ATTP 2
Sa sobrang pagod at puyat ko kagabe ay hindi ko'na malayan ang oras at magtatanghali naman pala.
"Trisha wala kabang pasok? Tanghali na oh. Wala ka bang pasok ngayon?" nagtatakang tanong sa'akin ni ate.
"May bisita sa school ate, hindi naman maayos ang klase ngayon kaya tutulungan ulit kita sa paglalako," pupungas-pungas kong sabi.
"Oh siya iyong selpon mo kanina pa nag iingay," nginuso ni'to ang selpon kong nasa ulohan ko.
Si Lilith pala, siguro may chismis to kaya napatawag.
"Aga naman nang chismis mo Marites!"
"Hulaan mo," Ang saya ng boses ha? Ano kayang ganap.
"Ano na naman ba? Kong hindi 'yan importante wag mo nang sabihin!" Singhal ko sa tawag.
"O my g!!! Alam mo ba nandito ngayon sa school ang sikat na photography?!"
"H-ha?! Totoo? Wag mo 'ko mabiro biro at masasampal talaga kita Lilith!" Pagbabanta ko.
"Gaga! Totoo nandito nga, vc tayo dali!" Kaagad kong pindot ang vc upang tawagan si Lilith hindi rin nagtagal ay sinagot ni'to ang vc.
."Asan? Hoy asan?! Pag 'to prank lagot ka talaga."
Umirap ito, "Ayun oh! Kita muna? Klarong-klaro veh! Kumikinang ang balat sa sobrang kaputian!" Nagtatalon ito nang magsalita ang photography sa mic.
"Thank you, maraming salamat at pinaunlakan ninyo ang aming team," Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang malalim nitong boses.
"Hoy veh! Baka malaglag na 'yang mata mo!" Asar pa ni'to.
Hindi ako magkanda-uto sa paggalaw, kaagaran ako pumasok sa loob ng banyo at naligo 5minutes lang ang itinagal ko sa loob at nagbihis na 'rin nagsuot lang ako ng baby blue dress ko at nagsuklay, nag apply rin ako nang light make up.
Palabas na ako nang kwarto ng mahagip ako nang tingin ni ate, "ohh... Akala ko ba wala kayong pasok?" Tinignan ni'to ang kabuoan ko, umirap ito bago nagsalita, "Hoy Trisha 14 kapa lang kaya wag ka muna lumandi, mahahampas talaga kita."
"Akala ko 'rin 'ata walang pasok meron pala, ano kaba naman wala pa sa isip ko ang mag jowa ni wala nga akong crush jowa pa kaya?" Nguso kong sagot, "Ate mauna na'ko bye!"
Mabilis ang lakad ko, hindi naman kalayuan ang paaralan kaya naglakad nalang ako.
Hindi paman ako nakakapasok sa gate eh... rinig ko'na ang sigawan nag mga studyante.
"Tabi! Paharang-harang!" Nakipagtulakan ako sa mga studyante.
"Magdahan-dahan ka nga miss!"
"Akala mo naman kanya 'yung daan kong makipagtulakan!" Rinig kong sabi nang babae.
"Tabi nga sabi!!" Nawalan ako ng pasensya sa tatlong babaeng humarang daanan ko.
Nagmamadali ako, kaya bakit kailangan nila harangan ang daanan ko? "Miss kanina pa kami dito," rinig kong sambit nang isa.
Tinignan ko naman ito at inirapan, "Hindi ba kayo naturuan nang tamang disiplina?" Pagtataray ako.
"Ikaw? Naturuan kaba?" Pinanlisikan ako ng babae.
"Oo, kaya nga ganito ako kaganda eh... pag magkita tayo sa susunod tuturoan ko kayo kong pano galangin ang mas nakakaganda." Iniwagayway ko pa ang buhok ko sa ere.
"So... Simabi mo mas maganda ka samin? Heck! Nakikita nga kitang naglalako ng gulay eh," Pangungutya pa ni'to.
"Korek! Kasama niya iyong ate n'yang malandi, ang gwapo nang boyfriend mga bebs! Ang sabi sakin ni ate pineperahan daw nang babaeng 'yun ang boyfriend," May bahid ang mga boses ni'to sa pangungutya sa nakakatandang kapatid ko.
"Magdahan-dahan ka sa mga sinabi mo at baka makita mo ang hindi mo'pa nakikita." Pagbabanta ko.
"Ay talaga sis? Bukod sa paglalako ay may maipapakita ka'pa ba? HAHAHA" Nagtawanan ang tatlong babae.
Nilapitan ko ang babaeng nasa gitna at binigyan nang malutong na sampal, "At kong makapanlait ka sakin akala mo naman kay ganda nang ugali mo! Hoy! Nakita lang naman kita noong isang araw na tumuwad sa sapa. Wala kayong cr diba? Ang ganda-ganda ng mga outfit mo pero sa sapa kalang naman tumatae! Big yuck! Ewww!" Desurb! Totoo naman kasi siya iyong nakita ko sa gilid nang sapa tumatae.
"H-hindi t-totoo 'yan!" Sigaw nang babae, namumula ang mukha ni'to sa pagkahiya.
