Chapter 38
Chapter 38
. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊
Mainit, masikip, at kung maswerte ka talaga ay walang kutson ang mga jeepney na p'wede mong masakyan. Sa LRT o MRT, parang palagi kang nakikipagsapalaran sa Train to Busan kapag rush hour. Kaya naman naiintindihan ko yung iba na kotse agad ang naiisip na unang ipundar dahil walang pag-asa ang commute sa Pilipinas.
When I heard that Kiran started to commute because of me, hindi ko lubusang maintindihan kung bakit? No'ng una ay naisip kong dahil makipot ang daan patungo sa dorm ko noon. Pero hiwalay na kami halos nung natuto siya.
I was dazed as I went inside the lift. Kilala na ako sa lobby, kaya naman dere-deretso na ako sa pagpasok. Napasandal ako habang tuluyang umaakyat ang elevator patungo sa floor ni Kiran. Dahan-dahan akong lumabas at ilang beses pang binilang ang mga hakbang patungo sa kan'yang unit.
It was as if he was anticipating me, umangat ang tingin ko nang marinig ko ang langitngit ng pintuan. He opened the door for me and he had a gentle smile on his face upon seeing me.
"Hi. . ." Kiran uttered, his hair was a bit wet. . .mukhang kakaligo lang n'ya dahil may tuwalya pa siya na nakasabit sa kan'yang balikat.
"Kiran. . ." Napalunok ako. "Marunong ka ba mag-commute?"
"Ha? Bakit?" He blinked at me, his eyes wavered as if he was unsure why I was asking him.
Napangiti ako. "May gusto kasi akong puntahan pero. . .hindi ko alam kung paano pumunta roon? Marunong ka ba sa mga daan? Sa LRT?"
I wanted to know if it's true. Kung kaya ba n'ya talaga ang mag-commute nang dahil sa akin?
Kiran's lips parted as he blinked, parang ilang segundo ang lumipas bago siya tumango.
"P'wede naman kita ihatid na lang. . ."
"Gusto ko sana commute. . .dahil wala naman akong kotse at gusto ko malaman ang daan patungo roon kapag LRT ang gamit," I reasoned out. Sometimes, I'm glad that I'm a writer because I can think of excuses like this.
He nodded slowly. "Alright. Alam ko naman ang mga dadaanan ng LRT."
Doon pa lang ay kinutuban na ako kung bakit marunong siya mag-commute. Yet, I wanted to fill my curiosity. Kaya naman pumunta agad kami sa LRT Station na malapit sa aming dalawa, ang pinagtataka ko pa ay alam n'ya rin kung magkano ang fare ngayon sa Jeepney. . .it made me think that he's really a commuter.
"May beepcard ka ba?" tanong ni Kiran sa akin.
Umiling ako sa kan'ya. "Mayroon ka?"
Tumango si Kiran at pinakita sa akin ang beep card n'ya. Luminga-linga siya at tiningnan kung gaano kahaba ang pila sa bilihan ng card.
"Bilhan kita, para hindi mo na kailangan pumila kapag gagamit ka ng LRT," suhestiyon n'ya sa akin.
I licked my lower lip. "Ah. . .p'wede rin naman gumamit na lang ako ng machine."
Kiran jutted his lips. "P'wede naman pero hassle 'yon minsan dahil ang arte nila sa pera, lalo na yung mga lumang stations dahil hindi pa sila tumatanggap ng bagong bills eh. Magagamit mo naman yung beep card kaya hindi rin sayang."
I looked at him with confused eyes. Hindi ko talaga alam kung paano at bakit mas marunong pa siya sa akin sa mga ganito kung lumaki naman siyang may kotse at di sanay sa commute. I feel like I had to dig deeper.
Kakaunti pa ang tao kapag sa mga naunang stations, pero pagdating ng Baclaran, halos dumadagsa na. Marami namang bumababa sa EDSA dahil karugtong nito ang Taft Avenue. Gayundin pagdating sa Doroteo Jose dahil nakadugtong dito ang LRT-2 kung saan nakalagay ang iba pang mga stations. Mas malawak din ang espasyo sa loob ng mga tren nila kahit medyo luma na ang mga bababaan kung ikukumpara sa LRT-1, pero mas ina-update naman ang LRT-1 kumpara sa LRT2. Sa Blumentritt naman matatagpuan ang ugnayan sa PNR.
