12' Mission and Trainings
"We have received a mission from the Masters of the Academy," panimulang wika ni Zach habang naka-upo sa sahig ang apat pang ka-team.
"It's about vampires, and by thursday, kailangan na natin pumunta kasi may schedule tayong susundin."
Vampires? Isip ni Luel. She mentally chuckled. Sa lahat pa talaga ng misyon, tungkol pa sa bampira ang napatapat sa kanila. But oh well, curious din naman siya sa kung ano nga ba ang bampira, at kung paano siya nagka-vampire blood.
"Ano namang gagawin natin?" Tanong ni Zian, "You know Vampires are fast compared to us."
Tumango naman si Zach, "Aware rin ang Masters, kaya't sa atin talaga binigay ang misyon. For some reason, they trusted us with this. Habang kina Alcaeus naman ay tungkol doon sa nagigising na dragon. Sa meeting ko nga lang nalaman na dragon slayer pala si Avarice, so their team consists of three dragon slayers— Alcaeus, Zeonn, and Avarice."
"Kailangan daw nating patayin ang mga vampires na nagdulot ng sphinx massacre sa Helevetik Kingdom. It will be hard dahil malalakas na rin sila because of the amount of sphinxs that they've consumed," pagpapatuloy ni Zach.
Luel smirked. Mukhang mas lalo niyang nagugustuhan ang misyon na 'to. Baka rito niya pa sa misyon na ito ma-diskubre kung bakit siya may dugong bampira. Napatingin naman si Zach sa kaniya— of course, Zach was aware that she had vampire's blood, at hindi na nga siya mapakali kung anong mangyayari sa misyon.
What happens when a vampire meets another vampire?
༻❁༺
Naiinis na si Luel.
Ang sabi ng nga mga team mates niya, "Tumayo ka lang d'yan habang inaatake ka namin kapangyarihan, malay mo biglang lumabas ang sphinx mo."
Nilagyan nila ng blindfold si Luel, at nagsimula siyang pa-ulanan ng kung anu-ano. At some point, naniwala si Luel kaya't wala siyang ginagawa. Syempre, gusto niya rin naman na mapalabas ang sphinx niya 'yon nga lang parang hindi nagana ang technique na 'to.
Hindi na pinakita ni Luel na nasasaktan siya tuwing madadaplisan siya ng kung ano man. Sometimes it was water, fire, air, and earth.
Naawa naman ang ang mga team mates niya, "Hindi naman ata lalabas ang sphinx niya sa ganitong paraan."
"Arenspade, heal her," utos ni Zach.
Kaagad namang tinanggal ni Luel ang kaniyang blindfold, at masamang tiningnan ang mga team mates niya. Gusto niya sanang sabihin, "Babawian ko kayo." Pero hindi na rin naman siya bata, kamalayan ba rin nila na hindi lalabas ang sphinx niya sa ganoong paraan.
"It was considered the most effective way, according to the book," sabi ni Zian.
Lumapit naman si Arenspade kay Luel, at sinimulang gamutin ang mga sugat na natamo ni Luel. Dahil pure water elemental si Arenspade, nakakapag-heal siya gamit ang kaniyang kapangyarihan.
"Hindi naman kasi effective para sa lahat, Zian," sagot naman ni Zia. "Bakit hindi mo i-try ang meditation, Luel?"
Napatingin naman si Luel nang tanungin siya ni Zia. Meditation? She has heard of it, at paminsan ay nakikita niya si Sinclair na nagme-meditate.
Tumango si Luel, at umupo sa gitna ng training room. Nag-indian sit siya, kaso bigla niyang narinig niyang nagsalita si Zach.
"When you meditate, kailangan i-empty mo ang mind mo. Focus on your breathing, and when you feel that your connected with your inner self, you can call your sphinx. Baka mag-faint ka, but we're just here."
Lumapit pa si Zach kay Luel, lumuhod siya para mapantayan si Luel. Hinawakan niya ang likod niya, at ang chest niya— not that part, but the one near the collar bones.
Nagulat naman si Luel kaya't napasinghap siya. She looked at Zach while he was talking, nailang siya dahil masyadong malapit ang mukha niya sa kaniya.
