Panimula


Note:
hello! :) instead of commenting words that might pressure me—kindly interact with your co-readers and comment your thoughts na lang po. the more comments the chapter receives, the updates are more likely to be faster. ⭐️💚 thank you palagi!

Panimula
para sa mga sumusubok maging manunulat

artwork by nasahardin
. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊

Bakit mo gusto magsulat?

Ang daming p'wedeng isagot. P'wede kong sabihin dahil tahimik na talento ito. No one can guess that I'm good at writing until they see what I wrote. Ang ibang mga talento ay mabilis makita. Magsalita ka lang, alam na nila na maganda boses mo. Gumalaw lang ang iyong baywang, alam nilang kaya mong sumayaw. May mga talento na kahit gaano katahimik gawin. . .maingay pa rin kapag ipinakita. Nagniningning pa rin kahit sa dilim. Pero ang pagsusulat? Palaging patago.

"Gusto ko baguhin ang mundo," tugon ko sa tanong ng guro namin. I was standing right in front of my classmates, beaming with pride and joy as I shared with them my motivation.

First day ng klase, isang routine ang pagpapakilala. Ang dinagdag lamang nila ngayon ay kung anong gusto mong maging trabaho pagdating ng araw. I wanted to become a writer. . .and Mrs. Camasino immediately widened her eyes. Agad siyang napatanong kung bakit na tila ba. . .kailangan na may malalim na rason kung bakit gusto kong magsulat.

Bahagyang natawa si Mrs. Camasino. "Ang lalim naman n'on, Athanacia! Paano mo naman mababago ang mundo gamit ng pagsusulat?"

It was a typical day for a grade seven student like me. Sumisinag ang araw mula sa bintana, the thin green fabric of the curtain followed the gush of the wind. Ang tanging tunog na lumalaganap sa kapaligiran ay mula sa pag-ikot ng elesi ng electric fan na nasa likod mismo ng classroom.

My throat dried up. Ang kabisadong mga linya sa utak ay unti-unting lumiit at parang nanglabo ang mga mata ko dahil hindi ko na maisatinig ang kaninang kabisadong linya sa aking isip. I knew I'd say that it's my dream to write. . .humabi ng mga salita. . .magbuo ng storya. It's something that's natural to me.

"Hindi ba dapat scientist?" sabat ng isa sa mga classmates ko. "Kung balak mong baguhin ang mundo, hindi ba dapat iyon ang propesyon na papangarapin mo? You'll discover things, you'll share new information, literal na mababago ang mundo kung may idadagdag ka na kaalaman."

"O kaya maging barbero ka na lang kaya? Doon ay p'wede ka pa rin namang gumawa ng kwento," halakhak ng isa sa mga kaibigan n'ya.

"Paano naman mababago ang mundo ng isang barbero?" someone asked lazily.

"Nabago kaya ng barbero namin ang mundo ng tatay ko! Na-kwento n'ya kasi kay Nanay na may babaeng kasama ang tatay ko nung isang linggo. Edi ayun, iba na mundo ng tatay ko—sa ibang bahay na siya nakatira ngayon!"

"Edward!" sita ni Mrs. Camasino.

"Totoo iyon, Ma'am!"

"Journalist? Sa mga balita?" agap ng isa ko pang kaklase habang nakasulyap sa akin. "Gano'n ba?"

Bahagya akong napalunok. Do I want to write about news? Siguro? Pero. . .hindi iyon ang naiisip ko. I wanted to write freely. Kapag news ang isusulat ko, dapat mas klaro at naka-angkla ito sa mga impormasyon na nakalap ko.

"Basta. . .writer," sabi ko sa kanila. I could feel the silence in the air thickening. It was slowly turning into a foggy forest inside my head. Imbis na classroom, para akong pinasok sa isang kagubatan na walang ni isang liwanag. Ni walang isang direksyon. Walang tao. Puno ng kadiliman.

"Maganda 'yan. . ." sabi ni Mrs. Camasino at awkward na ngumiti. "Who's next?"

Napaupo na ako sa aking armchair. My heart was still palpitating. Tama ba ang naging sagot ko? Dapat ba ay nagsinungaling na lang ako? Na sana ay bumbero na lang ang sinagot ko dahil gusto ko makatulong sa kapwa?

"Ako! Teacher, ako!"

"Sige, ano iyon?" ani Mrs. Camasino.

"Piloto! Gusto ko magpalipad ng eroplano!" One of my classmates yelled. Tumayo pa siya at um-acting na may hinahawakan na manibela.

"Bike nga, binabangga mo na agad sa puno! Eroplano pa kaya!" Someone spoke in the crowd.

"Class! Calm down! Hayaan n'yo ang mga kaklase n'yong magpahayag ng mga gusto nila!" saway ni Mrs. Camasino at unti-unting kumunot ang noo. She surveyed the entire room using her eyes, kaya naman nagkaroon ng panandaliang katahimikan.

Humagikhik si Magie, ang class muse namin. "Nurse! Gusto ko makatulong sa kapwa!"

"Magiging kapwa na lang ako para matulungan mo akong gumawa ng pamilya, Magie!" sitsit ni Brian na nagpamula ng mga pisngi ni Magie.

Siniko-siko ng katabi n'ya si Magie. She pulled her lips together to hush them but even the teacher had a rattling laughter. Napangiti naman ako habang lumilipat ang tingin sa kung sino ang nagsasalita.

