ATTP 4

Katulad nga ng inaasahan ko, ito ako ngayon. Pagulong-gulong sa higaan hindi magkanda-ayos sa higaan sa sobrang kilig.

Kahit nga sabihin ko ito sa mga classmates ko, baka sabihan lang ako sinungaling.

My gosh! Lahat ata lamang loob ko kinikilig!  Natatawa ako sa mga naiisip ko.

Nasa ganon akong eksena ng marinig ko ang tunog ng selpon ko, hindi ko sana papansinin ngunit walang pangalan na nakalagay.

"Hello?" Sagot ko, malalim na hinga lang ang naririnig ko at wala man lang nagsasalita, "Kong gusto niyo pong mag prank, sorry kayo at hindi ako uto-uto bleeee." Pinatay ko kaagad ang tawag.

Akala nila sakin uto-uto at maluluko nila, hmm.. malaman ko lang kong sino ang hinayupak na tumawag sakin malilintikan talaga.

Ipinikit ko ang aking mata upang matulog, hindi paman umaabot ng isang minuto ang pagpikit ko, narinig ko'na naman ang ring ng selpon ko. Naiinis na talaga ako.

"Hello! Kong wala ka talagang magawa sa buhay mo, layuan mo ako! Cherry mobile na nga lang gamit ko pinagluluko pa ako." May kahinaang sigaw ko sa tawag.

Waley parin, hindi parin sumasagot, nganga na'to.

"Anak ako ng Mafia at kapag hindi kapa tumigil kakatawag ay ipapabaril kita sa daddy ko!" Taray ko sa linyang to ha, feel ko talaga to, hahaha ang gago ko talaga. Akala niya ha maluluko niya ako, mali siya at matagal na akong luko-luko.

"Pfft..." napahinto ako sa mahinang natawa na aking narinig sa kabilang linya, pero kaagad 'rin napatigil ng marinig ko ang boses ng kabilang linya, para bang pinipigilan ni'to ang pagtawa.

"Hindi ka talaga titigil? Daddy! May tumatawag po sakin ohh... Lagot ka talaga sa daddy ko, magpapadala siya jan ng tauhan para barilin ka." Pananakot ko'pa, pati ako natatawa sa mga pinaggagawa kong kalokohan.

"Dad, look! he calling me twice. Hindi niya sinasabi ang sasabi---" bigla ako napatigil sa pag-iinarte ko ng makilala ko ang boses ng lalaki.

"Sanaol may daddy, sanaol anak ng Mafia" Para akong nanghina sa narinig kong malakas na halakhak, gago nakakahiya mga pinagsasabi ko.

Para akong mahihimatay sa sobrang kahihiyan sa mga sinabi ko, ang gaga ko naman kasi. Sana kasi ay hindi ko ginamit kabaliwan ko, malay ko bang 'yun na pala ang kinaadikan kong photography ang tatawag sakin.

Sana man lang nagtext muna siya bago siya tumawag, 'yan tuloy nagmumukha akong kahihiyan sa lalaki.

"Amm... Hello? S-sorry sa m-mga s-sinabi ko hehe," kinakabahan kong tawa, magso-sorry na nga lang nautal pa. Sana talaga selp wag kana magising bukas.

"Anak ka pala ng Mafia? Sana sinabi mo. Pfft..." natatawa ang pagtatanong ni'to, mas lalo atang umunit ang pisnge ko sa pinagsasabi ko kanina.

Nakakahiya ka talaga selp! Huhu wala na akong maihaharap sa kanya, ang ganda kong tao pero sa pagdating sa kanya ay kailangan ko atang maligo ng sampong beses para lamang magmukhang maganda ako sa paningin niya, congrats sa'yo Trisha. Sa sobrang katangahan mo hindi mo nababalanse ang pagiging boplaks mo 'ayun tuloy waley kang masabi.

"Hello, anjan kapa ba?" hindi ako makapagsalita na unahan ako ng hiya.

"A-ahh..." Wala na, finish na... 'yun lang ang kayang sabihin ng bibig ko.

