V
NAPADAING na lang ako nang maramdaman ko ang pananakit ng aking likod. Nagising na lang ako't natagpuan ang aking sariling nakaupo habang nakatali ang mga paa't kamay gamit ang cable ties.
Malinaw na malinaw kong natatandaan lahat ng nangyari bago ko matagpuan ang aking sarili sa puting k'warto na ito. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos na mapagtanto kung bakit ako hinimatay gayo'ng hindi naman ako nasagasaan.
Nilibot ko ang aking paningin sa bawat sulok ng silid upang suriin kung may mga mata bang nakamasid sa akin. Ngunit solong-solo ko ang buong k'warto at wala ring CCTV na naka-install at nakasabit sa kisame o sa apat na dingding.
Tinulak ko ang isa kong pisngi gamit ang aking dila. Nakagapos ang aking buong katawan sa salumpuwit na inuupuan ko. Matibay ang duct tape na nakapulupot sa akin. Maaaring wala man akong bantay ngunit sinigurado pa rin nila na hindi ako makakatakas.
Isang alaala ang nanumbalik sa aking isipan. During my younger years, my father and I used to play escape rooms in our basement. My mother was really against it for father used to tie me up like this. She was concerned that I'll end up hurting myself but to my father's defense, it was only to teach me.
"How nostalgic," I commented as I curled into a ball, putting my head between my two legs. Without a warning, I jerked and then, boom! The duct tapes were torn apart and I'm free from the wooden chair.
"Walang kakupas-kupas," puri ko sa aking sarili habang isang ngiti ang nakaguhit sa aking labi. I tried to stand up straight but the cable ties at my feet were making it harder. It would be very convenient if I'm able to use the hands of mine.
I raised my tied hands above my head. Clenching my fists, I thrusted them down with a lot of force, causing the cable ties to snap and freeing my hands.
"One more to go." Napahinga na lang ako nang malalim. Mukhang kailangan ko na ring iensayo ulit ang mga ito. Madali na akong mapagod kumpara sa dati.
Muli akong umupo't yumuko upang abutin ang cable ties na pumipigil sa aking mga paang makagalaw. Nang tuluyan nang mapakawalan ang sarili mula sa pagkakagapos ay tumayo ako't binanat ang aking mga buto. Time to engage.
Binuhat ko ang kahoy na upuan gamit ang isang braso bago tinungo ang pintuan. Maingat kong binuksan ang pinto sa harapan ko't tiningnan kung ilan ang nag-aabang sa akin sa labas.
Napakibit-balikat na lang ako. There are four of them, not bad.
"Pare." Kinalabit ko ang isa sa kanila at nang ito'y tumingin ay agad kong hinampas sa ulo gamit ang kahoy na upuuang dala-dala ko.
"Pasensya na, akala ko kalaban," I mocked the other three. Bubunutin sana ng lalaking pinakamalapit sa akin ang baril sa kaniyang bulsa nang siya'y aking maunahan.
"Too slow." Tuluyang nasira ang upuan nang malakas kong ipinukpok ito sa kaniyang ulo. Nagsimulang magpaulan ng bala ang dalawa lalaking natitira kaya mabilis kong binuhat ang katawan ng kanilang kakampi at ginamit itong panangga ng bala.
Nang maging abala sila sa pag-reload ng kaniya-kaniyang baril ay agad kong kinuha ang oportunidad upang sila'y patumbahin. I continuously pull the trigger until no one of them is a threat.
"Geez, it's so hard to use this weapon," reklamo ko habang sinusuring maigi ang hawak-hawak kong armas. Hindi ako pamilyar sa mga klase ng baril pero sa pagkakaalam ko, isang 'di hamak na handgun lamang ito.
"Hi." Napapitlag ako nang isang babae ang biglang lumapit at bumati sa akin. Mabilis ko namang tinutok sa kaniya ang baril.
