22
Hanggang sa makaalis sila ni Xion sa kompanya nito ay malalim pa rin ang nasa isip niya. Hindi mawala sa isip niya ang surname ng binata.
Saan ko ba 'yon narinig?
Sigurado siyang narinig niya na iyon kung saan hindi niya lang matandaan. Iwinaksi niya na lang ang nasa isip at tumingin sa daan, hindi niya alam kung saan sila papunta ngayon.
"Look, Alora is just a client. Napilitan lang ako kumain dahil hindi siya titigil sa kakakulit sa akin," biglang paliwanag nito na ikinatingin niya. Ngumiti naman siya ng tipid at tumango dito.
"Baby... can you please talk?" he said frustratedly. Nagulat pa siya dahil bigla nitong tinabi ang kotse at tiningnan siya.
"Ano ka ba, okay lang talaga," nakangiting ani niya. Inabot nito ang kamay niya at pinisil ng marahan.
"You rarely talk at me since you saw me with Alora." Hindi siya summagot at binaba ang tingin sa kamay nilang magkahawak. Ayaw niya kasing ipakita na nagseselos siya, wala naman kasi siyang Karapatan.
"And... how did you know where my office is?" nagtatakang tanong nito sa kaniya. Medyo kinabahan siya dahil alam niyang hindi nito magugustuhan na ang kapatid nito ang nagsabi sa kaniya.
"S-sinabi ni Lloyd..." Kinagat niya ang ibabang labi, "... siya ang nagsabi sa akin na... na kasama mo si Alora," pagtutuloy niya.
"What?! Did he just go to my house?!" matigas na bulalas nito. Napaangat naman ang tingin niya at tiningnan ito ng may halong pagtataka.
"B-bahay mo?" Nagtama ang paningin nila pero bigla rin itong umiwas ng tingin. Sumandal ito sa kinauupuan at napasuklay sa buhok gamit ang isang kamay.
"I mean... to the house we're staying at," mahinang ani nito. Dahan-dahan siyang napatango bilang tugon na naintindihan niya ito.
"Hindi... Kinuha niya ang number ko kay Dianne kaya niya ako natawagan."
"Block his number. Don't answer his call or messages," utos nito sa kaniya. Napabuntong hininga siya, alam naman niyang hindi talaga magkasundo ang dalawa pero kailangan niya pa ba i-block talaga ang number ng kapatid nito?
"Xion... pwede ko bang malaman kung anong pinag-awayan niyo?" she asked curiously. May times na naiinis lang talaga siya inaasta ni Lloyd lalo na noong nalaman nitong asawa siya kuno ng kapatid nito. Nakilala niyang mabait ang lalaki at alam niyang may kabutihan naman ito pero natatabunan na ngayong kilala siya nito bilang asawa ni Xion.
"Sorry... I can't explain it to you," ani nito at umiwas ng tingin. Medyo napahiya siya bigla, nakalimutan niyang wala pala siyang karapatan magtanong dito. Wala siyang karapatan maki-isyoso sa buhay nito. Kiming ngumiti siya sa sarili at dahan dahan na napatango.
"Okay..." Sumandal siya sa upuan at binaling ang tingin sa gilid. Narinig niya na tumunog ang cellphone nito.
"Hello?... yeah, yeah... okay, I'll be back right away... okay..."
Pinaandar agad nito ang sasakyan bago muling magsalita.
"I'll just drop you to the house. I need to go back to the office, I have important meeting—"
"Diyaan na lang ako sa supermarket!" putol niya agad sa sasabihin nito nang matanaw na may supermarket na malapit.
"No, I'll drop you to my house," matigas na sambit nito. Hindi niya pinansin ang pagkakasabi nito at umiling na lang.
"May bibilhin ako, importante, dadaan naman kasi talaga ako sa supermarket pagkatapos ko sayo ibigay ang pagkain," bumaling siya rito at ngumiti. Pinakita niya na nagsasabi siya ng totoo kahit hindi naman talaga. Reason niya lang ang pagpunta sa supermarket para ibaba na siya nito. Ewan niya ba, sumama ang loob niya. She was jealous and now disappointed to herself because she was like a fool and acting like a real wife to him.
"Fine. Send me a text message if you got home, okay? Take care," ani nito at akmang hahalikan siya nang mabilis siyang umiwas at binuksan ang pinto ng sasakyan.
"Ingat," sambit niya habang nakayuko at sinarado na agad ang pinto ng kotse. Tumalikod siya at naglakad papalayo sa sasakyan nito. Hindi na siya naghintay ng sasabihin pa nito at umalis na. Kagat-kagat niya ang labi dahil ang bigat bigla ng pakiramdam niya.
