Prologue
EVERYTHING seems new to me as we enter the venue for Senator Laxamana's birthday celebration. Mula sa sahig hanggang sa kisame ng gusali, makikita mo ang tinataglay na kagaraan ng bawat bagay.
"This way, please," ani ng isang waiter at sinamahan kami papunta sa nakatalagang table para sa amin.
"You told me earlier that it's your first time going to a five-star hotel. I'm expecting you to be surprised but you're not," kumento ni Devi nang kami ay makaupo.
"I'm amaze, yes. Pero wala naman akong nakikitang dahilan para masurpresa," sagot ko naman sa kaniya, dahilan upang siya'y mapatango.
"Very different from the others, I see. That's great!"
"Miss Del Mundo, nice to see you here!" Kaming tatlo ay napatingin sa lalaking biglang bumati kay Demoness. Like any other gentlemen that are invited to the party, he's also wearing a suit, only with the different color.
"Mr. Corpuz!" bati naman pabalik ni Demoness. "How are you?" pangangamusta niya rito.
"I'm doing great actually. I can see you brought some new friends. Mind introducing them to me?" Hindi ko mapunto kung ano pero alam kong may kakaiba sa lalaking ito. Bukod sa malambot itong gumalaw ay tili iniipit din nito ang kaniyang boses upang tuminis. Idagdag mo pa ang kulay rosas niyang suit.
"Oh! This is Sunny Montagne from Motagne Car Company," pagpapakilala ni Demoness sabay turo kay Devi.
"Hi! Nice to meet you, Mr. Corpuz."
"And this is Den Yancey from Valiente's Group of Companies." Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa aking labi.
"Good evening, sir. I'm Prudence Yancey. It's a pleasure to meet you," bati ko kay Mr. Corpuz at inabot ang aking kamay.
"Terrence Corpuz. Nice to meet you too, Miss Yancey," pagpapakilala niya sa sarili bago nakipagkamay sa akin.
Pasimple naman akong napatingin sa aking orasan. It's already 9:30 PM. The party is about to start but until now, I haven't see the celebrant.
"Maiwan ko muna kayo diyan. Enjoy tonight's event," nakangiting paalam niya bago pinuntahan ang ibang guest at binati.
Limang minuto na ang nakalipas, nagsisimula na ang program. But still, no signs of Sen. Laxamana. Hindi na mapakali ang dalawa kong kasama kaya nagpaalam muna silang makikibalita sa ibang guest.
Naiwan akong mag-isang nakaupo sa aming table. Most people might enjoy this kind of stuff but I don't. I'm not really into socializing. Too much buzzing noises, too many people. Lumaki akong mag-isa at mas gugustuhin ko pang makasama ang mga libro kaysa ang sandamakmak na tao.
"Ready yourself. The operation will start within five minutes," pamamalita ni Dieudonne sa amin gamit ang earpiece na nakasuot sa aming kanang tainga. Awtomatikong napatingin kami sa isa't isa.
We make our way through the crowd. Minimize our movements as much as possible to avoid suspicion. Nang maayos kaming makarating sa comfort room ay sinigurado naming walang ibang tao sa bawat cubicle bago kinandado ang pinto at nagpalit ng aming mga damit.
According to Devi, assassinating someone while in dress is not an ideal thing to do, especially when you're having a close contact to the target. Posible raw kasi itong makakuha ng fabric sample or stones na maaaring gawing evidence na magtuturo sa amin.
After wearing the tight black tracksuit, we wear the mask with a voice changer. Sinuot din namin ang itim na gloves at naglagay din kami ng foot sock sa aming mga sapatos upang walang ni isang bakas mula sa amin ang maiiwan sa crime scene.
Sinigurado rin namin na nakatali nang mahigpit ang aming mga buhok. Nang matapos ang aming paghahanda, ang kailangan na lang naming gawin ay hintayin ang blackout.
"Operation will start in five..."
"Four..."
"Three..."
"Two..."
"One..."
Umalingawngaw ang sigawan ng mga tao sa labas ng comfort room. That's our cue to go out and start the abduction of Senator Laxamana.
Isa-isa kaming lumabas at gumalaw sa dilim. Napuno ang event hall ng mga bulong-bulungan. Naririnig ko rin ang ilang radio ng mga gwardya na kasalukuyang nagre-report tungkol sa blackout.