"Architect! Gagawan ko ng bahay si Magie at Brian!" Jorge chimed in, joining with all the banters for our class couple.

"Entrepreneur! Bebentahan ko ng lupa 'yang si Magie at Brian!" he said, "At ako na rin mag-plano ng kasal! Invited kayong lahat!"

"Oo tapos ikaw na rin ang third party nila!" sipol nung isa.

"Tama na 'yan, class!" Ma'am Camasino scolded, her eyes shooting daggers.

Our class erupted in laughter as everyone built their dreams around Magie and Brian. Kahit ako ay napahagikhik sa kanila. Alam naman namin na hindi kami seryoso. We were still kids. . .but even so, I was serious about having that dream. I held on it as if it was the tightrope saving me from completely falling into a dark pit called life.

I wanted to be a writer. At a tender age, the voices of the untold stories divulged themselves inside my head, cracked my skull, and forcefully filled my brain with their stories. The scenery in the stories was as vivid as if I just visited them moments ago. Pamilyar ang harurot ng mga tunog ng sasakyan na gamit nila, pero hindi kasing bilis ng fast paced nating mundo. I could imagine how colorful the scenes were; mas matingkad ang berde sa mga puno nila, mas malinis tingnan ang puti, at kakaunti lang ang itim na usok sa mga storyang nabubuo sa isip ko. Ang mga boses ng mga karakters ay tumatagos din sa akin na para bang mga kapitbahay ko lang sila o mga kababata na may kan'ya't kan'yang baong kwento nang umuwi sila sa probinsya namin. The conflicts showed themselves like they're the final villain that I wasn't able to catch at first; mga problema na kaya iwasan pero binangga pa lalo.

Pakiramdam ko nabuhay ako upang magkwento ng kuwento ng iba. I was meant not to be the star but I was meant to be someone who writes the lines of the stars for them to shine on stage.

"So, kailan mo nadiskubre na mahilig ka magsulat?" tanong sa akin ni Felicity. She was following my foot falls as we walked towards the gate of our school.

Tinuro ko sa kan'ya ang daan patungo sa aming eskwelahan. Palagi kasi siyang doon sa mahabang daan dumidiskarte kung paano siya hindi papasok ng late. Kaso halos iikot pa siya nang napakalayo para lang makarating sa eskwelahan namin. Mabuti na lang at nakasabay ko siya kaya dito na kami dumaan sa shortcut.

Nasa talahiban kaming dalawa ngayon. May isang shortcut na daan kasi patungo sa kinakalawang na gate ng aming eskwelahan. Matayog ito at halos palibutan ng gumagapang na mga dahon. Kulay pula ang gate pero unti-unting nagiging pink na dahil kumukupas na ang kulay dulot na rin siguro ng panahon.

Hindi na rin inaasikaso itong gate dahil malawak ang buong eskwelahan. Maraming mga classrooms ang kailangan kabitan ng electric fan, lagyan ng kurtina, at ayusin ang mga sirang armchair. Hindi naman kasi sobrang kilala ang eskwelahan namin sa lugar na ito kaya hindi raw malaki ang budget, sabi na mismo ng aming punongguro.

"Bata pa ako," mahinang tawa ko. "Nagsimula iyon nung may mga notebook ako na hindi nagamit last grading. Hindi ko na rin siya magagamit sa next school year dahil spring na ang nauso na notebooks. Tahi pa kasi ang mga iyon kaya naman hindi ko na ginagamit."

"Ano connect?" Felicity grimaced, napahawak siya sa akin dahil halos tumatalon siya sa talahiban. Parang palaka kung tumalon siya dahil natatakot siyang may matapakan na ahas.

"Sa mga notebook na patapon ko sinulat ang una kong mga storya," I told her as I reminisce. Napangiti ako nang maalala na hanggang ngayon ay nasa akin ang mga notebook na iyon.

I kept them like they were my most prized possessions. Kung ang kadalasan na ipagmalaki sa edad kong ito ay ang mga gadgets na regalo ng kanilang mga magulang, mga bagong sapatos na mula sa mamahaling brand, o mga bagay na uso tulad ng bracelets na gawa sa rubber band—ang sa akin ay ang mga storyang nakasulat sa mga patapon kong notebook. Walang nakakabasa sa kanila maliban sa akin. I was proud of them because I was able to finish them even though I had limited papers to use.

Felicity widened her eyes. "Edi parang mga volume form siya? Marami ka na bang storya?"

Umangat ang tingin ko at pilit na inalala kung ilang notebooks na ba ang nandoon. Isa, dalawa, tatlo. . .at isang notebook na tinanggal ko sa pagkatahi upang dagdagan ng papel dahil kulang ito para sa storyang naisulat ko.

"Apat na yata."

"Ang dami!" Felicity swooned as her eyes sparkled. "Pabasa ako! Maganda naman ang handwriting mo!"

"Maganda siya sa una," nahihiyang umamin ako. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko, ninamnam ang init ng palad. "Pero mga bandang gitna at padulo ay halos parang naging sulat panahon ng dinosaur na. Baka hindi mo na siya maintindihan."

Nagkakapaltos na ang kamay ko sa pagsusulat pero hindi ako tumigil. I was afraid that the ideas, the scenes, and the lines would fade into nowhere. Habang lumilipad pa siya sa isip ko, ayoko siyang makawala pa. Palagi kong hinahabi ang mga salita habang lumilitaw pa sila sa harap ko.

