Chapter 9
Chapter 9
. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊
It felt like Kiran built walls after our conversation. Whenever I stitch the gaps between us, he would tear it apart as soon as he sees that I am near him already. Hindi ko alam kung dahil ba hirap siyang magtiwala sa akin. . .o sadyang naninibago siya sa ipinapakita ko.
"Gwapo si Kiran 'di ba?" tanong ko kay Mineth habang may sinusulat siya sa kan'yang notebook.
Nilingon n'ya ako, her forehead knotted. "Oo, pero kung paguusapan ang ugali? Nevermind na lang."
"Nagtataka kasi ako," isiniwalat ko sa kan'ya. Humarap pa ako para lalong makita ni Mineth ang mukha ko. "Parang first time lang n'yang makarinig na may nagkakagusto sa kan'ya."
"Umamin ka na?" singit ni Ruby habang may hawak na plastic cup na may lamang stick ng kwek kwek.
Tumango ako. Mineth gasped and her eyes widened a fraction before looking at Ruby who mirrored her expression. Bahagyang natawa na lang si Ruby at tumabi sa akin habang napapailing.
"Okay na 'yan! Ikama mo na tapos busalan mo na lang yung bibig kasi ang gwapo ng mukha pero ang talas ng dila nung isang 'yon eh," ani Ruby at kumagat sa kan'yang kwek kwek.
My eyelids stretched open. "Po?"
"Baka kahit ungol no'n ay puro bad words eh!" Halakhak ni Ruby. "Fuck, ang sarap mo, Nacia! Ganorn!"
"Bastos!" Mineth hissed then glanced at me. "Huwag mo siya pakinggan! Pero ano ang sagot ni Kiran?"
"Wala. . ." Napanguso ako. "Parang ayaw naman n'ya sa akin. Pero okay lang kasi masaya na ako maging kaibigan n'ya. Anything more than that is already a fantasy for me."
Parehong napalingon sa isa't isa si Mineth at Ruby. Both of them had confusion swirling in their eyes. Pakiramdam ko ay naguusap sila gamit ng kanilang mga mata.
"Hindi kami papayag!" Ruby told me. Binaba n'ya yung hawak n'yang baso at nilagay ang kan'yang mga kamay sa aking balikat. "Ipapa-arrange marriage kita sa kan'ya."
"Tangina mo," kalmanteng sabi ni Mineth at umirap. "Akala mo naman may pera ka pangsulsol sa mga Conjuanco; yung paubos mo ngang shampoo nilalagyan mo pa ng tubig para masimot!"
Ruby stuck out her tongue. "O edi ikaw na magbigay ng ideya! Gusto ko lang naman maging fulfilled ang love life ni Athanacia."
Ngumiti ako nang mapakla. "Okay lang talaga. Actually, nagaaral ako magsulat ng script. Kaya naman kung sakaling. . .kailangan ni Kiran ng isang script writer ay nandito na ako para sa kan'ya. I could help him."
"You like him that much?" tanong ni Mineth.
I have never adored anyone more than this; that's all I know. It was the sensation of putting my adoration for Kiran not because he can love me back but because I can love him.
Bumitiw ang isang ngiti sa aking labi. "Like is too shallow, I deeply adore him."
Ngumiti lang si Mineth sa naging sagot ko sa kan'ya. Bumaling na siya ng tingin kay Ruby matapos yun.
"Ano palang balak n'yo next semester? Huwag kayo papa-late ah, baka maubusan na naman tayo ng slots," paalala ni Mineth.
Natahimik si Ruby, agad ko itong sinipat dahil pakiramdam ko ay malalim ang iniisip n'ya. It's not typical of her to stay silent over Mineth's lecture.
"Ruby?" tawag ko sa kan'yang atensyon.
Lumingon siya sa akin saka ngumiti. "Yes, Nacia?"
"Okay ka lang?" tanong ko sa kan'ya. Ramdam ko na hindi siya naging kumportable sa sinabi ni Mineth.
"Oo naman," she laughed then placed her hand around my shoulder. "Bakit mo naman natanong?"
"Bigla kang tumahimik," puna ko sa kan'ya. She's usually easy going so it's not common that she's being timid all of a sudden.
"Ang dami mong napapansin." Halakhak n'ya at umiling. "I am okay. Gusto mo bang mag-club tayo mamaya? East Drive?"
