Chapter 7



Chapter 7

. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊

I would like to remind myself that life is like a script; I can still revise it so long as it is still not being acted on set or stage. I can still change and work on myself as I improve the lines written on the script of my life.

I looked like a shrimp as I grimaced and folded my body to ease the pain on my lower abdomen. Hindi kami natuloy ni Kiran sa panonood dahil halata sa mukha ko ang iniindang sakit ng puson. Nakahiga lang ako ngayon sa kama ko at nagpapahinga.

Ang hirap talaga maging babae.

I looked at my phone and saw some new tweets from Kiran. I'm following his account, hindi ko alam kung nakikilala n'ya ba ako dahil hindi naman n'ya pina-follow pabalik. I don't mind though.

Kiran @klconjuanco
sana tigilan na nya ako, mabubuntis talaga to sa ginagawa nya. 😹

Kiran @klconjuanco
di ba siya natatakot? pangarap ko maging batang ama since grade 2
proof:

Nangunot ang noo ko nang makita ang naka-attached na drawing sa tweet n'ya. I saw a girl replying to his tweet.

Lotte @mcharlottevilarde
kung ako yung babae, ako yung matatakot sayo, gago. anong 3 girls and 2 boys ONLY?! IKAW NA LANG MANGANAK

I agree! Ang dami naman nung gusto ni Kiran! Napanguso ako at inisip kung kakayanin ko ba ang gano'ng kadaming anak? With this economy? Isa nga lang ay parang ang hirap na. Bukod doon ay iniisip ko kung emotionally stable ba kami kung sakali? I don't want my children to carry my emotional baggage. Hindi ko sila dadalhin sa mundo para lang masaktan. It's the least that I could do to my own flesh and blood.

Pero bata pa naman siya no'n, siguro naman ay nagbago na ang pangarap n'ya sa buhay. . .o baka mas dumami pa ang nasa isip n'ya ngayon?

Napa-iling na lang ako. That isn't my problem anymore! Hindi naman siguro ako ang bubuntisin ni Kiran. I doubt he would be interested in me. Pero napapaisip din ako kung bakit mabait siya sa akin? Kung magaspang naman talaga ang pagu-ugali n'ya sa lahat?

He's a known snob so I couldn't help but feel the butterflies inside my stomach because he treats me with gentleness. When I was in his condo, he took great care of me. He was attentive and he even made sure that I was comfortable.

Maybe he's really kind. . .madalas lang siyang ma-misinterpret ng mga tao. Hindi ko alam kung bakit? Did they already have a prejudice against him from the start? Kung oo man, gusto ko malaman kung ano iyon at anong dahilan?

I scrolled through my feed until I felt my eyelids slowly turning heavy. Dinadapuan na rin ng antok. I finally rested my eyes as I let my thoughts finally calm as well.

. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊

Kinabukasan ay kinakabahan ako nang makita ang malaking poster sa labas ng isang auditorium. Professor Pablo Bello Mercado is already inside with a few students for his workshop. Naririnig ko ang sumasabog n'yang boses sa speakers na malapit sa may pintuan. Hawak-hawak ko ang form kung saan nakalagay na isa ako sa mga inimbitahan ni Sir Pablo Bello sa kan'yang workshop. Kiran got this for me because apparently the slots on their block weren't filled yet.

Doon ko napagtantuan na binibigyan din pala ng tuon ng mga film students ang script. Akala ko ay mas naka-angkla sila sa cinematography o direksyon ng pelikula. Nawala sa isip ko na kung minsan ay sila na nga pala mismo ang nagsusulat ng sariling script nila.

"May script writing kayo na subject?" tanong ko kay Kiran na ngayon ay nasa tabi ko lang. It was a question just to confirm my hunch.

He was towering over me, kahit naka-heels ako ay lamang talaga ang height n'ya sa akin.

"Yes," he shrugged. Sumilip siya sa may auditorium. "Hindi pa ba tayo papasok? Start na yata."

I looked at Kiran and noticed his outfit. My eyes locked in with his entire appearance as I tried my best not to hitch and keep my breathing steady. Ang gwapo-gwapo ni Kiran. He was only wearing a dark blue plaid polo shirt with a white shirt underneath it and simple black cargo pants. He didn't put in a lot of effort but he can capture all the attention so easily. Kuhang-kuha n'ya talaga ako! Idagdag pa na mullet ang buhok n'ya. . .at singkit siya.

