Part Five

"Heather..." malumanay na bigas ni Michael sa pangalan ko.

"At nasaan si Lindsay?" tanong ko kay Randy, "Bakit mo iniwan si Lindsay?"

Mapait siyang lumunok at binitawan ang mga salitang, "Matagal na siyang wala Heather."

"Ha?" gulong-gulo ko silang tiningnan, "Pinagloloko niyo ba ako?" tanong ko sa kanila dahil hindi magandang prank ito kung pinagtitripan man nila ako.

Biglang lumuha si Sydney sa tabi ko.

"Heather, wala na si Lindsay." punong-puno ng kapaitan ang boses ni Randy, "Pagkapanganak niya sa pangalawa naming anak, nawalan na rin siya agad ng buhay."

Napalunok ako mula sa narinig ko, pero may isang tao pa kaming kasama kanina. "Eh si Richard, nasaan si Richard?" tanong ko sa kanya hinarap ako ni Michael.

"Heather, wala na rin si Richard," dahan-dahan niyang panimula, hanggang sa isiniwalat nila ang lahat ng nangyari bago ako magising mula sa mahabang pagkakatulog ko.

Napag-alaman ko na ang mga kaibigan ko ang gumawa ng AI na umaalalay sa akin sa bahay. Sila rin ang gumawa ng salamin, kung saan makikita ko mula sa mga mata ko ang mga alaalang pwede kong balikan na parang eksena sa pelikula noong nasa college pa kami.

Sinadya ni Michael na hiramin mula sa katauhan ni Richard ang AI sa likod ng salamin ko. Lalo na at si Richard ang kumolekta ng mga alaala na iyon sa pamamagitan ng mga larawan at videos na iniipon niya sa paggawa ng vlogs namin na magkakasama.

Ito ang gustong ipaalala sa akin ni Richard.

Hinanap at kinamusta ko si Angie sa kanila, dahil kung tama ang naaalala ko, may namumuo na sa pagitan nila noon ni Richard. Pero sa kasamaang palad, malaki rin ang naging epekto ng nangyaring aksidente ko sa kanya. Kasama na rin ang balitang hindi na rin magtatagal si Richard gawa ng sakit niya.

Nalaman ko rin kay Sydney ang ilang saloobin ni Angie, na sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyari sa akin. At dahil doon, pinutol niya ang ugnayan niya sa circle of friends namin para na rin maka move-on din siya sa pagkawala ni Richard kinalaunan.

Ngayon at tinitingnan ko silang lahat, akala ko ako lang ang nahirapan sa nangyari noon.

Hindi rin naging madali ang lahat sa kanila nang mawala sila Angie, Richard, at Lindsay sa barkadahan.

Bakit naging sarado ang isipan ko sa nangyari?

Bakit ko sila agad sinukuan?

Nagkaiyakan at nagyakapan kaming lahat. Iba-iba kami ng paraan ng pag-cope up sa mga nangyari matapos kami subukin ng panahon.

Sa kalooblooban ng puso ko, alam kong pare-pareho kami ng nararamdaman. Pero hindi ko magamit ang tamang salita na dapat kong bigkasin, dahil sa naipon kong emosyon na isang bagsakang bumuhos sa harapan nilang lahat.

Alam kong may hangganan ang lahat, pero bakit masakit pa rin?

Nang kumalma na kaming lahat, lumabas na kami sa classroom na magkakasama. Nakita namin sila Nancy, si Sam at si Android Aiko.

"Aalis na kayo?" tanong ni Sam sa amin na tinanguhan lang namin. Mukhang nahalata sa mga mukha namin na nagkaiyakan kami. Malamang, may idea rin sila Sam tungkol sa ilang kaibigan namin na hindi na namin kasama.

"Sa mga taong hindi na natin nakakasama, pwede naman nating panghawakan ang katulad nila," ika ni Nancy na patungkol niya kay Aiko habang nakahawak sa braso nito.

"Hindi mapapalitan ng katulad 'niya' ang mga taong mahalaga sa amin, Nancy. Hindi man namin 'sila' kasama, pero buhay sila sa alaala namin." ani Randy na alam kong hanggang ngayon ay pinanghahawakan pa rin ang mga alaala nila ni Lindsay.

Umalis na rin kami agad sa school. Hinatid na rin nila ako sa may train station.