Grabe, ang sagot ba talaga sa lahat ng problema ay mag-party?
I bit my bottom lip. But maybe she'll open up when she's not sober? Baka doon n'ya gustong maglahad ng mga problema n'ya? I can sense that she's not comfortable for some reason but I don't know why?
Tumango ako at pumayag sa kan'yang imbitasyon. Umuwi lang ako sandali sa dorm upang maligo at magpalit ng damit. I decided to wear something a bit revealing because it's a club. No'ng huling beses ay sinita rin ako ni Ruby sa aking damit. I didn't want to look like someone who came for a lecture with my long skirt and floral top!
Sinundo ako ni Ruby gamit ng Vios ni Jakob na kanina pa namumutla sa passenger seat. Natatawa naman si Diether at Mineth sa itsura ng nasa harapan nila. Ako naman ay kadarating lang kaya medyo naninibago pa ako sa harutan nilang apat. Umupo na ako sa tabi ni Mineth at sinara ang pinto. Humarurot na ang kotse.
"Dito ka sa tabi ko, Nacia," yakag ni Diether at pinagpag pa ang tabing upuan n'ya.
I frowned because Mineth was already seated beside him. Nasa gitna siya kaya naman hindi ko alam kung paano ako uupo sa tabi ni Diether kung sakali. It would be a hassle on my part.
"Hoy, dito si Nacia," Mineth glanced at Diether and hissed. Naningkit pa ang mga mata nito.
Umatras naman agad si Diether, he looked like he was caught red handed while he pursed his lips. Umiling na lang ako at binaling sa iba ang tingin. I wonder if Kiran would join us? Inimbita rin kaya siya ni Ruby?
"Ito ang unang beses na nag-drive ako ng kotse ng iba!" Ruby guffawed then turned the steering wheels in another direction. Halos bumangga sa akin si Mineth at tumalsik naman si Diether sa kan'ya.
"Ito na rin ang huling beses!" Hilap ni Jakob na halos nanghihingi na ng saklolo ang boses. "Ang sasakyan ko, Ruby! Hindi pa ito fully paid!"
Natawa na lang kami dahil pakiramdam namin ay totoo iyon. This experience definitely left a lasting impression that Ruby isn't a good driver!
Nakarating kami sa East Drive na para bang galing sa isang rides sa isang amusement park. Halos magsuka si Diether at Jakob sa kaba siguro dahil sa pagmamaneho ni Ruby. Mineth only fixed her look while combing her hair using her fingers. Kinuha ko naman ang compact mirror ko sa aking purse at tiningnan ang aking itsura. I still. . .looked fine. Naka-itim na blazer ako at puting inner top at isang black skirt na hanggang tuhod ko lang.
Pumasok kami sa loob. . .at ang unang bumati sa akin ay ang sumasayaw na mga strobe lights at tumatama sa aming mga paningin. The sound coming from the DJ was making our heads bobbed almost immediately. Nakita ko rin ang ilan na sumasayaw na sa gitna.
"Nandito kaya si Eastre Zaguirre?" tanong ni Mineth, she sounded giddy and she was flustered.
"Crush mo?" tanong ko agad.
"Crush namin!" Hagikhik ni Ruby. "Siya rin may-ari nito. Pero hobby n'ya lang yata? Mahilig daw kasi mag-party kaya nag-invest sa isang night club! And well, the rest is history. Sumikat itong night club n'ya."
"Paano ka pala nakakuha ng table rito? Mahal nito ah?" tanong ni Mineth at lumingon pa sa mga couches na nasa bandang gitna, hindi enclosed ang mga tables kaya naman nagkakaroon ng paguusap ang mga tao.
"Magkano?" tanong ko kay Mineth. Paghahati-hatian ba namin? Tig-500 kaya ay kasya na?
"Nasa dance floor malapit," sabi ni Jakob at nagsimulang mag-search sa kan'yang cellphone. "Putangina! 60k to 72k ang presyo ng isang table!?"
Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat nang sabihin iyon ni Jakob. Pinanawan naman ng kulay sa mukha si Mineth at Diether pero nanatiling kalmado si Ruby. Bahagya pa nga siyang natawa na para bang hindi kami makukulong dahil wala kaming pambayad! Para sa isang gabi?! Pang-isang taong allowance ko na iyon!
"Fully consumable naman 'yan!" Ruby guffawed then rested her head on Jakob's shoulder. "Ibebenta na lang natin si Jakob pagkatapos namin ma-consume."
