06

Aurelia Winter

"Ano bang ginagawa mo rito? Wala ka bang pasok ngayon?" I asked my brother. Naka-upo siya sa harap ko habang katabi si Keiran na prente lang na nakatingin sa akin. I rolled my eyes at him and just glanced back at my brother.

My brother swallowed hard and bowed his head. Umiling siya kaya nalaman ko kaagad na wala na nga siyang pasok ngayon. It's past four so I understand.

"Akin na phone mo," mahinahon kong sabi. Binigay naman niya agad sa akin kaya hindi na ako nagsalita pa.

Hinanap ko sa phone niya iyong video kung saan sumisigaw ako at tumatalon. I deleted it because I don't want him making fun of me. Pero hindi pa rin ako kuntento roon. Hinanap ko ang folder niya na may nakalagay na recently deleted at binura ulit iyong video.

Naninigurado lang naman ako.

I smiled when I'm finished using his phone. I'm not mad anymore so I returned it to him immediately.

"Kumain na ba kayo ng miryenda?" tanong ko para sa kanilang dalawa. They both looked at each other. In just a few seconds, they both shook their head.

Kinuha ko ang binili kong pagkain mula sa fastfood kanina at ipinakita sa kanila. Marcus clapped like a kid while Keiran just remained there sitting with no emotion. Baka hindi pa siya gutom.

I shrugged and went to the kitchen to prepare the food. Nagtimpla na rin ako ng juice para may panulak. Tinawag ko silang dalawa para pagsaluhan ang nabiling pagkain.

"Alam mo ate, ang galing pala ni kuya Keiran maglaro ng PS5! Tinuruan niya nga ako kanina, e." Sumubo si Marcus ng burger habang nagku-kwento.

"Talaga ba?" sabi ko at bumaling kay Keiran.

He raised a brow like he's saying that what my brother is saying is true. PS5? Nagtaka ako dahil paano nagkaroon ng ganoon dito sa apartment ko? Hindi nga ako naglalaro ng mga ganoon?

"Teka, saan niyo nakuha 'yang PS5?" I interrogated them.

Biglang tinuro ng kapatid ko si Keiran. Nagtaas din naman siya ng kamay tila inaako na sa kaniya nga iyon.

"It was mine, actually..." sagot naman ni Keiran.

I can't help but to think that this man is kinda weird. Sabi ni Tita Sylvie, galing siya ng probinsiya. Pero bakit parang iba ang pinapakita niya?

Ang lakas niya kasing maka-english sa akin. Tapos ngayon may PS5 siya. Ang mahal kaya no'n! Saan niya naman nakuha ang pera pambili no'n? E wala nga siyang trabaho.

Kung sana ang pinambili niya ng PS5 ay pinag-upa niya ng lang ng maliit na studio, e 'di sana hindi siya nakikisiksik dito sa apartment ko!

While eating they were talking like they've known each other for years. Parang nakakagulat naman.

"Aba! Kailan pa kayo naging close?" I asked in curiosity.

"Ngayon lang, ate. Ang bait nga ni Kuya Keiran sa akin."

Wow! E bakit sa akin masungit siya?

Natapos kaming kumain. I was about to do the dishes but Keiran said he'll take over.

"Ako na..." he whispered behind my back. It sent shivers down to my spine because he was so close to me!

Nasa tapat na ako ng lababo pero bigla na lang siyang lumitaw sa likod ko. Napakurap ako saglit. Tinulak ko siya ng kaunti kaya nagkaroon ng distansiya sa amin.

"S-sige," I said meaningfully.

Bumalik ako sa sala at pinatay ang TV. Marcus was lying down on the sofa and when he saw me, he got up.

"Ate, alis na ako. Thank you sa pagkain." He smiled and I can sense that he is genuine. He also tried to hug me. Yumakap ako pabalik pero hindi rin iyon nagtagal at tinulak ko rin siya.

Kumaway siya at nagpaalam na rin ng tuluyan. Ni-lock ko ang pinto pagkatapos niyang umalis.

"Umalis na kaagad si Marcus?" Keiran asked.

"Oo, umalis na siya," sagot ko. "Ikaw? Kailan ka aalis dito?" Ngumiti ako ng peke sa kaniya at pinagkrus ang mga braso.

Humalakhak siya nang marinig iyon. "You are really mean, Winter."

What did he say?

I tilted my head, wondering. Napansin ko ang pagkabalisa niya matapos sabihin iyon. Noong una ay nangangapa pa siya ng mga salita.