"Wala kang karapatan pumasok sa buhay niya, wala ka rin karapatan magselos, Aj. Umayos ka!" inis na bulong sa sarili. Dere-deretso lang siya hanggang sa makapasok sa supermarket kahit wala naman talaga siyang bibilhin.
Umikot lang siya sa loob at napabili na rin, incase na tanungin siya ng binata kung ano ang binili niya. Nagtagal ata siya ng kalahating oras sa supermarket dahil paikot-ikot lang siya habang malalim ang iniisip. Pagkatapos niya magbayad ay lumabas siya ng supermarket pero sa likod siya dumaan, sakto naman na may taxi siyang nakita kaya doon na siya sumakay.
"Saan po tayo ma'am?" tanong ng driver. Hindi siya kaagad nakasagot dahil maski siya hindi alam kung saan gusto pumunta, basta ang alam niya lang ayaw niya pa umuwi.
"May alam po ba kayong pwedeng tambayan dito manong?" tanong niya sa driver.
"Ay, broken hearted ka ba ma'am?" tanong bigla ni manong. "Paano ba naman kasi, noong isang araw may sakay din ako na dalaga at hindi alam kung saan pupunta tapos umiiyak pa!" dagdag pa nito. Napakamot naman siya ng ulo at napailing na lang.
"H-hindi po manong... ayaw ko pa kasi umuwi, gusto ko pa gumala," pagdadahilan niya pero mukhang hindi naniwala sa sinabi niya.
"Oh siya, doon ka na lang pumunta sa rooftop pub ma'am, masasarap ang pagkain at maganda pa ang view. Pwede kang uminom, pwede kang kumanta, pwede kang making sa banda, tutal malapit na mag 4pm, mag-start na ang banda roon." Tango na lang ang tanging tugon niya. Dahil wala rin naman siyang alam puntahan, pumayag na siya sa suggestion ni manong.
May kalayuan din ang pinuntahan nila dahil umabot ng 300 ang babayaran niya. Dahil mabait ang driver inabutan niya ito ng 350 bilang tip na rin dahil ligtas siyang nakarating sa lugar.
"Maraming salamat po," sambit niya bago tuluyan lumabas ng taxi. Napatingala siya sa building dahil mataas ang building na 'yon. Pumasok siya at nagsabi sa guard na pupunta siya sa rooftop pub. Tinuro naman nito ang elevator at sinabing pindutin niya lang ang R button.
Pagkapasok niya ay natigilan siya at napatingin sa kasabay niyang pumasok.
"Lloyd?" halata sa boses niya ang pagkagulat. Ngumiti ito ng tipid sa kaniya at mukhang hindi man lang ito nagulat na nakita siya nito rito.
"Hey... what happened to your visit in my brothers company?" kaswal na tanong nito. Sumeryoso ang mukha niya dahil pakiramdam niya ay sinundan siya nito.
"Sinundan mo ba ako?" Ayaw niyang maging feelingera pero iyon lang ang nasa isip niya.
"Kinda? Nakita kita bumaba ng taxi habang papasakay ako sa kotse kaya naisipan kong sundan ka. Galing ako sa liquors store, sa tapat ng building na'to." Hindi siya nagsalita at iniwas na ang tingin dito. Pipindutin niya sana ang R button pero nakapindot na.
"You'll eat or you'll drink?" Napabuga siya ng hangin at tiningala ito dahil sa tangkad nito.
"May problema ka ba sa akin?" deretsong tanong niya.
"I don't have a problem with you... but things happened. I didn't know you're my half ass brother's wife," he scoffed.
Her body frozed a little before she reacted. "Half brother?" Ngumisi ito ng kakaiba pero may kung anong emosyon siyang hindi mawari sa mga mata nito. Hinarap siya nito at tiningnan ng mabuti sa mata.
"It seems you didn't know your husband well, Aj. Are you his real wife or a fake?" Napaatras siya ng humakbang ito papalapit sa kaniya. Napapikit siya nang yumuko ito at nilapit ang labi sa pisngi niya.
"If you don't want to be with him, just tell me, I can get him from you and I'm willing to do it," he muttered. Her eyes widened when she felt his lips touched her cheeks.
"You're goddamn cute," nanggigil na sambit pa nito. Hindi na siya naka-react nang lumabas na ito sa elevator dahil tumunog na iyon. Siya naman ay hindi na nakalabas at hinayaan na lang magsara muli ang pintuan ng elevator. Pinindot niya agad ang ground floor para makaalis sa lugar na 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top