Kabanata 5
Kabanata 5
Negring
***
"But I'm still trying my best to avoid all of you. I still try my best to escape eventhough it's inescapable."
"You don't need to escape. You just need to accept," sagot ng binata dahilan upang mapaharap sa kanya si Dia.
"Accept the fact that you are special dahil sa kakaiba mong kakayahan na pwedeng magsagip ng buhay. Binigay sa 'yo ang kakayahang iyan hindi para lumayo sa lahat. Binigay sa 'yo 'yan dahil may ibang dahilan at isa na dito ay ang paggamit nito sa mabuti. Please, help Jana. Tulungan natin siya, Dia," ani ng binata.
Tinignan lang siya ng dalaga saka siya nito tinalikuran at umalis na.
***
Lumulutang ang utak ni Dia habang gumagawa siya ng tinapay. Napaparami na nga ang lagay niya ng yeast kaya agad siyang nilapitan ni Aling Aura at sinabihan.
"Ano bang nangyayari sa 'yo? Ba't parang wala ka sa 'yong sarili."
Ngumiti lang ng tipid si Dia at inayos na ang kanyang ginagawang tinapay.
"May nagpunta pala ritong binata kahapon. Nakalimutan ko ang pangalan basta tunog dentista 'yon e. Kakausapin ka raw sana niya tungkol sa kaklase niyong na-engkanto raw," kwento ng ginang.
Nakinig lang si Dia sa kanya at hindi man lang magawang lumingon.
"May alam ba siya sa kakayahan mo?" biglang tanong ng ginang kaya napaangat ng tingin si Dia at napalingon sa paligid.
Nang mapagtantong silang dalawa lang ang nasa loob dahil nagtanghalian ang iba nilang trabahador ay hinarap na niya ang ginang.
"Opo," sagot niya.
"Ibig sabihin, humihingi siya ng tulong?" tanong ulit ng ginang.
Napatango naman si Dia.
"At hindi ka pumayag?"
Hindi naman nakapagsalita si Dia.
"Apo, baka ito na ang panahon para gamitin mo ang kakayahan mo. Huwag ka nang magtago pa sa dilim. Kalimutan mo na lang ang mga nangyari noon. Bata ka pa noon kaya wala ka pang alam. Siguro kaya ibinigay sa 'yo 'yan ay para tumulong at ito na ang panahong 'yon."
"Isinumpa ako, Aling Aura. Alam mo iyan. At itong kakayahang isinumpa sa akin ang dahilan kung bakit ako nag-iisa ngayon," seryosong sagot ni Dia.
Lumapit naman si Aling Aura sa dalaga at hinawakan ito sa balikat.
"Hindi ang kakayahan mo ang dahilan kung bakit ka nag-iisa. Ang lahat ng nangyari noon ay aksidente lang kaya wala kang kasalanan. Ang dahilan kung bakit ka nag-iisa ay walang iba kung hindi dahil desisyon mo ito. Desisyon mong lumayo sa amin at magtago. Siguro ito na ang panahon para tigilan mo na ang pagtakas dahil alam naman nating hindi mo talaga 'to matatakasan. Ang kailangan mo na lang gawin ngayon ay ang harapin 'to."
Hindi nakaimik si Dia sa lahat ng sinabi ni Aling Aura. May parte sa kanyang ayaw niyang makinig dito ngunit may parte ring tila ba tumatak sa kanya.
Tahimik na naglalakad si Dia pauwi. Nang malapit-lapit na siya sa kanilang gate, rinig na rinig niya ang ingay ng apat niyang tagapagbantay. Binuksan niya ang gate at pumasok. Napatingin tuloy sa kanya ang apat dahil sa gulat.
"Ipaalala niyo sa akin ang ritwal kung paano labanan ang isang itim na engkanto," ani Dia.
Nagkatinginan naman ang apat na gulat na gulat.
"Akala namin - "
"Basta ipaalala niyo sa akin. Kailangan nang manahimik ni Negring," sagot niya.
