Chapter 15
TW: Mention of suicide.
Chapter 15
. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊
It's amazing how love is expressed differently everywhere. Tulad na lamang na tradisyon pa rin sa Pilipinas ang pangliligaw, even if it already has evolved modernly, isa pa rin sa mga inaasahan sa mga lalaki ang pangliligaw sa mga babae. Sa ibang mga bansa, basta ba't type mo siya at kinikilala n'yo ang isa't isa, halos dating na kayo.
"Kiss me," I sighed then read the next line. "By Sixpence None The Richer."
Sumilip si Kiran sa tinitipa ko sa laptop. His arms were crossed across his chest. Nasa sala n'ya kami ngayon. I was writing some scenes for my script.
"Ano 'yan?" aniya.
"It's a song for my script," I smiled at him. "I mean. . .hindi ko alam kung magagamit pero ilalagay ko pa rin. It's an old song but it's a classic."
"Talaga?"
Tumango ako. "Kapag napapakinggan ko siya, para akong nanonood ng isang romantic comedy film. It evokes that kind of emotion from me."
Ewan ko ba, kapag pigang-piga na ang utak ko ay nakikinig ako ng mga kanta para gumana ulit ang aking imahinasyon. Kapag nahihirapan akong kapain ang emosyon ko, I shuffle my playlist to find the right song to tug my heartstrings. Gumagana naman ito sa akin. Some writers don't like listening to any sound though, minsan ay ang pagtulo lang ng ulan sa bubong ang ingay na gusto nilang mapakinggan.
"You like the song that much?" tanong ni Kiran habang ang mga mata ay nakatuon sa akin.
I shifted my gaze away. "Uh, yes. Pero alam ko naman na malabo ito magamit dahil sikat. Baka mas mahal ang bayad sa kanila."
Unti-unting tumango si Kiran. "Yes, baka nga. Pero p'wede mo naman 'yan ipa-rendition na lang. Mas mura ang bayad sa mga cover o di kaya rendition kaysa sa orihinal na kopya ng kanta. Kaya pansin mo ba? Ang ilang mga pelikula o palabas ay mga lumang kanta ang gamit na theme song pero iba na ang singer. It's not because they are keeping up with the current rising singer but it's because they'll pay less if it's not the original version of the song."
I moistened my lips upon hearing that from him. After he said those information, doon ko napagtantuan na marami ngang palabas ang gumagamit ng mga lumang kanta pero iba na ang kumakanta.
I love having Kiran by my side. Bukod sa siya ang nagiging inspirasyon ko para matapos agad ang script, he shares his creative insights and supports my ideas when he can. Kapag kailangan ko pumunta sa isang lugar, siya ang sumasama sa akin. When I need to taste something to incorporate in my writing, siya mismo ang nagsasabi kung saan may masarap na kainan ng pagkain na 'yon. He's supportive. . .and it means a lot. Lalo na't hindi ko ito nakuha sa pamilya ko mismo.
Hindi maiiwasan ang inggit. Ako, kung magpapakatotoo lang, may inggit ako kay Mineth at Ruby na parehong suportado ng mga magulang nila sa mga gusto nilang gawin sa buhay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap nila Mama at Papa. Ang nakababatang kapatid ko lang na si Anton ang madalas na nangangamusta. Walang cellphone si Tonton at minsan ay nakiki-computer shop pa.
"Tara? Bisita tayo kay Tonton?" anyaya ni Kiran sa akin nang nasa parking na kaming dalawa at nakapasok sa kan'yang kotse. He buckled his seatbelt and started the engine.
Lumingon ako sa kan'ya. Naghahanap kami ng pupuntahan dahil pareho kaming walang pasok.
"Malayo-layo 'yon," sambit ko. Dalawang oras ang byahe mula rito patungo sa aming probinsya.
"I don't mind," he said, then he intertwined his fingers into mine. Nagulat ako nang pagsaklubin n'ya ang mga kamay namin at halikan ang likod ng aking kamay. "And I have you here with me. P'wede mo ako kwentuhan habang nasa byahe tayo."
