ATTP 3
Hays panibagong araw panibagong bangon, ang araw na hindi ko nakatulogan dahil kakaisip sa lalaking kinakaadikan ko.
Walang pasok ngayon, sasamahan ko si ate Misma sa pagtatanim sa bukid na mana pa 'iyun sa mga magulang naming namayapa.
Mabuti na nga lang talaga at pareho kaming madiskarte ni ate.
Malaking maayos ang buhay namin, wala man si mama at papa pero alam kong proud sila sa'amin ni ate, nakakaya naming buhayin ang sarili namin n hindi umaasa sa iba.
"Trisha halika ka'na," rinig ko ang boses ni ate sa labas ng kwarto.
"Opo nagbibihis na po!" Balik kong sigaw at nag-ayos narin, maaga kami gumigising, ayaw namin maarawan sa bukid kaya umaga namin naisipan magtanim.
Maitim na nga kami magpapainit pa kami.
"Ate? May meeting kami sa susunod na sabado, makakapunta ka po ba?" Tanong ko kay ate, busy si ate S pag-aaral kaya minsan ay hindi siya nakaka-a-attend sa mga meetings.
Bumaling ang tingin ni'to sa'akin, "hindi ko'pa alam kong wala akong gagawin, marami 'rin kaming ginagawang thesis, pero gagawa ako ng paraan para ako makaattend." Ninigurado ang boses ni'to.
"Ate kong hindi ka po makakapunta, ay ako nalang. Wala 'rin makakasama si Lilith sa meeting kaya kami na lang," Imporma ko kay ate.
"Sige-sige marami 'rin ako gagawin," mahinhin na sabi ni ate.
Mabait si ate, at ang swerte niya dahil meron siyang boyfriend na laging sumusuporta sa kanya, taray diba.
Umupo ako sa harap ni ate at nagsimulang kumain, wala kaming masyadong usapan ay dahil wala na'rin kaming para may chikahan, painit na at kailangan namin makapunta kaagad sa bukid, naglalakad lang kami papunta roon. Sayang naman ang pasahe kong sasakay pa kami.
"Ate? Kamusta po kayo ni kuya Acxel?" Tanong ko habang naglalakad kami papuntang bukid, kong saan kami nagtatanim.
"Okay naman kami, masaya naman. Minsan nga lang ay sobrang seloso," natatawang ani ni'to.
"Ganda mo ha! Sanaol! Pinagseselosan!" Pagsisigaw ko'pa.
Natatawa naman akong kinurot ni ate sa gilid, "Ikaw! 14 kapa lang kaya pag-aaral atupagin mo! Wag ka mag boyfriend-boyfriend at baka masakal kita!" Balik na sigaw ni'to sakin.
"Wala naman talaga akong balak mag boyfriend, buti sana kong 'yong sikat na photography ang magiging jowa ko, sasagutin ko kaagad." Kinikilig kong sambit.
Pinagtaasan naman ako ng kilay ni ate, "Ilang taon ka nga ulit Trisha?"
"14! Pero dalawang buwan nalang at 15 na ako, maghihintay nalang ako ng tatlong taon at 18 na ako, hindi naman matagal 'yun." Sagot ko sa nakakatandang kapatid.
Mahina naman ako nitong sinabunutan, "At talaga lang ha! Mag-aral ka muna bago ka lumandi, ang bata mo pa adik kana sa doon sa photography na 'yun!" Kinaladkad ako ni ate patungo sa pwesto ng taniman namin.
"Si ate talaga napaka brutal!" Pilit kong inaalis ang kamay nitong nakahawak sa mahaba kong buhok.
Hindi naman masakit, natatawa nga lang ako habang hinahaklit ni'to ang buhok ko.
"Tumigil ka Trisha! 'yang paglalandi mo magdadala sa pakahamakan mo!" Rinig ko ang pagkahindi sa boses ni'to.
Bigla akong kinabahan, hindi ko alam kong matatawa o matatakot ako o kong ano.
"Si ate binibiro lang naman, sineryoso kaagad," natatawang sabi ko.
"Bata ka'pa Trisha, pag-aaral muna atupagin mo bago ang pumasok sa relasyon," makahulugan ang pagkakasabi ni ate.
Napaisip ako kong bakit ganon nalang ang mga pinagsasabi ni ate? Siguro nga at pagod si ate sa pag-aaral at sa gawaing bahay.
"Lahat ng kasiyahan natatapos Trisha, kailangan mong maging handa para sa darating na panahon," nagtaka naman ako sinabi ni ate, tinignan ko si ate. Makikita mo ang lungkot sa mukha niya.
"Ate? May problema ba?" Pagtatanong ko sa kanya, iling lang naisagot ni'to at nagpatuloy sa paglalakad.
20minutes lang ang tinagal namin sa paglalakad at buti nalang 'rin ay maaga kaming pumunta ri'to, kong nagkataon nagpaabot pa kami ng araw, ay baka nangingitim na kami sa init.
"Trisha akin na'yong buto ng talong," inabot ko naman ang hinihingi ni ate.
"Ate ano pa bang laman ng mga bag mo? May iba pa'ba tayong itatanim bukod sa talong?" Tanong ko kay ate.
"Oo tatlo ang dala kong boto isang talong, kamatis, at sitaw," hindi ito nakatingin sa'akin.
Nagpatuloy lang ako sa paghuhukay ng lupa, ang dami namang insekto ri'to buti nalang talaga at lagi ito dinadalaw ni ate para tignan kong okay ba ang pananim namin.
Ito ang pinagkukuhanan namin ng pera, dito kami na buhay da mahabang panahon, akala ko nga tuluyan kaming maghihirap, akala ko hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral dahil sa wala na kaming mga magulang. Thank you kay ate na laging gumagawa ng paraan para mataguyod kami.