"Lugi! Hindi umiinom si Nacia!" atungal ni Mineth.
"At hindi ka man lang tumanggi sa sinabi n'yang ibebenta ako?" Jakob huffed, then frustratedly looked at Ruby. "Huy? Joke ba ito? Uuwi na ba tayo? Parang naging allergic ako sa alak bigla! Grabe rates dito!"
"Chill, bayad na. Reserved na. Uuwi kayong lasing na walang utang, okay?" Ruby said. Hinaglit n'ya ako patungo sa table namin. Madilim ang paligid kaya naman nakaalalay siya sa akin.
"Sino? Ikaw? Saan ka nakakuha ng ganong kalaking pera?" sunod-sunod na tanong ni Mineth. Nakasunod siya sa tinatahak na daan ni Ruby. I was also following her lead.
Ruby shrugged her shoulders. "Kiran got it for me."
Napatda ako sa aking kinatatayuan. I know Kiran was rich but for him to spend that amount of money on a whim. . .for Ruby made me feel like there's something between them. O baka sadyang mapagbigay si Kiran? Hindi nga siya matapobre tingnan pero hindi rin practical na gumastos siya nang gumastos.
Nangunot ang noo ni Mineth. "What's the catch?"
Ngumisi si Ruby. "Wala! Uto-uto lang si Conjuanco. Baka nandito rin iyon mamaya. I invited him but when he heard that Nacia was here, parang ayaw na n'ya yata."
"Bakit?" Lumingon si Diether sa akin. "Inaway ka ba ni Kiran?"
"Hindi?" I gulped. Nagulat din ako sa sinabi ni Ruby. We were okay the last time that we talked. Alam kong bigla siyang nanahimik pero hindi ko alam na may nararamdaman syang kakaiba sa akin.
"Hayaan mo na si Kiran, Nacia," agap ni Jakob at umiling-iling. "He's better when you don't know him. Naiirita si Kiran kapag masyadong inaalam ang buhay n'ya."
Nilunok ko ang bikig sa aking lalamunan. "G-gano'n ba?"
Tumango si Diether. "Kaibigan kami ni Kiran pero hanggang ngayon ay di pa namin siya nakakausap tungkol sa personal n'yang buhay. He's discreet about his family and his background."
My heart lurched out because of that statement. Iniisip ko ang batang Kiran na gumagawa ng sarili n'yang version kung bakit siya nilulutuan ng pancit canton. He creates a story that makes it seem like people were genuinely caring for him. . .it must have been tough for him to grow up without anyone on his side.
"The more you push Kiran to tell you more about himself, the more he grows weary of you," sabi ni Diether. "Kaya nga kakaunti lang ang close n'ya. Ayaw n'ya kasing pinapakialam ang buhay n'ya. He puts walls after walls. Mabilis din siyang mang-cut off."
"Tanungin mo lang siya tungkol sa paborito n'yang kulay, cut off ka na agad," Jakob said then gestured his finger slicing his throat.
"Grabe ang trust issues ni Kuya," sabi ni Mineth. "It makes me wonder what made him act like that?"
Pinanawan ako ng kulay sa mukha nang marinig iyon. I couldn't even clear my throat because it felt like a sandpaper was slowly being shoved into my mouth.
Parang binuhusan din ako ng malamig na tubig dahil napagtantuan ko na halos parang sinalaysay n'ya ang ginawa ko! I intruded too much! I was too comfortable to talk to Kiran! Hindi ko naisip na baka. . .ayaw n'ya pala ang topic na iyon.
Umupo na kami sa isang couch. The night club was saturated with a lot of people. Ang iba ay nakikipagsayawan sa mga di nila kakilala. Some were even putting drinks in the mouths of their companions, isang buong bote ang binubuhos. Napapailing na lang ako lalo na't nakita ko si Ruby na nakikiinom sa table ng iba. Mineth followed her and Jakob joined as well.
"Nacia," Diether sat beside me which made me a bit uncomfortable.
"Yes?"
"Uh, so, tayong dalawa nandito ano?" He stated the obvious which made me annoyed.
Malapit na yata ang 'those days' ko dahil naiirita ako sa mga tanungan n'ya. It was obvious that it was only the two of us now!
"Ah, mag-isa ka na lang yata," I laughed awkwardly then stood. Pumunta ako sa ibang lugar at niligaw ang tingin ni Diether para hindi n'ya ako masundan.