I didn't care if my fingers would bleed. . .because writing it was worth the pain. Kapag nababasa ko na ang mga eksenang naisulat na ay tila ba may hamahaplos sa aking dibdib upang sabihin na ang galing ko—na binigyan ko ng mundo ang mga karakter na hindi naman ako kilala. I was able to give them purpose and a story worth telling.

"Ano titles?" pangungulit ni Felicity.

"Uh, Book Juan," I lied, I even bit my tongue. Wala pa talaga akong title. Ni wala ngang outline ang storya na iyon! I'm not even sure if it can form a story mountain, baka kung mayroon man ay baka deformed mountain ang mabuo!

"Eh, apat 'di ba? Ano title nung iba?"

"Book Part Two. . ."

Nagtaas siya ng kilay. "Yung pangatlo?"

"'Surprise! May Book Three'," I grimaced. Ano ba itong mga gawa-gawa kong titles!? Hindi ko naman kasi alam na kailangan n'on! Akala ko p'wedeng basta't may character lang. Binigyan pa tuloy ako ng iisipin!

"Yung huli?"

"Last Na 'To Book?" I smiled at her shyly. "Hindi ko rin kasi talaga alam kung ano mga titles nila. Sinulat ko sila nang walang iniisip kung di ang storya lang mismo nila."

Umiling-iling na lang si Felicity. "Sa tingin ko, kailangan mong pag-aralan ang paggawa ng titles! Gusto mo ay gawan na kita! 'Nerd Turned to A Princess But is Secretly A Super Spy in Tagaytay!?' Mga gan'yan!"

Tinawanan ko na lang siya. Hindi ko na iyon iniisip. I just want to write, wala namang ibang makakabasa n'on kung di ako lang. I don't need to ransack my mind just so I could create titles for those stories.

I was too immersed with my own imagination. Akala ko noon ay lahat ng tao ay kaya itong gawin. I thought it was nature for humans to find what's lacking—and fill the gaps in between with their imagination. Hindi ba't kaya tayo may imahinasyon? So we could imagine things that we couldn't see.

Hindi pala iyon gano'n.

"Bored na bored na ako," Felicity sighed as she rested her head on the bench. Nakaupo kami ngayon dito dahil PE time na namin.

Sinusubukan kong mag-stretching pero nauunang tumunog ang buto ko na tila ba sinasabi nilang itigil ko na ang pagpapanggap. I was bored as well. Balak ko sana magdala ng ballpen at notebook pero ang init sa labas. Hindi ko tuloy magawang magsulat. Hindi ko inakala na factor din pala ang lugar kung saan ka nagsusulat, it could affect your mood.

"Laro tayo," anyaya ni Felicity. Unti-unting umalis sa pagkakaupo n'ya sa bench.

Lumingon ako sa kan'ya. "Anong laro?"

"Ikaw, isip ka," she urged me. "Kahit ano."

Tinitigan ko muna siya. "Tagu-taguan? Yayain natin sila?"

She heaved a breath, as if annoyed. "Boring! Wala masyadong mapagtataguan dito. Yung laro sana na iisang lugar lang."

"Patintero?"

"Hindi rin! Yung dito lang talaga!"

Nalilito akong tumitig sa kan'ya. Gusto ba n'yang charades na lang? Pinapahula n'ya ako eh.

Napaisip tuloy ako. I could picture Felicity as a character from a world that I've built inside my head. Isa siyang diwata na ang tanging kapangyarihan ay maging isang healer. She would wear something in white, her hair would flow down the floor, and her face would glitter in light. My lips parted upon realizing what I just did. Oh. . .I let my imagination run wild again. Nakabuo pa tuloy ako ng isang role playing game sa utak ko.

Umiling-iling ako.

"Athanacia?" Felicity snapped her fingers right in front of my face. "Anong nangyari? Bakit ka natulala?"

"Uh, normal lang ito. . ."

"Normal na?"

"Matulala ang mga writers," I answered. "May naiisip lang kasi ako."

I wanted to play a role play game. I wanted to become an archer, na may magandang costume. Siguro ay kulay berde ang suot ko. Sa kagubatan naman ako naka-destino. My hair is blonde and I'm partly an elf. Tapos may brilyante rin siguro ako. Brilyante ng kayamanan na lang para kahit sa storya man lang ay mayaman ako.

"Anong naiisip mo?"

A surge of panic came across inside my chest. Paano ko ba ie-explain sa kan'ya na gusto kong maglaro ng isang laro na gawa-gawa ko lang? Baka. . .tawanan n'ya ako? I bit my lower lip then looked somewhere else.

"Isang laro. . ." I swallowed the bile on my throat. "Ah. . .parang adventure. Make-your-own-adventure na gagawa ka ng sarili mong avatar o character. . ."

Pumasada ang ilang minutong katahimikan sa pagitan namin. I'm sure that she won't get it. It was not really a game after all. Pero bahagya akong nagulat nang tumili siya na para bang natuwa.

Her eyes sparkled, she was eager to learn more. "Okay, paano 'yan? Ituro mo sa akin!"

I smiled at her and started to create rules and storylines based on how we would create our adventure. Masaya siya dahil nakakagawa ako ng storya gamit ng mga characters na gawa-gawa lang namin. Felicity was a moon goddess while I was an elf who became an archer. Si Felicity na mismo ang nagyaya ng iba pang mga kalaro namin.

"Paano laruin?" usisa ng isa naming kaklase. Si Menard, ang class clown namin. Nakikisali sa larong gawa-gawa ko.

