22' Jealousy

Mas hindi gumanda ang pakikitungo ni Zach kay Luel sa susunod na araw. Halos hindi niya ito tinitingnan, at ang iba namang team mates ay nagtaka na sa akto ng dalawa. Para bang allergic na allergic sila sa isa't isa.

"Nag-away ba sila?" Maliit na tanong ni Zia. Lumapit siya sa kambal niya na ngayon ay mayroong ngisi. "Zian, anong nangyari sa dalawa?"

"May date kasi mamaya si Luel kay Alcaeus," sagot naman ni Zian habang pinagmamasdan si Zach na kalaban ngayon si Arenspade.

"Zach! Easy naman, hindi naman ako kasinglakas mo, huy!" Sabi ni Arenspade nang matamaan siya ng apoy ni Zach, hinilom naman niya 'yon. Hindi naman siya pinansin ni Zach at nanatiling madilim ang tingin na tila ba may nagbobother sa kaniya.

"Oh eh anong konek?" Tanong muli ni Zia at napatingin kay Luel. Maganda nga si Luel, kakaiba ang hitsura. Ang buhok niya ay hanggang balikat lang, at bahagya pa itong may waves. She looked innocent lalo pa't ngayon na siya'y nakapikit at nagmemeditate. Zia felt a little insecure, but she knew she was pretty too.

"Hay nako, baby," sabi ni Zian at ginulo ang buhok ng kaniyang kambal, "Syempre si Master, nagseselos 'yan kaya ganiyan."

Zia pouted, "Selos? Bakit siya magseselos? May gusto ba siya kay Luel?"

Masama naman siyang tiningnan ni Zian, "Bakit ka nakabusangot? Crush mo pa rin ba si Zach? Sinasabi ko naman sa'yo na hindi ka nga papatulan n'yan, bebe."

Marahan namang sinuntok ni Zia si Zian, "That's not it, Zian." Although totoo naman. Zia had a crush on Zach last year, but now, hindi na naman... siguro?

"Practice, Zian, Zia," utos ni Zach na masama silang tinitingnan.

"Maaga tayong matatapos ngayon. Kaya kung may gagawin kayo, gawin niyo na nang maaga para makapagpahinga kayo mamayang gabi."

"Wow, himala," sabi ni Zian.

Arenspade turned to Zach, "Really? Why? May gagawin ka ba mamayang gabi or after?"

Umiling naman si Zach, "W-wala naman. Basta magpahinga lang kayo. Huwag na kung anu-ano gawin."

"Oy, Arenspade! Tara date!" Sigaw ni Zian kaya't suminghap naman si Arenspade, "Pinagsasabi mo, Zian?"

"May date mamaya sina Luel at Alcaeus. Naiinngit ako eh. Ikaw Zach, baka gusto mo rin i-date kambal ko para triple date! Pero joke lang pala, ayoko muna magkaroon ng date ang bebi ko," biro ni Zian at mag-isang tumawa.

Napamulat naman si Luel dahil doon at natapos na sa pagmemeditate. Nakita niyang namula ang pisngi ni Zia, at ang gusumot na mukha ni Arenspade.

"Sino namang may sabi sa'yong pwede kang sumama sa date namin, Zian?" Mataray na tanong ni Luel, pero tinatago na niya ang ngisi sa loob.

"Ang damot mo! Bakit? Ayaw mo ba kami kasama?" Tanong ni Zian pabalik. Lumapit siya nang bahagya kay Luel.

"Hmm," Luel shrugged. "Mas maraming pwedeng gawin kapag solo date, hindi ba?"

Zian hysterically covered his dropped jaw. Tinuro naman niya si Luel gamit ang isa pang kamay, "May balak ka 'no?"

Luel smirked, and raised an eyebrow.

"Huy, Luel. Freshman ka palang, 16! Si Alcaeus, 19 na 'yon. Mas matanda sa'yo kaya malamang may experience na 'yon sa mga ganiyang iniisip mo," dagdag pa ni Zian.

Napatawa tuloy si Luel, "Really? You think so, Zian? Dapat ko na bang dagdagan ang experience ko?"

Zach's eyebrows furrowed. What is this girl thinking? Ang sabi niya kay Sinclair, poprotektahan niya si Luel. So he shouldn't let Luel do sexual things, right? Pero sexual nga ba ang pinag-uusapan nila? Baka naman hindi.

Malakas na tumawa si Zian kaya't nainis tuloy si Zach, "Hay nako, Luel. Si Alcaeus, matinik 'yan sa babae pero ikaw palang ang una niyang niyaya sa date. Pakipot ka nalang muna, at sa susunod nalang."

Zach let out a low growl, may susunod pa? Napatingin sa kaniya si Zian, at malokong ngumisi.

"Master, sa tingin mo ba? Seryoso si Alcaeus kay Luel?"

Tumango si Zach, at bahagyang nakatingin kay Luel. "Hindi ba dati pa nga raw niyang gusto si Luel?" Mahinang wika ni Zach.

Nagtaka naman si Zia, "Talaga? So that must mean he will give his all and best kasi huling taon niya na rito. Malamang—"

"Malamang gagawin na niya ang lahat para mapasagot si Luel! Tapos kapag sinagot na ni Luel ay gagawin na nila ang lahat!" Putol ni Zian sa sinasabi ni kambal.

Luel laughed at them, so Zach clenched his jaw. Magpapauto talaga siya kay Alcaeus? Isip niya.

Arenspade spoke, "Luel is still sixteen. Don't push her into doing things, at tigilan mo siya, Zian."