"Hey it's okay, ang ingay mo rin pala talaga." Namamangha ang boses ng lalaki.

Joke ba'to? Nasisiyahan siya sa boses ko? Ang sarap ipokpok ng ulo ko ng sa ganoon ay magising ako kong panaginip ba ito o hindi.

Pasimple kong kinurot ang bewang ko, ang sakit ha! Totoo nga.

"S-sorry hindi ko naman po alam na kayo po 'yung tumawag, akala ko po kasi scam na naman." Nahihiya kong sabi.

Narinig ko naman ang pagpipigil ng tawa ni'to.

Bakit ba siya natatawa? Nakakatawa ba pinagsasabi ko? Nakakahiya talaga ako minsan kausap.

"Don't use po and opo, nagmumukha akong child abuse ni'to," kaagad namula ang pisnge ko sa narinig nitong pagtawa, oh my! Ang gwapo ng boses ha! Walang tapon sa lalaking 'to.

"Hala! Sa gwapo niyo po 'yan pagkakamalan kayong matanda? Sus! Maniwala sa'yo! Ang dami ngang kabataan na gustong pumatong eh..." Iwan kong namali lang ba ang pagkakarinig ko pero. Ang pagkarinig ko sa boses ko parang nagtatampo.

Kadire selp! Nagtatampo ka? Talaga? Grabe ha, isang beses mo palang nakita sa personal ganyan kana kaagad.

"Isa ka'ba sa mga kabataan na gustong pumatong?" He said with husky voice.

Gagi! "Aahh...." wala akong masabi nahihiya ako sa maaaring lumabas sa bibig ko.

"What? Isa karin ba?" Para bang nang-aakit ang boses ni'to, sus! 14 anyos lang ako pero, ang pagkakarinig ko sa boses ng lalaki para akong inaakit.

"Oo naman no! Mag-iisang taon narin akong nagiging adik sa mga vlogs mo. Nakasanayan ko bago matulog ay titingin muna sa mga vlogs mo o di kaya sa mga pictures mong ako mismo nag wallper sa phone ko." Diridiretso kong saad.

Nasabi ko lahat 'yun? Nakakahiya kana talaga selp! Wala talagang ka preno-preno iyang bunganga mo.

Kaagad kong pinatay ang tawag ng mapagtanto ko ang sinabi ko.

Really? Papatong ka talaga sa kanya Trisha? Ang landi mo ha!

Katulad sa nagdaang araw puyat na naman ako, walang maayos na tulog dahil sa nangyari kagabe, sunday naman ngayon kaya walang kaso sakin ang magpuyat. Ang kaso lang ay hindi ako pinapatulog sa mga katangahan ko kagabe.

Sino ba naman ang matino ang hindi mahihiya sa mga ganoong salita, isagot ko'ba naman sa tanong ng lalaki 'Oo' ang gago lang kasi, sobrang nakakahiya. Hindi man ako nakita ng lalaki, marahil naman ay pinagtatawanan ako 'non.

Malaking sanaol sa'yo selp! Sanaol sa pagiging tuleg mo.

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang pag ring ng selpon ko, kaagad ko itong tinignan para tignan kong si Marky ba ang tumatawag. Nadismaya maya ako sa nakita ko ang caller, si Lilith lang pala. Ang babaeng 'to, ano na naman kaya ang sasabihin niya? Chismis lang 'ata ang sasabihin ni'to eh.

"Hello?" Lamya kong sagot.

"Sis! Angyari sad ka veh?" Rinig ko ang pangungutya ng boses ng babae.

"Tigilan mo ako Lilith at baka masakal na kita!" Singhal ko sa babae.

"Galit kana niyan? Sure kana ba talaga?" Kong nakikita ko lang ito ngayon, baka nakangise pa ang gaga.

Nakakainis talaga minsan si Lilith akala mo  naman nakakatawa. Buti na nga lang talaga at bestfriend ko'to kong hindi ay baka nasakal ko talaga.

"Tigilan mo ako, Lilith at baka tapusin ko buhay mo!" Singhal ko sa babae.