Parang okay na ako sa limang anak na gusto n'ya dahil ang ganda ng genes n'ya talaga. I blushed as I realized the process of my thought. Thank goodness, Kiran can't read minds! Baka kanina pa siya tumakbo papalayo sa akin! Isipin n'ya pa na bubuntisin ko siya! I mean—na pinagnanasaan ko siya!

"Nacia?" tawag n'ya sa atensyon ko. "Papasok na ba tayo? O may kailangan ka pa?"

"Kailangan kita?" I blurted out, still engrossed with his captivating appearance.

Kumunot ang noo n'ya at bahagyang nagtaas ng kilay. "Ano?"

Tumikhim ako. "Ikaw? Baka may kailangan ka pa?"

He looked at me, completely puzzled. I almost groaned inwardly. Nakakahiya naman na wala ang atensyon ko sa workshop kung di nasa itsura n'ya ngayon! He was too handsome to stare at.

"Ahm, tara na nga," I chuckled nervously, kinakabahan na baka lalo ko lang mapahiya ang aking sarili kung hindi pa kami papasok sa loob.

Tumango lang si Kiran ngunit nanatiling nakatingin sa akin. I often wonder if Kiran is always. . .available for most people. Inaasar siyang 'elusive' ng mga kaibigan ko pero parang kaladkarin naman siya pagdating sa akin. He always makes time when I need him the most. Kaya naman pinagtataka ko ito. . .I don't want to name it yet. The feeling of being bathed in his presence and taken care of is something that I truly appreciate.

I trust my reading comprehension. It was easy to navigate the patterns of a written piece. Pero ang emosyon at aksyon ng isang tao, it was hard to decipher for me. I didn't also want to conclude or assume anything unless they said so themselves; because sometimes I think of the worst case scenarios first so I wouldn't put my hopes up. Kung papapiliin ako kung mauuna ang bad news o good news, palaging bad news ang ipapauna ko para naman may kaunting saya pa rin na mararamdaman dahil may 'at least' ang good news.

Sinipat ko ang stage kung nasaan ang mga estudyanteng kasama sa workshop. Naroon na rin ang ilan sa mga kaklase ko na inunahan ako sa pag-fill up ng form. I tugged Kiran's shirt for us to go far away from them. Ayoko na magkaroon pa sila ng iisipin dahil naiintriga sila kung paano ako nakapasok kung ubos na ang slots para sa amin.

I could say that I was someone else's plus one and they would conclude that it was Kiran who brought me here. Papasok na sa ideya nila na may namamagitan sa amin Kiran. . .na kung tutuusin ay wala naman talaga. We're movie buddies? Hindi ko pa sigurado dahil hindi ko nga alam kung kaibigan na ba ang tingin sa akin ni Kiran.

"Bakit?" Kiran whispered in my ears, he had to bend a bit because of his height.

Pakiramdam ko ay nag-init ang aking tainga. His breath feels warm. . .

"Dito na lang tayo umupo," yakag ko sa medyo malayo na upuan. Malabo ang mga mata ko pero malinaw naman ang aking mga tainga. Even from afar, I know I would understand Pablo Bello's lecture.

"Alright," Kiran nodded. Giniya n'ya ako patungo roon at naunang nagtungo sa mga upuan na tila ba sinisigurado n'ya muna na okay ang madadaanan ko.

It was futile from the start because of this human being beside me. Napalingon sila sa amin at halos mabali na ang mga leeg dahil lingon na nang lingon. It was as if to double check if Kiran was really that good looking. Baka dahil sa madilim na parte lang kami naka-upo pero kapag sa pangatlong beses na ay halata na ang pagiging pula ng kanilang mga pisngi. I could even hear the audible snickers of the men in front. Halatang naiirita dahil may dala akong gwapo.

Napanguso ako.

Magso-sorry ba ako na nakaka-distract ang pagmumukha ni Kiran? Eh, mukha naman n'ya iyon. It isn't his fault that he was born to be pretty and masculine at the same time.

