ATTP 10

"Trisha veh, anong gagawin natin ngayong araw?" Kagigising ko pala ay ito na ang bungad kaagad sa 'akin ni Lilith.

"Iwan. Basta ako gusto kong magpahinga at para bukas ay may lakas akong mamasyal at magpakasaya sa birthday ko." Nakasimangot kong sabi.

Kagigising ko palang at mukha kaagad ni Lilith ang nakita ko.

"Hala oo nga no?! Ano naman ang ililibre mo sa 'akin bukas, aber?" Nagdidiwang talaga ang loko na 'to basta paglamon ang pag-uusapan.

"Sino bang nagsabi na kasama ka Lilith? Wala naman akong binanggit na pangalan ah. Sarili ko lang ang igagala ko, magpakasaya mag-isa." Kunwaring walang pakealam kong sagot, pero syempre joke lang 'yun.

Bumuka ang bibig ng babae at hindi makasagot sa mga pinagsasabi ko.

"Ang harsh no naman veh, ako na nga lang kasama mo sa buhay, hindi mo pa ako papakainin bukas." Nagdadrama itong humawak sa puso.

"Abnoy ka talaga! Syempre joke lang 'yun, sa kapal ba naman ng mukha mo ay magpapa-iwan kaba?" Pangungutya ko.

Umismid naman ito at sinamaan ako nang tingin. "Dapat lang ano! Ako nalang ang kasama mo kaya gawin mo ang lahat ng hindi kita iwan." Proud na sagot ni 'to.

Ay wow! Ang kapal talaga, akala mo eh pinilit siyang samahan ako. Siya lang naman talaga ang nagpupumilit.

Natatawa ko itong hinampas sa balikat, "Bilib talaga ako sa kapal ng pagmumukha mo Lilith, congratulations! Bibihira ang ganyang ka kapalan na mukha." Natatawa akong lumalayo sa babae, kita sa mukha nang babae ang hindi pagkagusto ni 'to sa mga sinabi ko.

"Trisha!" Malakas na sigaw ni 'to, at hinabol ako sa kusina.

Natatawa akong tumakbo palabas ng bahay, naghabulan kami hanggat sa pareho 'rin kaming naglupaypay sa kapaguran.

Natatawa kaming humiga sa damuhan. Nag-uusap kami tungkol sa magiging ano ang futured namin.

"Naiisip ko kong ano kaya ang buhay na naghihintay sa 'atin veh?" Rinig kong pagtatanong ni Lilith, tinignan ko namab ito. Hindi ito nakaharap sa 'akin. Nasa ulap ang paningin ng babae.

"Alam mo? Hin---" Hindi ko 'na tapos ang sasabihin ko nang sumabat ito.

"Hindi ko alam veh." Gago talaga ang isang 'to.

Hinila ko nang marahan ang buhok ni Lilith, "Aw! Para saan 'yun?" Naiiritang tanong sa 'akin ni Lilith.

"Patapusin mo muna kasi ako veh! Hindi 'yong nakikisawsaw ka kaagad!" Sa mismong tenga ko talaga ito sinigawan.

"Basta ako, gusto kong i-pursue ang taong mahal ko. Gusto kong maging-akin, gusto kong maging parehas kami nang estado sa buhay. Gusto ko, pareho kaming lahat. . . Lalong-lalo na sa edad. Gustong-gusto kong pareho kami nang estado sa buhay. . . pero sa estado ko ngayon sobrang layo nang hinihiling ko." Maramdamin kong sabi.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagharap sa 'akin ni Lilith. "Alam mo ang sabi nang mga bida sa nakikita kong mga romance na palabas. 'Kahit gaano kahirap ang magmahal ay mas masaya parin magmahal ng paulit-ulit. Sa taong mahal mo.'

Tinignan ko ito at seryoso ang mukha. Ay wow! Ang drama nang babaeng 'to, broken ba 'to at kong magdrama ay parang dumaan na 'rin sa relasyon.

"Broken ka veh? Anong ganap? Bakit kong makapagsalita ka ay parang galing ka sa broken? Okay ka lang?" Mapanuri ko itong tiningnan.

Tumawa ito nang mapang-asar. "Alam mo veh,  kahit kailan talaga ay panira ka nang moment ko."

Natatawa akong tumayo at nagtungo sa loob ng bahay upang magluto nang kakainin namin ni Lilith, wala akong mapapala sa babaeng 'yun, puro lamon lang ang alam ng isang 'yun.

