Part Two
Tumigil ang oras ko noong naaksidente ako.
Ang huling alaala ko ay umakyat kami sa bundok ng mga kaibigan ko.
Labing-pitong gulang pa lang kami nang sabay-sabay naming pinagmasdan ang pagsikat ng araw sa tuktok ng inakyat naming bundok.
Isa iyon sa bucket list naming magkakaibigan, na sama-sama naming tinupad bago kami magtapos ng kolehiyo. Hinding hindi ko malilimutan ang lamig at amoy ng simoy ng hangin na nagnakaw ng halik sa aking pisngi noong araw na iyon.
Nagkaroon kami ng litrato na magkakasama noong araw na iyon, kasama ng pagsumpa namin sa samahang walang iwanan hanggang wakas.
Ngunit tulad ng larawan na inilimbag ng kahapon, ang pangako at samahan na nabuo sa pagitan naming magkakaibigan ay unti-unting nawalan ng kulay nang dumilim ang paligid ko matapos kong iligtas ang kaibigan ko mula sa bangin kung saan siya muntikan nang madulas pagkababa namin ng bundok.
Sa totoo lang hindi ko alam kung gaano kalalim ang binagsak ko na dahilan kung bakit ako nakatulog sa mahabang panahon.
Nagising ako at ninakaw ng oras sa akin ang ilang taon pagkatapos ng insidente na iyon.
Literal na para akong nasa ibang mundo nang buksan ko ang mga mata ko sa realidad kung saan ako nabubuhay ngayon.
Hindi ko tanggap.
Sa sobrang daming nagbago, nahihirapan akong tanggapin ang kasalukuyan ko na minsang dahilan ng pagsusuka ko dahil sa pagkakakumpirma ng mga doktor ko, my brain is still in shock and is rejecting my reality.
It took me a while to recover, both physically and mentally. Perhaps even spiritually. Nag-therapy sessions din naman ako para maka-cope up unti-unti dahil kailangan.
Nang mairaos ko ang therapy ko, ang unang ginawa ko ay ang tawagan ang mga kaibigan. Ang sabi kasi sa akin ni mommy noong natutulog pa ako, lagi silang naglalaan ng oras para bisitahin ako noon. Pero ngayon dahil sa working adults na sila, wala na silang oras para bisitahin o kamustahin ako.
Inunawa ko iyon sa abot ng makakaya ko, pero hindi ko pa rin maipagkakaila na namimiss ko sila ng sobra at inaasahan ko na gano'n din sila sa akin. Pero parang hindi na ako nag-eexist sa buhay nila ngayon.
Nakikita ko na lang sila sa social media na magkakasama sa iba't-ibang lugar na nakangiti at masaya. Tanging sa ganoong paraan na lang ako kung makasagap ng balita mula sa kanila.
They look so happy, accomplished and stable with their lives. While here I am lost, empty, and barely coping up in an environment that is alien to me.
Tinanggap ko na lang ang papel ko na hanggang doon lang ako sa buhay nila. Ayoko namang maghabol sa mga taong hindi na ako naaalala.
Binura ko ang social media ko at iniwasan ang mga taong hindi na parte ng kasalukuyan ko. Sino ba naman kasi ako para magkaroon ng halaga sa buhay nila?
I was the odd one out way back then. I'm just another person in their group. Akala ko noon magkakaroon ako ng sense of belongingness sa kanila.
Pero kung titingnan ko ang sarili ko sa salamin ngayon, parang pinaniwala ko lang ang sarili ko na 'belong ako dahil ayokong mag-isa'.
Muli akong bumalik sa realidad ko nang tumunog ang doorbell ng pintuan ko, "Oh, baka nandiyan na yung pinadeliver ko na galing sa mga kaibigan mo." sabik na ani mommy sa akin.
"Okay po Mom. Ibababa ko na po ang tawag, i-update ko na lang po kayo ah? I love you." nakangiting sambit ko sa kanya bago ko ibaba ang tawag. Nagawa pa niyang mag-flying kiss at muli niyang binitawan ang mga salitang 'I love you Anak. Ingat.'
