagpunta nito sa bahay at higit sa lahat puno ng katanungan ang utak niya kung paano nito nalaman ang tinitirhan niya.

"Well, well... You're really living here? So, you two are not fake and legally married but with a contract?" tumatangong ani nito habang nakatingin sa kaniya. Naguluhan naman siya lalo sa mga sinasabi nito.

"Bakit ka nandito? At ano ang sinasabi mo?" pagtatanong niya kay Alora. Hindi niya ito naiintindihan. Tumawa ito ng bahagya na parang hindi makapaniwala sa tinanong niya.

"Are you dumb? Alam mo ng alam ko na ang totoo pero magmamaangmaangan ka pa rin?"

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, 'wag ako ang guluhin mo Alora," matigas na sambit niya. Papasok na sana siya nang hawakan siya nito sa siko at hatakin paharap. Naramdaman niya ang pagdiin ng mahabang kuko nito sa balat niya kaya napadaing siya.

"You! Pati ba naman si Lloyd ay kukunin mo?! Malandi! At akala mo hindi ko malalaman ang sikreto niyo ni Xion? You both legally marriage but you two have a contract. Binayaran ka lang niya para maging asawa mo siya sa papel at makuha niya ang pamana ng lolo nil ani Lloyd! Gold digger, bitch!" Umawang ang labi niya at napatingin dito ng husto. Kita niya ang galit sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.

Gulong-gulo ang isipan niya ngayon. Hindi niya matukoy kung paano nito nalaman na may contract husband siya at ang pinagkamalan pa nito ay si Xion.

"Ano? 'wag mong sabihin na hindi mo 'yon alam! Sino ang trumabaho para magawa 'yon? Ang lawyer ni Xion 'di ba? Si Francis?! Pinagkaisahan nila si Lloyd! Hindi patas maglaro si Xion! At ikaw? Meron ka na ngang asawa gusto mo pa agawin si Lloyd!" sigaw nito sa kaniya.

Naestatwa siya dahil sa mga sinabi ni Alora.

Lawyer ni Xion si Francis? Paanong...

Napasinghap siya nang biglang may pumasok sa isip niya.

Horton... Xion Asher Horton...

Nanginig ang kamay niya at napahawak sa ulo. Naalala niya na nadulas si Francis sa surname ng asawa niya. Kaya pala pamilyar ang apilyedo ng binata ay dahil nabanggit na 'yon sa kaniya ni Francis.

Napasuklay siya sa buhok, hindi na rin siya makapagsalita dahil masiyadong mabigat ang mga nalaman niya ngayon.

"Don't act like you didn't know about this! Subukan mo pang lapitan at puntahan si Lloyd ako na mismo ang gagawa ng paraan para alisin ka sa mundong ito! Lloyd is mine!" sigaw pa ulit nito sa kaniya at tinulak siya ng malakas bago umalis sa harapan niya. Wala naman siyang imik dahil malalim pa rin ang nasa isip niya.

Wala sa sariling tumalikod siya at pumasok muli sa bahay. Muling pumatak ang ulan pero para siyang wala sa hulog dahil hindi man lang siya nataranta. Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay tulala pa rin siya. Umupo siya sa sofa at nilabas ang cellphone na nasa bulsa niya. Tumitig siya roon ng ilang minuto bago pindutin para tingnan ang numero ng contract husband niya.

Matagal na iyong naka-save roon dahil si Francis ang naglagay no'n. Kailanman ay hindi siya nagkaroon ng ideya para tawagan ito dahil nirerespeto niya ang privacy nito katulad ng nasa kontrata nila dahil wala siyang karapatan para alamin kung sinong tao ito.

Pero dahil sa sinabi ni Alora ay kating kati na siya makumpirma kung si Xion ba talaga ang contract husband niya. Pinindot niya ang tawag at ni-loudspeaker iyon. Dumagundong ng husto ang puso niya dahil sa halo-halong emosyon lalo na nang may sumagot doon.

"Hello?" Humigpit ang kapit niya sa cellphone at unti-unting nanubig ang kaniyang mata. Hindi nagsisinungaling si Alora, lahat ng sinabi nito ay totoo.

"Hello? Who's this?" ulit na tanong pa nito. Ilang segundo at binaba rin nito ang tawag. Binasa niya ang labi na natuyo na. Biglang sumakit ang ulo niya at para siyang nahilo dahil sa nangyayari.

Xion is her contract husband. Ito ang mismong asawa niya sa papel. Gumuhit ang sakit sa kaniyang dibdib. Para siyang napahiya at malaking kahihiyan iyon para sa kaniya. Nakita nito kung paano siya bumigay sa isang lalaki lalo na't hindi niya ito kilala. She thought that she was having an affair but all this time the man who get her attention is his contract wife.

Maraming pumasok sa isipan niya katulad na lang na kung ano ang mga nasa isip nito dahil bumigay siya sa bodyguard niya. Nahihiya siya pero mas lamang ang sakit dahil niloko siya ni Xion. Maraming pagkakataon na pwede nitong sabihin pero hindi nito ginawa. Nag mukha siyang tanga sa harapan ng binata. Takot na takot siyang pumasok sa hindi siguradong relasyon dahil may asawa siya. Pero ito lang pala ang asawa niya, nasa malapit lang na akala niya'y ginawa niyang kabit.

Tumayo siya at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Pinipilit niyang kumalma sa oras na 'yon. Nanginginig pa rin ang buong katawan niya. Patuloy ang pagpatak ng luha niya kasabay ng pagbuhos ng ulan.

Dapat sanay na akong maloko 'di ba? Dapat sanay na ako sa sakit pero bakit parang ibang klaseng sakit ang nararamdaman ko ngayon? Bakit parang pasan ko ang mundo?

Dumeretso siya sa kwarto niya at niligpit ang mga importanteng gamit. Bukas ang uwi ni Xion at ayaw niya munang makaharap ito. Wala siyang mukhang ihaharap sa binata dahil isa siyang malaking kahihiyan at hindi niya rin ito kayang harapin dahil sa sakit na bumabalatay sa kaniyang puso. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top