"Masyadong spoiled si Tonton sa 'yo," puna ko sa kan'ya. We visit Tonton when we can. Hindi ko alam pero close silang dalawa. Siguro dahil parehong bunso kaya naman nagkakaintindihan.
"I treat him like a little brother," he said. "Wala kasi akong nakababatang kapatid."
"Kuya, mayroon?"
"Yes. . ." he painfully admitted, pakiramdam ko ay parang lumulunok siya ng pako kapag ito ang topic. He strayed away from talking about his family.
"Close ba kayo?" tanong ko. "I never saw him, your older brother."
"Kile's busy but. . .we're okay, I guess?" sagot n'ya sa akin na para bang kahit siya ay di sigurado kung tama ang kan'yang naging sagot. "Hindi ko masabing close kaming dalawa dahil kahit gustuhin naming maging close. . .our circumstances are a little complicated."
Halos ilang buwan na rin kaming magkakilala ni Kiran pero wala pa akong alam sa buong pagkatao n'ya. I know his name and his course. Alam ko kung saan siya nakatira. . .pero bukod doon ay nananatili siyang saradong libro sa akin. I don't know if it's me who's afraid of opening the book or it's him who's not willing to let anyone read him.
"Are you comfortable talking about it?" mahinahon kong tanong. "P'wede naman natin ibahin ang topic."
Ayokong tanggalin ang balat ng kan'yang mga sugat. I want him to completely open up to me, not because I'm his supposed lover, but he finds peace knowing that his entire pain is safe with me. Na kailanman ay hindi ko magagawa sa kan'ya ang kung ano mang nakasakit sa kan'ya.
"I was physically abused by my grandmother," unti-unting pagbunyag n'ya habang nagmamaneho. "Akala ko noon, paborito n'ya ako dahil mas madalas n'ya akong kasama. Akala ko nga pagmamahal kapag pinapalo ng sinturon eh."
"Kiran. . ."
Napalunok siya bago ilang beses kumurap. "She hates me because I ruined the perfect family that Kile had. Ang sabi n'ya na kung hindi ako nabuo, hindi sana malalaman ng nanay ni Kile na may ibang babae ang tatay namin."
"That's ridiculous! Hindi mo naman kasalanan 'yon—"
"Bunga pa rin ako ng pagkakamali nila. Bunga pa rin ako ng kataksilan. Bunga pa rin ako ng pananakit nila sa isang taong inosente. . ." mahinang sambit ni Kiran. "And I'll forever hate myself because of something that I wished didn't happen."
"Hate yourself for what?"
"For being alive?" Pagak na tawa ni Kiran. "I hate my own birth."
"Kiran," I moistened my lips. Hindi ko alam ang mga tamang salita upang iparamdam sa kan'ya na hindi totoo lahat ng iniisip n'ya. Not everyone blames him for it. Hindi n'ya kasalanan 'yon.
Yet, I know how poisonous our minds can be. I know the venom runs deep in our skin and bones. Even if the wisest poets dare to say that our minds can speak the most cruel lies dressed as truths; we'd found comfort, as we often do, with knowing we can never be flawless and we are just humans with shame hidden beneath our masks.
"Until now, when I see Kile, I feel guilty. . ." he admitted amidst the conversation. "Like I'm being punched in the gut."
"Galit ba siya sa 'yo?"
His lips curled a bit then he slowly shook his head. "Hindi. Mas tanggap ko pa nga sana kung galit siya sa akin. Yet, Kile was always the kind one, the selfless one, and he's someone that you can rely on."
"It seems like you admire him as a brother," I said.
"I do, but at the same time, he makes me feel small," mahinang untag n'ya. "Kasi kung ako ang nasa posisyon n'ya? Baka galit ako sa taong sumira sa pamilya ko."
Nanatili akong nakatitig kay Kiran habang seryoso s'yang nagmamaneho. I could feel him taking a deep breath as if the topic was suffocating him.
"But Kile knew better," I told him. "Alam n'yang hindi mo kagustuhan ang nangyari. People who blame other people for circumstances that aren't their fault are usually the ones who are immature. Oo, p'wede ka magalit, pero hindi p'wedeng sa taong wala namang ginawa sa 'yo."
