17' The Vampire Slayer

"Isa ka ring bampira?" Tanong ng isa.

Tumango naman si Luel, "May alam ka ba kung bakit ako isang bampira? Kilala niyo ba ako?" Ahh, so this is what my mother meant by asking.

Umiling ang mga bampira, "Hindi ka nga namin kilala. Nagtataka nga kami kung papaano nagkaroon ng bampira bukod sa amin."

"Hindi ba siya ang nawawalang bampira?" Tanong naman ng isa. Luel motioned the two teams to do what was needed to do, while they were still distracted.

Nakuha naman 'yon ng teams at tahimik at maingat na nilabas ang kapangyarihan nila.

"Lalaki ang nawawalang bampira, hindi babae," wika naman n'ong isa pa. "Isa pa, traydor 'yon. Hindi natin siya kailangan."

Ngumiti si Luel sa kanila, "Kung gayon may alam ba kayo kung saan ako nagmula? O kung paano ako naging bampira simula pagkabata?"

Nanlaki ang mata ng isang bampira, "Pagkabata? Imposible! Matagal ang proseso ng pagiging bampira. Huwag mo kaming lokohin."

Wow, ako pa talaga nagloko? Isip ni Luel. May lumapit naman na isang babae sa kaniya, at inikutan siya.

"Maari. Maaring pagkabata palang ay bampira ka na, kung nasa sinapupunan ka palang ng ina mo ay ginawan ka na ng ritwal. Pero ang kabayaran don ay ang pagkamatay ng iyong ina," paliwanag ng babae.

Nagtaka naman si Luel. Hindi naman patay si Sinclair, ah? O baka naman hindi siya ang nanay ko? Isip niya. Ridiculous, namana niya nga ang kapangyarihan niya sa kaniya.

Tila naguluhan ang mga bampira nang biglang bumagal ang paggalaw nila. Zian and Elara smirked at each other. Tumaas ang air pressure, at pinahina naman ni Arenspade ang flow ng tubig sa katawan nila.

Nagpaulan naman si Zia ng poisonous leaves, and Zeonn made ice hand cuffs. Avarice, then, blinded them with light.

The vampires hissed, "May mga kasamahan pa kami. Huwag kayong magpaka-kampante."

One vampire broke his ice cuffs, pero lumapit din agad si Alcaeus doon at pinatumba ang lalaki.

"I thought vampires were strong?" Nang-aasar na tanong ni Alcaeus.

Zach and Oreon attacked the vampires with fire, but then kahit mahina na ang vampire speed nila, malalakas parin ang reflexes nila. Lagi silang nagdododge.

Luel then, raised her hand and controlled the muscles of the vampires and gave them pain. She could easily kill them like what she did with the sphinxs, pero mas mahirap iyong gawin sa tao dahil mas mahirap silang kontrolin.

She discovered this ability nang mainis siya kay Sinclair, at sinubukan siyang patihimikan, at kamuntikan pa ngang mahimatay noon si Sinclair. Thankfully, hindi niya natuloy 'yon.

The vampires shrieked in pain. Napatingin naman muli silang lahat kay Luel, at isang vampire ang nagsalita, "S'ya ang sinasabi ni Master!" Tinuro niya si Luel kaya't lahat ng bampira'y nabaling ang atensyon kay Luel.

"Dakipin niyo 'yang bampirang 'yan," utos naman ng isa pa.

Luel was slightly shocked, anong ako ang tinutukoy ng master? Anong mayroon sa'kin.

One vampire pinned her to a tree, but Luel fastly pushed him. Nabasa naman niya ang bibig ng bampira, "non-elemental."

Lumabas ang fangs ng bampira. Sa lahat ay nasisiguro ni Luel na ang bampira 'yon ang pinaka-malakas.

Zach tried to burn the vampires, ganoon din naman ang ginawa ni Oreon pero nagtaka sila nang hindi gumana ang kapangyarihan nila.

"Tch, do you think we don't have anti-bodies? Hindi nga kayo pure fire elemental kaya mas lalong mahirap kaming sunugin," sabi ng malakas na bampira.

Anti-bodies? Ibig sabihin ay may ritwal din silang ginawa. So mas mahihirapan silang talunin.

Nagulat naman si Zach. Hindi ako pure fire elemental? Kung sabagay, hindi naman niya kilala ang magulang niya.

