Part One

'Malalaman mo ang halaga ng isang sandali, kapag ito ay naging isang alaala na nakatatak na sa iyong puso.'

NAGISING ako mula sa isang panaginip kung saan binabaha ng luha ang aking mga mata. Naririnig ko ang bilis ng tibok ng puso ko na parang may sumisigaw sa kaloob looban ng kaluluwa ko gamit ng tinig na hindi pamilyar sa akin, "Heather, huwag mong kalimutan-"

Doon tumigil ang panaginip na iyon kapalit ng luha na pinupunasan ko ngayon sa mukha ko.

Panaginip lamang iyon Heather, walang ibig sabihin iyon at pinaglalaruan ka na naman ng sarili mong utak mula sa emosyon na nakakalat ngayon sa kwarto mo. Kumbinsi ko sa sarili ko at huminga ng malalim.

Kinuha ko ang baso ng tubig mula sa lamesa katabi ng kama ko at ininom iyon. Bumangon ako mula sa kama para masimulan ko na ang araw ko tulad ng nakasanayan. Gamit lamang ng aking boses, pinagana ko ang AI sa loob ng kwarto at kaswal akong binati nito na para bang isa ko siyang kaibigan na kasakasama sa araw-araw. Habang ipingatitimpla ako nito ng kape, binuksan niya na rin ang TV na sakto sa umagang balita ang naka-ere ngayon. Pagkatapos kong maligo nagbihis na rin ako agad na sakto namang kaka-sanitize lang ng AI gamit ng ilang smart appliances sa loob ng condo ko.

Umupo ako sa hapag at nandoon na ang lahat ng kailangan ko, ipinatong ko ang paa ko sa isang maliit na stool para makadaan ang smart robot vacuum cleaner na ngayon ay ginagawa na ang trabaho niya para linisin ang buong unit ng maliit kong lugar. Inikot ang mga mata ko kung saan lahat ng bagay sa paligid ko ay automated gamit lamang ng boses at smartphone ko.

Sa tulong ng AI, napapadali nito ang trabaho ng mga tao kahit saan sila magpunta. Sa isang kumpas lang ng daliri nila sa smartphones nila ang ilang oras na trabaho ay kayang matapos sa loob ng kalahating araw. Miski nga ang bumili ng damit, sapatos, pagkain at pambayad ng bills ay magagawa sa loob ng isang araw ng hindi ka napapagod. Ika nga nila 'ihahain na sa iyo ang lahat, uupo ka na lang sa hapag.'

Bago ko malaman ang schedule ko sa araw na ito ay nag-ring ang telepono ko, sinagot ko ang tawag at binati ako ng aking ina mula sa isang hologram na nagmula sa camera ng smartphone ko, "Good morning Anak, kamusta ka na?" nakangiting aniya na para bang magkatapat lang kaming dalawa.

"Hello po Mom. Everything is okay. Kayo po kamusta?"

"The usual," nakangiti niyang sagot habang umiinom ako ng kape, "Uminom ka na ba ng gamot bago ka magkape? Kumain ka na ba?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.

Nginitian ko siya ng bahagya at umiling, "Mom, I'm thirty-two." hindi na naman ako teenager para mag-alala pa siya ng ganito.

"Hindi mo naman maiaalis sa akin ang mag-alala sa iyo, anak." aniya na parang binabasa ang saloobin ko.

"Don't worry Mom, nakain at nainom po ako ng gamot sa tamang oras." I assured to ease her worries.

"Oo nga pala," halata ang pagkasabik sa kanyang boses nang sambitin niya ang isang balita sa akin, "May pinadalang package sa iyo ang mga kaibigan mo. Ipinadala ko sa address mo ang package nila dahil hindi nga raw nila alam kung saan ka nakatira ngayon."

Pilit akong ngumiti sa harapan ni mommy. Tsk, nag-abala pa sila. "Salamat po Mom."

"Nagkausap na ba kayo?" pag-uusisa niya at umiwas ako ng tingin, "Anak-"

"Mom, it's been fifteen years, sigurado naman po ako na nakalimutan na nila ako."

Biglang nagpakita sa isip ko ang isang alaala na parang isang masamang panaginip na hindi ko magawang magising.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top