Chapter 34
Chapter 34
. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊
I was like a palm to Kiran. His very own palm. Kabisado n'ya ang bawat linya, kurba, at mga ugat na nakalatag sa akin. It was as if his fate was also embedded in me. I opened and closed my hands as the thought inside my head started to emerge.
Kung tutuusin ay alam ko naman na ang dahilan kung bakit nagbago ang pakikitungo n'ya sa akin. He probably feels like he still has a chance with me, ngayon na alam n'ya ang rason kung bakit kami nagkahiwalay. Kahit pa sabihin n'yang hindi ko naman kasalanan kung bakit kami naghiwalay, he can't fully admit that it was ultimately still my decision to part ways with him.
"Patapos na ba kayo sa pre-writing?" tanong sa akin ni Ruby habang nakikipaglaro kay Tonton sa cellphone n'ya.
"Di pa! Mag-sequence treatment pa nga lang yata sila," ani Mineth.
"Ibig sabihin ay wala pang script?" tanong ni Ruby.
Tumango si Mineth. "Paano magkaka-script, mag-usap lang 'tong si Nacia at Rien ay aariba agad si Kiran ng date!"
"Tanginang great wall of Kiran 'yan!" si Ruby at suminghap pa.
"Naaawa nga ako kay Rien dahil halatang hinahabaan n'ya lang ang pasensya n'ya, ang tagal na rin kasi na nasa pre-writing stage dahil itong si Kiran ay nilalayo minsan si Nacia eh."
I awkwardly jutted out my lips. Ang totoo n'yan ay guilty rin naman ako dahil hindi ako tumatanggi sa mga yaya ni Kiran sa akin. Maybe because the truth was, I miss him too. Maraming taon din ang nawala sa aming dalawa.
Ruby snarled. "Bagal naman! Excited na ako manood ulit sa sinehan dahil ang tagal-tagal na yata nung huling nanood ako roon!"
"Sabihan mo kasi yung direktor namin na tama na sa kaka-date sa script writer nung pelikula! Hindi nakakapag-focus magsulat eh. Agaw nang agaw doon sa isang kasamang writer," patutsadang sambit ni Mineth at unti-unting lumingon sa akin.
"P-patapos na kami sa sequence treatment! Madugo lang talaga siya kaya natatagalan. . .at isa na lang ang date namin ni Kiran," depensa ko sa kanila. "May kasama rin kami na kaibigan kaya hindi ko matatawag na date 'yon."
Bahagyang nanglaki ang mga mata ni Ruby. "Sila na ulit? For real?"
"Hindi pa raw pero kinikilig si Kuya Kiran kay Ate Nacia," tukso ni Tonton at bumungisngis. "Kilig nga rin po ako sa kanila eh."
"Talandi!" Halakhak ni Ruby.
Bumisita si Ruby sa amin at may dalang chicken wings. It was already Saturday, kaya naman prente kaming apat na pumapapak ng manok ngayon sa sala namin. It was just a small living room, wala ngang halos divider sa higaan namin. Hindi naman kalakihan ang nirerentahan naming condo ni Mineth, but it was big for the two of us so she didn't mind having Tonton around. Gaya rin ng nabanggit n'ya, nagsilbing tatay sa amin ang kapatid ko.
"Minsan nga pakiramdam ko ay namamaligno ako dahil 4 a.m. pa lang ay bukas na ang ilaw sa kusina. . .yun pala ay naghahanda si Tonton ng umagahan namin," kwento ni Mineth at kumagat sa flavored wings na dala ni Ruby.
Lumingon ako kay Tonton na abala ngayon sa panonood sa iPad ni Mineth, tapos na yata sila maglaro ni Ruby dahil binaba na rin nito ang cellphone na hawak n'ya kanina. Wala kaming TV dahil ang balak lang naman talaga namin ni Mineth sa condo unit na ito ay gagawin lang naming pahingahan. We were lucky that the relatives of Mineth had some real estate properties to spare.
"Ang sabi ko nga ay dito na lang sila dahil nagbabalak pang mag-rent si Nacia ng apartment, kung iisipin ay dodoble ang babayaran n'ya dahil mura na ang sampung libo para sa isang apartment malapit dito," ani Mineth.