Luel rolled her eyes and made the strong vampire kneel. Nakaramdam naman siya ng pang-hihina. Hindi parin talaga ganoong kalakas ang kapangyarihan niya.

The vampire smirked, "Lucianna Sariel Rofocale."

Nanlaki ang mata ni Luel nang banggitin ng bampira ang buong pangalan niya.

"Your power is destruction, pain, and death?" Tanong ng bampira. "I can hear the inner thoughts of man, and it happens that yours is more accessible because you don't possess elemental power."

"Isa pa, wala ka atang sphinx? Or is it too weak, na hindi ko 'yon nararamdaman na pinoprotektahan ang utak mo," sabi ng bampira.

My sphinx is weak? Isip naman ni Luel.

The vampire shrugged, "It seems to me that you don't have a sphinx."

Mabilis naman ni Luel inatake ang bampira at sinakal ito. Naka-angat na ngayon ang paa ng bampira sa lupa.

The others fought with the vampires, while Luel was left here with the strongest vampire. Nagulat si Luel nang lumapit sa kaniya si Zach, at sinubukang batuhin ng apoy ang bampira. Napabitaw tuloy si Luel.

Hindi naman 'yon gumana sa bampira.

"Step out, Luel. Let me handle them," sabi ni Zach. Nagulat siya nang hablutin ng bampira ang kaniyang scarf.

"You've been bitten. You may die if your body can't handle a vampire bite. And Rofocale bit you? We, Vampires, feed on sphinxs, Rofocale, not on humans. Why is your hunger for humans?"

"Daldal mo," sabi ni Zach at sinipa ang bampira. Natumba naman siya nang biglang hawakan ng bampira ang kaniyang paa.

Now, Luel tried to control the vampire again. She reached for his heart pero nagulat nang hindi niya maramdaman 'yon. The vampire laughed again, "The strongest vampires are heartless."

Tiningnan ni Luel ang iba niyang kasamahan na puro sugatan na. They're losing on vampires. Hindi nila akalain na mabibilis parin sila, at malalakas din.

Luel felt a strange vampire energy. She caught sight of another vampire around, pero bakit parang hindi nila iyon kasapi? There's another vampire group?

Luel tried activating her touch of death. Natutunan niya 'yon kay Sinclair, matapos makita na pinatay niya ang isang halaman sa isang hawak lang. She has not mastered it, but she'll take the risk.

Akmang hahawakan na ni Luel ang bampira pero nagulat siya nang may mabilis na gumalaw sa paligid niya. She stopped when she saw the other vampires dropping, at nakakita siya ng black fire.

Narinig naman niya ang sinabi ng bampira sa utak niya. Marahil, gumamit ng telepathy. Retreat! They're panicking.

Tatlo na ngayon ang nakahandusay na bampira sa sahig. Lahat ay napatigil dahil hindi nila alam kung saan nanggaling 'yon. Mabilis itong gumalaw kumpara sa iba pang bampira, at malamang siya rin ang may gawa ng black fire.

"Woah, what's that?" Tanong ni Zian habang sinusundan ang mabilis na galaw ng bampirang natulong.

Umalis na ang mga ibang bampira, at tumakas na. Pero tatlo lang siguro ang nakatakas, habang ang iba ay namatay o nasunog sa black fire na hindi nila alam kung sinong may gawa.

"Vampire Slayer," wika ni Avarice Thorne. Nagliwanag ang mata niya para mahanap ang slayer.

Luel closed her eyes and concentrated on the moving vampire that was helping them.

Nang maramdaman niyang dumaan iyon sa likod niya, ay mabilis siyang tumalikod at hinawakan ang balikat ng lalaki.

She opened her eyes, and saw a man with gray hair, and red eyes. Halos kaperahas iyon ng kay Luel. Napatingin naman si Luel sa kamay niya, at nagulat nang makitang mapula iyon at madugo. The other hand was not.

"Let go, Rofocale," malamig na wika ng Vampire Slayer. He knew her?

"Master, 'wag ka ulit magseselos ha," mahinang bulong na naman ni Zian kay Zach, at hindi na napigilan ni Zach na mapapikit dahil inuna pa talaga ni Zian ang pang-aasar.

Aerilon Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

New character na naman! hahahahaha. Wag sana kayo mawindang.

Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top