Chapter 10

Isang linggo na ang nakalipas nang pumunta si Aeious sa park, sa kasamaang palad nga ay hindi siya sinipot ni Marina. Hindi na rin niya sinabi sa kanyang nanay na hindi natuloy ang pagkikita nilang iyon. Ayaw na niyang dagdagan pa ang iniisip ng kanyang nanay, wala namang mangyayari kung mag-share siya dito.

Although, pala-isipan pa din kay Aeious kung bakit bigla nawala ang dalaga. Bakit hindi man lang ito nagsabi sa kanya bago naging sila ni Mc Neil? Ah, naalala na niya. Sino nga ba siya para pagsabihan ni Marina? Isa lang naman siyang kaibigan nito, wala siyang karapatan na manghimasok sa pribadong buhay ni Marina.

Simula noong hindi na sila nag-uusap ni Marina ay hindi na din siya nagbubukas ng kanyang FaceNook. Para saan pa? Nagpopost lang naman siya doon dahil kay Marina, baka sakali kung magpost siya ay magustuhan siya nito. Nagpapabid kumbaga, kaso wala na iyon ngayon. 

Habang nag-iiscroll siya sa FaceNook ay pumunta siya sa account ni Marina. Nagbakasali lang naman siya kung nagbubukas pa ba ito para sa mga updates. Nagulat na lang siya sa tagged post na nakita niya sa account nito.

Alice Lim to Marina Lim

Anak ko, gising ka na please? Miss na miss ka na ni Mama. Balik ka na sa dati anak, gusto ko na umuwi sa bahay. Ayaw ko na sa ospital anak, sabihin mo naman sa panaginip na kaya natin ito anak. 

Mc Neil Ilao to Marina Lim

Ang daya mo naman eh, gumising ka na dyan. Alam kong galit ka sa akin, pero please naman. Gumising ka na. Nahihirapan na akong makita si tita na naiyak lagi dahil comatose ka. Ang kulit mo naman kasi, sabi ko na sa iyo huwag ka na pumunta sa park!

Krishtel Ilao to Marina Lim

Ate Marina, gising ka naman na dyan. Paano na ang mga road trips natin? Hindi na matutuloy iyon kapag hindi ka gumising. Lumaban ka.

Nang mabasa iyon ni Aeious ay agad siyang lumabas ng kanyang kwarto. Halos hindi na nga makagalaw dahil sa gulat sa kanyang mga nabasa. Kailangan niyang makapunta sa ospital kung nasaan si Marina.

"Mama, aalis lang po ako. S-si Marina po kasi, nasa ospital. Kailangan niya po ako doon." sabi ni Aeious

"Ha? Anong nangyari sa kanya? Oh sige, anak. Pumunta ka na doon at ako na ang bahala dito sa bahay. Isasama ko na lang siya sa aking mga dasal mamaya anak. Mag-ingat ka papunta doon." alalang sagot ng kanyang nanay

Pagkatapos noon ay umalis na si Aeious sa kanilang bahay. Ngayon ay malinaw na sa kanya kung bakit hindi nasagot si Marina sa calls and texts niya. Naiinis siya sa kanyang sarili, wala man lang siyang ginawa kundi ang mag-isip ng kung anu-ano tungkol kay Mc Neil at Marina. 

Sana ay nandoon siya nung kailangan siya ni Marina, pero wala. nagpakain siya sa selos at hindi na inisip ang mga ganung klasseng bagay. Dali-dali siyang pumunta sa ospital kung nasaan si Marina. nagtanong siya sa frontdesk pagkapasok niya at ibinigay naman agad nito ang room number ni Marina. 

Kabadong-kabado si Aeious nang papalapit na siya sa kwarto ni Marina, hindi niya alam kung ano ang kanyang madadatnan doon. Ang alam niya lang, kailangan siya ni Marina ngayon.Wala na siyang pakialam kung galit ang mga kapamilya ng dalaga sa kanya.

Pagpasok niya sa loob ng kwarto ay ramdam na agad ang lamig dahil sa aircon. Amoy mo rin ang paligid ng ospital, ito yung mga ayaw na amoy ni Aeiosu noon dahil takot siya kapag pumupunta dito. Ang turo kasi sa kanya ng tatay niya dati, kapag nasa ospital ka ay mamamatay ka.

Pagpasok niya ay agad niyang nakita si Mc Neil at ang isang babae na kaedad ng nanay niya. Marahil ito ang nanay ni Marina na nagbabantay maigi sa kanya. Tahimik lang siyang pumasok hanggang sa nakita siya ni Mc Neil.

"Anong ginagawa mo dito? Ang kapal naman ng mukha mo ano? May gana ka pang pumunta dito eh ikaw ang may kasalanan kung bakit nandito si Marina ngayon. Masaya ka na? She is in coma! Alam mo kung bakit? Hintay siya nang hintay sa iyo sa park pero dumating ka ba? Hindi! Hindi ka dumating kaya nasagasaan siya!" sigaw ni Mc Neil

"H-hindi ko naman ginusto iyon, hindi ko alam na hinihintay ako ni Marina sa park. Akala ko ay kayo na kaya hindi na ako nakigulo pa. Hindi ako nagparamdam kasi ayaw kong masira ang relasyon niyo." sagot naman ni Aeious

"Sana ay ganun nga, sana kami na lang ni Marina para wala siya dito ngayon. Kaso wala eh, kahit anong pilit ko ay ikaw pa din ang pinipili niya araw-araw. You know what? You don't deserve Marina's love at all!" sigaw ni Mc Neil

"Ano ka ba Mc Neil, sa tingin mo ba hindi ka naririnig ni marina ngayon? Sa tingin mo, gugustuhin ba niya na makitang nag-aaway kayo ni-- Teka, ano nga ba ang pangalan mo hijo?" sagot ng nanay ni Marina

"Aeious po, tita. Kaibigan po ako ni Marina." sagot naman niya

"Ah, ikaw pala iyan hijo. Alam mo bang lagi kang kini-kwento ni Marina sa akin? Sobrang saya niya nung nakilala ka niya dahil finally ay nakakita na siya ng katulad ni Benjamin. Sa totoo nga niyan, may gusto sa iyo ang anak ko. Kinikilig siya lagi kapag kini-kwento ka niya sa akin." sabi ng nanay ni Marina habang todo ngiti ito kay Aeious

"Pero Tita Alice naman, hindi ba siya dapat ang sisihin niyo kung bakit nandito ngayon si Marina sa ospital? Kung hindi dahil sa kanya ay hindi comatose ang mahal nating si Marina." sagot naman ni Mc Neil

"Mc Neil, aksidente ang nangyari. At saka, dapat nga akong magpasalamat kay Aeious dahil simula nung nakilala siya ng anak ko ay bumalik na ang sigla nito. Nabuhay ulit ang ngiti niya. Nabuhay ulit si Benjamin sa puso niya." sagot naman ng nanay ni Marina

Natuwa naman agad si Aeious dahil sa kanyang narinig. Akala kasi niya ay galit ang nanay ni Marina sa kanya. Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ay hinayaan muna nila si Aeious na makausap si Marina. Kahit ayaw ni Mc Neil ay wala naman siyang magagawa kung payag ang magulang ng dalaga.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top