It's easier said than done when it comes to living independently. Bukod sa renta, may tubig at kuryente ka na babayaran. Hindi rin naman lahat ng tao ay hindi inoobliga magbigay sa kanilang mga pamilya. It really all boils down that some of us are born with privilege.
Tumango si Ruby, she licked her lower lip because of the sauce slowly dripping from the chicken. "Totoo 'yan, girl. Ang akala ko nga ay kapag nakapagtapos ako ng pagaaral ay makakaalis na agad ako sa bahay namin. Laking gulat ko nang tumambad ang katotohanan na pangbayad lang talaga ng renta at bills ang monthly na sahod ko! Kaya buti na lang at nami-miss ako palagi ng mga parents ko kaya ayaw din nilang umalis ako sa puder nila."
Napalingon ako sa chicken wings na dala ni Ruby at unti-unting napangiti. Kumuha ako roon at kumagat. Nginuya ko muna ito bago bumalik ang tingin sa kanila. The savory flavor was still clinging on my tongue as I spoke.
"Life is really emotionally abusive and physically draining," wika ko at tiningnan sila sa kanilang mga mata. "Pero ang saya rin pala ano? Naalala ko na dapat may okasyon bago tayo makabili ng mga paborito nating pagkain. . .pero ngayon nakakakain na tayo ng flavored wings kahit wala namang may birthday."
Ngumisi si Ruby. "Hindi na siya ambagan! P'wede na rin na tatlong boxes at iba't ibang flavors!"
Tumango si Mineth at ngumiti. "May softdrinks pa na kasama! Hindi na rin natin kailangan damihan ang kanin para sumapat ang manok. . .we really came so far."
Doon ko napagtantuan na maligaw man ako, mali man ang mga naging unang hakbang ko, hindi ko man nalaman ang sagot sa lahat ng tanong sa tinahak ko—hindi nito maiaalis na humahakbang ako patungo sa destinasyon na para sa akin. This is my journey to take, to explore, and to enjoy. It wouldn't be a journey worth telling if everything went smoothly. And I have my lifetime to live this life the way I want to.
Humingi ako ng pasensya at nag-abiso na kay Rien na baka hindi muna kami magkita ngayong linggo dahil may 'date' ako kasama si Kiran at Agape. I thought he would counter back with a sarcastic remark or so, but he was surprisingly understanding.
Rien:
ingat kayo.
and don't worry too much, nagpasa naman na ako kay Kiran ng storyline. in-attached ko na rin sa 'yo.
check mo na lang mga email mo.
btw, si Jakob Rustia ang kinuhang assistant director, kaya para sa sequence treatment ay kakausapin natin sila.
Mabilis akong nagtipa ng isasagot sa kan'ya.
Nacia:
That's nice!
We can talk over phone, kung kailangan para sa sequence treatment na ipapasa natin kay Kiran.
Rien:
hindi ba magselos si Kiran? haha
Nacia:
Ah. . .edi video call na lang tayong tatlo?
Rien:
you're really effortlessly funny.
we can talk once you're back in the office :)
enjoy your date.
Napanguso naman ako at agad na sinilip ang aking emails para tingnan ang mga s-in-end ni Rien para sa akin. I would have to review them and check them one by one on our shared file.
Ang sequence treatment ay isa sa mga sinusundan sa paggawa ng script; nilalapat na ang storyline at mga pagkakadugtong ng mga eksena, pero wala pa itong mga linya dahil sa script na mismo nilalapat 'yon. We'll have to send this to Kiran as well, para kung may revision ay magagawan agad ng paraan. It's the skeleton of the script, kung tutuusin.
I rummaged through my emails and saw the one that Rien sent. Agad ko itong ch-in-eck at nakita roon ang pagsisimula n'ya sa sequence treatment.
INT. COFFEE SHOP - DAY
Hinihipan ni Avo ang kape niya upang lumamig. Malamig naman siyang titingnan ni Cali habang naka-krus ang mga braso. Tahimik ngunit puno ng agam-agam ang kapaligiran nila. Susubukan ni Avo kausapin si Cali ngunit mananatili itong nakatitig lang sa kan'ya nang malamig.