Napanguso ako habang hawak-hawak ni Kiran ang kamay ko. Para akong batang mawawala sa paningin n'ya kung bibitawan n'ya ang kamay ko. The warmth of his palm made me feel at ease, though. Kahit maraming tao sa loob ng tren ay kampante ako dahil hawak ako ni Kiran.
"Sa dulo tayo sasakay para kakaunti ang tao. . .medyo marami kasi kapag sa gitna," sabi ni Kiran habang hinihintay namin ang susunod na tren.
My eyes squinted. Kahit 'yon ay alam n'ya? Ilang beses na akong nakakasakay sa LRT-1 pero kadalasan ay sa unahan ako, o pangalawa kung saan nakapwesto ang mga babae.
"Paano ka natuto mag-commute?" I asked him, my hand gripped on his hand. "May kotse ka naman?"
"Binenta ko yung sasakyan ko dati," mahinang usal n'ya sa akin. "Tapos may mga instances na malalayo yung shootings na AD ako kaya naman natuto rin ng mga unspoken rules ng LRT para mas mapabilis ang byahe ko. Iniiwasan ko matapat sa rush hour nung si Director Florence yung nakasama ko. . ."
"Bakit mo binenta yung sasakyan mo?" tanong ko sa mahinang boses.
Hindi n'ya ako sinagot. At kahit dumating na ang tren sa harap namin at unti-unting bumukas ang pintuan nito ay hindi n'ya pa rin sinagot yung tanong ko sa kan'ya.
After our trip, we actually just went into a cafe that I wanted to try. Umuwi rin kami agad dahil wala naman talaga akong agenda. When we arrived back to his condo, napansin ko yung mga bagay na pina-renovate n'ya at lalong napuno ang kuryusidad ko.
Hindi makalat si Kiran sa condo kaya nagulat ako nang makita yung ibang parte ng condo n'ya na inaayos. Bakbak ang ilang pintura, may mga mantsa sa lababo, at yung ibang mga metal na bagay ay may kalawang na. Sometimes, naaabutan ko pa yung contractor at foreman na kausap n'ya. So, halos ngayon pa lang n'ya pinapaayos.
"Dahil ba sa kalumaan kaya ka nagpaparenovate?" I asked him as I sat on his couch. "Maayos pa naman ang condo mo noon?"
Tumango siya. "Pinarentahan ko rin kasi ito noon kaya may mga pinapaayos ako. The old tenants left a lot of damage here and there so I had to repair them."
My eyes stung, hindi ko na rin magawang lumunok dahil may balakid sa aking lalamunan. Unti-unti akong lumingon sa kan'ya. "Bakit ka nagiipon ng pera?"
"Huh?"
"Parang may pinagiipunan ka. . .pinaglalaanan," puna ko sa kan'ya. "Daig mo pa ang pamilyado."
Ngumiti siya. "Bumabawi lang ako sa sarili ko kasi ngayon lang din ako medyo nakaluwag na."
"Dahil ba. . .may binili kang script? Kaya ka nahirapan noon?" tanong ko, hinuhuli siya sa sariling paing.
His eyes widened a fraction. Unti-unting bumagal ang kilos n'ya nang tanungin ko siya. It was as if I cornered him without any warnings.
He sighed, swallowing a big lump on his throat. "Yeah, I did."
"Why?"
He slouched on a nearby chair. He looked defeated as his shoulders slumped and his eyes held a lot of emotions that he was feeling all at once.
"Because I felt guilty. . .not being able to do anything when you had to suffer alone," mahinang sambit n'ya. I saw how his fists clenched and the way his breathing was labored. "Akala ko ay kaya kitang protektahin sa mga bagay na kaya ka saktan. . .but you were hurt right in front of my watch and I was too immobilized, too weak to handle your problems."
Umangat ang tingin ko sa kan'ya.
"Kaya nung sinabi mong masyado kang mahina para sa relasyon natin. . .gusto kong sabihin na hindi 'yon totoo. Your problems were just too big for you, alone," his voice trembled as he spoke. "And I wasn't able to help you carry it at all."
"You didn't have to. . .problema ko ang mga 'yon. . ."
"Your problems are mine to hold as well because I care for you," sabi n'ya sa akin. "Kapag malungkot ka, nagdadalamhati ako. Kapag masaya ka, napupuno rin ako ng galak. At kapag umiiyak ka, Nacia? Pakiramdam ko ay hindi ko nagawa ang tanging pangako ko sa 'yo. . .na kapag nahihirapan ka ay hindi kita hahayaan mag-isa, sasamahan kita sa mga bubog na daraanan mo."
My eyelids suddenly felt heavy, ramdam ko ang nagbabadyang mga luha dahil sa mga sinabi ni Kiran.