Mabilis na tumango si Zach, sang-ayon sa sinasabi ni Arenspade.

"Besides," pinagpatuloy pa ni Arenspade ang kaniyang sasabihin, "Alcaeus is a man with respect. For sure naman ay irerespeto niya si Luel nang sobra. You know, Luel, kahit naman hindi mo siya sagutin agad. You should take your time dahil marunong naman maghintay si Alcaeus. And if you reject him, matatanggap naman niya 'yon."

Dapat lang, isip ni Zach.

The advices went on like Luel was some child going to experience something for the first time. Arenspade was serious, and Luel felt a little embarassed because hindi naman siya nagseseryoso. She is just returning the favor for Alcaeus.

Natapos na rin ang training dahil ayaw na ni Zach makarinig ng kung ano pa, at isa pa, nagchichikahan lang naman sila.

He was furious nang malaman niyang sa gabi pa rin sila magde-date. Kaya ko nga sila maagang pina-dismiss!

Ngayon ay nagtungo siya sa mall ng academy. Kung hindi man si Luel at Alcaeus dito magde-date, malamang ay sa amusement park na katabi lang ng mall. Bakit ba naman kasi kailangang mag-date?

Nagulat naman siya nang makita si Alcaeus, Luel, Zian, Arenspade, at Zia na papasok sa mall. Nanlaki ang mata niya at naghanap na agad ng mabibili. Proof na nandoon siya para bumili at hindi mang-stalk!

Mabuti nalang ay naalala niya na malapit na magbirthday si Elara. Kaya naman bumili siya ng isang libro para sa kaniya.

Saktong kakabayad niya lang ay nakita siya ni Zian na kaagad naman siyang binati, "Uy, Zach!"

Nabaling naman ang atensyon ng lahat sa kaniya. Tumango si Zach at kunwaring nagtanong, "Double date?"

Sa totoo lang ay mabuti na nga at double date para mabantayan sila ni Arenspade, pero hindi niya lang alam para kay Zian na promotor sa mga kalokohan. Mas mabuti sana kung kasama siya sa date...

"Oo, tols. Ikaw anong ginagawa mo rito?" Sagot at tanong ni Zian. Nakita naman niya ang disapproval sa mukha ni Arenspade, halatang hindi sang-ayon na double date iyon.

Tinaas naman ni Zach ang binili niya, "Bumili ako para sa birthday ni Elara." Elara is his close friend kaya hindi naman siguro nakakapagtaka na binilhan niya siya.

Mapang-asar namang ngumiti si Alcaeus, "Bagay na bagay kayo ni Elara. Siya, Celeste ang second name ibig sabihin ay heavenly tapos ang iyo Sol, ibig sabihin sun."

Zach almost rolled his eyes. Kaibigan lang talaga ang turing niya kay Elara.

"Sumama ka muna sa'min kaya? Kawawa naman kasi si Zia at walang kasama," wika ni Alcaeus ulit.

Bahagya naman siyang nasuntok ni Zian, "Ako ang kasama ng bebi ko!"

Alcaeus boyishly smiled again, "Eh 'yang atensyon mo laging na kay Arenspade. Sasama lang naman at hindi makikipag-date, Zian. Huwag kang protective masyado."

Sumimangot nalang si Zian, at hinayaan naman si Zach na sumama. Hindi naman maitago ni Zach ang ngiti niya, success, nakasama ako!

Maya't maya siyang tumitingin kay Luel at Alcaeus. Tama nga siya, papunta sila sa amusement park. Napansin niya ang maliliit na ngiti ni Luel, as if she was getting comfortable around the circle of friends now. Ibang-iba kumpara sa unang araw niya rito. Kung sabagay, nakaisang buwan na naman mahigit na naman.

He heard Zia tell him, "You like Luel?"

Malaki ang mata niya paglingon kay Zia. She was clearly watching him all the time, she smiled sadly, "Kanina mo pa silang tinitingnan. Kaunti nalang ay ikaw na ang pumalit sa puwesto ni Alcaeus."

Zach scrunched his nose, "No, Zia. I'm watching her because I need to."

Zia let out a little laugh, "Matagal na kitang pinagmamasdan, Zach. Ngayon lang kita nakitang ganiya. Just admit it, you're jealous."

"I'm not," mariin na sabi ni Zach, at tumingin muli kay Luel at Alcaeus. Papasok na sila ngayon sa loob ng isang slot sa ferris wheel.

Silang dalawa ang magkasama doon. Hinila naman ni Zian mula sa kaniya si Zia, "Hoy akin ang bebi ko at si Arenspade. Mag-isa ka d'yan sa kabilang ferris wheel."

Zach shot a confused look, "Bakit? Hindi ba pwedeng kasama ko kayo?"

"Hanggang tatlo lang ang pwede sa isa. Kung gusto mo sumama ka kina— Ay nakasakay na pala. Mag-isa ka nalang, Zach. Kaya mo na 'yan. O kaya manood ka nalang."

Hindi alam ni Zach ang gagawin. Saan niya nga ba mas mapapanood ng maayos si Alcaeus at Luel. Kapag ba nanood siya rito, o kapag sumakay siya?

Nandilim ang paningin niya nang makita ang paghawak ni Alcaeus sa bewang ni Luel upang alalayan siya. Malaki na naman si Luel, at hindi na kailangan alalayan!

He unconsciously made a fist, but then, what was he feeling anyway? Was it really jealousy?

His feet did not move the ground. Nanatili siya roon with hawk like eyes looking at the girl he needed to protect.

Aerilon Academy
By lostmortals
Plagiairism is a crime.

Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top