Tuwing PE kami naglalaro ni Felicity. Some would throw looks at us because we were laughing with each other, kadalasan ay nasa botanical kami dahil nandoon lahat na lugar na p'wede gawang kwento. May fountain na p'wedeng gawing dagat ng mga mermaids kuno. May playground na p'wedeng maging battlefield namin. At ang canteen na ginagawa naming village kunyari.

My heart swells with excitement whenever this period comes. Ang saya kasi kalaro ni Felicity dahil tulad ko ay malawak ang imahinasyon n'ya. She would create villains for us to fight. Ang kadalasan ay inspired sa mga terror teachers namin.

"Gagawa ka lang ng character mo, tapos kunyari, may kalaban tayo," I explained to him. "Ikaw bahala kung ano rin ang gamit mong sandata. Ikaw rin ang iisipin kung anong lahi mo."

"Sige! Hari ako! Tapos lahat kayo ay mga alipin ko lang," Menard yelled at us. Pinagduduro n'ya pa kami. Tumatawa siya habang ginagawa iyon.

Umirap si Brenna at kunyari'y may nilabas na sandata. "Soldier ako! Tapos sinaksak kita gamit ng toothpick!"

"Hoy! Bakit mo ako sinaksak!" Menard gnawed his lips. Nanglisik ang mga mata n'ya.

Nanglaki ang mga mata ko. Hindi ko inakala na masyadong seryoso ang dalawang ito. It was as if they were mortal enemies. Tumatawa lang si Felicity sa tabi ko, she was clearly amused by the two.

Brenna stuck out her tongue. "Sinaksak na kita! Umaray ka! Madaya! Ayan! Dalawang toothpick na kasing laki ng tao ang sinaksak ko sa 'yo!"

Brenna pretended like she had two swords and slowly pierced it through Menard. Hindi ko alam pero gumana ang imahinasyon ko nang gawin iyon ni Brenna, I imagined that there were two giant toothpicks slicing the frail body of Menard.

"Aray!" Menard played dead on the ground. Nagulat kami sa ginawa n'ya dahil akala namin ay hindi siya seryoso sa pakikipaglaro. "Healer! Healer! Felicity, parang tanga naman, i-heal mo na ako!"

"Huwag na, mamamatay ka na lang," Felicity shrugged off, even crossing her arms across her chest.

"Isusumpa kita! Tatanda kang dalaga!" Menard was panting, as if he was really hurt. "Mga taksil sa kaharian! Hindi ko ito makakalimutan! Sa susunod kong buhay, isusumbong ko kayo kay Mama!"

It was my turn to let out a hearty laugh. Napahawak ako sa aking bibig. I never thought that a game that I invented out of nowhere. . .would bring joy to me and entertainment to others. Hindi ko naisip na lalawak pala ang larong imbento ko lamang.

Hindi ko rin naisip na may mga taong hindi matutuwa sa kasiyahan ko. I couldn't grasp the idea that some people cannot be happy when I find joy in the smallest things in my life.

Hindi ko maintindihan nang lubusan kung bakit may nagalit sa simpling larong ginawa ko dahil gusto ko paganahin ang imahinasyon ko. Hindi ko rin alam kung bakit unti-unting nawala ang mga kalaro ko. They faded like how stars would when the sun rises. Ni hindi ko na sila maaninag sa buhay ko.

I was a mere grade seven student who only wanted to play a game. Hindi ko inakala na magiging big deal iyon sa ibang mga kaklase namin.

"Grabe? Naniwala kayo kay Athanacia?" Halukipkip ni Jhon. He was tall, siya siguro ang pinakamatangkad na lalaki sa buong classroom namin. Nakasandal siya sa desk ni Felicity.

Malayo ang desk ko sa kanila at halos nakayuko na ako. I was trying not to lend my ears to them because I hate eavesdropping. Ayoko sa tsismis. Ayoko sa ganito. Sana sabihin na lang nila sa akin kung anong masamang nagawa ko dahil hihingi naman ako ng tawad. I hate being the topic when I don't even know why.

"Weird ni Athanacia," rinig kong sabi ni Menard. "Napilitan lang ako makisali roon kasi sumali ka, Brenna. Pero weird talaga iyon."

"Hindi ko nga alam yung mga pinagsasabi n'ya eh. Anong hidden coven? Eh, garden lang iyon!" Brenna scoffed, nakatalikod siya sa akin pero ramdam ko ang talas ng kan'yang dila.

Felicity kept her mum. Hindi n'ya magawang magsalita laban sa kanila. I get her. . .okay na sa akin na ako ang sumalo ng mga masasakit nilang salita. Ako naman talaga ang pauso no'ng laro na iyon. I was the one who gave her the idea of playing roleplay. Naisip ko lang kasi iyon dahil parang ang saya maglaro ng isang RPG pero real life ang ganap.

"Storymaker masyado," Jhon snickered, then snapped his head towards my direction. "Parang tanga lang eh."

My mouth jammed shut. The story. . .was passed around the whole classroom. Ang kumalat na balita ay halos ginawa kong mangmang ang mga nakalaro ko.

Tuwing PE, they would mock the game that I created. Hindi ko alam kung bakit. . .gusto ko na lang humingi ng paumanhin dahil baka nga nagmukha silang tanga sa larong gawa-gawa ko lamang.