Ngumiti siya sa akin. "I bought the script after the movie was released, dahil maganda ang unang reception ay ginawa nilang triple ang presyo nito. I had to sell my old car because it's the only way I could buy it without any help. Yung condo ay pinarentahan ko para magkaroon ako ng income habang hindi pa stable ang mga trabaho ko bilang AD. Natuto rin ako ng commute dahil minsan dalawang pelikula ang tinatrabaho ko. . .hindi ko naramdaman yung pagod no'n dahil sabi ko ay para 'yon sa 'yo."
My heart was contorting in pain, my breathing was shallow, almost sobbing but mostly in silence. The air clutched on every breath we took. Unti-unting tumulo na ang aking luha.
"Kiran. . ."
"Para kapag nagkita tayo ulit. . .hindi na masakit ang bubog sa mga paa mo," he chuckled without any humor. "Because as much as you think you failed to protect our love, all I ever thought was I failed to not let you feel any hurt when you were in my arms."
Humikbi ako. "You didn't have to. . ."
"I had to," he uttered slowly. "Because I love you, Nacia. My oath to myself is I won't let the world change you. . .I want you to change your own world, to change the script, to not let anyone tell you how to live your life."
Nanatili akong nakatitig sa kan'ya. Unti-unti siyang lumapit sa akin, his steps were cautious and I watched him near me. His fingers slowly traced my jaw, stopping only when it had reached my cheeks. The pad of his fingers dust off the stains from my tears. It permeated warmth as I closed my eyes to release the pain I was withholding.
"My first movie. . .Act Off Script is for you. Siguro favorite tayong loveteam ni Lord dahil ikaw ang ginawa N'yang scriptwriter ng pelikulang gagawin ko sana para sa 'yo." His laugh reverberated.
Natawa ako kahit humihingos na rin. This guy. . .he was both my warmth and solace. Kung gaano n'ya ako kayang saktan. . .doble ang kaya n'yang pagpapasaya sa akin.
"Maybe it was His way of letting you recreate the script that you should have seen in production," he said.
Dumilat ako at nakita kong nakatitig lang siya sa akin. His gaze was stilled on me, as if I was a sacred being to hold, as if I held the universe itself.
"Yung IP no'n. . .sa 'yo ko ipapangalan," mahinang sambit n'ya.
"IP?" My voice cracked.
"Intellectual Property. . .I intend on giving you the full copyright of Act Off Script," sabi n'ya sa akin. "It was yours to begin with. . .hindi mo nagawang makita kung paano ka nakaantig ng mga manonood sa una mong script kaya. . .gusto kong mapanood mo kung gaano ka kagaling sa pangalawang pelikula na ikaw mismo ang nagsulat."
Napangiti ako. It was as if he knew I can't watch The Script of Us. . .so he made a film that I could truly enjoy without feeling any resentment in my heart.
"That's why it was similar. . ." I said, finally realizing it. Kaya rin wala kaming naririnig mula sa kampo ni Pablo Bello dahil na kay Kiran na yung script.
His lips gently touched the skin of my forehead. "I want everyone to know how much I love you, Nacia. . .and everything I am was already yours since time immemorial."
. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊
We publicly announced our relationship by posting a picture of us together. It was subtle but it was the only picture that Kiran had on his Instagram. Kadalasan ay puro Behind The Scenes ang laman ng IG n'ya. The only picture he had with people on it was the both of us leaning towards each other.
jakobzach gago UMAMIN DIN HALLELUJAH ikaw na next @itsminewth
TRUEkilenation mga conjuanco talaga sa Instagram naghahardlaunch eh no kainis ☺️☺️☺️ sarap tirisin 🤏
TRUEkilenation @kilenation hoy ibalik mo na username ko anak ka ng tofuuuu 😭😭😭🙏🙏🙏
tocrescent congrats :)
When I saw Rien's comment on our Instagram post, agad ko itong ni-reply-an ng 'thank you' at nag-message ako sa kan'ya kung kamusta na siya. Yet, he didn't reply in return. Inisip ko na lang na baka hindi n'ya talaga ginagamit yung account na yun at panandalian n'ya lang itong binuksan.
"Nagkakagulo ang mga fans ni Rien ah?" sabi ni Mineth sa akin habang nag s-scroll siya sa kanyang cellphone.
"Bakit daw?" I asked.