Binuksan ko ang pintuan ko at bumati sa akin ang isang robot na may maliit na gulong.
Nagulat ako sa pag-flash ng kanyang mga mata sa harapan ko bilang indikasyon na nakuha na niya ang litrato ko para sa mga layunin ng dokumentasyon ng courier na ito, "Delivery for-" bago pa man matapos ng robot ang sasabihin niya kinuha ko na agad ang package ko at nakasimangot na sinabing 'Received.' Iyon ang code ng courier robot para umalis sa harapan ko, ngunit ilang segundo pa para gumulong siya paalis sa harapan ng kwarto ko.
Sa totoo lang gusto ko siyang sipain palayo sa akin dahil parang hindi pa siya upgraded sa bagal niyang mag proseso ng command.
Nagpasalamat ang robot sa harapan ko matapos ng ilang minuto at narinig ko ang closing spiel niya, hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang sinabi at sinaraduhan ko na siya ng pintuan.
Lumang robot na siguro iyon, aba kailangan na ring mag-upgrade ng courier service na iyon. Ang lumang appliances ay madali namang palitan.
Madaling palitan.
Maswerte pa pala ang robots sa parte na iyon; dahil kapag pinalitan sila hindi sila masasaktan dahil hindi naman naka-program sa kanila na makaramdam ng sama ng loob kapag natapos na ang layunin nila sa buhay ng tao.
Kapag naluma ka na at hindi na updated ang hardware or software mo; isang pindot lang ng tao sa kanila, hindi na sila magigising pa.
Minsan nang tumakbo sa isipan ko, sana ay naging robot na lang din ako.
Sa totoo lang ayoko na makaramdam ng kahit ano dahil alam kong hindi iyon nakakabuti sa akin.
Binigyan ako ng doktor ko ng gamot para maging stable ang hormones ko; malaking tulong din naman iyon sa akin, mas naging focused ako at kailangan ko iyon sa trabaho kahit pa ang kapalit no'n ay ang pag-deactivate ng gamot sa emosyon na minsan ay daig pa ang global warming sa utak ko.
Binuksan ko ang package ko mula kay mommy na galing daw sa mga kaibigan ko.
Sa loob ng isang kahon makikita ang isang reading glasses, mukha itong mamahalin sa unang tingin. Malinaw at makapal ang mala-kristal nitong frame at paniguradong magmumukha akong nerd nito kapag sinuot ko ito.
'All we have is now.'
Iyon ang mga salitang nakalagay sa isang maliit na papel kasama ng isang envelope kung saan nakapaloob ang bilugang nano-sized memory card.
Inusisa ko yung salamin at nakita ko agad yung slot kung saan ilalagay yung memory card at isinuot ito.
Napangiti ako agad nang magbago ang kulay nito at agad ding na-scan ang mga mata ko na kinikilala ang nagmamay-ari ng item na ito.
Okay ang cool naman nito.
After that retinal recognition agad ding bumalik ang perspective ko sa normal na para ba akong nagsusuot ng normal na reading glasses, masasabi kong para itong transition panorama glasses with a mix of technology.
"As for today's schedule," ani ng AI ko at agad ko ring nakita mula sa lense ng salamin ang calendar at reminder na nakalagay sa smartphone ko, "You'll be attending a school reunion Ms. Heather, and you will be escorted by Mr. Richard."
"Wait, who contacted Richard?" tanong ko sa AI dahil sa totoo lang kahit pa naka-remind sa akin ang lecheng reunion na iyan, wala akong balak pumunta.
Matagal tagal na rin noong huling nakita ko ang mukha ni Richard. Hindi ko na hinintay ang sagot ng AI ko at diretsong hinarap ang pintuan ko para sana lumabas ng unit ko, pero sa kasamaang palad-
"Hello Heather."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top