Nakatayo lang ako habang nakatitig sa kanila. They were playing in the playground, ako naman ay nahihiya sumali sa kanila. Nanatili akong nakatayo at iniisip kung paano ako hihingi ng paumanhin sa nangyari. I didn't want them to look like they were stupid for creating make-believe characters. I only wanted to play as well. Hindi ko intensyon na magmukha silang may sariling mundo. I only wanted to create an alternative world that we could play with.

"Ayan na! Nand'yan na yung mga monsters na di n'yo nakikita!" Halakhak ni Jhon at tumakbo paikot sa botanical. Umiling-iling sila na tila hindi makapaniwala. "Parang tanga eh."

I'm sorry.

"Weird mo bro," Menard laughed but glanced at me with ill-intent. "Sobrang weird! Gan'yan ba kapag walang friends? Gagawa ng imaginary friends? Elf daw, mukha lang siyang duwende eh."

I'm sorry.

"Buti na lang di na natin iyon kaibigan!" Brenna joined in, she was swinging on one of the swings, oblivious of the fact that I can hear them. "Ayoko maging friends sa mga weird."

I'm sorry.

I looked at Felicity, my friend, who looked right back at me with remorse before she joined in. I can hear the loud thumping of my chest. The sound of my heart breaking as she coasted through insulting me.

"Crazy eh," she uttered while lifting a finger and gesturing in a circular motion near her head.

The pain shot right through me. I know it was hard for her to defend me, but how I wished she didn't join them. Okay na sa akin ang hindi siya nakisali, because I know it's hard for her to debunk their claims about me.

Nahirapan ako magkaroon ng kaibigan dahil akala ng iba ay minamaltrato ko ang mga nagiging close ko. I couldn't make them my friends because of the rumors surrounding me.

I had to find an escape from the scathing insults and relentless bullying. Sinubukan kong isumbong ito sa mga teachers namin. . .yet they didn't believe me.

Sa isang lumang kwarto, kung saan umaalingasaw ang amoy ng mga lumang papel at mga librong tinambak sa gilid, tila nagmistulang bodega ang itsura nito. Doon ko kinausap ang mga guro namin. I was fidgeting my fingers while my eyes stung with tears. Ilang segundo lang sa pagkukwento ay naiiyak na ako.

"Away bata lang 'yan," Mrs. Camasino told me. "Mag-sorry ka na lang. Kakausapin ka naman nila ulit."

"Ayaw po nila ako kausapin. . ." mahinang saad ko habang nakayuko. "Galit po sila sa akin."

"Sa susunod kasi, palagi kang magsasabi ng totoo," Mrs. Camasino said. "Ayaw ng mga tao sa sinungaling."

"Laro lang naman 'yon," sagot ng isa sa mga guro na nasa loob din ng silid. "Saka, bakit ginagawang big deal kung wala namang nasaktan?"

They both have their fair share of thoughts that didn't even solve my problem. In the end, they didn't help me with my dilemma. I was left alone to mend it on my own.

Naglalakad ako pauwi pero hindi na ito sa lumang shortcut na itinuro ko kay Felicity. Naghanap ako ng iba pang shortcut dahil natatakot akong makasalubong siya. Sa daan na tinatahak ko ay may nadadaanan akong school. It was. . .a huge one, with an open field and tall buildings with glass windows. Ang gate nila ay palaging malinis na tila ba laging bagong pintura. May guard at kung minsan ay may nakikita akong mga school bus na pumapasok sa loob. Kung ikukumpara ito sa eskwelahan ko, di hamak na mas malaki ito.

Sumilip ako sa karangyaan ng mga maga-aral doon. Ang ilan sa kanila ay pawisan na rin dahil sa likas na init ng Pilipinas. Pero bakit parang ang presko pa rin nila tingnan? Samantalang ako ay halos mukhang amoy araw na.

"Pst! Bata!" Tinawag ako nung guard ng makita akong nakatitig sa gate ng eskwelahan.

Napalingon ako, "P-po?"

"Mahilig ka ba manood ng mga plays?" tanong nung guard. Lumapit siya sa akin habang may ngiti sa labi. "May libreng ticket kasi ako. Wala naman akong anak. Gusto mo ba manood?"

"Ah, hindi na po," I answered skeptically. "Pauwi na rin po ako eh."

"Sa loob naman ng school ito," sabi ng guard. "Pasamahan kita sa mga ibang estudyante rin."

I was hesitant, ilang beses pa akong nag-isip bago tumango. If this was a normal day, I won't think twice to refuse. I didn't know this person and even if the premise was a school, I was still unfamiliar with the place.

Pero kailangan ko ng ibang iisipin. Masyado na akong nilulunod ng lungkot. Binigyan ako ng guard ng isang ticket at pinasuyo sa isang estudyante. The student was kind enough to guide me to the auditorium.

Pagdating ko sa auditorium ay kinuha ang ticket ko. Sa dulo na ako umupo dahil halata ang pagiging iba ko sa kanila. I was still wearing my uniform and most of the students here were wearing their PE uniforms, white shirts, and navy blue jogging pants.

The blinding lights slowly dimmed as I sat on one of the tiered seats. Halos lumubog na ako dahil sa lambot. I looked at the stage as the show started with the background music slowly serenading the audience. It was a mellow music, as the characters unveiled themselves and the story came to life. It was a re-telling of a famous fairy tale.