Mineth looked at me. " Sabi nila, minsan na nga lang daw mag-online si tocrescent, tapos bumati lang daw sa inyo. They think that Kiran was his ex-lover or something. Nababalita rin kasi na ang sinusulat ngayon ni Rien ay love story."
Napanguso ako. "I wonder if he's alright? Hindi na siya nagpaparamdam sa atin. O baka sadyang private pala talagang siyang tao, ano?"
"I worked here for years, kaya alam kong pihikan talaga yata siya," Mineth sighed then shrugged off her shoulders. "It's not like he doesn't like people but Rien could really put boundaries he needs to."
Tumango ako.
I wanted to respect the boundaries he built around him. Naisip ko rin na kung gusto naman n'ya talagang makisalamuha ay hindi naman n'ya kami papahirapan. Maybe he didn't really want us to build a relationship past being workmates.
Gano'n naman talaga dapat, people can be so invasive towards others. Gusto nila ay alam nila ang lahat tungkol sa isang tao, kahit pa galing naman ito sa magandang intensyon, kung hindi na komportable yung tao—I think it defeats the purpose of respecting one's boundary. Minsan may mga bagay na hindi natin gusto pinapakialaman ng iba at dapat 'yon respetuhin.
I got busy the following days. Lalo akong na-excite sa sinusulat kong storya dahil pakiramdam ko nawala ang kalawang sa utak ko nang magkabalikan kami ni Kiran. I felt free from worries and for some reason the weight of life started to feel less heavy.
May mga araw na hinihintay ko na lang bumilis ang oras para makauwi na rin ako. I was working for Likha as well, pero hindi tulad ni Mineth ay mas maluwag ang schedule ko sa kan'ya. Wala akong kinuhang editing job dahil kadalasan nitong pinapatay ang creative side ko, since I have to be critical when I'm an editor.
"Nacia. . ." Someone called me.
Lumingon ako rito. Umangat ang aking mga kilay nang makita si Rien na sumisilip. He waved his hand a bit and offered a small smile.
Agad akong ngumiti pabalik at dali-daling pinagbuksan siya ng pintuan. Walang tao sa opisina naming dalawa ni Mineth ngayon, kaya naman ang buga ng aircon ay halos gawin na akong yelo.
I looked at Rien and he was wearing a dark shirt and denim pants. Medyo humaba na ang kan'yang buhok, he looked calm and at peace. O baka dahil matagal na no'ng huling kita namin kaya ngayon ko lang napagtantuan na palagi siyang mukhang kalmado. It was as if he was as still as the ocean when waves are not present.
"H-huy, kamusta ka?" I said, sounding as awkward as it could be.
Iminuwestra ko na ma-upo siya sa swivel chair ni Mineth pero umiling siya sa akin.
"Sandali lang ako rito. . ." aniya.
"Okay lang. . ." he drawled, bilang pagsagot. "Sorry if I didn't come to the shooting of the movie. But I've heard that it was a success, next year na ito ipapalabas ano?"
Tumango-tango ako. "Sasama ka ba sa premiere night kung sakali?"
"Kung invited ako, at free," sabi n'ya habang nakatitig sa akin. "Sasama naman ako."
Muli akong ngumiti. "Kiran would be happy."
He simply shrugged off. "Yayabangan lang ako n'on eh. . .pero masaya ako para sa kan'ya. He's a great director, and he really has a vision for his films. Bago pa man ako tumulong sa pagsusulat sa script, hanga na ako sa mga dokumentaryo n'ya."
I licked my lips in order to moisten it. "Pinanood mo pala?"
Tumango siya. "Yeah. . .I wanted to help him and I was paid to do it anyway."
The tension was felt around us. Alam ko na may gusto siyang sabihin pero parang nananatiling tahimik ang pagitan naming dalawa.
"I'm going to self-published my next book," biglang sabi n'ya sa akin.
Oh. Ibig sabihin ay siya ang magha-handle ng lahat para maging ganap na libro yung storya n'ya. People usually pick the self-publish option when they want to earn more because they'll be the one setting the percentage of their earnings. Ang problema lang dito ay sila lahat ang gagawa, magmula sa pageedit ng manuscript hanggang sa pabalat ng libro. They even have to be the one to ship them to the ones who ordered their book, unless they'll hire people to help them.
Sa traditional publishing, tulad ng Likha, kadalasan ay tiga-approve lang ang author—ang presyo ay publisher din ang nagdidikta at kung minsan nga ay lahat mula sa manuscript hanggang sa cover ay mismong publisher lang ang may kontrol. Nagmimistulang palamuti na lang ang pangalan ng author sa harap ng libro. It's really a matter of picking a good publisher—which is hard, if I'm going to be honest because cons are inevitable. Pipili ka lang talaga ng kaya mong lunukin.
