03

Aurelia Winter

"Veles, tama na!" sigaw ko habang tumitili. Kanina pa kasi ako kinikiliti ni Veles sa tagiliran at halos hindi na ako makahinga sa kakatawa.

"Okay, I'll stop. Just promise me one thing." Hiningal siya sa pagsasalita. Napagod siguro dahil kanina pa kami nagtatakbuhan.

I sat on the ground covered with snow. Nakasuot kaming dalawa ni Veles ng makapal na jacket dahil malamig ang panahon. Kakatapos lang mag-snow at nasa labas kami para maglaro.

"Ano naman 'yon?" I asked with curiosity.

"Can I draw your face for our project in Arts?" tanong niya.

I smiled and nodded. Sa pagkakaalam ko kasi ay magaling mag-drawing si Veles. Sinabi niya sa akin na 'pag laki niya, nais niyang maging isang sikat na pintor.

"Really? I would love to be your subject!" masaya kong sambit.

As of the moment, I and Veles are both in middle school. We are studying in the same school but he's in a different section. He's my best friend since my family moved here in Canada. Kapitbahay ko siya at Pinoy din ang mga magulang kaya mabilis kaming nagkasundo.

"But I have a bad news for you, Winter." Lumapit siya sa akin at nilagay sa kamay ko ang isang box.

Nagtaka ako kung ano ang laman no'n. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang isang bracelet na may nakaukit na snowflake. It was so beautiful and it perfectly fits my wrist when I tried it on.

"Aalis kami na next week papuntang Pilipinas," pagpapatuloy niya.

I blinked out of surprise.

"Hindi ka na babalik?" walang gana kong saad.

Nasanay na ako na kasama siya. Bakit naman bigla silang aalis? Ayaw ko nang ganoon.

I saw how his lips stretched to form a smile. Because he is taller than me, he reached my head and patted it with his hands.

"Babalikan kita, siyempre," aniya at hinawakan ang pulsuhan ko kung na saan ang bracelet na binigay niya.

Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Buong akala ko ay iiwan na niya ako ng tuluyan.

Nagpatuloy kami sa paglalaro nang naramdaman ko na lang bigla ang unti-unting pagbasak ng puting nyebe. Veles hurriedly held my hand and ran towards their house as the snow poured heavily from above.

"I wanna start working on my project. Can you sit here for a while so I can get my things?" he politely asked.

I nodded and sat at their terrace. After a while, here comes Veles carrying his art materials. Kumuha siya ng upuan at doon ako pinaupo sa harap niya.

"Don't move," he commanded and I immediately obeyed.

I was frozen there for like thirty minutes already and I think he is not still finished. Pagod na ako.

"Matagal pa ba 'yan, Veles?" I asked while peeking at his drawing. Kaagad naman niya itong inilayo ng kaunti para hindi ko makita.

"Malapit na. Huwag mo ngang silipin. I wanna surprise you," sambit niya nang hindi tumitingin sa akin. Ang paggalaw ng kaniyang kamay ang mabilis habang papalit-palit ang tingin sa akin at sa papel.

When he finally said that I can already move freely, I was relieved. Ibig sabihin din noon, tapos na ang pagd-drawing niya sa akin.

"Let me see!" I jumped up and down as he approached me carrying the paper.

He handed me the drawing but I failed to see its content when I suddenly woke up because of my alarm clock. Kaagad ko itong pinatay habang

What the...

It was just another dream from my childhood! The same person I dreamt of before. Si Veles. Until now his face is still not clear to me. Ni hindi ko maalala ang bawat detalye ng kaniyang mukha pagkatapos magising.

Bigla na lang akong tumayo at pumunta sa tapat ng cabinet ko. While looking for something inside of it, I finally found what I was looking for. I grabbed a small box and went to my bed.

Unti-unti ko itong binuksan at nakita ko sa loob no'n ang isang bracelet. Kamukha ng binigay sa akin ni Veles doon sa panaginip ko.

It feels so weird why all of the sudden I am having dreams like that. Tila nagsisilbi iyon para alalahanin ko ang mga nangyari dati. Aaminin kong hindi ito ang pangalawang beses na nagkaroon ako ng panaginip na ganoon.

Bukod sa may ilang memorya akong hindi maalala noong bata pa ako, ngayon ko lang din nalaman na nagkaroon ako ng isang matalik na kaibigan at ang pangalan nito'y Veles.

Sa unang panaginip ko, akala ko ay isa lang siyang ordinaryong kaibigan. But my dream earlier is like telling me that he has a special place in my heart.

Nasaan na kaya siya ngayon? Naalala niya pa rin ba ako?

Pinutol ko ang pagi-isip nang mapansing kailangan ko na pa lang mag-ready para sa trabaho. Ngayon ang first day ko para hanapin ang misteryosong tao sa likod ng painting ko.

"Wait a minute..." I murmured and stopped walking.

"Veles also drew me in my dream!" I gulped when I remembered that. Is it possible that Veles and the artist who painted me are one?

My gosh!

I heard a knock on my door as I was busy putting together the clues I have.

"Stop talking to yourself because you looked weird. Kumain ka na, nagluto ako." Narinig ko sa kabilang banda ang boses ni Keiran.

Sumimangot ako at padabog na lumabas ng kwarto.

"Pakialam mo ba kung kinakausap ko sarili ko? Stop acting like it's not a normal thing!" I said in a high voice.

Hay naku! Umagang-umaga pero naiinis na ako sa presensiya niya. Napaka-pakialamero.

"Gutom lang 'yan," tugon niya habang walang buhay ang boses at tumalikod na lang.

Ngayon ko lang napansin na wala siya damit pang-itaas. Kitang kita ko ang biceps at muscles niya na tila nakakaakit at agaw pansin. Magulo rin ang buhok niya, halatang kagigising lang.

"Sungit!" mahina kong bulong pero mukhang narinig niya dahil bigla siyang pumihit.

When our eyes met, he sharply looked at me. Aba! Lumalaban pa talaga!

"Oh? Ano? Ano?" I spoke. Nagmukha akong siga dahil sa tono ng boses. His gaze is really bothering me. Sabi ni Tita Sylvie mabait siya, pero iba naman ang pinapakita sa akin.

Pumunta ako sa kusina at tiningnan ang niluto niya. Napataas ako ng kilay dahil sa nakahain sa hapag. May bacon, eggs, rice, at pancakes. Bigla akong nagutom nang mapagmasdan 'yon kaya umupo na ako at nagsimulang kumain.

Keiran also joined me. While eating, I tried my best not to look at him. Isa lang naman ang dahilan, his presence is very intimidating. Nakakainis man isipin dahil parang ako pa itong nahihiya, eh siya naman 'yong nakikitira rito.

Binilisan kong kumain dahil baka ma-late na ako sa trabaho. Pagtingin ko ng pagkain sa harap ko ay iisa na lang ang tira sa pancakes.

I bit my lower lip and looked at the man in front of me. Gusto kong kunin iyong isang pancake. Busy naman siyang kumain kaya sinubukan ko itong tusukin gamit ang tinidor.

Walang isang segundo ay kaagad niya itong inagaw sa akin at biglang sinubo ang kalahati.

I got up from sitting. "Bastos!"

He just made face and didn't say a word. Gamit ang mapupungay na mata, tumingin siya sa akin at ngumisi.

❄️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top