"Who are you?" tanong ko sa kaniya at matalim siyang tiningnan.
"I'm Sunny Montagne," pagpapakilala niya't inalahad ang kaniyang kamay, hindi man lang nabahala sa baril na nakatutok sa kaniya. She seems friendly but there's something offbeat, I have to be cautious.
"Prudence. My name is Prudence Yancey," ani ko pabalik at binaba ang aking baril upang makipagkamay sa kaniya.
"Bakit ka nandito? Nakipaglaban ka rin ba?" nakakunot-noong na tanong niya sa akin.
"Well, what do you think I'm doing here? Make a guess," hindi malinaw na sagot ko at nilingon ang mga lalaking nakalaban ko kanina at ngayon ay walang buhay na nakahilata sa sahig.
"Hmm... how did you get here?" tanong niya ulit, dahilan para unti-unting mamuo ang inis sa akin.
"Maybe just like how did you get here, too. What do you think?"
"I see. We're both abducted," natatawa niyang sabi kaya bahagyang tumaas ang aking kilay. What's so funny about the situation?
"Same way, same place. For sure we're going for the same culprit," I said to myself, but the other lady heard it.
Foul words started to come out of her mouth. She's furious and eager to know who's the suspect.
Walang paalam akong naglakad papunta sa kabilang gusali para tingnan kung may tao roon. I already have a hunch that the mastermind is somewhere else. But who knows, maybe he's way too stupid to hide himself.
Narinig ko ang pagsunod sa akin ni Sunny ngunit hindi na ako nag-abala upang sitahin siya. Kailangan ko rin ng katuwang kung sakaling may makakaenkwentro ako.
Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok ni Sunny sa kabilang gusali ay nakarinig ako ng isang babae at lalaki na nag-uusap. No matter how curious I am to listen on what they're saying, we're too far that all of their words sound gibberish.
I was stunned when I saw a little boy from afar. How dare they to include a child in this mess?!
"Hey," tawag ni Sunny sa kanila, dahilan upang mapansin nila ang aming presensya. Napalingon silang tatlo sa aming direksyon.
"Ikaw pala! Anong ginagawa ng isang Sena Del Mundo sa lugar na ito? Ikaw ba ang may kagagawan ng lahat ng 'to?" tanong ni Sunny habang dahan-dahan kaming naglalakad papalapit sa kanila. Kitang-kita ko mula sa kaniyang mga mata ang galit. Pero sandali, magkakilala sila?
Tinaas ng babae ang kaniyang magkabilang kamay sa ere, senyales na siya'y inosente. "Look, biktima rin ako rito. Do you really think ako ang mastermind kung may kasa-kasama akong bata na ang tawag sa akin ay 'mama'?" pagdedepensa niya sa sarili.
"And do you really think I'm the villain here when my companion and I have killed masked men that, who I'm really sure, had the same outfit as those I bet you've killed a while ago?" Sinipa niya ang mga bangkay ng lalaki sa kaniyang paanan.
Tuluyan ko nang tinago sa aking bulsa ang baril na aking hawak-hawak. I don't have anything to protect myself from. All of them aren't enemies of mine.
"Look, I guess one of you is a Montagne and a Yancey. As you all know, the guys with a mask are planning to kill us. And I believe, your parents were killed too, right?" Muli kong binunot sa aking bulsa ang baril at tinutok ito sa kaniya.
Walang humpay sa panginginig ang aking kamay sa sobrang galit. Kung wala lang ang batang kasama niya ngayon ay baka kanina ko pa pinasabog ang kaniyang bungo.
"How did you know?" matigas na tanong ko sa babaeng tinawag ni Sunny na Sena.
"Sena Del Mundo is not my real name. I am Serenity Rose Mist. Sounds familiar, doesn't it?" pagbubunyag niya ngunit hindi ako natinag. Mas lalo kong diniin sa kaniyang ulo ang baril.
"No, not even a little bit."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top