"Yet, that's ideal. . ." saad ni Kiran. "And the usual reactions are of disgust and anger. Hindi ko sila masisisi. Para akong binabalandrang bunga ng isang pagkakasala."
My lips went numb and I could feel my insides slowly freezing. Hindi ko alam kung paano ko babaguhin ang direksyon ng aming usapan. I could feel his melancholy; the way he didn't have a choice but to present himself as a shame to everyone, dahil iyon ang nakikita n'yang paraan bilang pagbawi sa nagawa ng kan'yang mga magulang.
"Hindi ko akala na ang taong hinahangaan ko nang sobra, gan'yan kababa ang tingin sa sarili," sabi ko sa kan'ya. My whole attention was on him. My heart was throbbing in pain.
Lumingon lang sa akin si Kiran at namutawi ang isang malungkot na ngiti sa kan'yang labi. Lalong sumidhi ang namumuong sakit sa aking dibdib.
"I'm sorry for not being the Kiran that you imagined," he said and his eyes slightly teared up. "As much as I want to be perfect. . .my whole life is nothing but pain personified. Ikaw lang ang tanging naging magandang bunga ng buhay na ito, Nacia."
"Kiran. . ."
"Can you please promise me something. . ." he asked, as quiet as the night. "I know it's hard to stay. . .but I hope even if things get hard, you'll be here."
"Oo naman," I smiled, gently. "I'll stay here as long as you want me to."
It was an oath, not only to Kiran, but to myself. I would love Kiran like how I love writing. It would be immemorial and impervious; like the unyielding reefs against the ever-changing ebbs of the sea.
Minabuti namin ni Kiran na kitain na lang si Tonton malapit sa isang supermarket. Ayoko na rin kasing dumaan kina Tatay at Nanay muna dahil baka mag-iba na naman ang ihip ng hangin sa kanila. I don't want them to be hurt because their dreams for me were unfulfilled.
"Kuya Kiran!" Tonton merrily went towards us. Malaki ang ngiti habang patakbong yumapos kay Kiran.
"Ton!" Kiran hugged him back tightly, labis ang tuwa nang makita ang kapatid ko.
"Wow, parang kayo yung magkapatid," namamanghang sabi ko at muntik pang pumalakpak. Mas may lukso ng dugo pa yata silang dalawa kaysa sa akin.
"Nagseselos ka naman agad, Ate Nacia!" Tonton released the hug from Kiran and went towards me to embrace me tightly. "Sobrang na-miss kita, Ate pandak!"
Nangunot ang noo ko nang tawagin n'ya akong pandak. Sinilip ko ang height difference namin at napagtantuan na tumangkad nga si Tonton. My lips curled into a small smile. Ang bilis n'yang lumaki! Sa pagkakaalam ko ay junior highschool pa lang siya. Yet, he's taller than me already! Sabagay, tuli na rin siya.
Kiran insisted that we should go for a little grocery. Once in a while, o kung gaano kadalas kaming bumisita sa kan'ya, Kiran would buy Tonton food and groceries. Kahit pa tumanggi si Tonton ay palaging si Kiran ang nasusunod sa kanilang dalawa, bumabawi na lang si Tonton sa pagbigay ng bananaque at turon kay Kiran. Mukha na tuloy saging si Kiran sa mata ko minsan.
"Paborito ni Ate Nacia ang pastillas," sambit ni Tonton nang dumaan kami sa isang stall na puro pampasalubong.
"Sweet tooth, huh?" Kiran tilted his head and had a teasing smile on his lips.
My cheeks reddened. "Palaging gano'n ang pasalubong sa akin ni Tatay nung bata ako."
And when I was bullied, it was the only comfort that I looked forward to. Kapag hindi ako nakakapagsulat ng love story namin ni Kiran noon, bumibili ako ng pastillas sa tindahan para mapawi ang hapdi ng aking mga sugat. I would often console myself that there's still something sweet in this life that I should look forward to.
"Idagdag ko ba 'yan sa mga binibigay kong itlog sa 'yo?" ani Kiran.
Napangiwi ako sa kan'ya. Nandito na naman kami sa usapang itlog n'ya.
