52

Amara

Sa paglipas ng araw, nasanay na ako sa presensiya ni Hunter.

Hindi ko alam kung ano ginawa sa akin ni Hunter pero ang sigurado ako gusto ko lagi kaming magka-usap.

“Are you in love right now, Amara Seah Collins?” Arabella asked me while our prof wasn't here.

“Huh? What are you talking about?” I asked her because I was confused.

“Napapansin ko na ang mga pag-ngiti these days ha, ikaw ha, may nililihim ka na sa amin,” pang-aasar ni Arabella.

“Kaya nga, dapat updated pa din kami sa love life mo, ano ka ba?” natatawang singit ni Abigail. “It was nothing, girls,” natatawa kong sagot.

Napa-iling na lang sila na tila hindi sila satisfied sa naging sagot ko sa kanila.

“Baka kasi pinapakilig na siya no‘ng Hunter,” mapanuksong sambit ni Arabella. “Ulol,” I rolled my eyes.

“Uy parang defensive?” natatawang sambit ni Abigail. “Mukha nga talagang magkakaroon na ng lovelife si Girl,” masayang sambit ni Arabella.

Sasagot na sana ako ng bigla naman dumating ang prof namin. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa mga kaibigan ko at iyon agad ang nasa isip nila.

I once fell in love but with the wrong man. Simula no‘n hindi ko na ulit naranasan ang ma-in love. I was too scared and traumatized from what happened to me three years ago.

The pain and scars that he had brought to me were still here. I still can‘t forget that day he cheated and told me that he wasn‘t in love with me.

It still hurts as fuck; hindi ko nga alam paano ko nakayanan lahat ng nangyari sa akin noong panahon na iyon.

Dahil doon, natuto aking magsulat ng novels thru Wattpad. I was scared that time if I could make it. But with the help of my friends, I can naman pala.

I loved writing from the very start. I started writing my first novel. Hanggang dulo ay mamahalin ko ang larangan ng pag-susulat.

I just loved the idea of writing.

“Kailan mo balak i-tuloy pag-susulat mo?” Abigail asked. It was our break time now. Nandito na kami sa cafeteria.

“Hmm, hind ko pa alam. Basta kapag naging okay na ako baka matuloy ko na,” saad ko. “Mahirap ba mag-sulat?” Arabella asked. “Oo naman, walang hindi mahirap sa pag-susulat pero kapag nakasanayan mo na, mamahalin mo na lang talaga siya,” naka-ngiting sambit ko.

“Kaya naman pala ang dami mong novels na natapos. Pang-pito mo na ’yung naka-on hold ’di ba?” Abigail asked. “Yes, minahal ko na kasi ang pagsusulat, simula no‘ng natututo ako hanggang ngayon. I‘m still learning how to write neatly,” I said.

“Hindi ka ba nahirapan tapusin story mo?” Arabella asked. “Nahirapan syempre but with the help of my co-writers kapag may mali ako, nanghihingi ako ng tulong sa kanila kaya naman naging madali na lang sa akin ang lahat,” saad ko.

“Buti nga‘t may kaibigan kang mga co-writers na willing na tulungan ka,” Abigail asked. “Of course, hindi ako makakatapos ng akda ko kung hindi sa tulong nila,” naka-ngiti kong saad.

“Basta hihintayin namin update mo kahit ilang buwan pa iyan, huwag lang isang taon,” natatawang sambit ni Arabella.

They have been my first supporters since I started writing novels. Never nilang na-missed ang upcoming stories ko.

Baka kung hindi dahil sa kanila, wala ako dito ngayon...kaya malaki din ang pasasalamat ko sa kanila.

“Uy kilala din pala dito ’yung kausap mo eh,” sambit ni Abigail. “Huh?” I asked. “Si Hunter Dave ay isang athlete pala, nalaman ko lang din sa ibang athlete na kaibigan ko and guess what? Taga-La salle siya. Grabe lasallian pala ang nais ng kaibigan natin writer,” pang-aasar ni Arabella.

“Mukha kang detective sa pinag-gagawa mo,” natatawa kong sambit.

I didn‘t know that he was an athlete and lasallian. May possibilities na nagkikita kami sa university meet pero hindi ko alam kung ano itsura niya.

“Type mo pala si Lasallian boy ha,” asar ni Abigail, “Gago hindi. Kaibigan lang kami no‘n, he was just my reader, Abigail,” I ranted.

Hindi ko alam kung ano naisipan nila at asarin ako kay Hunter. Kailan lang naman kami nag-usap no‘n at wala naman akong sinasabi tungkol kay Hunter sa kanila.

“Baka siya na ang makapag-papalambot ng iyong pusong binato ng ex mo,” natatawang sambit ni Arabella. “Hindi ako pusong bato, I don‘t prioritize that. May iba pa akong priotites bukod diyan,” singhal ko sa kanila.

Hindi naman talaga ako pusong bato, I don‘t need to rush things when it comes love kasi kusa naman dadating sa akin iyon pagdating ng panahon.

Hindi ko kailangan mag-madali dahil alam ko naman na may darating na tao na para sa akin na mismong Diyos na ang nag-dikta kung sino iyon.

“Kakainin mo din iyang sinasabi mo Amara Seah Collins, kapag na-in love ka kay Hunter, tatawanan kita ng malala,” banta ni Abigail. “Same,” natatawang sambit ni Arabella.

Napa-iling na lang ako sa kanila. Why do they both care about my love life? And also to Hunter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top