Chapter 11

Lagi nang napunta si Aeious sa ospital. Buti na lang at home based ang job niya at kaya nitong mag-adjust kung kinakailangan. Gusto niya kasi talagang bumawi kay Marina.

Alam naman kasi niya na kahit papaano ay naririnig siya ng dalaga. Araw-araw na nga siyang nagdadasal na sana eh gumising na ito kahit alam niyang wala siyang kasiguraduhan.

May dala siyang mga prutas at bulaklak. Bitbit din niya ang kanyang art materials, umaasa kasi siya na baka dahil sa pagpinta ar pag-drawing niya ay magising na si Marina.

After lunch ay napunta na siya doon, uuwi na lang siya ng alas-otso ng gabi para naman mag-trabaho bilang graphic artist sa isang web site.

Todo-kayod siya dahil gusto niyang tumulong sa gastusin ni Marina sa ospital. Sa pamamagitan nito ay makakabawi na din siya kahit papaano.

Buti na lang at naiintindihan iyon ng kanyang nanay, magbibigay pa din naman siya dito pero kalahati na nga lang ng kanyang sweldo.

"Mama, aalis na po ako ulit ha? Babantayan ko na po si Marina. Babalik na lang po ako mamayang gabi. I love you, Mama! Thank you sa pag-intindi ng sitwasyon." sabi ni Aeious pagkatapos ay humalik sa kanyang nanay

"Oo naman anak, ayos lang iyon. Ibulong mo kay Marina na gusto ko siyang gumaling ha? Sabihin mo pinagdadasal ko siya lagi." sagot naman ng nanay ni Aeious

"Oo naman po, kaya naming maghintay ni Marina. Alam ko din po na bumulong na si Benjamin kay Lord. Malakas po tayo Sa Kanya." sabi ni Aeious at ngumiti

Pagdating niya ay naabutan niyang nagbabantay si Mc Neil at ang kapatid nito. Tahimik na lang ang binata, hindi na niya inaaway si Aeious katulad nung dati.

Ilang minuto pa ay dumating na ang nanay ni Marina. Sinalubong siya nk Aeious sa pamamagitan ng pagmano at pag-ngiti.

"Kaawaan ka ng Diyos, anak ko. Kanina ka pa ba dyan? Oras na pala ng shifting niyo ni Mc Neil, ano?" ssbi ng nanay ni Marina

"Opo, uuwi na po kami ni Krishtel. Hinintay lang po talaga namin kayo para makapag-paalam. Sige na po, mauuna na kami." paalam ni Mc Neil

"Oh sige, mag-iingat kayong dalawa ah? I-text niyo ako kapag naka-uwi na kayo ah. Salamat sa laging pagbabantay sa anak ko." sagot ng nanay ni Marina

Pagkatapos noon ay umalis na nga ang magkapatid. Si Aeious at ang nanay na lang ni Maria ang naiwan sa kwarto. Dahil sa nakakabinging katahimikan, nagsalita na ang matanda.

"Hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagigising. Halos magtatatlong linggo na kami dito pero ganyan pa din siya." sabi nito

"Oo nga po eh, kaya dinadala ko dito sa ospital ang art materials ko at ilang art work para ganahan na siyang gumising. Mukhang napapasarap po ang tulog eh." sabi ni Aeious

"Sana nga ay makatulong iyan. Sana tulungan siya ni Benjamin  na kayanin ang lahat. Hindi ko kasi kakayanin kung sumunod na siya sa pinakamamahal niyang kaibigan." sagot naman ng matanda

"Lagi ko naman po siyang pinagdadasal eh. At saka, sure po ako na binabantayan siya ni Benjamin ngayon. Binulong na po ni Benjamin kay Lord na gisingin si Marina." sagot ni Aeious

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay inayos na ni Aeious ang art materials niya. Lagi naman siyang ganoon eh, halos napuno na nga niya ang kwarto ni Marina.

"Ano naman ang ida-drawing mo ngayon? Ang aliwalas na ng kwarto niya dahil sa art works mo ah." nakangiting sabi ng nanay ni Marina

"Siya po ulit, nakangiti habang tinitingnan ako. I can visualize that scene. Sobrang saya ng mga mata niya noon." sagot naman ni Aeious

"Oras na magising siya, matutuwa iyan kasi puro painting mo na mukha niya ang buong paligid. Sige, iiwan na kita dyan para makapag-focus ka sa ginagawa mo." sabi ng nanay ni Marina

Nag-umpisa na nga si Aeious na mag-drawing habang kalapit niya si Marina. Mahimbing itong natutulog pero pilit pa din siyang kwinentuhan ni Aeious dahil alam niyang nakikinig ito sa kanya.

"Oh Marina, gumising ka na dyan ah. Baka mapuno ko itong kwarto mo ay hindi ka pa din gising. Naku naman, bakit kasi ngayon pa ito nangyari? Napaka-unfair talaga ng buhay minsan. Hayaan mo, ke-kwentuhan na lang kita habang naguhit ako dito ah. "

"Marina, alam mo ba na sobrang ganda ng mga ngiti mo noon? Iyon ang nagustuhan ko sa iyo maliban sa ugali mo. Napakasimple mo lang kasi at suportado mo ako sa passion ko. Sayang nga lang, hindi mo nakikita ang mga ginagawa ko ngayon para sa iyo. Gumising ka na kasi, ang daya mo eh." 

"Ang dami ko na na-drawing dito sa kwarto mo, may guhit ako na tulog ka dyan sa hospital bed mo. Meron yung nakaharap ka sa  murals, meron yung bata pa kayo ni Benjamin at masaya sa park. Meron din yung naka-upo ka sa bench. Madami pa akong plano kaya sana ay gumising ka na."

Mahigit dalawang oras si Aeious na gumuhit, nakangiti siya habang ginagawa iyon. Naluluha na nga siya dahil naalala niya ang moments nila ni Marina. may bahagi pa din sa kanya na sinisisi niya ang kanyang sarili. Wala namang mangyayaring ganito kung hindi siya hinintay ni Marina doon sa park.

Dahil sa pagod nang pagguhit ay nakatulog siya sa tabi ni Marina. Nagpaalam din kasi ang nanay ni Marina na uuwi muna sa kanilang bahay para kumuha ng mga gamit at damit. 

"Marina, gising ka na pala. B-bakit parang ang sigla mo? Hindi ba't nasa ospital ka? A-anong nangyari?" sabi ni Aeious

"Okay na ako Aeious. Kaya ko na ang sarili ko, salamat sa pag-aalaga sa akin ah? Sobrang na-appreciate ko kaya. Kaya nga gumising na ako eh, ayaw ko kasing makita na nahihirapan na kayo sa pag-aalaga sa akin." sagot naman ni Marina

"Ano ka ba naman, ayos lang naman iyon eh. Kayang-kaya naman namin ang sarili namin. Mas kailangan mo kami kaya nandoon kami para abntayan ka." sagot ni Aeious sabay ngiti kay Marina

"Mauuna na ako ah, nandyan na sundo ko eh. Mag-iingat ka Aeious ah?" sagot naman ni Marina

"S-saan ka naman pupunta?" tanong ni Aeious

"Sa lugar na hindi mo pa pwedeng puntahan. Salamat sa lahat, Aeious." sagot ni Marina

Pagkatapos noon ay nagising na siya dahil sa kuhit ng nanay ni Marina. Panaginip lang pala ang lahat, dahil doon ay hinawakan nang mahigpit ni Aeious ang kamay ni Marina. Takot na takot siya dahil baka magkatotoo ang panaginip niyang iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top