My mouth hung open as I watched the show. Wala akong katabi dahil halos nasa harap silang lahat. Hindi ko rin namalayan na natapos na ito dahil sa sobrang pagkamangha. I was just surprised when the lights started to flicker brightly once again. This was my first time watching a school play! Kadalasan kasi ay Nutrition Month at Buwan ng Wika lang ang ganap namin sa eskwelahan.

Pinakilala na ang mga gumanap, ang mga guro, at ang nag-direct ng mismong play. My lips moved upward upon seeing a kid with a similar frame like me walking towards the center. Naka-polong puti siya at itim na slacks. Tumayo ako nang kaunti upang mas matanaw siya.

"And the prodigy child who was able to direct this play," pakilala ng isa sa mga hosts. "Kiran Lemuel Conjuanco!"

Ilang beses akong kumurap.

The kid. . .was beautiful. I couldn't tear my eyes off him. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking sobrang ganda. His jet-black hair had soft waves framing his heart-shaped face. He was tall, lean, and had delicate movements. Kahit mula sa malayo, his facial features were soft and had a touch of being elegant. Para bang calculated n'ya ang bawat galaw n'ya. He bowed for a bit before exiting the stage.

Hindi ko matanggal ang tingin ko sa kan'ya dahil bukod sa pagiging gwapo. . .he was crying. His eyes were bloodshot as he was biting his lower lip, dumudugo na ang kan'yang mga labi.

Sinong nang-away sa baby na 'yan? I can't help but think.

Baby ko.

OMG. Sabi ng grade seven.

Napailing-iling na lang ako. Nanalo na naman ang mga iniisip ko laban sa aking pagiging rational. Kakakilala ko pa lang sa kan'ya! Ni hindi nga ako sigurado kung napansin n'ya ako!

When the whole cast bid their goodbyes, nauna akong lumabas ng auditorium. Iniiwasan ko kasi makipagsiksikan sa iba pang mga estudyante. Sa labas ay nakita ko ang nagwawalang bata. He was struggling to get out of the grip of some huge men.

"I hate you! I hate everyone!" sigaw n'ya sa kanila habang pumapalag sa pagkahawak sa kan'ya. "Lumayo kayo sa akin! Umalis kayo! I don't need you! I need mommy! I want dad!"

Naga-alburuto siya sa gitna ng hallway. Most people would look at him, completely alarmed. He was wailing his heart out, like a wounded cat trying to defend himself.

Humihingos siya habang pinapalibutan ng mga tao. "Nasaan siya?! Sabi n'ya, pupunta siya rito! She'll attend! Dadalhin n'ya si Dad! Bakit wala siya!?"

"Kiran," napabuntonghininga yung kausap n'ya. "Nagkasakit si Kile. He needs your mother more. Intindihin mo na lang. Just because they couldn't attend doesn't mean they don't care."

Bahagya siyang natigilan. Lalong naantig ang damdamin ko nang makitang lumuluha siya.

"S-sandali lang naman yung play," Kiran sniffed, his fists clenched. "bakit hindi pa siya makapunta? What about Dad? Kay Kuya pa rin? Paano naman ako?"

"Alam mo naman ang sagot d'yan," the man sighed exasperatedly. "mabuti nga't pinapunta pa kami rito. There will be a next time, Kiran."

"This is already the next time! The last time, hindi rin sila pumunta!" Kiran yelled and cried anguishly. "I hate you! I hate everyone!"

"Kiran! Stop throwing tantrums!" nahihiyang saway sa kan'ya ng kasama n'ya. "Nakakahiya ka! Huwag kang mag-eskandalo!"

Kiran started to weep more. Lalong umalingawngaw ang iyak ng isang bata. "Then bring my parents here! Kahit si Kuya Kile! Wala akong pake kung nagaagaw-buhay na siya, dalhin n'yo sila rito!"

I was startled by his behavior.

Umiling-iling ang kasama n'ya. "Wala kang konsiderasyon. You only think of yourself. Stop being such a brat, Kiran."

Kiran looked at him, his eyes being glassy. Tumitig lang din ako sa kan'ya. He started to run towards the other side of the hallway. And for some reason, I found myself following him.

Natagpuan ko siya sa isang masikip na sulok. He was in a position where his knees were covering his sight. Nakaupo siya at ginagamit n'yang pangtakip ang kan'yang mga hita sa kan'yang mukha. Nanginginig siya at humahagulgol.

I walked towards him and sat beside him. Hindi ko alam kung napansin n'ya ba ako.

"I'm sorry. . .for being mean," he whispered using his gentle voice. Nanginginig pa rin ang kan'yang boses pero kalmado na ito. "I just wanted my parents to see my hard work. I didn't mean to lash out at you."

"You did great on the play," sabi ko sa kan'ya at unti-unting gumuhit ang isang munting ngiti sa aking labi. "I feel bad these days, but thank you for letting me momentarily forget that I live a hard life."

There is all sorts of literature in this world. Some fall under prose and some into poems. Some tackle the realistic part of being non-fiction and some tickle your imagination with fiction. But the one that sovereigns over me is the literature that can save someone's day, even just for a fleeting moment.

Just like now.

"Thank you for saving my day," I told him.

"All I did was to direct a play," he muttered under his breath, "it was nothing special."

"It was special for me," I smiled at him. "Nakalimutan ko na ang bigat pala ng dala-dala kong bagahe. For a moment, I can only think of how beautiful your storytelling was. I can't wait for your next play! Papanoorin ko 'yon!"