EXT. STREET - DAY
Lalabas si Avo nang mapagtantuan na ayaw siyang kausapin ni Cali kahit tungkol lang sa proyekto ang paguusapan nila. Hahabulin siya ni Cali upang tanungin kung palagi na lang bang tatakbuhan ni Avo ang mga bagay na kailangan niyang harapin; makikitang apektado pa rin si Cali sa nangyari sa kanilang dalawa. Mapapalingon ang mga tao sa kanila dahil sa pageeskandalo ni Cali.
I craned my neck as I read the rest of the sequence treatment. Hindi rin ako makatulog dahil napadami yata ang kinain kong manok kanina, nahihirapan pa yata akong i-digest ang mga ito. Tulog na si Mineth na katabi si Ruby, samantalang si Tonton ay nakapatong na rin ang mga paa sa unan n'ya at mahimbing na rin na humihilik.
I tried to finish half of the sequence treatment and sent it to Rien afterwards.
Good day, Rien!
Please find the attached file for your reference. Send it over for any revisions, if necessary.
Thank you!
Warm Regards,
Nacia
I cc-ed Kiran and the rest of the team, dinamay ko na rin si Jakob; I added [email protected]. Nawala sa isip ko na gabi na pala at s-in-end ko pa ito. Pero hindi naman ako nagmamadali sa reply nila at alam ko rin naman na baka kinabukasan na sila mag-reply sa akin.
Humilig ako sa sofa habang nakatitig sa laptop ko, the light illuminated my face. Hindi pa rin ako makatulog kaya naman nags-search na lang ako ng kung anu-ano upang pampalipas oras. When I was trying to find something interesting to read, I stumbled upon a familiar face. Naalala ko ang sinabi ni Agape tungkol sa kan'ya. She's kilenation. . .and so I decided to search her username and find some of her works online.
It took me a lot of time before I finally saw a work of hers that still existed. Totoo nga ang sinabi n'yang deleted na halos lahat ng gawa n'ya. . .kahit ang mismong account nga n'ya ay hindi ko na mahagilap. I saw a private account with the username of hers but I don't think that someone is using it, wala itong following o kaya followers. Parang s-in-ave lang talaga ang username.
My lips were slowly brushed over by my tongue. Sinikap kong alamin kung anong password sa natitirang gawa n'ya. It was actually just a short. . .story? May nabasa lang ako na headcanon, pero hindi ko alam at naiintindihan kung ano ang ibig sabihin n'on.
At hindi ko rin alam kung bakit kailangan may password para mabasa yung gawa n'ya? Nilagay n'ya kasi ito sa isang Privatter. Kanina ko pa hinuhulaan kung anong password pero ang tanging hint na nandoon ay 'name ko :D'. Eh, ayaw naman tanggapin ang Agape!
I entered Agape once again. Wala. Bumalik lang ito sa main page. Napabuntonghininga ako. Hindi ba Agape ang pangalan n'ya?
I tried to search for it but. . .I guess desperate times call for desperate measures because I went to Agape's account and searched for any clues that could pertain to her real name. Hinanap ko pa ito sa mismong account n'ya pero hindi ko makita.
My eyes stretched in disbelief when I realized something. Bumalik ako sa page kung saan ilalagay yung name n'ya. I tried to input. . .the name that I saw in one of her private shared posts. At. . .nabuksan ko na rin yung Privatter dahil may lumabas na text doon.
My eyes were dragged towards her writing, unti-unting umawang ang labi ko. I never thought that Agape. . .was capable of writing something so lewd.
-IF KILE GETS JEALOUS- by kilenation
IF KILE GETS JEALOUS, no one would know. After all, he was sweet, caring, and had always looked like a gentleman but there's always a clause, an exception, and a rarity like this woman who's underneath him as she gripped tightly on his well-toned arms, feeling each vehement thrust—-
"Bakit gising ka pa?"
"Sorry po, nagbabasa ako ng bold!" Napatili ako nang may sumita sa akin. My breath was caught in my throat as my body quickly quaked.
Ruby blinked. . .numerous times.
"Putangina, nanonood ka na ng bold?!"
"N-nagbabasa lang!" giit ko at napailing-iling. Agad kong tinanggal ang tab kung saan nakabukas ang gawa ni Agape. The thick sweat on my forehead was evident. I could feel the adrenaline coursing through me.
Ruby grinned as she slowly sat. "Pabasa nga! Mukhang pinagpupuyatan mo pa 'yan ah!"
"Hindi!"