"I mean, Aurelia..." pag-uulit niya sa sinabi at hindi na tumingin sa akin.

"Kahit Lia na lang," sabi ko.

He nodded.

Paano niya naman nalaman na Winter din ang pangalan ko? Nabanggit ba sa kaniya ni Marcus?

Well, baka nga. Madaldal din kasi ang isang iyon. Akala niya siguro nakalimutan ko na iyong pagsusumbong niya tungkol sa resignation ko. Sumasakit ulo ko sa tuwing maaalala ko.

Dumating ang gabi at kakatapos ko lang mag-shower. I went to the sala and sat on the sofa. I took my phone and stared at my contacts which his name was on it. Kanina ko pa kasi sinave ang numero niya.

Naglakas loob akong pindutin iyon.

"Please... please... answer it!"

Ilang ring pa ang narinig ko pero wala pang sumasagot. Kinakabahan ako. Nanlalamig ang mga kamay ko dahil ito na ulit ang una naming pag-uusap after years.

Keiran was there staring at me. Nakatayo siya sa gilid ng pader at nakasandig doon. Nakapamaywang siya habang nakatitig sa akin ng mariin.

"Sino 'yan?" he asked.

"Shhh!" sabi ko at inilagay ang hintuturo sa mga labi tila inuutusan siyang manahimik.

Kumunot ang noo niya habang irita naman ako rito. Matapos ng ilang ring ay sa wakas, may sumagot din sa kabilang linya.

"Hello, Veles? Ako 'to si Winter!" I greeted with excitement. Napalunok ako nang walang narinig na sagot.

"Veles!?" tanong ni Keiran na nasa tabi ko. Hinayaan ko lang siya dahil hindi na iyon importante ngayon.

I can hear nothing on the other line. Is this really his number? Baka naman joke lang iyong sinabi ng butler niya kanina?

"Hi..." I heard a baritone voice that sounded the same earlier. Siya nga!

Napatayo ako at tumalon sa tuwa. I decided to go to my room to have some privacy. Umupo ako sa kama habang yakap ang dalawa kong tuhod.

"U-uh, nakaka-abala ba ang tawag ko?"

"No! Of course not..." he denied. "I also wanted to say sorry about earlier. Are you okay? My butler saw you getting pushed by the crowd," aniya sa mahinahon na tono.

Napangiti ako dahil ang sarap pakinggan ng boses niya. Para kang hinehele sa langit.  Gusto kong tumili dahil sa tuwa pero baka kung ano na naman ang isipin ng kasama ko. 

"O-okay lang... naman ako. Ikaw? K-kamusta ka na?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi.

"I'm fine and also grateful that my parents allowed me to go out already." Medyo paos pa ang kaniyang boses.

"V-veles... Ang dami kong gustong itanong sa 'yo," I spoke and I was hopeful that he'll give me a chance to meet.

He chuckled. "Don't worry. We have a lot of time, okay? Maso-solo mo rin ako. Huwag mong madaliing—" Hindi ko na narinig ang sinasabi niya dahil isang kalabog na nagmula sa labas ang bumababag sa akin.

Ibinaba ko ang phone at lumingon sa may pintuan. What's going on? I started to get nervous as the sound gets louder.

"Hello? Winter?" tanong ni Veles.

"Veles, wait lang ha. May titingnan ako sa labas. Huwag mong ibaba okay?"

I heard him agree to what I said. When I finally got outside, I was surprised when I saw Keiran lying on the ground!

"Keiran!" I shouted his name.

Namimilipit siya sa sakit at nagkalat ang mga gamit sa sahig. Anong ginagawa niya? Kaagad ko siyang dinaluhan at nakita kong namamaga ang paa niya. Inalalayan ko siya para maupo sa upuan at kusang tiningnan ang masakit.

"Ouch!" sabi niya nang hawakan ko ang paa niya.

"Ano ba naman kasing katangahan ang ginawa mo!?" I took a deep breath and closed my eyes.

Kumuha ako ng cold compress at nilagay iyon sa namamagang parte. Buti na lang at nurse ako kaya alam ko ang gagawin.

"It hurts," he murmured while biting his upper lip. It was like his way to prevent screaming in pain.

Malamang!

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit. Nagtagal din ng ilang minuto ang pagsigaw niya. Dahil abala nga ako sa paggamot sa paa niya, nakalimutan ko na rin na kausap ko pala si Veles kanina.

❄️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top