Sinikap kong pagtuunan ng pansin si Sir Pablo Bello na naka-simpling green na polo shirt at maong na pants lang. He already has a crown of aging, pero mas marami pa rin ang itim n'yang buhok. Malaki ang ngiti sa kan'yang labi habang may hawak na papel na may illustration na parang diagram. If I recall, nasa thirties pa lang si Sir Pablo Bello pero pakiramdam ko ay ang tagal-tagal na n'yang nagsusulat. Kilala siya sa larangan ng screenwriting.

"Hindi ko alam kung saan magsisimula sa pagtuturo sa pagsusulat," halakhak n'ya at napakamot pa sa kan'yang ulo. "Gusto kong sabihin na may right naman na akong magturo dahil ilang pelikula na ang nagmula sa mga scripts na nasulat ko, pero hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay estudyante pa rin ako ng pagsusulat. Hindi ako nagiging master nito. Ako ang alipin ng mga salitang pilit pinapalabas mula sa akin."

My lips parted as soon as I heard that from him. Ibang klase ang paghabi n'ya ng mga salitang ilalabas mula sa kan'yang bibig. It felt like it was comforting me as I held on to my pen to write. May dala akong ballpen at maliit na notebook.

"Maybe the truth was, we can never teach writing in life. . .because life is the one who will teach us how to write." Ngumiti si Sir Pablo Bello at nagulat ako nang lumipad ang tingin n'ya sa dako namin ni Kiran.

I blushed and looked away. Nakakahiya pala ma-late sa mga workshop! Pakiramdam ko ay nasa isang classroom kami at late ako ng isang linggo! The shame was burning inside me.

"May mga bago pala kayong kasama rito," sabi n'ya at binigyan kami ng isang matamis na ngiti. "Lumapit kayo, mga anak! Huwag kayo d'yan dahil madilim! Sayang naman ang kagwapuhan at kagandahan n'yo kung itatago natin."

"Mabibigyan ko lang kayo ng payo pero hindi ko kayo matuturuan magsulat, kayo mismo ang matututo no'n para sa mga sarili n'yo," dagdag ni Sir Pablo Bello at ngumiti.

Nagsimula ang workshop namin ng bigyan kami ng kan'ya-kan'yang papel. Hindi kami maaaring sumilip sa papel ng iba. Agad na bumuhos ang kaba sa akin nang makita ko na nagsisimula na sila magsulat. Ang iba ay sobrang bilis na para bang kabisado na nila ang mga isusulat nila, ang iba naman ay humihinto-hinto pero may nasusulat pa rin, at si Kiran na dinamay ko lang naman ay kahit paano gumagalaw ang kamay sa pagsusulat.

I sighed to myself. Tiningnan ko ang prompt na binigay. What is the story inside you that you can't wait to write?

Sumagot ako sa utak ko na para bang isa akong artista at kaharap ko si Tito Boy. There was a spot light on me as I started to write my answer, being engrossed on what I'm itching to write.

It's about a cynical director and a hopeless romantic script writer. They had to write a love story, which was easy for the script writer because she was full of love. Pero lahat ng gusto n'ya ay sinasangga ni director. It didn't help that this was her first film to make and probably her first heartbreak as well. . .

Eh, ano naman ngayon?

Naisulat na siguro 'yon. Maraming grumpy x sunshine na tropes sa mga romance books ngayon. There was a dull pain forming behind my forehead. Bigla akong pinalibutan ng mga maaaring mangyari sa storya na ito. What if the script writer falls in love with the director and he betrays her by shelving her script? O kung si director naman ang ma-in love pero may boyfriend pala si script writer?

What is their conflict? Hindi p'wedeng banters lang ang magiging problema nila. The source of conflict can also be based on their differing views but it should be more profound. Parang ang babaw kasi kung gano'n lang? Dahil lang sa optimistic si script writer at pessimist si director? What sets them aside? Hindi ko alam. Parang sinasabawan ang utak ko.

"Tapos na ba kayo?" Tumayo si Sir Pablo Bello at sinilip kami. Most of them raised their hands proudly. Samantalang ako ay nanatiling nakayuko. Para akong estudyante pumasok sa isang exam na walang review. Nahihiya ako dahil pakiramdam ko ay hindi tapos ang ginawa ko.

"Summary lang naman po 'di ba?"

Tumango si Sir Pablo Bello. "Yes po. Kapag tapos na kayo ay p'wede n'yo na siyang ikwento sa harap ng mga kasama n'yo rito."