"Mangyaring huminahon po ang lahat. Nagkaroon lang po ng problema sa ating electrical wiring," wika ni Sen. Laxamana habang nakatapat ang bibig sa mikropono.
"What are you doing, ladies? Move!" rinig naming utos ni Dieudonne sa earpiece, dahilan upang isang malutong na mura ang matanggap niya mula kay Devi.
"We know what we're doing," pabulong na sagot naman ni Demoness ngunit halata sa kaniyang boses ang pagkainis.
Pansamantala kaming lumabas ng event hall at matiyagang naghintay sa paglabas ni Laxamana at ang kaniyang mga alipores.
Ayon kay Devi, masyadong alanganin kung isasagawa namin ang misyon sa loob dahil mas malaki ang tsansa na may makakakita sa amin lalo na't gumagalaw kami. Bukod do'n ay maraming pwedeng gamitin na bagay si Laxamana pantawag ng atensyon bilang saklolo. We can't afford that to happen.
"Five men are coming to your way excluding Senator Laxamana. Ready to engage."
"Will you just shut your mouth, master? We know what to do," reklamo ni Devi. At dahil ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makapagsalita nang malakas ay ngayon ko lang napansin ang pagbabago sa kaniyang boses. Mas tuminis ito at medyo nakakairita pakinggan.
"They're here," kumento ni Demoness nang unti-unting lumalapit ang mga hakbang na aming naririnig. At dahil siya'y may ginagamit din na voice changer, mapapansin mo ang paglalim ng kaniyang boses na tila ba parang isang lalaki.
"Gotcha!" Pinangunahan ni Demoness ang pamamaril gamit ang kaniyang Caliber 45 na may surpressor. Tinamaan ang unang lumabas na lalaki sa kaniyang ulo. Mula sa aming kinatatayuan ay kitang-kita ko ang pagtalsik ng dugo mula sa lalaki.
Ang mga kasunod nitong lalaki ay napatingin sa aming direksyon. "Intruders! Protect the senator!" sigaw ng pinakamatangkad sa kanila. Dali-daling kumilos ang dalawang lalaki sa likod niya at inalalayan ang senator sa pagtakbo.
"As if I'll let you get away." Mabilis na sinundan ni Devi ang dalawang lalaki ngunit isang lalaki ang humarang sa kaniyang daanan. Agad naman akong pumunta upang bigyan siya ng saklolo.
"Ah-ah-ah." I pointed my index finger upward and moved it in a horizontal way, signaling him a 'no'. "Your opponent is me," I added then launched a punch to his jaw which unfortunately, missed.
"Do you think you can distract me with the electronic voice of yours? Think again," aniya at sinubukang bigyan ako ng tadyak sa aking sikmura ngunit mabilis akong nakailag.
"You tried, I'll give you a recognition for that," nakangising sabi ko bago malakas na sinuntok ang kaniyang ilong. Bumalot ang kaniyang daing sa buong pasilyo ngunit hindi pa ako nakuntento at pinulupot ang dalawa kong braso sa kaniyang leeg.
Pilit siyang nagpupumiglas subalit wala itong epekto sa akin. Masyadong mahigpit ang pagkakasakal ko sa kaniya at hindi ko siya titigilan hanggang sa maubusan siya ng hininga.
"Damn you!" I angrily shouted. Agad akong napabitaw mula sa kaniya nang ibaon niya ang kaniyang ngipin sa aking balat. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at kinuha ang isang Marlin BFR mula sa gun pocket na nakasuot sa aking kaliwang binti.
Walang awa ko siyang pinaulanan ng bala hanggang sa maubos ang ammunition na nasa aking magazine. Sa kaniyang pagbasak ay hindi pa rin ako nakuntento. Paulit-ulit kong inapakan ang kaniyang leeg hanggang sa tuluyang mabali ang kaniyang cervical vertebra at lumabas ang mga ito sa kaniyang balat.
Pinanood ko ang walang humpay na pagtagas ng kaniyang dugo sa kaniyang leeg. What a satisfactory! But there's still something missing. Should I cut his genitals?
"That's enough, Nemesis. We have to go," pigil sa akin ni Demoness, dahilan upang mabalik ako sa aking wisyo. Inilibot ko ang aking tingin sa buong paligid. Doon ko lang napansin na patay na rin pala ang dalawang natitirang lalaki.
"Devi, how is it going?"
"Target located."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top