"Ang tanging makakapagpaalis lang kay Negring ay itong batong ito pero kailangan mo pa ring makipagtulungan sa albularyo para mapalabas siya," sabi ni Kaps sabay pakita ng isang puting bato.
"Saan mo nakuha 'yan at anong gagawin ko riyan?" tanong ni Dia.
"Gawin mo 'tong kwintas o kahit na anong porselas. Basta hindi ito huhubarin ng nililigawan ni Negring. Sa paraang iyon, hindi na siya makakalapit pa sa dalaga. Ang batong 'to ay galing kay Ceres, ang reyna ng mga engkanto. May basbas niya ito at pinamahagi niya ito sa mga tao noong unang panahon dahil naglaganap ang mga masasama at itim na engkanto sa probinsyang 'to," ani Kaps sabay abot kay Dia ng bato.
"Bakit may ganito ka?"
"Marami akong ganyan. Paano lahat ng nakakakita sa aking tao noon, hinahagisan ako nito. Ang hindi nila alam, hindi ako tinatablan nito kasi hindi naman ako masama."
"Mukha lang masama. Hahaha," sabay na sabit ng tatlong duwende.
"Hampasin ko kayo e!"
Agad namang umilag ang tatlo sa ambang paghampas sa kanila ni Kaps.
Naiwan naman si Dia na nakatayo roon habang pinagmamasdan ang puting bato.
"Gagawin ko ba talaga 'to?"
***
Kanina pa pabalik-balik si Dia sa gate ng bahay nila Jana. Hindi niya alam kung ano ba ang gagawin niya.
"Umuwi na lang kaya ako?" aniya sa sarili.
Ngunit agad siyang natigilan nang marinig niyang sumigaw si Jana.
"Leche! Bahala na nga!" Pagkasabi niya nito, dire-diretso na siyang pumasok sa bahay nila Jana.
Nadatnan niyang may isang albularyong lalaki na kulay abo na ang sumusubok na paalisin ang itim na engkantong sumasakop kay Jana.
"LUBAYAN MO ANG DALAGANG ITO!" sigaw ng albularyo.
Nanatiling nakatayo si Dia habang mahigpit na hawak-hawak ang putting bato na ginawa niyang anklet.
Nilibot ni Dia ang kanyang mata at napansin niyang sarado ang lahat ng bintana at nakapatay ang lahat ng ilaw dahilan kung bakit napakadilim. Lumapit siya sa mga switch at bubuksan sana ang mga ilaw ngunit ayaw naman nitong sumindi.
"Aling Janet, kailangan po natin ng liwanag. 'Yon ang isa sa solusyon para mapahina ang engkanto!" sigaw ni Dia sa nanay ni Jana na ngayo'y iyak nang iyak.
Hindi naman alam ng nanay ni Jana ang gagawin nito sapagkat hindi rin nito alam kung bakit bigla silang nawalan ng ilaw. Kaya naman, mabilis na nagtungo si Dia sa mga bintana ang binuksan ang lahat ng ito. Agad namang sumigaw si Jana nang tamaan siya ng liwanag.
"Huwag mong buksan!" sigaw ng albularyo.
"Hindi solusyon ang pagkulong sa kanya sa dilim sapagkat lalong lumalakas ang itim na engkanto!" sagot naman ni Dia.
Natigilan naman ang albularyo. Tila ba namangha siya sa dalaga.
"Salamin! Kumuha kayo ng salamin!" sigaw ni Dia at agad namang kumuha ang ina ni Jana.
Agad na lumapit si Dia at pilit na isinusuot ang anklet sa paa ni Jana ngunit wagas ang pagpupumiglas ng dalaga kaya agad niyang hinawakan ng mahigpit ang paa nito. Nang maisusuot na niya ang anklet, naramdaman niyang may pumipigil sa kamay niya at nang mag-angat siya ng tingin, nakita niyang hawak-hawak ni Negring ang kanyang kamay.