I breathed out a sigh of relief when I was finally out of his sight. Kaso sa sobrang paglingon ko sa aking likuran, hindi ko namalayan ang tao sa harap ko.
"Ah, sorry!" I managed to say as I held my nose. Nalaglag ang salamin ko dulot ng malakas na paghampas ko sa kan'yang likod. Grabe! Ang tigas ng dibdib n'ya!
"Hey, you alright?" sabi n'ya sa matigas na ingles.
Umangat ang tingin ko sa kan'ya. I blinked a few more times because wow. . .his face was straight out of a magazine cover. He had a sharp jaw and high cheekbones but his facial features were leaning towards a regal look. His hair was dyed brown and it stood out even in the dark. May kasama siyang matangkad sa kan'yang likod. I couldn't see his face clearly because. . .my glasses broke.
"Hala?" I looked at my glasses that currently have a broken frame.
"Hala, I'm sorry," he said. "That's my fault. Palitan ko na lang. Can you give me your prescription?"
"H-hala! Hindi na, ako naman yung di tumitingin," sagot ko at bahagyang umiling. Nakakahiya! Iba ang magbabayad sa katangahan ko.
"I insist," he smiled and wow. . .ang gwapo n'ya talaga! He's conventionally attractive!
"Eastre, who's that?" tanong ng nasa likod n'ya.
"Nasira ko glasses n'ya, erps," sabi ni Eastre at napabuntonghininga. "Saan maganda magpagawa?"
"Try mine? It's a bit expensive but lifetime ang repair at linis ng lens," sagot nung kausap n'ya. "Can you see without the glasses on? Ano grado mo?"
Naningkit ang mga mata ko. "Ah, yung huli ay nasa 200 at 250 pa. . .but now I am not quite sure."
"Nakikita naman yung grado kapag nasa optical na siya," sabi nung kausap ni Eastre na naka-salamin din. "Also, almost yearly ang pagtingin sa grado ng salamin. It's better if she can have her eyes checked, kung tumaas man."
I squint my eyes. Bakit pareho silang gwapo? Ganito ba kalabo ang mata ko ngayon? Na lahat ng nasa paligid ko ay gwapo at maganda sa aking paningin?
"Thanks, Cal." Ngumisi si Eastre. "Ah, so, what's your name? Okay lang ba ipapa-deliver na lang sa 'yo new glasses mo? Or want mo samahan pa kita magpagawa ng bago?"
"Kaya pa naman ng tape yung glasses ko. . ." mahinang untag ko at nahihiyang binawi ang aking mga salamin. Yet, Eastre's hold on my broken glasses was tight as if he didn't want to give it back to me.
"Hindi, I insist talaga," sabi ni Eastre at ngumiti. "It was my fault, anyway."
Magaan ang loob ko sa kanilang dalawa habang nagkakaroon kami ng usapan tungkol sa kung saan-saan. They didn't force me to drink and Eastre even ordered a non-alcoholic beverage for me. Malayo kami ngayon sa dancefloor at sumisilip ako sa cellphone ko kung sakaling may mag-text sa akin.
"Sup, East?" Someone greeted Eastre who was trying to pave the way for us. Sumunod lang kami ni Cal. Papunta kami sa mas di mataong lugar parte ng nightclub.
"Hi," Eastre smiled a bit.
"Eastre, invited ka sa birthday party ni Ruth ah, don't forget. Inalay na kita roon." Halakhak ng isa pa.
Eastre shrugged. "I'll try. Saan ba?"
"Okada lang," he answered back.
Napalunok naman ako. Okada lang? Parang hindi siya nag-drop name ng isang kilalang hotel! Ganito ba talaga mag-usap dito?
"Buti hindi siya napapagod makipagusap," I said in the midst of walking towards the exclusive room.
Eastre was talking to everyone eagerly. Hindi nawawala ang tipid n'yang ngiti at mga bati. Yet, everyone flocked on him as if he was bread and all of them were hungry birds. Takaw atensyon siya masyado. I do get the people though, he was good looking and he looks friendly.
Ngumiti si Cal. "Kapagod ano? Isa pa lang ang kinakausap ko ngayong gabi pero pakiramdam ko ay antok na ako."
I laughed a bit. "Same. Kaso ay may hinihintay pa ako. . .saka may kasama talaga ako. Baka nga mamaya-maya ay uuwi na kami."
