II
"DADDY, bakit po naiyak si mommy?" alalang tanong ko nang makita ang ilang luha na pumatak mula sa mga mata ni mommy.
Posible kayang natatakot si mommy sa pinapanood namin? I mean, the video in the television screen produces weird sound. The black and white visuals are also a little creepy for I can barely see or recognize a picture out of it. It's a complete mess.
"Because she's happy, Prudence," nakangiting sagot sa akin ni daddy. If I'm not mistaken, happy means not being sad. But there are tears in mommy's eyes. Aren't people cry because they're sad and not happy?
O-kay? Hindi ko maintindihan ang sagot ni daddy. It's kind of confusing.
"That's pretty weird. But at least, mommy is not crying because she is scared," sabi ko na lang. Nakakapagtaka tuloy. Sabi ng mga kapitbahay namin, matatalino sina mommy at daddy pero bakit medyo magulo kausap si daddy?
"Mukhang nalilito ang anak natin, Wisdom," natatawang saad ni mommy kay daddt. Lalo namang nangunot ang noo ko. Pinagtatawanan na naman nila ako.
"Anak, sometimes, people cry too when they can't express or explain their feelings. Kagaya ngayon, sobrang saya ni mommy na hindi niya na maipaliwanag," pagpapaliwanag ni mommy pero naguguluhan pa rin ako.
"Pwede po ba 'yon? Mararamdaman mo pero hindi mo alam kung ano iyon at hindi mo maipaliwanag?" tanong ko ulit kaya muling natawa si mommy.
"Tapos na po tayo, misis. Maaari na kayong tumayo't magpalit ng damit." Nabaling ang tingin ko kay doctor nang magsalita siya.
"Doctor, is my mommy okay? Is she sick?" sunod-sunod na tanong ko. Matamis naman siyang ngumiti sa akin at sinabi, "You don't need to worry. Your mommy is completely fine and so is your little sister."
"Little sister? I don't remember having any siblings, doctor. What are you talking about?" Alam kong hindi na halos maipinta ang mukha ko dahil sa lukot na lukot na ito dahil sa pagtataka.
"Your daughter is really curious, Mrs. and Mr. Yancey. I won't be surprised if she grow up smart like the both of you."
"Thank you. Let's go, sweetie?"
"MOMMY, are you eating so much lately? Your tummy is about to burst, I'm worried."
"Huwag kang mag-alala, 'nak. Ayos lang si mommy," sagot ni mommy sa akin habang hinihimas-himas niya ang kaniyang malaking tiyan.
"Masakit po ba? Gusto niyo po bang masahihin ko?" alok ko kaya muling sumilay ang matamis na ngiti sa akin ni mommy.
"Hindi na, anak. Ayos lang si mommy," nakangiting sagot ni mommy sa akin. "Nga pala! May gustong itanong si mommy sa'yo at gusto kong sagutin mo with full honesty, okay?"
"Okay, mommy. What is it?" I curiously asked. I don't know why I feel anxious suddenly. It feels like I'm going to be scolded again. I wonder what I did wrong this time.
"Do you want to have a baby sister? If you do, would you take care of her?"
"Yes, mommy, yes! Where is she?" I started to dance because I am so excited. May makakalaro na ako ngayon. Pwede na kaming maglaro ng barbie together.
"She's in my tummy." Parang tumigil ang mundo ko. Is mommy making fun of me again? It's not a good joke. It's even too bad to be considered as a joke.
"I hate you, mommy! Lagi niyo na lang po akong niloloko ni daddy. I'm getting tired of it," reklamo ko't tinulak ang kanang pisngi gamit ang dila.
"I'm not joking, baby! She's really in my tummy," mommy tried convince me while laughing. Yeah, very convincing.
"It's not funny, mommy. Akala ko pa naman may makakalaro na ako. Akala ko pa naman may maaayusan na ako." Nagulat ako nang kinuha ni mommy ang kaliwang kamay ko't pinatong sa kaniyang tiyan. Lalo pang nanlaki ang mata ko nang may maramdaman akong gumalaw sa loob nito.