Umangat ang tingin n'ya sa akin. His eyes were still misty, ang gilid ng kan'yang mga mata at namumula at namamaga mula sa pag-iyak.

"Manonood k-ka ulit?"

"Y-yes. . ." I managed to say despite the bile slowly rising on my throat. "Para sa 'yo. . ."

"Bakit?"

"Ahm. . .kasi. . .gusto mo ba ako na lang nanay mo?" I asked him. Narinig ko kasi na hindi pumupunta ang nanay n'ya sa mga play n'ya.

Baka kailangan n'ya ng pangalawang nanay? Kaya ko naman na siguro ang responsibilidad dahil nagaalalaga rin ako ng kapatid sa bahay!

His eyes turned to slits as he glared at me. "What do you want me to call you? Mommy rin?"

"Oo, tapos. . .baby siguro tawag ko sa 'yo?" I uttered like I was still not sure. Toddler ba? Or anak? Anong mas bagay?

"What? Baby?" Halakhak n'ya.

He started to laugh. . .and it sounded divine. Parang nabura ang kaninang lungkot sa kan'yang boses. Napalitan ito ng galak.

"I look forward to seeing you. . ." his small voice managed to slip outside his mouth. "What's your name?"

Athanacia.

No.

I don't want him to know about how weird I am.

"Nora," pagpapakilala ko sa pangalawang pangalan. "Nora na lang ang itawag mo sa akin."

I wished I didn't need to create another version of me but I didn't want to see Kiran as Athanacia. The weird person who spreads stories about things that are not real.

"Thank you, Nora," he said in a small voice. "Will I see you again?"

"Of course!" I beamed at him. "As long as you're directing. . .I'll be here."

He looked at me with suspicious eyes. Yet, it gradually showed gratitude.

I started to go to his school often. Hanggang gate lang ako dahil hindi naman ako p'wedeng pumasok nang pumasok sa school n'ya. And for some reason, Kiran always looks forward to seeing me.

"Nora!" He beamed upon seeing me. His hair would follow the direction of the wind.

"Hi!" I smiled back. Namula ang aking mga pisngi. Kiran's really cute.

We would hang out near his school. Sa isang puno ay nagpapalilim kaming dalawa. Some bodyguards would follow us but I didn't mind. Hindi ko rin inalam ang background ni Kiran. I just wanted to have a friend and he was there to be one.

"Uwing-uwi ka yata, Athanacia?" puna ni Jhon nang makitang nagliligpit ako ng gamit.

"Ah, oo," I confessed. "May pupuntahan kasi ako."

"Ano 'yan? Imaginary friend mo?" Hagikhik ni Brenna.

"Oo na pogi," sakay ko na lang sa sinabi n'ya.

Nawala ang ngisi ni Brenna. "Gawa-gawa ka talaga ng kwento."

Tumango na lang ako. Hinihintay na ako ni Kiran! I have to go! Tumatagal lang ang usapan dahil sa pangingialam nila eh.

It only took almost thirty minutes before I arrived there. I saw Kiran nervously trying to place a mat under the tree. Napangiti ako dahil tulad ng nakasanayan ay may dala siyang biscuits at mga libro.

"Kiran!" Tawag ko sa kan'ya at agad na sinikap siyang habulin.

Lumingon siya sa akin. His eyes flickered upon seeing me, tila ba natuwa siyang kadarating ko lang.

"Nora!" He beamed then pointed towards the mat. "Hinanda ko na ang lugar natin!"

We proceeded with our usual routine. Nakasandal sa balikat ko si Kiran habang binabasahan ko siya ng kwento. I couldn't afford newly bought books, kaya nanghihiram siya ng mga libro sa library nila para basahin ko.

Sinandal ko ang ulo ko sa kan'yang ulo. I was taller than Kiran, he was like my little baby as he snuggled on my neck.

"Can you transfer schools?"

"Mahal school mo eh," sagot ko.

"Ako magpapa-aral sa 'yo," determinadong sagot n'ya.

Natawa ako. "Ayoko. Bata ka pa, wala ka pang trabaho."

"May pera ako, may pera kami," saad n'ya, "kaya kitang buhayin."

Bahagya akong natawa lalo. Akala mo naman gagawa na kami ng pamilya! He's being completely silly!

"Huwag na, Kiran," I shook my head. "Your existence is already enough for me. Wala kang kailangan gawin para sa akin. At bakit gusto mong schoolmates tayo?"

"So I could see you everyday," Kiran murmured. "I want to see you everyday, Nora. Sa morning, sa recess, sa uwian."

Sabi ng grade seven.

I can't help but giggle.

My eyes stuck on him, medyo napapikit ako dahil sumikat bigla ang araw tungo sa kung saan ako naka-pwesto. Nagulat ako nang iharang n'ya sa araw ang isang kamay n'ya upang hindi tumama sa akin ang sinag.

"Baka mainitan ka," Kiran whispered to me.

I smiled as I saw the gesture. Kiran, why did you have to chase people who couldn't see how lovely you are?

Yet, when you feel like you're finally at the end of the spectrum of happiness, saka ipapakita sa 'yo na malayo ka pa sa katotohanan.

"Nasaan na yung imaginary friend mo ha!?" Jhon said as he dragged me towards where I met Kiran.

"Tama na! Ano ba!"

"Weird ka talaga!" asik ni Jhon. "Dapat sa 'yo ay walang friends! Niloloko mo lang sila! Gagawa-gawa ka ng kuwento tapos papaasahin mo sila!"