Nanglaki ang mga mata ko at bahagyang nilamig. We'll have to share our written pieces in front? Napalingon ako sa papel ko. Hindi pa tapos ang sa akin! At hindi ko alam kung maganda ito!

"Nacia," tawag ni Kiran at nilapit ang mukha sa akin. "Tapos ka na ba?"

Napasinghap. "Yes! Sorry, may iniisip lang ako."

His lips protruded a bit. "P'wede namang ako ang mauna para magka-oras ka pa magsulat. Take your time, Nacia."

Ngumiti lang ako sa kan'ya.

Tumayo na si Gemma, isa sa mga campus journalist namin. I know her despite not being in BA Creative Writing, she's active when it comes to writing papers for our school. Sa pagkakaalam ko ay nasa UAC SIKLAB siya. Maganda siya kaya naman mabilis din tatatak ang mukha n'ya sa mga nakakasalamuha n'ya.

"Hi everyone! My name is Gemma." Ngumiti siya sa amin, her smile was contagious as she fanned herself. "I am about to share the story that I've written for this master class. It's about Rosalina, an indigenous woman fighting for the rights for their land. Mas gusto kong buksan ang kaisipan ng sanlibutan sa mga kababayan natin na nakatira sa mga bundok. Most of them are underprivileged and are not being informed by our government when they create laws that can affect them. Gusto kong rin i-promote ang kaalaman ukol sa Indigenous Peoples' Rights Act of 1997."

Halos maging detachable ang baba ko dahil nalaglag ito. Napamura ako sa isip ko dahil bakit siya ang nauna!? Kung alam ko lang na gan'yan kalalim ang isusulat n'yang storya ay sana ako na ang naging unang alay! Naipresinta ko na sana ang corny na love story ng isang director at isang script writer! Hindi na nagtatahip ang puso ko sa kaba ngayon!

"P'wede bang mag-call a friend?" Naiiyak kong saad. Ang corny talaga ng naisip ko! Walang kapuri-puri!

Natawa si Kiran na nasa tabi ko. "Why? Natatae ka ba?"

"Hindi!"

"Mukha kang natatae," sabi ni Kiran. "Hindi ka mapakali sa inuupuan mo ngayon."

"Kabado ako eh." I sighed, exasperatedly.

Nagsipalakpakan ang mga ibang naka-upo na nakikinig kay Gemma. Her plot isn't unique for some but the way that she wants to deliver it is commendable. Halatang pinag-aralan n'ya muna bago n'ya isulat. She thanked them and took her seat. Tumayo naman si Faustino, isa ring campus journalist.

I was preoccupied, trying to finish my story. Kailangan may problema sila. . .pero hindi ko sila kayang gawan ng problema. I feel like they were my children and giving them problems that they need to face is an ultimatum of betrayal.

"Gumawa ako ng character sheets, world map, at sa tingin ko ay aabot ito sa tatlong libro. Gusto ko makagawa ng parang sa Encantadia pero hindi mga diwata kung di mga aswang. Gusto ko makagawa ng lore nila," kwento ni Faustino habang ipinapakita sa amin ang ginawa n'yang storya.

Akala ko ba 'on the spot' ang gawain na ito?! At this point, sana pala ay hindi na ako um-attend dahil parang mapapahiya lang ako. All of them had good ideas to share, good stories to create, and the resolve to write it. Samantalang ako ay hindi alam kung ano ang magiging problema ng dalawang bida ko.

My heart raced once again. Daig ko pa ang tumungga ng isang pitcher ng kape! Kabadong-kabado ako habang paunti-unti silang nagpe-present ng mga storya nila.

Parang gusto ko na lang biglang himatayin para lang hindi makapag-present! O di kaya ay gisahin na lang ako sa isang research defense kaysa rito!

"Ako na muna ah," Kiran gently placed his hand on my shoulder. Nagulat ako nang bahagya n'ya itong pisilin. "Huwag ka masyado kabahan. You'll do great."

"Mas magaling sila," I confessed while biting my lower lip. "Hindi gano'n kalalim o kalawak ang naisip ko na plot."

A part of me feels that my story cannot be compared to the stories that they have in mind. Pakiramdam ko ay mas marunong na sila magsulat sa akin o mas magandang kwento ang kaya nilang ihain. Ang sasabihin ko pa lang ay matagal na nilang ginawan ng aksyon. Parang may karera pero sila ay tumatakbo na samantalang nasa bahay pa ako at tulog.

