IV


GETTING up with haste, my eyes are wide shut. My trembling body is covered in cold sweats while my heart continues to race fast, trying to catch my breath. It's happening again. Muli na naman akong binabangungot ng kanilang pagkamatay.

Walang tigil ang kanilang pagsigaw ng saklolo sa aking tainga. Gamit ang kanilang naaagnas na kamay, ako'y hinihila nila papunta sa kawalan, hinihiling na ako'y sumama na sa kanila at tuluyang maging masaya.

Napalingon na lang ako sa orasan sa aking gilid nang ito'y biglang tumunog. Napahinga na lang ako nang malalim matapos ko itong patayin. At least, it's already four o' clock in the morning. No more demons will try to devour me for today.

"Sa susunod ay hindi na lang ako mag-a-alarm. I'm already awake when it rings anyways," saad ko sa aking sarili bago napagdesisyonan na bumangon.

I make my way downstairs which is pretty melancholic. Everything is still vivid in my memory. I can't help but to remember the same scenery ten years ago. I'm also about to go downstairs that time when I've found out that they were gone. That they already left.

"Good morning, hija. Kumusta ang iyong tulog?" nakangiting bati sa akin ni nanny at pansamantalang inihinto ang kaniyang pagwawalis. Ningitian ko naman siya pabalik.

"Good morning, nanny. It's great as usual," I answered with white lie. Marami siyang iniisip at ayoko nang dagdagan pa iyon. Isa pa, sobra-sobra na ang nagawa niya para sa akin. It's time to fight my own battles alone.

"Maigi naman kung ganoon. Pinaghanda na pala kita ng almusal. Kainin mo na ang champorado habang mainit pa," sabi niya't inakay ako papuntang kusina.

"Nanny, kaya ko na po," pagpiprisinta ko nang balakin niyang ipagsandok pa ako ng aking kakainin. Kinuha ko ang tasa't sandok mula sa kaniya. Natawa naman siya sa naging reaksyon ko.

"Dalagang-dalaga ka na talaga, hija. Baka kinalaunan ay hindi mo na ako kailanganin." Sinubukan niyang idaan sa tawa ang lahat pero hindi makakaligtas sa akin ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Syempre, hinding-hindi mangyayari 'yon, nanny. We're partners forever, remember?" I exclaimed then winked at her.

"Nga pala, hija. May pinadalang pera ang Tito Diego mo para sa matrikula mo sa kolehiyo," pamamalita ni nanny. I just clicked my tongue then sit on the stool I usually sit on.

"Hindi po ba't maraming pinapagawa sa inyo ang doktor niyo? Doon na lang po natin gamitin ang pera," suhestiyon ko na agad naman niyang sinalungatan.

"Pero papaano ang pag-aaral mo, Den? Doon nakasalalay ang kinabukasan mo. Hindi natin pwedeng isantabi lang iyon," ani nanny.

"May trabaho na po ako at mas malaki pa sa matrikula ko ang sweldo. Unahin po muna natin ang kalusugan niyo," pangangatwiran ko pero hindi pa rin siya kumbinsido.

"Natitiyak kong hindi magugustuhan ng iyong tiyo na magtrabaho ka at sa akin gamitin ang pera."

"Ako na po ang bahalang kumausap kay Tito Diego. Wala na po kayong dapat problemahin pa," paninigurado ko kay nanny.

He didn't stay ten years ago. He's my guardian no more. I don't need his help. I don't need his money.

"I'M really surprised that Mr. Valiente hired someone like you. Ni hindi ka pa nga nakakapagtapos sa pag-aaral. Ano naman ang maidudulot mo sa kompanya?" saad ni Bianca, isa sa mga kasamahan ko sa trabaho, habang abala ako sa pagbabasa at pag-aayos ng mga papeles at reports.

"Perhaps you used your beauty to get this job, how filthy," dagdag niya pa ngunit hinayaan ko lang siya.

Unang araw ko pa lang sa trabaho kaya hangga't maaari ay ayaw kong gumawa ng gulo. Isa pa, walang katotohanan ang kaniyang sinabi kaya para saan pa't ako'y magpapaapekto?

After I received the call from Ms. Salazar, the CEO's retiring secretary, everything went too fast. Natanggap ako sa trabaho matapos lamang tanungin sa interview ang aking pangalan at edad. Agad din akong inalok ng napakalaking sweldo para sa baguhang empleyado katulad ko.

"Did Miss Salazar already brief you about your job?" tanong niya sa akin na sinagot ko naman nang may ngiti sa aking labi.

"Yes, Miss Talumpati, she already did. You have nothing to worry about for I completely understand."

"Kung ganoon ay maaari mo ba akong ipagtimpla ng kape, Miss Yancey?" utos niya, dahilan upang tumaas ang aking kilay.

"Ano pang hinihintay mo? Move! Akala ko ba naipaliwanag na sa'yo lahat ni Miss Salazar? Ay, isa ka nga pa lang mangmang. Ano pa bang aasahan ko?"

"You might be older in this company, Miss Talumpati, but you must know that we both have the seniority here. After all, I'm the new secretary of the CEO. My job is way more important than yours. That's what Miss Salazar told me," sagot ko na nakapagpatahimik sa kaniya. Napailing na lang ako.

Maaaring hindi pa ako nakakapagtapos sa pag-aaral ngunit hindi ko sila hahayaang maliit-maliitin ako. Ipapakita ko sa kanila na karapat-dapat ako sa posisyon at trabaho na ito.