Hays. Mamatay talaga 'to paghindi na kapag ng asawa nang mayaman ang babaeng 'to. Dapat 'rin kong mag-asawa 'to ay marunong magluto, kong hindi naman ay mayaman nalang sana para naman hindi sila pareho mamatay sa gutom ng mapapangasawa niya.

Nakakapagod 'rin ang ganitong buhay, paulit-ulit lang ang ginagawa sa tuwing gigising ako. Walang bago.

Minsan na iisip ko 'rin kong ano kaya magtry 'rin ako nang ibang mga ginagawa, katulad ng mga kabataang nagagawa ang gusto nila. Kasi ako. Lumaki akong pasan ko ang pangangailangan ko sa sarili, hindi ko sana'y huminge kay ate, kaya nga sa hangga't sa makakaya ko ay gagawa ako nang paraan, upang hindi maging pabigat kay ate.

Namimiss ko 'na rin si ate, walang mag-aasikaso Sa 'akin kapag umuuwi ako galing school. Wala nang tutulong sa 'akin, wala na rin akong ginagawa sa bukid ay dahil na sangla pala ni ate ang lupa.

Ang pinaghirapan ng mga magulang namin na maitayo ang taniman ay masasangla 'rin pala ni ate, hindi ako galit sa ginawa ni ate. Galit ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang mabawasan ang pasanin ni ate. Wala akong silbi, wala akong may  mairereklamo sa kong anong buhay ang meron kami noon at ngayon. Masaya kami kahit ganito lang kami, minsan ay may bumabagabag sa 'aking mga utak kong ano kaya ang pakiramdam ang gawin ang hindi mo pa nagagawa. Dito ako na buhay sa probinsya nato, at dito na rin ako lumaki at nagdalaga, kaya minsan ay napapatanong ako kong ano kayang feeling gumawa nang mga hindi mo pa nagagawa sa buhay. Sa buong buhay ko pabalik-balik ang gagawin ko, gigising ng umaga, kakain, magtatanim, maglalako nang mga paninda at mag-aaral. Ganoon ang ginagawa ko, ni minsan ay hindi ko pa nasubukang gawin ang mga ginagawa nang mga ka klase ko. Ang sabi nila maganda 'raw sa maynila, marami ka  daw na makikita na hindi mo pa nakikita sa probinsya. At sa mga napapanood ko sa TV ay maganda nga ang lungsod, malaki at matatayog ang mga bahay at buildings.

Nakakapagod 'rin ang bata ko pa lang pero pasan ko 'na ang mga problema ko, ni hindi ko nga magawang bilhin 'yung mga gusto kong bilhin, natatakot akong mabawasan ang perang iniwan at pinaghirapan namin ni ate. Perang naipon ni mama at papa sa 'amin ay hindi ginalaw ni ate, mas gugustohin pa ni ate magsikap kay sa gastosin ang perang naiwan ng mga magulang namin. Inilalaan ni ate ang pera na 'yun para sakin, gusto niya kapag nag college ako ay hindi kami mahihirapan sa pera. Kaya ganoon nalang ka ayaw ni ate gastosin ang pera ay para pagdumating ang araw na kailangan ko 'na ay hindi na si ate maghihirap pa maglako.

Matapos ang pagluluto ko ay tinawag ko si Lilith upang kumain ng umagahan, ang bilis makarating ng upuan.

Nag-uusap lang kami tungkol sa mga grades namin, matalino si Lilith, at ako ang kabaligtaran ng babae.

Naiinggit ako minsan kay Lilith, siya kasi ay hindi  kailangan magtrabaho para mabili ang bibilhin ni 'to, may kaya ito sa buhay. Enggitira nga lang kaya naman kahit hindi ni 'to kailangan ng pera ay gusto parin kumita. Gaya-gaya lang talaga si Lilith sa 'akin, nag-iisang anak lang kaya naman na sa kanya na ang lahat.

Literal lang talaga na inggetera ito kaya gusto rin pahirapan ang kanyang sarili. Napapaisip na nga lang ako minsan kong okay pa ba ang babaitang 'to.

Natapos kaming kumain na hanggat sa nakapaghugas na ako ay bukambibig parin ni Lilith ang kanyang crush. Kaumay ang babaeng 'to. Araw-araw na siguro niya itong naririnig na puro pangalan ng lalaki amg naririnig niya na lumalabas sa labi ng babae.

Ma hurt sana 'to para matigil na sa kakadada sa lalaking hindi naman talaga siya tinataponan ng tingin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top