Ngumisi si Kiran sa akin. "I promise I won't let you feel embarrassed."

Tumayo na si Kiran at pumunta na sa harapan. Pinakita n'ya ang papel n'yang walang. . .laman.

"Ikukwento ko yung storyang hindi ko sinulat," sabi ni Kiran nang deretso. All of them looked like they were confused.

"Hijo?" Natawa si Sir Pablo Bello.

"I didn't write anything," sabi ni Kiran. "Pero may kwento ako."

"Go on," saad ni Sir Pablo Bello.

"Kwento po ito ni Acia at Keeran," panimula ni Kiran na halatang gumagawa lang ng kwento.

Nanglaki ang mga mata ko sa kan'ya. Isn't that our name!? Medyo binago n'ya lang ah?

Sir Pablo Bello widened his eyes. "Oh? Ahm, sige. Ano ang kwento nila? May title na ba 'yan?"

Umiling si Kiran. "Wala pa. Pero magkaka-title man, siguro ay sandok ang magiging title."

"Bakit sandok?"

"Basta, panoorin na lang nila," Kiran shrugged. "P'wede na ba ako mag-kwento?"

Tumango naman si Sir Pablo Bello, he seemed to be amused by Kiran's story. Kahit ang ilan sa mga estudyante ay nakatitig lang kay Kiran. It was probably because he was good looking and he looks mysterious if you don't know him.

"Ang storya ay tungkol sa quest nilang magka-anak ng lima," Kiran said, nonchalantly.

Lahat kami ay naalarma. Anong limang anak!?

"Ang conflict ay masyadong wild si Acia at gusto n'yang kada anak ay sa iba't-ibang position mabubuo—"

"Kiran!" I yelled as my cheeks flushed. Ako pa talaga ang wild?! Ni hindi ko nga naisip na aabot sa lima ang anak namin—o anak ni Acia at Keeran!

He looked at me innocently. He licked his lower lips then a boyish smirk plastered on his lips. "What? Anim ba gusto mo? Damihan ko pa ba?"

I widened my eyes as I shook my head. He is being too playful! Mamaya ay maniwala ang mga nakakarinig sa kan'ya na balak namin gumawa ng factory ng bata!

"May gusto ka bang idagdag, Nacia?" tanong ni Sir Pablo Bello na halatang nasisiyahan.

Unti-unti akong napailing at bumalik sa pagkaka-upo. I can't believe that they're letting him spew nonsense! Halata naman na walang sustansya ang kinukwento n'ya! Parang kwentong panglasing eh!

Sinimulan ni Kiran ang pagkukwento ng. . .napaka-bulgar na scenes. Halos panawan ako ng kulay dahil dito. Bumunghalit ang tawanan ng mga tao dahil seryoso ang mukha ni Kiran pero puro kalokohan ang nalabas sa bibig n'ya. Para siyang nagle-lesson ng sexual positions sa harap namin ngayon!

Napasinghap si Kiran. "Feeling ko naman bebenta ito sa takilya basta lalagyan ko lang ng 'based on a true story' sa poster."

Lalong uminit ang pisngi ko dahil sa narinig. I never thought Kiran could embarrass himself in front of so many people! Ako na lang ang tinubuan ng hiya para sa kan'ya.

Pero naantig ang damdamin ko dahil. . .kaya n'yang ipahiya ang sarili n'ya para lang hindi ako ang mapahiya. The thought lingered on my mind like an elephant in the room.

No'ng ako na ang tinawag ay lalong umangat ang kaba sa aking dibdib. Ilang beses akong nag-breathing exercise bago pumunta sa harap ng nilang lahat. I decided to far away and ahead instead of the audience itself.

"So, Nacia? What's your story?" tanong ni Sir Pablo Bello.

"I want to write about a director and a script writer. . ." panimula ko at ngumiti. "The premise is simple. Si girl, the script writer, loves romance. Si boy, the director, hates romance. They had to collaborate over a film and it's going to be a love story."

Wala akong narinig na palakpakan. Ni wala man lang bulungan. The silence was deafening that I can feel my ears ringing, para bang sumakay ako sa isang elevator na may forty floors.

Kiran harmoniously clapped. "Baka classmate ko 'yan!"