"Dalaga ka na talaga!" si Ruby na tawang-tawa na ngayon. "P'wede ka na mag-asawa!"
Hiyang-hiya ako pero buti na lang na hindi nagkwento si Ruby kinabukasan. Pero hindi mawala ang ngisi n'ya buong magdamag habang magkasama kami. Hindi rin nawala ang pamumula ng mga pisngi ko dahil sa nalaman n'ya. Hindi ko naman kasi akalain na. . .wild kung wild 'yon si Agape! She looked like an angel! Ang bait n'ya tingnan tapos. . .ang mga sinusulat n'ya? It was definitely another story!
I did my morning routine first and looked at my phone beeping against the fabric of my mattress. Nakita ko roon na nagtetext na naman sina Tatay at Nanay. Kadalasan na tungkol ito kay Tonton, minsan kalmado ngunit madalas ay pagalit.
I sighed.
I should probably answer them. . .I should tell them that we're fine and I can handle my brother better. Na p'wedeng sila na lang ang isipin nila. Babalik naman kami ni Tonton sa kanila. . .we just need space to grow without them.
I know I should give back to them, and it's actually a huge relief that they don't obligate me to give back—pero hindi naman nawawala ang nga pagsisisi nila na hindi ako sumunod sa gusto nila. There was always regret and guilt around us. I just needed air out of it. I needed Tonton to grow and pursue the things that he wants. . .without feeling that he's stepping on someone by following his dreams.
The day finally came, manonood lang kami ng concert ng kuya ni Kiran. This was the first time that I'll saw him in flesh. Kadalasan ay sa kwento lang ni Kiran nagiging buo ang pagkatao n'ya. But I've heard that he looks godly; ethereal even. Pero sa mga larawan ko lang naman siya nakita, he looks softer than Kiran.
Sinundo ako ni Kiran bago namin sunduin si Agape. Binuksan ko ang pintuan sa likod pero agad akong sinilip ni Kiran, he lifted a brow at me and I could see the scowl on his face.
"Where do you think you're going?" malamig n'yang utas.
"Uh, uupo na ako rito sa likod?"
Umiling siya. "Sa harap ka."
"Si Agape d'yan."
"Dito ka nga, sabi," giit n'ya pa.
Ngumuso ako sa kan'ya. "Si Agape na lang d'yan sa shotgun seat. Okay na ako rito sa likod."
"Dito ka, isa," pagbibilang n'ya pa.
I huffed, I can't believe this man! Akala ba n'ya ay matatakot ako sa mga gan'yan n'ya? Ano ako? Si Tonton?
"Dalawa," I mocked.
Kiran's eyebrows furrowed. "Really, now?"
"Okay na nga ako rito sa backseat—"
"If you're going to insist to sit there, sa iba kita papa-upo-in!" he said.
"Saan naman?" I scowled.
"On my lap," he said with finality. "So, if you're going to insist sitting there, dito ka na lang sa hita ko. . .so I could view you better."
My cheeks tinted pink and I could feel it slowly warming because of what he said. Kaya naman dali-dali akong pumunta sa harapan, I put my seatbelt on and looked elsewhere. From my peripheral view, I saw a smirk of success being plastered on his beautiful face.
Doon ko lang din nakita ang suot n'yang damit. He wore a black jacket with white shirt underneath it and for his lower part, he wore some denim baggy pants. Ang simple lang ng damit n'ya pero ang gwapo n'yang titigan. He doesn't have to try that hard.
Nanalo na naman siya laban sa akin. My lips jutted out. How can I win against him? He was always my weakness.
He drove carefully, halos hindi lumalagpas sa 10 km/h, usad pagong na nga kumpara sa nakasanayan ko. Maybe he was taking his time. . .with me?
Dumating na kami sa isang bahay. The gate was made of metal, it was fully furnished. Simple lang itong bahay na ito pero nang bumukas ang gate ay inuluwa nito si Agape. She looked. . .troubled. Para bang kahit maayos ang itsura n'ya ngayon ay ramdam ko na hindi maganda ang timpla ng kan'yang mood.
She was wearing some tinsel on her hair, it shimmered against her usual hairstyle. An oversized white shirt which subtly shows her inner black spaghetti top. She finally sets the outfit with a black baggy pants as well.