"See? Mommy doesn't lie, Prudence."
"Oh no, mommy!" I started crying. "Hindi niyo po ba love si baby? Bakit niyo po siya kinain? Bakit niyo po kinain si baby sister?" palahaw ko.
"Bakit umiiyak ang prinsesa ko?" Dali-dali akong tumakbo papunta kay daddy. Mahigpit ko siyang niyakap at sa bisig niya ako nagpatuloy umiyak.
"Equity, ano na namang ginawa mo?" tanong ni daddy nang masaksihan niya ang pagtawa ni mommy. Binuhat ako ni daddy bago magkasama kaming lumapit kay mommy.
"No, daddy!" iyak ko kaya napahinto sa paglalakad si daddy.
"Prudence thought I ate her little sister! Oh, silly daughter," mommy laughed and so is daddy. Malakas ko namang hinampas si daddy, dahilan upang lumuwag ang hawak niya sa akin at ako'y makababa mula sa karga niya.
"I knew it! Why you're always pulling pranks?" I complained while wiping my tears using the long sleeves of my dress.
"We're not, sweetie. You can't understand it now but one day, I'm sure you will," pag-aalo sa akin ni mommy kaya napangiwi na lang ako.
I always don't get my parents. They already knew that I can't understand it but they're going to say it anyways. I'm just ten years old. I can't understand everything so I hope, they don't confuse me any further.
"Bakit hindi na lang tayo kumain ng hinanda kong miryenda?" aya sa amin ni daddy kaya agad na nagningning ang mga mata namin ni mommy.
"Miryenda?" sabay naming tanong ni mommy. "What's the menu for today's miryenda?" dagdag kong tanong kay daddy.
"Well, what's your guess?" Napairap na lang ako bago napatawa. Sinasabi lang ni daddy 'yan kapag paborito ko ang hinain niya.
"Okay, I already knew what is it. No need for guessing." Hindi ako pwedeng magkamali. It's probably a watermelon for sure.
HINDI ko maiwasang hindi malungkot sa tuwing magpapaalam sila mommy at daddy sa akin na aalis na naman sila. Bakit hindi na lang nila ako isama sa lakad nila? I promise, I'll behave. I don't want to be alone in this big house for the next hours.
"Prudence, huwag mong kakalimutan ang mga bilin ni mommy, okay? Silipin mo muna sa bintana kung sino ang nakatok bago mo pagbuksan ng pinto. Huwag basta-"
"-basta magpapapasok ng hindi kilalang tao," pagpapatuloy ko sa sasabihin dapat ni mommy. "Alam ko na po iyan, mommy. You don't need to tell me twice," dagdag ko pa.
"Napakatalino talaga ng anak ko." Lumabas ang mga luhang nagbabadyang pumatak nang pisilin ni mommy ang aking ilong. Kahit sino naman siguro ay masasaktan lalo na't masakit ang pagkakapisil.
"Babalik kami agad kaya magpakabait ka para may pasalubong ka mamaya. Ayos ba 'yon, prinsesa ko?" Tumango na lang ako sa naging tanong ni daddy. Kahit naman pigilan ko sila sa pag-alis ay hindi naman nila ako papakinggan.
"Alam kong nalulungkot ka, 'nak. Babawi naman sa'yo si mommy pagbalik. Lulutuan kita ng paborito mong sinigang!"
"Talaga po?" nasasabik na tanong ko sa kaniya. Kulang na lang ay magpatalon-talon ako rito dahil sa tuwa. It's been a week since I ate that dish! I can't wait any longer.
"Talagang-talaga! Kaya para makauwi kami nang maaga ay kinakailangan na naming umalis ngayon. Call 911 in case of emergency, okay?" huling bilin sa akin ni mommy. Pinagbuksan naman siya ng pinto ni daddy.
"Okay, mommy! Take care and pray for a peaceful trip, okay?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top