Tinitigan ng masama ni Dia si Negring ngunit hindi natinag ang engkanto at pilit pa ring pinipigilan si Dia. Lumingon ang dalaga kay Aling Janet at sinenyasang ibato sa kanya ang salamin. Agad niya itong sinalo at iniharap kay Negring. Bigla naman itong napasigaw at pilit na tinatakpan ang sarili. Kitang-kita ni Dia kung paano ito umusok na para bang nasusunog sa salamin.
"Napapaso ang mga engkantong itim o aninong engkanto sa salamin. Nasusunog sila kapag nakikita nila ang repleksyon nila," iyan ang natatandaan ni Dia na sinasabi sa kanya ng tatlong duwende at tama nga ang mga ito.
"Anong nangyayari?" ani ng ina ni Jana.
Hindi ito sinagot ni Dia at mabilisang sinuot ang anklet kay Jana. Tinulungan na siya ng albularyo sa pagsuot nito sa dalaga kahit na takang-taka ito.
"Saan mo nakuha ang puting bato na ito? Matagal nang walang ganito sa bayan natin," takang tanong ng albularyo.
Hindi naman niya ito nasagot nang may biglang pumasok.
"Dia!" gulat na wika ni Dentrix.
Hindi naman siya pinansin ni Dia at humarap na lamang kay Negring na ngayon ay nanghihina na.
Pinapasok ni Dentrix ang mga pari na kanyang kasama. Mukhang pinasundo ito ng ina ni Jana. Dinasalan ng pari si Jana at nagbasbas ng holy water.
Pinagmasdan lang ni Dia ang unti-unting paglaho ni Negring at ang pagbabalik ng itsura ni Jana habang sinusuotan ito ng kanyang ina ng rosaryo sa kamay at nagdarasal.
***
Palabas na ng bahay nila Jana si Dia nang habulin siya ng albularyo. Taka naman niya itong hinarap ngunit mas lalo siyang nagtaka nang nakatingin ito sa kanyang kaliwang pulso.
Marahan itong inangat ng albularyo at tinitigan si Dia. Napakunot-noo lang ang dalaga.
"Kilala ko ang markang ito," anito.
Nanlaki naman ang mata ni Dia.
"Anong marka?"
Nagulat naman sila sa biglang pagsulpot ni Dentrix.
"Wala namang marka ah," ani ng binata.
Agad namang binawi ni Dia ang kanyang pulso sa albularyo.
"Namamalikmata lang po kayo. Mauuna na po ako," pag-iwas niya.
"Teka!"
Hahabulin sana ni Dentrix si Dia ngunit hindi na niya ito nahabol pa dahil mabilis itong nakalayo. Habang ang matandang albularyo ay hindi maalis-alis ang tingin sa dalaga.
***
Pag-uwi ni Dia, bumungad sa kanya ang itim na engkanto na ngayo'y hinang-hina na.
"Pinapaalis namin siya pero mapilit siya," ani Alden.
"Bakit mo ginawa 'yon, Adrasteia. Bakit ka nangingialam," galit na wika ni Negring.
"Lubayan mo ang mga tao, Negring kung ayaw mong ipatapon kita kay Ceres. Alam kong hindi mo gugustuhing makulong sa kanya," matapang niyang wika.
Aangal pa sana ang engkanto ngunit may inangat na maliit na bote si Dia at hinarap ito kay Negring.
"Oh, mas gusto mong isilid kita rito. Huwag mo akong subukan dahil alam mong kaya kong gawin ito at hindi rin ito ang unang beses na gagawin ko ito."
Hindi naman nakarinig ng kahit na ano si Dia kay Negring sapagkat unti-unti na itong naglaho.
"Adrasteia, ang pulso mo!" sigaw ni Daniel.
"Nagliliwanag siya," dagdag ni Enrique.
Napatingin si Dia rito at pinagmasdan ito.
"Huling nakita kong nagliwanag 'yan ay noong - " Hindi na naituloy ni Kaps ang kanyang sasabihin nang bigla siyang samaan ng tingin ni Dia.
"Magpapahinga na ako," ani ng dalaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top