"Chill, anyayaan lang naman sana kitang lumabas, alam muna window shopping!" Arte ng boses ha, akala mo naman talaga hindi nakatira sa probinsya. Nakalimutan niya bang walang mall dito?

"Gaga! Walang mall sa lugar na'to! Window shopping kapang nalalamang!" Natatawa kong ani.

"HAHAHA oo nga noh! Minsan talaga at lumilipad utak ko kaya nakakalimutan," natatawa naman nitong sagot. "Kita tayo maya sa school, sabayan mo ako bumili."

Hindi man lang ako pinatapos magsalita at pinatayan kaagad ako, nakakainis ha! Siya tumawag siya pa unang pumatay.

Nagtungo ako sa aking lagayan ng mga damit, kumuha ko ng fitted jeans at croptop, sapatos, at bag pack ko. Ito lang ang kaya kong ma-afford kaya ito ang maganda ko ng damit.

Naligo ako nag-ayos at nag-apply ng liptint, at nag blush on, taray! Ang ganda mo selp! Kay ganda mong negrang hinayupak ka! Natatawa kong pagkausap sa sarili.

"Ate! Ate, maylakad pala kami ni Lilith ngayon. Sasamahan ko bumili, may iuutos kaba?" Bihis rin ito at alam kong maylakad rin sila ngayon ni kuya Davy.

"Mag-ingat k---" hindi natapos ang sasabihin ni'to ng makita ang itsura ko.

Tinignan ko naman ang tinitignan ni ate, may mali ba? Ang ganda ko nga sa ayos na'to eh.

"Hoy Trisha! Akala ko ba may bibilhin lang kayo? Bakit pumupula iyang labi at pisnge mo?" Mapanuring tingin ang ginawad ni ate sakin.

"Si ate! Si Lilith ang kasama ko, nagpasama at may ni bibilhin 'raw," nakanguso kong sagot. Alam ko ang iniisip ni ate. "Wala akong jowa!" Sinigaw ko talaga para ipagtanggol ang sarili ko sa naiisip niyang sasabihin.

"Defensive ka masyado Trisha, siguro talaga at lalaki ang katagpo mo ngayon." Para bang sigurado ang boses ni ate.

Kinuha ko ang selpon ko sa bag ko at pinakita ang palitan namin ng text ni Lilith, "Kitams muna? Diba si Lilith kasama ko?"

"O siya sige na, bakit naman kasi ganyan kapula ang labi mo? Nasapak kaba at ganyan nalang kapula ang pisnge at labi mo?" Tinignan pa ni'to ang buong mukha ko.

Napasimangot naman ako sa narinig. "Hay naku ate, hindi naman kasi ganon kapula, akala mo lang 'yun." Hindi naman kasi ganoon kapula, tama lang naman na medyo na may pagka-blush ang mukha ko, sa labi ko naman at ay hindi rin ganoon.

"Sige na ate, naghihintay si Lilith." Tumakbo ako palabas, kumaway pa ako bago tuluyang maisara ang pintuan.

Diretso ang lakad ko, nakita ko naman sa hindi kalayuan si Lilith, akala ko'ba sa school siya maghihintay? Eh, bakit nandito 'to kanto? May pagkabaliw 'rin talaga ang gaga na'to.

"Uuy! Pula natin ngayon ha!" Kunwaring gulat na sabi ni'to.

"Hey! Wag mo sirain ang good mood ko ngayong araw." Pagtataray ko.

"Hala sige lumarga na tayo at baka gabehin tayo sa pag-uwi." At 'yun ang ginawa namin, naglakad lang kami pagpuntang bilihan.

Sayang 'rin ang pamasahe, buti nalang talaga at may pera akong natago. Makakabili 'rin ako ng bagong dress, 500 lang ang ipon ko ngayon, naubos ko sa mga projects ko kakabili.

"Ano ba kasing bibilhin mo?" Pagtatanong ko.

"Bibili lang ako ng bagong liptint, alam mo bang napansin ni Clark ang liptint ko. Maganda 'raw kulay." Kinikilig ito.

