16' Night Forest

Nakangisi na ngayon si Alcaeus kay Zach. "Hey Aryan leader."

Tumango si Zach, at naglahad ng kamay, "I'm looking forward for the success of our missions."

"Of course," seryosong wika ni Alcaeus. Malinaw pa rin siyang nakakakita sa gabi dahil ng kaniyang violet eyes. It runs in the bloodline.

Lumingon naman si Alcaeus kay Luel, at agad naman din siyang napangiti. Zach cringed upon the sight of Alcaeus smiling. Hindi naman kasi pala-ngiti 'yon. Umiling-iling siya at nagulat nang makita si Zian sa tabi niya.

"Master, ang bagal mo naman. Baka maunahan ka ni Pressi," nang-aasar na sabi ni Zian. Zach cursed him softly before walking forward.

Nakapasok na sila sa Night Forest or Night woods. Habang si Luel ay hindi parin pinapansin si Alcaeus na kanina pang nangungulit sa kaniya.

"What's your sphinx, Luel? Paano mo natawag ang sphinx mo? Nakatulong ba bigay ko sa'yong libro? Was it easy? Is it powerful?"

Marami pang tanong si Alcaeus, kaya't marahas siyang binalingan ni Luel. "Could you shut up?" Malamig na wika ni Luel, at napatawa naman ang team Aryan kahit ang team Narain.

Kasama na ni Zian ngayon ang mga lalaki mula sa team Narain. Oreon and Zeonn. Zian laughed, "One point para sa Team Zach."

"Paano naman nagka-one point 'yang si Zach? Eh wala naman siyang ginagawa?" Tanong ni Zeonn.

Zeonn had white hair and frosty blue eyes. Isa siyang ice elemental, at dragon slayer din siya. He came from the Deshire Kingdom, and also has a royal bloodline. Junior na siya, at siya rin ang nakalaban ni Zach para sa posisying Vice President ng student council.

"Syempre Zeonn, alangang mag minus 1 tayo kay Alcaeus, edi -1 na ang score niya para kay Luel," sabi naman ni Oreon.

Oreon, on the other hand, is a fire elemental. May kulay pula siyang buhok, at light brown eyes na kalimitan ay nakakaakit ng marami. Isa siyang sophomore sa academy.

"Hoy mga bugok, anong ginagawa niyo d'yan?" Sabi ni Elara na katabi naman si Avarice.

Malayo ang agwat nila ni Arenspade at Zia. Kasi baka magka-world war 3 ang dalawang babae.

Napatigil naman sa paglalakad si Luel, kaya't napatigil din silang lahat. Luel felt a strange yet familiar energy, and from afar, nakarinig siya ng mga kaluskos. Hindi naman 'yon narinig ng iba dahil wala naman silang ganoong abilidad.

"Luel?" Mahinahong tanong ni Arenspade. Luel motioned a shush to them, kaya't tumahimik na rin sila.

Alcaeus knelt and held the ground and grasses, so that he may also track whatever Luel was hearing or feeling.

Nanlaki ang mata nilang dalawa at nagkatinginan pa nang mapansing hindi mga tao ang kanilang nararamdaman. It was the trees. Gumagalaw ang mga puno.

Zian whispered to Zeonn and Oreon, "One point sa leader niyo."

Pinalo naman ni Arenspade si Zian, at tinapat ang index finger sa kaniyang bibig. Zia shrieked, and they all turned towards her side.

Nakapulupot sa kaniyang bewang ang isang branch ng malaking puno. "Zia!" Sigaw ni Arenspade at sinubukang i-slice ang branch gamit ang tubig kaya lang hindi iyon gumana.

"Zia! Use your powers!" Sigaw ng kambal niya. Umiling naman si Zia, "Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko, at hindi ko rin matawag ang sphinx ko."

The others tried calling their sphinxs, and save Zia, pero hindi rin sila makatawag sa sphinx at hindi gumana ang kapangyarihan nila sa puno.

Ngayon naman, kinuha na rin ng branches ang iba pa. Hanggang sa lahat sila ay na-stuck sa hawak ng branches. They tried using their powers, pero hindi talaga gumana.

"The branch nullifies our elemental powers," wika ni Elara.

"And the atmosphere prohibits us from calling our sphinxs," dugtong ni Arenspade sa sinabi ni Elara. Umirap naman si Elara, alam ko rin 'yon!

Alcaeus used his physical strength para makawala sa branch, and thankfully nagawa niya nga 'yon.

"Alcaeus! Sirain mo nalang ang roots ng puno! Para sabay-sabay kaming makawala," wika ni Oreon. Umiling naman si Alcaeus, "Mastu-stuck parin kayo d'yan kahit masira ang roots."

"Hala, edi isa-isa? Magtatagal tayo n'yan!" Sabi ni Zia.

Luel again, felt an energy coming near. Kinabahan siya dahil si Alcaeus palang ang nakakawala sa mga branches. Vampires, isip ni Luel nang mapansin ang enerhiya. Hindi iyon katulad ng enerhiya kanina.

And then, she heard some dialogues.

"Nakakulong na sila sa branches."

"Then, we shall proceed on feeding."

Luel mentally cursed. Malapit na sila, mabibilis silang gumalaw kaya't malamang narito na sila sa loob ng limang segundo.

Naisip naman niya ang sinabi ni Elara. Elemental power ang hindi gumagana sa branches, gagana kaya ang kapangyarihan ko? Isip niya.

"Alcaeus!" Sigaw ni Zach, nang mapansin niyang napalibutan na si Alcaeus ng tatlong bampira.

He tried his best to break the branch, pero hindi niya 'yon nagawa dahil wala naman siyang physical strength katulad ng kay Alcaeus.

"The Berseker has escaped, huh?" Wika ng isang bampira. Luel shivered when she noticed na padami nang padami ang mga nararamdaman niyang bampira sa paligid.

"He has physical strength, pero hindi pa rin niya tayo matatalo," wika naman ng isa.

Luel shut her eyes. Ginamit na niya ang isa sa mga kapangyarihan niya na katulad din ng kapangyarihan ni Sinclair, her mother.

With her little fingers, she activated the touch of death. The tree immediately died, and they were set free from it.

Lahat naman ay napatingin sa kaniya. Napansin nila ang kakaibang itim na aura mula kay Luel. Doon palang, alam na nila na si Luel ang may gawa noon sa puno. Shock was an understatement, pero hindi na muna nila iyon inintindi dahil sa mga bampira sa paligid. Sampu mahigit sila.

"Master's spell has been broken!" Galit na sigaw ng isang bampira.

Luel devilishly smiled to them, and her fangs showed. The vampires were taken aback upon the sight.

"Who are you?" Tanong ng isang bampira, at aatakihin sana si Luel gamit ang kaniyang vampire speed.

Luel dodged and the vampire fell to the ground. Nagkibit-balikat si Luel, "Sino nga ba ako?"

Aerilon Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top