05
Aurelia Winter
Nanlabo na lang bigla ang paningin ko. I can't help myself but have watery eyes. Pinunasan ko rin iyon gamit ang panyo at sinabi sa sariling huwag umiyak lalo na't maraming tao sa paligid. I started sweating when our eyes met earlier. Nervousness wrapped my existence when he looked away.
Binalik niya ang mata sa media at kumaway sa mga camera na kinukuhanan siya ng mga video at litrato.
Pagkatapos ng ilang mga segundo ay lumakad siya papalapit sa podium na nasa gitna. Nagsimula na ring magtaas ng mga kamay ang tao sa media.
"Please bear in mind that Mr. Miranda will not be answering personal questions. Please respect his privacy. We are all gathered here not to talk about his life, but to know deeper about his passion for art. Thank you," pagpapaliwanag ng emcee.
Hindi ko na naintindihan ang mga kasunod na sinabi niya dahil naka-focus lang ako kay Veles. Sabi nga ni Frenna, his family hid him for reasons at ngayon lang ulit siya nakalabas.
Wala akong maalala matapos ang nangyari sa panaginip ko. Ano kaya ang dahilan kung bakit hindi ko na siya nakita ulit? I badly want to talk to him.
I loved how he answered the questions with boldness. Hindi makikita sa kaniya ang takot at kaba. The way he stand and talk screams confidence.
"When did you start painting?" One of the media asked.
Tumikhim muna si Veles bago sagutin iyon. "I started painting when I was 12 but before that, drawing was my kind of hobby."
I smiled. Alalang-alala ko pa kung paano niya ako iginuhit dati. Parang ang sarap tuloy balikan ulit ang mga panahong iyon. Mga bata pa kami at walang kamuwang-muwang sa ginagalawang mundo.
"Growing up from a family of artists, are you pressured to continue the legacy? Do you think your excellence is enough for that?"
Veles didn't think twice to answer the query. "I am not pressured at all and I believe in my skills." Tumango-tango siya.
After asking him several questions about his love for painting, ito na ang pinakahinihintay kong tanong.
"Can you tell us what or who inspired you to paint Admiring Winter? Does that person even exist?" Ang tanong na iyon ang dahilan kung bakit mas lalo akong mabalisa.
He smiled when he heard that question. Buong akala ko ay titingin siya ulit sa akin pero hindi iyon nangyari.
"Yes, she exists. Winter was..." Huminto siya sa pagsasalita. Kahit nasa malayo ako ay nakita ko kung paano siya lumunok at tumingin sa akin.
"And still my childhood sweetheart," aniya habang nakatitig sa akin at ngumiti ng matamis.
I bit my lower lip while looking also at him, preventing myself to smile. He was indeed my childhood sweetheart. Hindi ko maipagkakaila na may nararamdaman akong kakaiba para sa kaniya, sa tuwing napapanaginipan ko siya.
Siniko ako ni Frenna at nang bumaling ako sa pwesto niya, ang mukha niya ay animoy kinikilig sa pahayag ni Veles.
"Childhood sweetheart pala, ah..." Olivia whispered to me. Tumawa lang ako at hindi na nakipag-usap sa kanila dahil nakatutok ako kay Veles.
Mga ilan pang tanong ang ibinato ng media sa kaniya pero ang sabi ng emcee ay iyon na ang last question na kaya niyang i-entertain. Nagulat ako dahil parang sandali lang ang exposure niya rito.
"That is all for today and we would like to thank everyone's presence here. We are beyond grateful for allotting your time to join us for today's press conference. Pasensiya na po kung hindi nasagot lahat ng tanong niyo. Mister Miranda will be attending a very important matter after this, so I hope all of you will understand that. Maraming salamat po," sabi niya at saka lumapit kay Veles.
Nakita ko ang bulungan nilang dalawa na para bang may pinag-uusapang seryoso.
Aalis na siya kaagad? Akala ko pa naman ay makaka-usap ko pa siya mamaya! Nadismaya ako dahil sa pagi-isip no'n.
For the last time, Veles picked up the mic and started to talk again. Nagpasalamat siya for the last time and he also mentioned the presence of Flicks Art Gallery's employees. Which is us!