I was trying to find my friends among the crowd but there was no sign of them. Malayo na rin kasi talaga ako sa dance floor kaya naman duda akong magkikita kami agad. I messaged them just in case they were looking for me. I also attached my location so they'll see.
"Okay," Cal timidly smiled. "Pahatid ka na lang sa amin kung sakali mang nauna na mga kasama mo. You can share locations or even take a picture of our car plates then send it to them."
Bahagya akong umiling. That would be too much!
"Okay na po ako," pagtanggi ko. "Hahanapin ko na lang po yung mga kaibigan ko mamaya."
My phone beeped. Agad ko itong sinilip at nanglaki ang mga mata nang makita ang pangalan ni Kiran. This is the first time that he texted me this week.
Kiran:
saan ka?
Nangunot ang noo ko. Susunod ba siya rito? Or is he already here? Baka nga sumunod talaga siya tulad ng nabanggit ni Ruby. My thumbs hovered over the screen to create a response.
Nacia:
Nasa East Drive kami.
Kiran:
i know.
nandito rin ako.
i'm asking specifically,
nasaan ka rito?
i can't find you.
Nacia:
Malayo ako sa dance floor.
Pero nand'yan pa yata sina Ruby at ang iba pa.
Kiran:
i don't care about them.
ikaw ang pinunta ko rito.
A smile flitted across my lips. Agad akong nagtipa ng isasagot sa kan'ya.
Nacia:
Aww, thank you. ^^
Okay naman ako, may kasama akong dalawang lalaki sa isang exclusive room dito. Di ko kasi mahanap sina Ruby.
Kiran:
may lalaki kang kasama?
at dalawa pa????
Nacia:
Yes!!! Sobrang bait nila. ^^
Hindi na nag-reply si Kiran matapos iyon. Maybe he was trying to find where the exclusive room is. Lumingon naman ako kay Eastre at Cal na ngayon ay may pinaguusapan.
"Wala si Ryker?" tanong ni Cal habang lumilingon sa paligid. "Himala yata? O nauna na bang umuwi dahil may babae na?"
Eastre shrugged. "Wala ah? Tingin mo sa friend natin? Kaladkaring lalaki?"
"Lalaking para sa lahat lang," Cal bluntly said which triggered a laughter from Eastre.
Umiling-iling si Eastre. "So mean, erps. Pero nagaaral siya ngayon. May exam yata tomorrow eh. Alam mo namang he's grade conscious."
Pinagtatagpi-tagpi ko ang usapan nila. I concluded by the end of it that their friend, Ryker, didn't come here because he was studying. Siguro siya ang pinakamatino sa kanila dahil inuuna nya ang pagaaral bago ang p-um-arty.
"Ikaw ba si Eastre Zaguirre?" tanong ko kay Eastre. O baka naman kapangalan n'ya lang? But his name is a bit unique so I'm not quite sure as well.
"Yes? Why?" He chuckled. "Kanina pa tayo magkasama pero ngayon mo lang ako nakilala?"
"I'm not following trends that much," sagot ko sa kan'ya. "Binubuksan ko nga lang ang Facebook ko para tingnan sa mga posts kung suspended ba ang pasok o hindi."
Eastre laughed. "Cal oh, bagay kayo. Pareho kayong for academic purposes lang ang social media."
Cal frowned upon hearing Eastre. "Huy, tumigil ka nga."
"Wala naman yatang boyfriend si. . ." Eastre peered over me, waiting for me to tell my name.
"Nacia," I said. "Uh, wala akong boyfriend pero may crush ako."
Eastre pursed his lips. "Wala bang binatbat si Cal sa crush mo? Sino ba crush mo? Baka kilala ko?"
Umiling ako. "Duda po ako."
"Really? Drop a name," he challenged.
"Kiran Conjuanco," I said.
Ngumisi si Eastre. "Yup, kilala ko. Crush mo siya? Does he feel the same towards you?"
The question stabbed me thoroughly, making me feel like my insides were bruised. Hindi ko alam. Kailangan ba ay crush n'ya rin ako?
"H-hindi."
"Bakit hindi? Cute ka naman," Cal said, frankly. My eyes widened a fraction upon hearing that from him.
Lumingon si Eastre at may sumilip na ngiti sa kan'yang labi. "Type mo?"