"Kailangan straight din ang katawan mo." He straightened Luel's back, so his hand went lower then up. Hinawakan niya rin ang balikat, "Your shoulders should not be tensed, but relaxed."
How could she be relaxed if he's this close? Isip ni Luel. Nagulat pa siya lalo nang hawakan ni Zach ang kamay niya at pinatong 'yon sa knees or hita niya. Nakapatong na ngayon ang siko ni Zach sa nakataas niyang paa, habang ang isang paa naman ay nakaluhod.
"Be patient, Lucianna Sariel. Hindi mo mahahanap ang sphinx mo kung hindi ka maghihintay. Let your sphinx find time, and speak," sabi ni Zach at nagulat siya nang i-pat ni Zach ang ulo niya. She nodded a little, and shut her eyes para maiwasan ang tingin ni Zach.
"Hoy Arenspade, nasaan na 'yong pagkain?" rinig niyang sabi ni Zian.
"Tumahimik ka nga Zian. May nagmemeditate tapos ang ingay ingay mo," sabi naman ni Arenspade.
"E gusto ko nga ng sandwich mo!"
"Mamaya na nga kasi, bakit ba kasi ang kulit mo?"
"Gutom na ako, Spade!" Nabasag ang basong hawak-hawak ni Zian. "Ay, sorry."
"Ano bang Spade? Arenspade nga 'e. Mamaya na nga kasi napakapatay-gutom mo naman, heh. Yan nakabasag ka pa, linisin mo nga 'yan."
"Hoy, Arenspade! Nangako ka sa'kin! May deal tayo na kung sino makakahula ng tama— aray!"
Nahawakan ni Zian ang bubog ng baso, kaya't dumugo ng bahagya ang kamay niya.
Hindi na nakapagpigil si Luel, at minulat niya na ang mata niya. Masama siyang tumingin kay Zian na hanggang ngayon ay nangawa pa. She pointed a finger at Zian, and threw him far from his place, near the door.
Hindi niya alam kung bakit niya ginawa 'yon ngunit bigla nalang niyang gustong atakihin si Zian. The smell of the blood made her want to attack Zian more.
Nagulat naman si Zian kaya't marahas niyang tiningnan si Luel. "Hoy babae! Tandaan mo freshman ka palang, at hindi mo dapat tinatapon ang mga ka-team mo. Dinudugo na nga ako eh."
Luel felt a strong wind energy around her, malamang ay galing 'yon kay Zian. Ngumisi siya nang makitang papalapit sa kaniya si Zian. She looked at his bleeding hands.
May binuo si Zian na bola ng hangin, at binato niya si Luel n'on. Hindi naman sila pinigilan ng tatlo pang kagrupo, at nanood nalang muna. Zach watched and he thinks may mangyayari.
Tinamaan si Luel ng bola, at bahagya siyang napa-atras. She had a wound in her neck part. Hinawakan naman niya 'yon at napansing dumugo ang sugat. She chuckled, as she licked the blood from her neck. Naningkit ang mata ni Zach, vampire. He thought.
"Huy, weirdo, ampupu! Ano bang problema mo, at bigla ka nalang nagpapatalipon ng ka-team mo? Yak, ang panget siguro ng lasa ng dugo mo," asar ni Zian kaya't mas nainis si Luel. She feels that she's craving for something. There's this hunger within her.
"Really? Masarap naman, gusto mo bang malasahan, Zian?" Sabi niya habang naglalakad palapit kay Zian. Nagtaka naman si Zian nang mapansin na nagkakaroon ng pangil si Luel.
"What the heck? Bakit ka may pangil?" This time, napatingin si Zach. Nanlaki ang mata miya nang makitang may pangil nga si Luel. So, she really has vampire blood?
"I can hear your heartbeat, Zian. Kinakabahan ka yata," sabi pa ni Luel. This time, parang may kung ano man na nagte-take control kay Luel.
"Zach, hindi ba natin pipigilan si Luel? Baka kung mapaano si Zian," wika ni Zia, at nag-aalalang tiningnan ang dalawa.
Lahat sila ay nagulat nang mabilis na nakarating si Luel sa likod ni Zian, as if she used her vampire ability.
"V-vampire?" Tanong ni Arenspade.
Aerilon Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top