Dul

Dul


"Narinig mo nyo ba?" sabay napakunot ang noo namin ni JB noong magtanong bigla si Jackson. Nandito kami sa mall para magpalamig. Pinalayas na kami ng mga magulang namin sa bahay dahil ang laki-laki na daw ng binabayaran nila sa kuryente kaya eto dito naman kami sa mall magkakalat ng lagim.


"Tsimoso ka talaga eh no?" sabi ni JB kay Jackson habang nakain ng fries. Sinamaan naman sya ng tingin ni Jackson at aambahan pa sana ng suntok kung di ko lang inawat. Kung hindi ko kakilala tong dalawang to iisipin kong magshota to eh. Talo pa yung totoo magshota kung mag-away eh.


"Ano bayun?" tanong ko. Kumagat naman sya sa burger nya bago sumagot.


"sjshdkdkdkdjgyu" sabi nya. Napakamot naman sa batok nya si JB dahil sa sinabi ni Jackson.


"Ano?" sabi ni JB.


"Shabi ko ahshdjdks gyu" di pa rin namin naintindihan yung sinabi nya dahil puno yung bibig nya. Kumuha ako ng fries at ibinato sa kanya.


"Lunukin mo nga muna yang kinakain mo bago ka magsalita" sabi ko. Nilunok naman nya yung kinakain nya bago ulit magsalita.


"Sabi ko si Taegyu nandito na" napatigil ako sa sinabi nya. Si Taegyu nandito na? Kelan pa?


"Talaga? Siguro mas gumanda yun" comment ni JB. Gumanda? Bakit feeling ko parang may kasalanan akong nagawa nung marinig ko yung salitang maganda.


"Malamang sa malamang. Baka nga may boyfriend na yun dun eh. Yung mga Kpop" dagdag pa ni Jackson. Boyfriend? Meron na kaya sya nun? Sana wala pa— Aissh ano ba tong sinasabi ko? Eh ano kung may boyfriend na sya? Good for her, may pumatol na sa panget nyang mukha.


"Hoy anong nangyayari sayo?" nakabalik ako sa realidad ng tanungin ako ni JB. Napatingin ako sa kanya tsaka umiling.


"Wala.. Wala" sagot ko. 


"Sus miss mo lang si Taegyu eh" asar sa akin ni Jackson. Sinabihan ko sya ng 'Ulol' para tumahimik sya pero mas lalo lang syang tumawa.


"Teka si Taeyong ba yun?" napatigil sa pagtawa si Jackson ng may iturong lalaki si JB sa labas ng kinakainan namin. Tumingin ako at nakita kong si Taeyong nga.


"Aba may kasamang babae, mukhang maganda" singit ni Jackson habang tinatanaw yung babae, nakatalikod kasi sya sa amin. Nakasuot yung babae ng floral dress at nakabraid yung buhok nya. Bakit parang pamilyar sya?


Tumayo si Jackson at lumabas para lapitan si Taeyong at yung kasama nyang babae kaya sumunod kami. 


Paglapit namin ay parang tumigil yung mundo ko.


"Taegyu" tawag ko sa kanya kaya napatingin sya sa akin.


*****


"Ate how's Korea?" tanong ni Taeyong sa akin habang inilalabas ko yung mga gamit ko mula sa maleta. Umuwi na ako matapos yung graduation ko.


"Ayun Korea pa rin" sagot ko sa kanya. Busy ako sa paglalabas ng mga gamit ko kaya hindi ako nakatingin sya kanya.


"Si Ate tinatanong ng maayos" galit na sabi nya kaya napatingin ako sa kanya. Nakapout sya. Aigoo ang cute-cute nya, sayang hindi ko nakitang lumaki ang batang ito.


"Eh anong gusto mong isagot ko? Ayun naging Japan na ha? Malamang Korea pa rin" paliwanag ko tsaka ako bumalik sa ginagawa ko. Hinila nya yung isang malaking paper bag na dala ko at kinalkal ito.


"Pepero!" sigaw nya sabay bukas nung pepero binili ko sa Korea para pasalubong sa kanila.


"Noona, gwenchana?" napangiti ng tawagin nya akong Noona. First time nya akong tawagin sa ganun eh.


"Neh, gwenchana" sagot ko.


Tinutungan nya akong ayusin yung mga gamit ko dito sa kwarto. Namiss ko tong kwartong to. Ilang taon ko ding di nagamit to pero ganun pa rin ang ayos. Nandito pa rin yung mga pictures ni Andrei na kinunan ko noon para sa photography club namin. Palagi kasi sya yung subject ko.