"Hindi." Umiling si Cal at bahagyang namula. "I mean, she's cute and all! Pero she's not. . ."
Ngumisi lalo si Eastre at lumingon sa akin para lapitan ako. "Why settle with a Conjuanco? Papakilala kita sa Altreano."
I was supposed to protest. Hindi naman pangit si Cal pero ayoko sa masyadong mabait. Gusto ko yung babastusin din ako minsan. . .o magpapa-baby sa akin! Si Cal kasi. . .hindi ko masabi pero parang magkakahiyaan sila ng babae kung sakali mang may mangyayari sa kanila. He had that vibe in him. Masyadong mabait para hubaran ka.
My head was being filled with possible realities of Cal being with me and none of them made me happy. Pakiramdam ko talaga ay hindi kami bagay tulad ng sinasabi ni Eastre. I could only ever see myself with a Conjuanco.
Hinaglit ni Kiran ang kamay ko at napapunta ako sa kan'yang dibdib. My heart lurched after smelling his manly scent. I miss him. I looked like an overripe tomato right now.
"Fuck off," Kiran groaned at them. He sounded pissed off.
Umangat ang tingin ko kay Kiran. It was as if a vein on his temple was about to tick. Kita ko ang iritasyon sa mukha n'ya kahit nakangisi n'ya.
He was wearing a long-sleeved black polo shirt and black slacks. Bukas ang unang butones nito kaya sumisilip ang kakisigan n'ya. His hair was a bit damp, pero dumagdag lang ito sa kan'yang appeal. He was panting so I guess. . .he ran towards here.
Cal looked flustered as if he was caught in the wrong way. Naaawa ako kasi mukhang gusto n'yang mag-explain pero mainit na ang ulo ni Kiran. Kaya nanahimik na lang siya. He looked like a scolded dog.
Eastre chuckled playfully. "Kiran! What a harsh entrance. Kilala mo pala siya?"
"Yes," Kiran answered promptly. "At aalis na kami."
"Why naman?" Eastre smirked dangerously, as if challenging Kiran. "Cal was trying to get to know her more."
"H-huy, hindi!" Cal protested. Nakita ko ang bahagyang paglunok n'ya. "H-hindi talaga. Studies f-first talaga ako. Ayoko pa mag-girlfriend. Magagalit parents ko."
Kiran clenched his jaw while I stared dumbfoundedly at Cal. Totoo ba iyon? O sadyang may joker side lang talaga siya?
"Sumakay ka na lang," Eastre hissed at him.
"Baka a-ako kasi yung masapak," Cal said in a low tone. "Hindi naman ikaw yung bubugbugin kung mapikon 'yan eh."
"Kiran's not violent," sabi ni Eastre.
Napalunok si Cal. He looked scared for his life. "Saka ko 'yan mapapatunayan kung hindi ako uuwing violet ang mukha mamaya."
"We're going," Kiran said in a dangerous tone. Humigpit ang hawak n'ya sa akin na para bang ayaw na n'ya akong mawala sa paningin n'ya. "Di pa tayo tapos, Zaguirre. I'll talk to you as soon as Nacia is home."
Eastre smiled at him knowingly. "Is that a challenge? You're giving away your pain points. Mabilis kang matatalo n'yan, Conjuanco. Scared that another Altreano will score again? Talo ka rin ba tulad ni Kile?"
Kile? Who's Kile? At saan siya natalo?
Ngumisi si Kiran sa kan'ya. "I am not Kile. I am not selfless. Sakim ako sa pagmamahal at hindi ako papayag na masaya ang lahat maliban sa akin. I'll burn this fucking world if it doesn't let me have my happiness."
Unti-unting pumanaw ang ngiti sa labi ni Eastre. He looked blankly at Kiran, instilling that Kiran had a point. Tanggap na siguro ng lahat na masama ang ugali ni Kiran. Si Kiran nga mismo ay may self awareness dito.
Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Kiran. He intertwined our fingers together, a spurt of bliss slowly coursing through my body because of his touch. Tumitig sa akin si Kiran. He licked his lower lip before talking to Eastre again.
"Don't ever compare me to Kile," anas ni Kiran at tumitig sa akin, tila nangungusap ang mga mata. "Kasi kung siya. . .kayang panoorin ang taong mahal n'yang may mahal na iba—ako hindi. If I have to fucking beg for her to choose me, I'll fucking drop on my knees in a second."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top