May. . .uniform ba rito? I was wearing a white dress and heels. Napanguso ako, bigla akong napadasal na sana ay hindi standing ang kinuhang ticket ni Kiran. Hindi gano'n kataas ang heels ko pero kinakabahan ako.
Agape, for unknown reason, kept fidgeting her fingers and looking down. Mukha siyang mas kinakabahan sa aming tatlo. Hindi rin siya madaldal, hindi tulad ng nakasanayan.
Pumasok na siya sa backseat at nginitian ako. Masama naman ang binato n'yang tingin kay Kiran. Ngumisi lang sa kan'ya ang loko. I wonder. . .ano kaya ang pinaguusapan nila gamit ng kanilang mga titig?
"Akala ko ba may sakit ka at hindi ka makakasama?" sambit ni Kiran, patuloy pa rin sa pagmamaneho.
Agape huffed. "Sayang naman kung di magagamit yung ticket. . .basta hindi 'yan sa harap ah? Makikipagpalitan talaga ako! Bahala ka d'yan!"
"This is far. . .I think, and seated naman. . ." Kiran shrugged dismissively. Napalingon si Kiran sa damit ko, his eyes swiftly scanned my whole outfit. "Ayoko rin na nakatayo si Nacia habang naka-heels."
"Sana gan'yan din ang concern mo sa akin!" ani Agape. "Pagkatapos kitang samahan kapag busy si Lotte at Ziah, tatraydurin mo lang ako?!"
Humalakhak si Kiran. "I'm trying to help you? Baka rito ay magising ka na. . .kung naka-move on ka na ba talaga sa kan'ya o hindi."
"I don't think of him that much anymore," sambit ni Agape, her tongue swiftly moistening her lips. "So, you don't have to worry that much! Baka nga matulog lang akong buong concert!"
That was a big fat lie.
The air inside the concert arena was filled with the musical notes from the guitar's bass, the drum thundered its beats, and the vocal from Kile were enough to deeply evoke emotions from the audience as the music slowly embedded itself on their bones. Everyone was either leaping their hearts out, raising their arms, focusing their phones, or singing like there's no tomorrow left for them to use their voice for.
"Sana mic na lang ako para maka-lips to lips kita!" walanghiyang tili ni Agape.
Sinasamaan na siya ng tingin ng ibang katabi namin pero dinidedma n'ya lang ang mga ito. Kami naman ni Kiran ay nagpapanggap na hindi namin kilala si Agape. She was wild! For someone who didn't really want to come here.
Kadarating pa lang namin sa venue ay tili na nang tili si Agape. Her eyes were heart-shaped. Malayo kami sa katotohanan, o sadyang malayo lang talaga ang mga mata ko dahil hindi ko makita si Kuya Kile. He was far from us, tulad ng ipinangako ni Kiran.
On the other hand, si Kiran yung mukhang bored na. Siya yata itong makakatulog. Hindi ko siya masisisi. Hindi naman boring para sa akin yung concert, but his brother's view was soothing, almost like a lullaby. Para bang kahit kausapin lang ako nito ay bibigat ang tulikap ko.
"Ang hirap siguro kaaway ng kuya mo," sambit ko kay Kiran habang ang mga mata ay nandoon sa stage.
"Why?"
"Ang lambing ng boses. . .pakiramdam ko makikipagbati agad ako," pag-amin ko.
Kiran tsk-ed at me. "Malambing din boses ko ah?"
"Masama naman ang ugali mo kaya mahihirapan ako makipag-bati sa 'yo," I straightforwardly told him.
I could only see a small portion of Kile. Naka-itim siyang leather jacket, a tie, a white polo, and black pants. His hair was pulled in a ponytail, with some of the strands still slipping freely. It wasn't as if he wanted to contain his hair, but he just wanted to let others see his face without minding his long hair.
Kahit sa malayo ay gwapo siya.
Gets na gets ko na si Agape.
"Ang gwapo mo sana kung wala kang ex na kamukha ni Mama Mary!" sigaw ni Agape sa ere. She was hyperventilating. Ramdam na ramdam ko na na-miss n'yang manood ng concert.
"Di n'ya 'yon ex," sambit ni Kiran.
"Takte, di nga ex, pero hanggang ngayon. . .'yon pa rin yung gusto n'ya," halakhak ni Agape, pinaghalong pait at dalamhati ang bawat pagbigkas n'ya. "Sana nilublob n'yo na lang ulo ko sa inidoro! Ayaw ko na ng feelings na ganito!"