"Talaga? Liptint lang pala ang bibilhin mo? Sana naman Lilith hindi mo nalang ako sinama. Akala ko naman kong anong importanteng bagay ang bibilhin mo." Busangot kong ani.

"Importante 'yun! Hindi ako mapapansin ni Clark kong hindi dahil sa liptint na 'yun, akalain mo ang sabi niya bagay 'raw sakin." Kunti nalang tagal at baka mangisay na'to sa sobrang kilig.

"Hey! Sigurado ka'ba sa Clark na 'yan?" Tanong ko sa babae, natigil naman ang pagkikisay ng babae.

"Oo no! Gwapo niya veh! Grade 4 palang ako crush ko'na 'yun."

Eh? Bakit ba naman kasi duda ako sa gender ng lalaki na 'yun? Sa dami ng pwedeng mapansin sa kanya ay iyong liptint talaga? Talaga?

"Iwan sa'yo veh, basta ako duda sa gender ng Clark na 'yan." Seryosong sabi ko.

"Wag ka nga! Sinisira mo moment ko." Nagdadabog kunwaring sabi ng babae.

Patuloy lang kami sa paglalakad, nagrereklamo nga si Lilith kong bakit hindi nalang kami sumakay. Siya naman talaga ang may gusto maglakad.

At sa wakas nakaabot 'rin sa pupuntahan.

"Veh! Ito oh! Ito 'yung sinabi ni Clark na maganda 'raw sakin," natutulala ako sa nakita.

Seriously? A pink liptint? Baka naman magmukha siya jan na nanay, "Talaga? Tignan mo nga pink pa ang kulay, mamumukha ka 'jan lola." Pang-aasar ko, umasim naman ang mukha ng babae at sinamaan ako ng tingin.

"Tumigil ka! Bili ka nalang kong may bibilhin ka. Ito lang akin." Tinalikuran ako ng babae at nakipagdibate sa may-ari ng tindahan.

At ganoon nga ginawa ko, bumili ako ng black dress, hindi ito mahaba. Sakto lang upang matakpan ang tuhod ko, gagamitin ko 'to sa birthday ko. Advance gift ko sa sarili pinag-ipunan ko 'to para mabili kaya deserve ko.

Hindi na 'rin ako nagtagal at inayang umuwi si Lilith, sumang-ayon naman babae ay dahil 'raw may-aayusin siya.

"Trisha. Wala naman tayong masyadong activities bukas diba?" Pinagtaasan ko ito ng kilay sa tanong ng babae.

"Wala naman si Ma'am na babanggit noong nakaraang lunes, wala siguro. Bakit mo 'na tanong?" Sinuri ko ang mukha ni'to, pagganitong nagtatanong si Lilith about sa school, ay alam ko'na ang sasabihin ng babae.

"May contest sa kabilang bayan Trisha, ano game?" Nagtataas baba ang dalawang kilay ng babae.

"Game! Malaki ba premyo? Kong oo pandadag ko sa birthday ko." Inporma ko, ito lang 'ata kaibigan kong alam ang birthday ko pero hindi man lang nagbibigay ng regalo, puros lamon lang ang alam.

"Oo 10k daw mananalo," Nakangise nitong sagot.

Gago ang laki nun ha! Maiipon ko 'na 'yun para sa darating na birthday ko.

"Game ako 'jan, bukas na'ba kaagad? Hindi ka man lang nagsabi kagabe. Edi sana nakapag prefer ako ng susuotin," nakanguso kong sambit.

"Arte mo ha! Wag na! Sila ang bahala sa mga kailangan mo, ang kailangan mo lang bukas ang masigurong makakasibat tayo sa school."  Maloko talaga ang babaeng 'to, ako ang gagawing excuse.

"O siya, sige na papasok na ako, text nalang pagnakauwi kana." Paalam ko kay Lilith, kumaway naman ito bago pumara ng tricycle.

Kaagad kong tinungo ang kwarto at binagsak ang katawan. Raket na naman bukas, salamat nalang talaga sa pagiging Marites ni Lilith at nakakasagap ng mga balita.

Hindi ko man lang namalayan  na katulog pala ako kakaisip.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top