"Sinabi ko lang nakita ko! Hala tabi! At dadaan ang maganda!" Pagsisigaw ko.
Tumatakbo akong natatawa sa mga pinagsasabi ko.
Akala niya sakin mahina? Sorry siya at hindi ako si ate para kutyain niya.
Patuloy ang pagtakbo, hindi ko masyado maaninag ang tinatakbohan dahil sa nakaharang buhok sa mata ko, bigla nalang ako nawalan nang balansi dahil sa na bangga kong tao.
Hinintay ko ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa, ngunit ang hindi ko inaasahan ang mga brasong nakapulupot sa beywang ko.
"Are you okay?" His husky voice, I know that voice!
Inayos ko ang buhok kong nakakalat sa mukha ko at tinignan ang taong nasa harapan ko, nanlaki ang mata ko ng mapagtantong tama ang hinala ko! Ang kinakaadikan kong photography ay nasa harapan ko at hawak ang beywang ko.
Namula ang buong mukha ko nang mapagtantong masyadong malapit ang mukha namin.
"Trisha! Nagtext ka dapat para ako na ang umabang sayo sa ga----" Naputol ang sasabihin ni'to ng makita an sitwasyon ko.
"Hala!! Dream came truuuuue waaaaah!!!" nagtatalon ito sa sobrang kilig.
Kaagad ako na paayos sa sarili nang makita ko nasa 'amin ang lahat ng tingin nang mga tao.
"O-opo okay lang p-po ako s-s-sorry," nauutal kong sagot sa tanong ng lalaki, nakakahiya kong makapag drama at makapag practice ako kanina sa kalsada ay ang lakas ng confidence ko ngayon nasa harapan ko'na eh... Parang walang may lumalabas sa bibig ko.
"Sure?" Naniniguro ang boses ni'to sa tanong.
"Opo okay lang po talaga ako thank you," nakayuko kong saad, hindi ako makatingin sa lalaki ay dahil para ba akong naduduling sa mata ni'to.
"Okay bye Trisha," kaagad na tumaas ang ulo ko at tinignan ang lalaking nasa harapan ko.
"P-po?" Pag-uulit kong tanong, wala lang baka kasi mali ang pagkakarinig ko sa pagtawag niya sa pangalan ko.
"Trisha right?" He said and look directly to my eyes, "I heard your friend shouted you're name, so Trisha."
Namula ang pisngi ko sa narinig, OK nga pala ang lakas naman pala ng boses ni Lilith kanina, kaya panigurado maririnig sa lahat 'iyun ng ibang studyante.
"Cute," rinig kong sabi ng lalaki.
Mas lalo ata namula ang pisnge ko sa narinig, HAHAHAHA ang kyutt ko daw sabi ni Crush! Kong makapal lang ang mukha ko at baka naglupasay na ako sa harap ni'to.
"Friend wala na, tulali kana!" Sigaw ni Lilith sa mismong tenga ko.
"Tatawag kana man kasi agahan mo ano? 'ayan tuloy hindi ko napagmasadan ang kagwapohan non," nagpapadyak ako sa sobrang inis sa kausap.
"Wow ha! Buti nga at tinawagan kita, kong nagkataon na hindi ay baka maglupasay ka bukas sa pagsisi dahil hindi ka nag punta." Walang pakealam na sambit ng babae.
"Bakit ba naman kasi kailngan pa i-suprise edi sana nakapaghanda ako, tinignan mo nga hindi ako nakaayos ng mabuti kanina ay dahil sa pagmamadali." Ungos ko pa sa inis.
"Ay veh! Hindi pa ba 'yan preferred? Parang ikaw bisita eh,"
Nakakainis na ang babaeng to kanina pa niya ako iniinis at kaunti nalang talaga at masasapok ko'na ang mukha ni'to.
Hindi ako maka move kanina kay crush, ang gwapo pala niya sa malapitan. Hindi man lang ako nakahingi ng autographs para sana may pabaon ako pag-uwi.
Nahawakan pa kanina iyong beywang ko, , what a lucky day you are Trisha, natawa ako sa isip ko.
Ang swerte ko naman kasi sinong mag-aakala na hahawakan ni'to ang beywang ko, ang bata-bata ko pa at ganito na ako kalandi. Sorry ate Misma.
Malapit na 'rin naman ako mag 15 at tatlong taon nalang ay ganap na dalagita na ako.
Hindi ko minamadali ang buhay ko, pero kanina gusto ko'na lang magkaedad kami, pareho kaming matangkad, professional, at may kaya sa buhay.
Isa lang akong dalagitang na ngangarap na sana ay mapansin ako, nang taong kinakabaliwan ko.
Since I noticed him work about photography, walang oras na hindi ko hiniling na sana naging camera nalang ako para ako ang hahawakan niya lagi, ako ang laging dala-dala niya, ako ang laging nakapulupot sa leeg niya.
Nakakatawa lang at sa ganitong edad ko eh... Ganito na takbo ng utak ko, ang dami ko nang gustong abutin simula ng makita at mapanood ko ito sa mga news.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top