"Masyadong matalas ang dila mo para sa bagu-" Hindi natuloy ang sasabihin ni Bianca nang tumunog ang telepono na nakapatong sa kaniyang mesa. Wala naman siyang inaksayang oras at sinagot ang tawag.

"Valiente's Group of Companies," rinig kong bati niya sa taong nasa kabilang linya. Pansin ko ang pangungunot ng kaniyang noo.

"Es tut mir leid. Sprechen Sie Englisch?" Halos magbuhol ang kaniyang dila nang magsalita siya sa wikang alam na alam ko. Napabuntong-hininga na lang siya.

"Ich verstehe nicht, es tut mir leid."

"Would you mind if I take the call?" pagpiprisinta ko na panandalian niya namang pinagdudahan. Wala rin naman siyang nagawa sa huli at inabot sa akin ang telepono.

"Guten Tag, hier ist Firma Valiente's Group of Companies, mein name ist Yancey," bati ko't pagpapakilala sa aking sarili.

"Guten Tag, mein name ist Schidmt. Ist Herr Valiente da?"

Mabilis naman akong napatingin sa aking orasan at sa schedule na hawak-hawak ko. Doon ko napag-alaman na pumunta sa kabilang kompanya ang aking amo, kasama si Miss Salazar, para sa isang pagpupulong. "Nein, er ist in einer Besprechung," sagot ko.

"Er möchte mich bitte zurückrufen?"

"Ich werde es ausrichten. Schönen Tag," pamamaalam ko bago binaba ang tawag. Napatingin na lang ako kay Bianca na kasalukuyang nakatulala sa akin. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi.

"Don't be too surprised. German is only one out of ten languages that I can speak, it's normal."

MALALIM na ang gabi ngunit heto ako ngayon, naglalakad mag-isa sa dilim. Unang araw ko pa lang sa trabaho ay marami nang pinagawa sa akin. Idagdag mo pa na pahirapan ang mag-abang ng masasakyan dahil nasa kaduluhan ng siyudad ang kompanya.

Napabuntong-hininga na lang ako. "Masasanay ka rin, Prudence. Masasanay ka rin," wika ko sa aking sarili.

Napahinto ako sa paglalakad nang biglang tumunog ang cellphone na nasa aking bulsa. Agad ko naman itong kinuha at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Hello, Prudence. It's me. Kumusta ka?" Mabilis kong tinanggal sa tapat ng aking tainga ang telepono at tiningnan ang screen upang kilalanin kung sino ang natawag. Si Tito Diego.

"I'm doing great, thanks," sagot ko, pilit na pinagmumukhang masaya ang aking boses.

"Good to hear. Nga pala, hija. Nabanggit sa akin ni Manang Avery na ayaw mo tanggapin ang perang pinadala ko. Anong problema?" walang ideyang tanong niya sa akin, dahilan upang bahagya akong mapangiwi.

"Wala naman po, tito. Napagdesisyonan ko lang po na mas makakaigi sa akin kung matututo akong tumayo sa sarili kong mga paa," ani ko ngunit nang marinig ko sa kabilang linya ang pagtikhim niya ay napag-alaman kong hindi siya sang-ayon dito.

"Hahayaan kitang gawin ang gusto mong gawin pero hindi sa ngayon. I want you to focus on your studies. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo tsaka ka magtrabaho."

"I can't wait that long, tito. Kailangan ni nanny ng pampagamot. Kung mawawala pa si nanny, sino nang mag-aalaga sa akin?" pangangatwiran ko.

"Then, how about your education?"

"I don't need education, I can read books."

"Prudence Yancey, listen to me-"

"I'm sorry, tito, but I have to disobey you this time. Bye." Tuluyan kong binaba ang tawag at sinilid ang aking cellphone sa aking bulsa.

Umihip nang malakas ang malamig na hangin, dahilan upang sumayaw ang dalawang damuhan na tumubo sa gilid ng kalsada. Hindi ko maiwasang hindi kabahan lalo na't masyadong delikado para sa babaeng katulad ko ang mag-isa sa liblib na lugar. Walang katao-tao at puro puno lang ang nasa paligid.

Hinigpitan ko ang hawak sa bag na aking sukbit-sukbit. Muling umihip ang hangin. Sa pagkakataong iyon, nag-iba na ang aking pakiramdam. Binilisan ko ang aking paglalakad at itinuon ko ang aking buong atensyon sa daanan.

Hindi ko na ininda ang aking naririnig. Hindi na rin ako nagbalak lumingon sa aking likuran upang makasigurado. Basta ang nasa isip ko, makauwi nang ligtas sa aming bahay.

Tinawid ko ang daanan patungo sa kabilang kanto ngunit wala pa ako sa kalagitnaan ay umalingawngaw sa paligid ang isang busina. Ang pagkaskas ng mga gulong sa sementadong daan sanhi ng biglaang pagtigil ay maririnig din sa kasalukuyan.

Nagsimulang manghina ang aking mga tuhod at unti-unti nang nanlulumo ang aking katawan. Masyadong mabigat na ang aking mga talukap upang pigilan ito sa pagsara.

"Paano?" Pilit kong tinanaw ang malayo-layong sasakyan bago tuluyang bumagsak ang aking katawan sa matigas na semento't nagdilim ang aking paningin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top