Hay iwan ba at sa ganito kong edad ay sobra na ang paghihirap namin sa buhay, nakakabili naman kami ng gusto namin, ngunit hindi lahat ng magugustohan namin ay nabibili namin, ito ngang cellphone ko cherry mobile lang, galing pa'to kay ate.
Hindi naman sa nagiging inggetera ako pero, sa mga ganitong edad ko. Gusto kong makiuso pero, si ate nga isang taon nalang magtatapos na.
Kumakanta pa ako habang nagbubungkal ng lupa, ang sabi nila may kagandahan ang boses ko.
🎶Tinanong mo ba sarili mo...
Minahal mo ba talaga ako?
Ni minsan ba ay inalala mo...
Ang kwentong tayo ang bumuo...🎶
"Your voice is beautiful ..." His voice was familiar. But because it's vague, how can he come here to my garden when the man came home yesterday.
Ang sabi ni Lilith umuwi raw kagabe ang mga bisita sa school kaya naman bakit naririnig ko ang boses ni'to? Nababaliw na ba ako at ganito nalang ang nangyayari sakin?
Siguro nga, sobrang adik ko sa lalaki na kahit saan ako magpunta ay naiisip ko parin ito, ang malala pa ngayon ay naririnig ko'pa ang boses ni'to.
Hindi ako nag-abala tignan kong sino ang nagsalita, malay ko bang nasa-isip ko lang pala ang naririnig ko.
Malayo sa'akin si ate Misma, hiwalay kasi ang taniman ng gulay sa mga taniman ng kamatis.
"You're cute, you're cute when you sing," I further confirmed my suspicion as he spoke again.
Kaagad kong nilingon ang taong nasa likuran ko, halos malaglag ang mata ko sa nakita.
"Oh my Marky!" Kaagad ko itong nilapitan at sinuri, gago ang gwapo, ang lambot ng mukha ang kinis rin akalain mo talagang clear skin.
"O-ouch," kaagad akong napalayo sa narinig ko sa lalaki, hahawak na nga lang nadiinib ko ya'ta.
"Hala! Sorry, ang gwapo mo naman kasi po. Ang kinis pa ng mukha mo, ano po bang gamit niyo? Matry ko nga kong effective sakin.
"Pfft... Wala akong ginagamit natural lahat 'yan." Ha? Totoo? Ang gwapo naman ng pagkakagawa niya, perpektong-perpekto.
"Totoo po?" Pagtatanong ko uli.
"Hmm..." 'iyun lang narinig kong sagot.
"Ang ganda naman ng hangin sa maynila at ganyan kayo ka kinis," bulong ko pa.
"Hahaha" tinignan ko ito ng marinig ko ang pagtawa ng lalaki.
"Anong nakakatawa? Totoo ano? Maganda 'ata sa maynila at kaya ganyan kakinis ang mukha niyo." Tuloy-tuloy kong pagtatanong.
"Ang cute mo," hindi ko alam kong joke ba 'yun o panlalait, pero dahil ang kinakaadikan ko ang nagsabi ay kinilig ako.
Siguro nakikita ni'to ang mukha kong kulay pula na ngayon, bigla akong nakaramdam ng hiya sa mga pinagsasabi ko.
Grabe selp ha! Nakakahiya kana, kong ano-ano ang mga pinagsasabi mo.
"Ang ganda ng mga pananim niyo, lalo na kong ikaw nagtatanim." Nakangise akong tinignan ng lalaki, hindi ako makatingin ay dahil ramdam ko ang pag-init ng pisnge ko.
"Marky! The van is waiting!" Na baling ang tingin namin sa lalaking malayo sa'amin kumakaway ito at tinuturo si Marky.
Itanaas naman ni'to ang kamay, parang may sinenyas ito.
"How old are you, Trisha?" Bumalik ang tingin ko sa lalaki.
"14, pero dalawang buwan nalang at 15 na ako, tsaka tatlong taon nalang at 18 na ako. Pwede narin po kitang ligawan kapag umabot ako bg legal age," paniniguro ko sa kanya. Tumawa naman ito at pinisel ang pisnge ko.
"You don't need to do that, you're to young for love, success yourself, pangarap muna bago ang pagmamahal," Seryoso ang tingin ni'to, narinig ko naman ang lakas na pagtibok ng puso ko, hindi ko alam kong narinig niya, pero kasi... Ang lapit niya lang sakin, kita pa sa mukha ni'to ang nakapaskil na ngise sa labi.
"P-po?" Nauutal kong tanong.
"Hintayin mo ang pagbabalik ko Trina," Para bang huminto ang oras ko sa narinig.
"H-hindi naman p-pi T-trina pangalan k-ko Trisha po." Pagtatama ko sa lalaki.
Tunawa lang ito at pinisil ang ilong ko, "Give me you're number." Nakalahad ang kamay ni'to, at sa kamay ng lalaki ay naroon ang selpon ata ni'to.
Wala akong inaksaya na minuto at kaagad kong hinaklit ang hawak nitong selpon. Tinipa ko ang number ko sa selpon niya at ako narin ang nag save sa contact nilagyan ko'rin ng pangalan ko para hindi siya malito.
"Bye for now Trina, we will another soon." Tuluyan ako nitong tinalikuran at naglakad ng diresto papunta sa lalaking naghihintay sa kanya.
Napngite nalang ako sa nangyari ngayon, masasabi ko'na naman ngayon na hindi na naman ako makakatulog.
Hanggang sa natapos kami ni ate sa pananim at hanggang nakauwi kami ay walang pumapasok sa isip ko kong hindi ang nangyaring tagpo namin ng lalaki.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top