My lips formed a circle shape before slowly nodding. "Ah gano'n ba?"
"Kaya baka mas lalong hindi na ako makadaan dito sa Likha," he told me as his eyes scanned my office. "Gusto ko lang subukan."
My eyes widened. "I'm going to buy your book! At kung may kailangan ka. . .huwag kang mahihiyang magsabi."
He slightly smiled. "Thank you, Nacia."
Ngumiti ako pabalik. "Goodluck sa love story na sinusulat mo!"
"I find it hard, actually. . ." he confessed, inayos n'ya ang salamin n'ya mula sa pagkakalagay nito sa tungki ng kan'yang ilong. "Because writing about love is hard. . .but Nacia? You made it seem so easy."
"A-ano ka ba? Romance is one of the top genres because it's easy to write about it. . ." Halakhak ko. But I felt flattered to hear it from him. . .lalo na't siya si tocrescent.
Umiling siya, na tila ba nahihiwagaan kung paano ako nakakapagsulat ng tungkol sa pag-ibig. "It's not easy to write about love when you haven't experienced hurt. Hindi madaling mangarap kung hindi mo pa natitikman ang pait ng reyalidad. Kaya. . .sana hindi ka mapagod magsulat tungkol sa pag-ibig kahit gaano kahirap ang mabuhay."
"I hope you can write about love too. . ." banggit ko sa kan'ya. Tinitigan ko siya. My voice is as sincere as it can be. "You deserve the kind of love that you write, Rien. So, I hope you can write about a love that's both comforting and passionate."
He chuckled, his eyes slowly turning to slits as a grin plastered on his lips. "Alam mo ba kung bakit ako nagsusulat?"
Unti-unting umawang ang labi ko. "Bakit?"
"My stories are. . .stories that I held as containers," sagot ni Rien, malalim ang titig sa akin. "Hindi ko naabutan na buhay ang mga magulang ko. . .kaya sa kwento lang ni Lola ako umaasa."
Ilang beses akong napakurap. I didn't know he had a deep reason on why he started writing, I thought he was just talented at it so became a writer himself.
"Kaya?" I probed.
"Kaya naman sinusubukan ko silang buhayin sa mga kwentong sinulat ko. I write the stories that Lola told me about them. Kung paanong si Mama ang nag-ayos ng kwarto ko, kung paanong tuwang-tuwa si Papa nang malaman na lalaki ako dahil may makakausap na siya tungkol sa basketball. . .at ang sabi n'ya ay sana ang susunod naman sa akin ay babae para kamukha ni Mama. All of those stories were passed down to me. . .and I want to contain them, I want to keep those memories alive as long as I can. . .even if they weren't mine in the first place."
My chest felt the weight of his reason. I wanted to embrace him and tell him that he's a great writer for putting all those memories into words.
Kapag nagsusulat ako tungkol sa mga naging karanasan ko, para kong sinusugatang muli ang mga sugat na naghilom na. Para akong nagbabalat ng sugat upang alahanin kung paano ito kumirot noon. . .at kung paano ako natuto rito.
His eyes spoke volumes as he stared at me. "Thank you for teaching me. . .how to write about love, Nacia."
A flicker of surprise flashed across my face, the realization finally dawning into me. Hindi ko inakalang maririnig ko sa kan'ya 'yon. I don't think he loves me. . .but maybe at some point, he wanted to. Pero alam n'yang ang isa sa pinakamasakit na kaya mong gawin sa sarili mo ay magmahal ng taong. . .alam mong hindi ka kayang mahalin pabalik.
"Hindi man para sa akin ang pag-ibig mo," mahinang usal n'ya na tila ba hindi sigurado sa mga salitang gagamitin; I could feel the tension on his shoulders building up. "Salamat dahil kahit paano ay natutunan ko kung paano magsulat ng pagmamahal sa paraan na kaya mong ibigay kay Kiran."
Saglit akong natahimik. My lips were tightly sealed because I didn't know how to tell him. . .that I could never love someone else as much as how I love Kiran Conjuanco.
"We're. . .friends, right?" I asked him, my voice as small as a squeak of a mouse. Hinahandaan ang sarili sa magiging sagot n'ya.
Ngumiti siya, this time, it was gentle and assuring. "Yeah. . .and I truly hope that I can write about love as good as how you write about Kiran. He's beyond blessed to have found someone to write about him like how you do."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top