Sa terminal bago ako umalis, sinuot kong muli ang salamin at nakita sila Lindsay at Richard kasama ng mga kaibigan namin.

"Nakikita ko pa rin sila mula sa salamin." bahagya ko silang nginitian lahat, "Ano ba 'yan para akong nakakakita ng multo." biro ko para hindi masyadong seryoso.

"Heather, hindi mo kailangan suotin lagi ang salamin kung iniisip mong fake ito tulad ng android nila Nancy." paliwanag sa akin ni Sydney.

"Hindi lang namin alam kung paano sasabihin sa'yo ang lahat dahil ayaw naming mabigla ka," nahihiyang ani Michael, "Pero mukhang hindi ka rin namin na protektahan sa sakit na idinulot ng mga nalaman mo-"

"Yes you did." nginitian ko silang lahat at muling napaluha, "Siguro sadyang ayoko lang magmukhang mahina sa harapan ninyong lahat dahil simula pa noon, kayo na ang naging sandalan ko." muli akong niyakap ni Sydney ng mahigpit at pinunasan ang luha ko.

They did protect me in their own way even if they had their own battles.

It was just unfair for me to feel that they left me behind after all these years.

Little by little Heather, huwag mo silang sukuan, payo sa akin ng boses mula sa kalooblooban ng puso ko.

"Kailangan mo pa ba ito?" inabot ni Sydney ang canister ng gamot ko na nagpapa-stabilize ng hormones ko. Umiling ako.

Siguro nga dahil sa sobrang naiipon ito sa loob ko kaya bigla rin bumuhos ang bagyo mula sa dibdib ko.

"Tama si Richard," mahinahon kong ani, "Hanggang sa huli, tama pa rin siya." I let out a small chuckle.

"Patawarin mo sana kami Heather..." ani Michael.

"Patawad kung nararamdaman mong iniwan ka namin noong kailan kailangan mo kami." dagdag ni Randy.

"Sana makapagsimula tayong muli, dahil iyon naman ang pinangako natin sa isa't-isa hindi ba?" nakangiting ani Sydney. "Magkaibigan hanggang wakas?" bigla ko na namang naalala si Angie at ang pangakong binitawan namin sa isa't-isa.

"Patawarin niyo rin sana ako," mahinahong sambit ko, "Patawad sa inyong lahat." nang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko ay para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ko at nginitian silang lahat, "Sana sa susunod nating reunion, kasama na natin si Angie." nginitian at tinanguhan nila akong lahat.

Muling nakasalubong ang mga mata namin ni Richard.

Alam ko namang parte lang siya ng AI ni Richard, pero sa isang kisapmata para kong nakita ang multo ni Richard na nginingitian ako.

"All we have is now." hinarap ko silang lahat at sabay-sabay nilang inulit ang mga salitang iyon at dinagdagan ng mga salitang, "Now and forever."

Sumakay na ako at kinawayan ang mga kaibigan ko, nang umandar na ang tren kasabay ng paglubog ng araw, muli akong tinanong ng matalik kong kaibigan, "Masakit pa rin ba ang mga alaala na iyon para sa iyo, Heather?"

Pinagmasdan ko siya at sinagot, "Nangyari na eh," my answer seems to humor him as he let out a small chuckle and shrugged.

Hanggang sa huli hindi niya ako sinukuan.

"Nangyari ang mga iyon, kaya masakit." I paused and uttered, "Pero hindi ibig sabihin no'n ay kakalimutan ko na ang lahat ng iyon."

Nginitian niya ako at umayos na ako ng upo.

Mamimiss kita Richard taimtim kong ani. Sinarado ang mga mata ko at inalis ang salamin na suot-suot ko.

Pagkamulat ng mga mata ko, wala na ang matalik kong kaibigan sa harapan ko.

Napuno ng mga estetikong alaala ang araw na ito na hanggang wakas ay dadalhin at iingatan ng puso ko.

Hinding hindi ako makakalimot... pangako.

- WAKAS -

Salamat po sa pagbabasa <3

🌸🌸🌸🌸🌸

This story is dedicated to my dear best friend. Thank you for everything ever since we became friends.

Though distance and time, we're unbreakable.

Thank you for your patience and understanding.

I love you so much and you know that because we're siblings from different mothers, lol!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top