Lumapit ako sa mga iyon at isa-isang tinanggal. 


"Ate bat mo tinatanggal?" tanong ni Taeyong. Humarap ako sa kanya at ngumiti. 


"I think its time to let this go" sagot ko. Inipon ko lahat tsaka ko inilagay sa pinaka-ilalim na drawer nung study table ko, yung drawer na hindi ko ginagalaw.


***

"Taeyong pwede mo ba akong samahan?" tanong ko kay Taeyong na kasalukuyang nanonood ng T.V. Napangiwi ako nung makita ko kung ano yung pinapanood nya. Oggy and the Cockroaches pa rin? Take note he's already in Second year college!!


"Wait lang tapusin ko lang to" sagot nya sa akin. Umupo ako sa tabi nya at nakinood. No wonder gusto nya tong palabas na to. Brutalan eh. 


Pagkatapos nung palabas ay sabay kaming umakyat para mag-ayos. Nauna syang matapos kaya hinintay nya ako sa baba.


Gusto kong mag-gala para naman makapamasyal ako. Matagal na rin simula noong nalibot ko tong lugar na to.


"Mom, gagala lang kami ni Taeyong" paalam ko kay Mom na kasakalukuyang inaayos yung mga bulaklak na inaalagan nya sa garden. Tumango sya at nagkiss kami ni Taeyong sa kanya 


"Bye Mom" I said as I open the door of Taeyong's car.


"Taeyong yung Ate mo ha!" paalala ni Mom. Wala si Daddy at Kuya, pareho silang may pasok at may aasikasuhin din si Mom mamaya kaya hindi sya makakasama. Si Taeyong lang ang pwede kaya sa kanya lang ako nagpasama.


Habang nasa biyahe kami ay nakatingin lang ako sa labas. Maraming nagbago pero yung traffic hindi man lang kahit konti.


Pagdating namin sa mall ay nagtingin-tingin agad ako ng mga damit. Bumili ako para sa akin at para kay Taeyong tapos nanood kami ng sine.


Past 3 na nung matapos yung pinapanood namin kaya nagpagpasyahan namin kumain.


Nakatigil kami sa hilera ng restaurants at fast food chain dito sa second floor ng mall dahil nagtatalo kami kung saan kami kakain. Since nasa Korea ako ng 7 years medyo nasanay ako sa Korean food kaya I'm craving for it pero sya gusto nya sa Jollibee. 


"Taeyong!" napalingon sya nung may tumawag sa kanya, samantalang ako nakatingin pa rin sa mga pangalan ng restaurants dito.


"Ikaw ha! may kasama kang magandang babae. Sino yan girl— Taegyu?" ngumiti ako ng makita ko si JB na kinaka-usap si Taeyong. Akala nya girlfriend ako ni Taeyong, nakakapit kasi ako sa braso nya.


"Hi Jaebum!" bati ko sa kanya gamit yung buong pangalan nya. Ang gwapo nya lalo ngayon, no wonder crush ko to dati. Siguro marami na rin syang mga girlfriends.


"Hoy bakit ka — Taegyu? Taegyu you're back!" masayang bati ni Jackson sa akin. Wala pa rin syang pinagbabago. Narinig kong napa-tss si Taeyong.


"Yan talagang kapatid mo eh sungit-sungit" dagdag nya tapos lumapit sa akin at niyakap ako.


"Tama na, magkakaroon ng germs mo si Ate" sabi ni Taeyong habang inaalis si Jackson mula sa pagkakayakap sa akin.


"Hoy! Naligo ako no!"angil ni Jackson at inamoy pa yung sarili nya.


"May mga bagay na di nadadaan sa ligo lang" makahulungang sabi ni Taeyong kay Jackson. What does it mean?


"Taekwon ikaw ba yan?" pang-asar ni Jackson. 


Nakita ko namang nakatingin sa akin si JB na para bang may kung ano sa katawan ko.


"Bakit?" tanong ko sa kanya. Napailing naman sya.


"Ah wala parang kasing.. You look pale" I was caught off guard by his question, pero I manage to smile.


"Kakauwi ko lang kasi galing Korea eh. Alam mo naman malamig dun so nag-aadjust pa yung katawan ko" sagot ko. Tumango sya pero I can see that he was not convinced.


"Alis! Shoo kakain pa kami ni Ate" pagpapalayas ni Taeyong sa kanila. Hinila ako ni Taeyong para maglakad.


"Taegyu" I froze when he call my name. It's been years but I can still remember his voice. Lumingon ako sa kanya at ngumiti.


"Hi Andrei! Nice to see you again!"


————————————-


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top