I kept on trying to get away from him but he was being forceful. Nagulat na lang ako dahil nasa ilalim na rin sila ng puno. Brenna, Menard, and Felicity were there already.

"Nasaan na ah!?" Jhon pulled me by my hair.

"Hey! Stop that!" maarteng untag ni Felicity, her eyes showed concern. Nakita ko ang kaibigan ko noon sa naging kilos n'ya.

Felicity became my friend because my mother works for their family. May tindahan kasi sila, isang maliit na supermarket. Si Menard at Brenna ay mga kaklase namin na galing din sa may kayang pamilya. Si Jhon ay anak ng isang pulis na kilala sa aming bayan. Most of them were studying at our public school because it's near. Ang private school kasi na bukas sa bayan namin ay itong school na ni Kiran.

"Bakit!? Eh, wala naman kasi talaga siyang binatbat! Malakas talaga tama sa—"

"Get your hands off her," a familiar cold voice thundered as soon as it reached the perimeter.

Napalingon sila nang makita si Kiran na nakakunot ang noo habang nakatingin sa grupo ni Jhon. Felicity and Brenna's mouth widened upon seeing Kiran, replicating the expression I had after seeing Kiran's face. Halos pati tainga nila ay mamula dahil sa kagwapuhan ni Kiran. Si Menard at Jhon naman ay natahimik din nang makita siya.

"Bwisit ka, Jhon! Totoong tao nga yung kaibigan n'ya!" Menard gasped. "Bahala ka na d'yan! Sama kasi ng ugali mo!"

"Si Jhon kasi ang bully!" Brenna flipped sides as soon as she saw Kiran.

"Nora, are you okay?" Dali-daling lumapit si Kiran upang hilahin ako mula kay Jhon. His cat-like eyes immediately glared at him. "Sino ka?"

"Si Jhon Perez," pagpapakilala n'ya. "Ikaw?"

Hindi siya sinagot ni Kiran at nag-focus ang mga mata n'ya sa aking palapulsuhan. "Masakit ba? Nagkasugat ba?"

"Okay lang ako, Kiran," I told him and I was surprised when he kissed my hand.

"I don't like my girl being hurt," saad ni Kiran at humarap sa mga kaklase kong walang ginawa kung hindi i-bully ako.

"All of you will pay," sabi n'ya at agad na dinuro ang mga nangb-bully sa akin. "I want their parents to know how shitty they raised their children. Papatawag ko ang mga magulang n'yo!"

My heart raced as he defended me against my bullies. Jhon and the rest of my bullies cried their hearts out as they begged Kiran not to tell their parents.

Kiran hugged me and whispered to me, "I'm here. You're not alone anymore. Nandito na ako para sa 'yo, Nora."

And we kissed passionately.

The end.

. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊

My hand felt sore as soon as I finished writing my latest story. Hindi ko ma-i-alis ang mukha ni Kiran sa aking isip. Yet, I didn't have the courage to tell him how amazing he was or how he inspired me to write something as my outlet ever since I've lost my friends.

In my story, Kiran saved me from my bullies and I gained a friend who loves me unconditionally.

In reality, Jhon and my friends before bullied me relentlessly that I had to transfer schools because their attacks slowly turned physical. Dumating sa punto na aabangan nila ako para itulak-tulak at ipahiya sa isang pampublikong lugar.

I never got the chance to talk to Kiran Lemuel Conjuanco after he ran away from the auditorium. I never got to tell him that he was an amazing director at such a young age. Nangibabaw ang pagiging mahiyain ko.

Pero ngayon. . .habang nakikita ko siyang naglalakad patungo sa cafeteria ng eskwelahan kung saan ako naging scholar. Bumilis ang pintig ng aking puso. Parang binalik ako sa eksena kung saan ko siya unang nakita.

His soft wavy hair was framed perfectly on his heart-shaped face. His hair was styled in a mullet, the front being short but the back was a bit long reaching up to his neck. Mas tumangos ang ilong n'ya, his defined cheekbones, his expressive eyes, and the way his shoulders get broader made my cheeks warm. Mas naging gwapo si Kiran ngayong kolehiyo na kami. Simpleng hoodie lang ang suot n'ya at mukha siyang bored habang sinisipa-sipa ang isang maliit na bato.

He looks like a male fairy, na may sariling ring light.

My lips quivered as he walked past me. I doubt he remembers my face. I was a walking background actress for him. I wasn't meant to stand out so I knew he wouldn't recognize me. It was years ago. . .but I can still remember how thinking about him would save me from my own destructive thoughts.

I never thought I'd meet the person who saved me. The person who inspired me to create a story to mend my pain. The person who was able to become my knight-in-shining armor in my story.

"Conjuanco, tara na, hanap ka na nung prof," sabi ng kaibigan n'ya. "Fave ka no'n eh."

"Tangina, Killian Conjuanco Fanatic kasi," Kiran hissed as he glared at his friend. "Akala mo naman kilala siya ng tatay ko. Sa dami ng pina-plastic n'on, I fucking doubt."

His voice got deeper. He used to sound like a kid. Pero ngayon mas buo na ang boses n'ya. Pero hindi ko inakalang masama pa rin pala ugali n'ya? Or he still acts like a brat? But I guess, no one can be perfect.

Sinundan ko siya ng tingin. He didn't notice my presence but he made my heart race as if I just ran in a marathon.

Maybe. . .I could make my fictionalized story of us. . .our reality.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top