"Ang lastly..." Gamit ang mapupungay na mata, tinitigan niya ako. "I was glad to see you again, Winter," pagwawakas niya at inayos na ang sarili.
Me too, Veles...
May mga bodyguard na nakapaligid sa kaniya, handa nang umalis sa lugar na ito. Napatayo ako at sinubukan siyang habulin.
"Lia! Where are you going?" Frenna asked but I don't care about her and just ran to chase Veles.
I can't miss this chance to talk to him again after years of missing each other! Kahit maraming tao rin ang humahabol sa kaniya, sinubukan kong sumiksik sa mga media para makausap siya.
He knew that I was here. He knew! Pero bakit parang ayaw niya akong makita at tila iniiwasan niya ako?
I miss him so much but I guess, he doesn't feel the same way. Does time really change everyone? I realized it's also been years. I can't blame him for that.
"Veles! Veles! Ako 'to, si Winter!" Nagsimulang pumatak ang mga luha ko dahil parang hindi niya iyon narinig.
Naglakad lang siya ng matulin papunta sa kaniyang sasakyan na kulay itim. Pinagbuksan siya ng pintuan ng driver at kahit anong sigaw ko ay hindi siya lumilingon sa kinaroroonan ko.
"Veles!" sigaw ko ulit, umaasang haharapin niya ako.
"Ma'am, I'm sorry but Mr. Miranda's already done with this event and you cannot ask him further questions," pakiusap ng bouncer na naroon. I wanna tell them that I am Winter, the one he's talking about earlier. But... will they believe me?
Nagsimula nang magtulakan ang mga tao roon at bigla na lang akong naipit at natumba.
I sighed heavily, letting my head drop. I sniffled in between my sobs as tears rolled down my cheeks.
"Anong ba ang ginawa ko para ganito niya ako tratuhin?" I asked myself while crying.
Hindi ko pa alam kung ano iyong kasunod noong panaginip ko. I don't know what exactly happened why the two of us separated. May nangyari bang masama kaya ganito?
While I was crying on the ground, I felt someone's presence behind my back. A person tapped my shoulder which made me stood up from lying on the cement.
It was a man and I don't know him. He bowed at me first before handing me a small card. I wiped my tears off after accepting it.
"My name is Alvarez and I am sir Veles' personal butler," pagpapakilala niya sa sarili.
My lips parted because of surprise. Tiningnan ko iyong binigay niya sa akin na card at napagtantong calling card iyon.
"That's his calling card. You can reach him on that number." He smiled when he saw me relieved. Nagpaalam na rin siya at ako naman ay nakatitig lang sa card na hawak.
Kumunot ang noo ko nang may note akong nabasa sa likod.
Stop crying. Smile, because you are pretty when smiling. - VM
"Veles..." Napahawak ako sa bunganga dahil hindi ako makapaniwala.
So he didn't ignore me in the first place! Ako lang pala itong sobrang over-acting na nag-akalang may galit siya sa akin.
Pagkatapos ng press con ay bumalik kami sa office at pinagpatuloy ang trabaho. Habang pina-uwi na nila ako dahil wala naman akong gagawin. Bukas pa kasi magsisimula ang totoo kong trabaho.
Mahigpit ang hawak ko sa calling card habang pauwi na ng apartment. I was smiling ear to ear while walking at the hallway to go home. Nag-load na rin ako kanina dahil pina-plano kong tawagan siya mamaya.
Binuksan ko ang pinto ng apartment ko at nang makapasok na sa loob ay huminga muna ako ng malalim bago sumigaw, "Ang gwapo niya!" tumili ako at tumalon-talon habang hawak ang dalawang pisngi.
"Nababaliw ka na, Ate!" I stopped when I heard my brother's voice. Kasunod no'n ay narinig ko ang paghalakhak ni Keiran.
I blinked twice and as I turn my back, I saw them together, playing video games at the sala. Pulang-pula ang mukha ni Keiran, halatang pinipigilan ang pagtawa ng malakas habang ang kapatid ko naman ay may hawak na cellphone at kinukuhanan ako ng video.
"Mga walang hiya kayo!"
❄️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top