I glared at him while pouting. Hindi naman n'ya ako classmate! Pero dahil sa pagpalakpak n'ya ay natawa si Sir Pablo Bello kaya nagsipagtawanan na rin sila.

I didn't receive a lot of praise for my story. Ang iba nga sa kanila ay tila hindi nakinig sa pag-kwento ko. Hindi ko alam kung dahil ba ako na ang panghuli o sadyang hindi nakakakuha ng atensyon ang sinulat kong storya.

I was gathering my things when Sir Pablo Bello went over to us. Agad na hinarap namin siya ni Kiran. Kinabahan pa ako dahil baka pagalitan kami. I know that we weren't as serious as those who presented first.

"Acia and Keeran?" biro ni Sir Pablo Bello. "I'm joking! Nacia and Kiran, hindi ba?"

"Yes po," sagot ko. Tumango lang si Kiran sa kan'ya.

Ngumiti si Sir Pablo Bello at binaling ang tingin sa akin. "I heard about your story. Interesado ako sa premise. Maybe you can work on it? As a script? Sayang ang potential ng storya kung hindi mo susubukan, Nacia."

My cheeks slowly crept red. "Po? Hindi pa po ako marunong gumawa ng script."

It was the truth. Hindi ko nga rin masasabi na p'wede ako bilang editor. Kung si Mineth pa siguro ay hindi na ako magtataka pero ako? I was far from being a proper writer. Marumi pa ako magsulat kumpara sa iba.

"I can help you with that," sabi ni Sir Pablo Bello. "We can meet during the weekends. P'wede kang sumama, Kiran. Alam ko naman na baka bonding time n'yo ng jowa mo ang weekends."

Jowa?

"Hindi naman po kami busy," sagot ni Kiran. Hindi itinatanggi na jowa n'ya. "And I'll make time for her."

"So, it's good? See you on the weekends, Nacia." Ngumiti is Sir Pablo Bello. "Among all the stories being presented a while ago, I can feel that your story had the potential to be a full featured film."

Kumabog ang puso ko sa narinig. Pakiramdam ko ay napawi ang lungkot ko kanina. I feel bad because most of the stories presented earlier had unique plots and were more entertaining than mine. Pero ayaw ko rin ipagkait ang kasiyahan nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Sir Pablo Bello.

"Hindi pa po siya sobrang pulido tulad ng sa iba," I told him, clearly hesitant. "Hindi ko pa nga po alam ang conflict."

"Ano bang sugat ng mga characters mo?" tanong n'ya sa akin. He tilted his head.

"Po?"

"Minsan ang conflict o problema ng isang storya ay magmumula sa kung saan mahina ang karakter mo. Sa sugat n'ya magmumula ng kagustuhan na maghanap ng lunas. Kung walang sugat, walang lunas—walang mabubuong kwento. Baka kaya ka nahihirapan?" Ngiti n'ya.

"Paano po kung walang sugat?" I asked.

Lalong lumawak ang ngiti n'ya. "Edi sugatan mo. You are the writer, Nacia. You know where the pain points of your characters are located, use it well."

What he told me made me rethink my choices for the script. Baka kailangan ay may hindi sila pareho na tingin sa isang sitwasyon. Kadalasan naman talaga ay misunderstanding ang nagiging dahilan kung bakit may hiwalayan. Maybe. . .I could insert passion and practicality for the story. Totoo naman na iba mag-isip ang isang artist na mayaman sa isang artist na salat sa salapi.

Hinatid ako ni Kiran malapit sa dorm ko. He can't go inside because his car is too big. Lumingon ako sa kan'ya para magpasalamat. Tinanggal ko na ang pagkakakabit ng seat belt sa akin.

"Thank you for today," sabi ko at ngumiti. "Sana nag-enjoy ka."

"Okay lang," he shrugged.

Kumunot ang noo ko at napakapit sa aking totebag. "Bakit? Hindi ka ba interesado? Ayaw mo ba talaga sa mga gano'n?"

Lumingon siya sa akin. I was captivated by his dark eyes. He was never expressive, pero tila ba nangungusap ang mga mata n'ya ngayon.

"Hindi naman talaga ako interesado sa gano'n," he confessed, almost in a whisper, as he stared at me. "Sa 'yo lang naman ako interesado."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top