84
Aziel
4 months had passed ganoon lang ang naging cycle namin ni Julz. 4 months ko na siyang nililigawan.
Gagraduate na kami sa April yet hindi ko pa din natatanong kung puwede na ba kasi these past few days she was been busy passing all her activities, ganoon din ako pero kahit pa-paano binibigyan ko siya ng time...ganoon din naman siya sa akin.
Nabalitaan ko din na pinalayas na niya ang Tita at pinsan which makes me proud of her because of her braveness, hindi ko naman ineexpect na magagawa niya iyon pero nakakatuwa lang kasi she face her fears.
She was now living alone, but I know she can do it...kasi hindi naman siya nag-iisa sa laban kasi nandito naman ako...nandito ang mga kaibigan niya para sa kaniya.
Kung hindi man niya naramdaman ang pagmamahal ng isang pamilya, nandito kami para iparamdam sa kaniya iyon. She was consistent the suma cum laude in their department which made me proud of my girl.
I also gave her assurance...pero feeling ko hindi niya nararamdaman iyon? Hindi ko alam.
"Kailan mo ba kasi balak tanungin si Julz? Ikaw na lang ata ang hinihintay niya, Azi. Ang mga babae hindi marunong mag-first move iyan when it comes to this situation. 'Tsaka ang tagal mo na siyang nililigawan ah? Wala ka pa din bang assurance na binibigay kay Julz?" sambit ni Killian.
Hindi ko alam dito bakit siya nag-punta sa bahay para sirain ang araw ko. Hindi pa din kila ni Mama si Julz ang sabi ko sa kaniya, kapag naging kami na 'tsaka ko ipapakilala si Julz sa kaniya. Baka kasi mausog eh, joke.
"Naghahanap pa ako ng tiyempo, ayoko din siyang biglain Ian, manahimik ka diyan," singhal ko sa kaniya. "Ang sa akin lang naman puwedeng-puwede mo na siyang tanungin eh kaso mahinang nilalang ka. Ang lakas mo mag-volleyball pero mahina ka naman sa ganitong bagay," pang-aasar niya kaya naman binato ko siya ng unan na hawak ko.
"Gago, hindi naman sa ganoon. Ayoko naman siyang i-pressure eh, hindi din kami pareho nagmamadali. Love takes time," I said. "Kailan pa? Kung kailan huli na ang lahat para sa inyo dalawa?" natatawang sambit ni Killian.
"Alam mo? Lumayas ka na kasi hindi ka naman nakaka-tulong, maya gagawin pa ako chupi!" pagtataboy ko sa kaniya. Napahalakhak naman si Gago.
In the end umalis na din siya kasi ayoko ng istorbo kapag may ginagawa ako. Nag-rereview ako ngayon para sa darating na finals next week.
Nasa kalagitnaan naman ako ng pag-rereview ng biglang nag-sink in sa akin ang mga sinabi ni Killian pero iniisip ko si Julz. Ayokong madaliin, ayoko siyang ma-pressure.
Hindi pa 'to ang right time. Siguro kapag hindi na kami parehong busy baka doon...baka doon puwede ko na siyang matanong kung puwede na.
Ganoon pa din naman cycle namin ni Julz. Never kaming nawalan ng time sa isa't-isa minsan nga din ay sabay pa kaming nag-rereview. Nakakatuwa nga siyang pagmasdan habang nag-rereview kasi makikita mo kung gaano siya ka-stress sa mga readings.
Ganoon din naman ako pero immune naman ako sa ganito...in short sanay na sanay na.
Isa din ako sa running for suma cum laude kung papalarin pareho kaming aakyat ng stage ng may sabit na medal sa leeg. 'Tapos varsity player pa ako while her was journalism.
Pero we both manage our time, sanay na kami. Habang free time niya doon siya nag-susulat ng stories niya na ipapasa sa mga writing platforms. Gusto ko nga siyang tulungan pero ayaw niya dahil lagi niyang sinasabi na kaya naman na daw niya iyon kasi hindi pa niya ako responsibilidad.
"Anak kumusta kayo ng nililigawan mo?" she suddenly asked. "Okay naman po kaming dalawa bakit po?" I asked. "Kailan ko ba siya makikila 'Nak? Excited na ako," natutuwang saad niya na ikina-tuwa ko naman sa kaniya.
"Malapit na malapit na Ma...konting tiis lang, mai-haharap ko po siya sa inyo," I smiled. "Sabi mo iyan ha! Aasahan ko iyan!" nagagalak na sambit niya. I nod to gave her assurance na totoo ang sinasabi ko.
Konting tiis na lang naman Julz...magiging akin ka na din officially sana ay makapag-hintay ka.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top