I blinked and looked at Kiran. "Hindi siya gusto?"
Kiran looked at me. "I don't know. . ."
Inayos ni Kile yung buhok n'ya, which gathered a lot of reactions from his fans. Ang iba ay pasigaw pa ang mga binabanggit na paghanga. Agape finally calmed down, it was as if her heart was doused off with a cold truth. . .that Kile was for everyone. She couldn't claim him as hers.
Wow.
Ang sarap siguro magsulat ng ganitong plot.
Napanguso si Kiran nang makita ang pananahimik ko. "May iniisip ka yata?"
Marahan akong umiling. "Wala ah!"
Ngumiti lang siya sa akin. His huge hands slowly petted my head. "You always look cute when you have plots circling around your head."
I blinked a few times. "What?"
How did he know? Sobrang obvious ba sa itsura ko ang mga iniisip ko? Oh my, sana hindi naman! Kasi kakabahan ako lalo!
"I want to dedicate this last song. . .to someone I know," Kile said, amidst the loud shrieks and chants from the crowd. "It's her birthday."
Agape froze on her spot, as if she was suddenly poured with cement. Ramdam ko na nanglamig siya bigla.
A genuine smile slowly formed in Kile's face. Tumingin ako sa screen na malaki. It was as if. . .he remembered someone dearly. He softly let out his voice, it was the sincerest song for tonight. Ramdam ko ang bawat ritmo sa aking buto. Parang pagsusumamo ang kan'yang kinanta.
Natapos ang concert, at umuwi na si Agape. Sinabi kasi ni Kiran na kikitain nito si Kile. Agape insisted on going home early. . .she said that she needs to go home already, dahil malayo pa raw siya.
"We insist, ihahatid na kita," Kiran said.
Ngumiti nang mapakla si Agape. "Kiran naman. . .pride na nga lang mayroon ako eh. Hayaan mo na ako. Kaya ko lumunok ng sperm, pero 'wag naman pati pride ko!" she joked but she sounded like she was in pain.
Kiran's eyes shifted, mas naging seryoso na ito. Napabuntonghininga siya.
"Are you sure? Ayaw mo na kami hintayin?" aniya.
Umiling si Agape. "Kaya ko na, thank you, ha? Kahit paano naalala ko kung bakit hindi ako nagsising minahal ko yung kuya mo. . .he's really someone who's deserving to be loved unconditionally."
"Ingat ka," wika ko, bahagyang nangunot ang noo. "Sure ka ba talaga?"
She smiled at me. "Yes! Pero ikaw ha! Mag-text ka sa akin kung nakauwi ka na! At magsumbong ka kung niligaw ka nitong si Kiran! Naku!"
Kiran rolled his eyes, and I giggled in return. Agape waved her hand, a sign of goodbye as she walked away. Hindi na namin siya sinubukan pigilan pang muli dahil mukhang desidido siya.
I sighed, grabe. . .she's not someone who gives in easily. She's a hard nut to crack, I guess? Mukha lang siyang marupok dahil sa pinapakita n'ya pero ang hirap n'yang pa-amo-hin. It's as if she's the one who ruled over her heart; and it doesn't waver that easily.
Due to my curiosity, I texted Agape as we walked towards the closet room of Kile. Mas mabagal ang bawat hakbang ko dahil malalaki ang biyas ni Kiran, mahirap siyang habulin.
Nacia:
Naging kayo ba ni Kuya Kile?
Agape:
stooop! ✋✋✋✋ the chat!
no personal questions po!!!
nasasaktan pa po yung tao
EMZ
pero hindi, girl
hahahahahaha
Nacia:
Oh, I'm sorry!
Akala ko lang.
Agape:
ahujuju ganito kasi yan baby girl
our love story is tamisanghang.
mahirap ikwento sa chat eh
baka pumatak luha ko sa screen ✋
Nacia:
Huh? Tamisanghang?
Agape:
bittersweet ❎
tamisanghang✅ (banana ketchup)
Nacia:
Ohhh
P'wede ba ako magpaturo sa 'yo?
Agape:
ng ano, baby girl?
Nacia:
Paano magsulat ng bastos?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top