"Dadagdagan mo pa ng gatas yung itlog na binibigay mo sa akin," nauumay kong saad. "Pero p'wede naman. Hindi ako tatanggi sa pastillas."
Tonton looked at us, confusion swirling in his eyes. Napailing na lang siya.
When we went to the cashier. Ang tagal pasadahan ng cashier yung mga pinamili namin. It was as if she was waiting for a cue. Kahit si Kiran ay lingon nang lingon sa kung saan. My eyes squinted, anong mayroon? Bakit parang may plano sila?
A familiar tune, a lovely song, and the one that kept on playing while I was writing my script suddenly played on the public background music of this supermarket. Kahit si Tonton ay nalaglag ang panga nang marinig ang pamilyar na kanta.
It was Kiss Me by Sixpence None The Richer. Dumagundong ang kanta habang may mga sumasayaw na staff papunta sa direksyon namin. Bahagya akong natawa, this was straight out of a romcom! Corny, cliché, pero nakakakilig! Lalo akong humagalpak nang makitang kasama si Kiran sa pinapasayaw. And oh boy, buti na lang talaga gwapo siya! Because he's awkward when it comes to dancing!
May hawak silang mga placard at nakalagay doon ay 'Be My Girlfriend Will You?'. Bakit parang galit at namimilit ang tono?
Nangunot ang noo ko nang mabasa ang nakalagay doon at nang makita ni Kiran ang reaksyon ko ay napalingon siya sa mga placard.
"Mali yung placements!" Kiran said, panicked. "Shit!"
Bumunghalit ang tawa mula sa aming mga nanonood sa kanila. Akala ko pati sa pagtatanong ay masama pa rin ang ugali n'ya eh. Kiran fixed the placements of the cards and once again, with a nervous stance, faced me with pure affection.
"Will you be my girlfriend, Athanacia Norainne?"
Without much ado, like with the song, I ended the sweet encounter with a swift kiss. I reached for his nape and he deepened the kiss and the crowd roared with laughter and praise. I was officially Kiran's girlfriend. It was a cliché supermarket proposal. . .but it made me happy.
"Yun oh! Boyfriend 'yan ng ate ko!" Tonton proudly exclaimed, nagawa pa n'yang pumalakpak. Tinawanan lang namin siya ni Kiran.
It took almost a year before I finished my script. Ang akala kong madali para sa akin ay mahirap pala lalo na't alam ko na kung saan ako mahina. Sir Pablo Bello was guiding me through the ups and downs of writing my script. Pulido ito nang ipasa ko sa kan'ya, it was already edited and revised. Pero ang alam ko ay dadaan pa ito sa madugong proseso bago pa man ma-pitch sa iba.
"Naka-RIP si Ruby," saad ni Jakob habang nakatapat sa kan'yang laptop.
"Bakit mo naman pinatay?" tanong ni Mineth. "Anong RIP ka d'yan?"
"Rest In Pasok," halakhak ni Jakob at ngumisi. "Nagkaroon siya ng trangkaso raw. Kaka-jakol n'ya 'yon eh."
My head had concocted the possible scenario of what Jakob had said and I almost glared at him. Si Kiran na nakandatay ang ulo sa aking balikat ay unti-unting ngumisi. I could feel the corners of his lips swiftly moving. Hindi na sila nagtataka kung bakit ganito ang posisyon ni Kiran; it's been months since we've revealed that we're dating. Si Diether ay halos mamutla nang malaman 'yon at ayaw pa ngang maniwala; baka raw prank lang sa kan'ya. The rest were supportive of us, si Diether lang ang hanggang ngayon ay ayaw maniwala.
"Tarantado!" Mineth hissed and slapped Jakob's arm. "Aray! Ang tigas! Parang gago!"
"Huy, Mine! Simpling tyansing ka d'yan! Kung gusto mong pumisil sa biceps ko, halika ka at sabihin mo lang!"
"Kadiri ka talaga! Palibhasa puro ka muscles! Kahit utak mo, may muscles!" Mineth stuck out her tongue.
"Pati ba naman utak ko ay pinagiinteresan mo, Mineth? Grabe na tama mo sa akin ah!" Halakhak ni Jakob at pabirong kumindat kay Mineth. "Gusto mo ba maging laloves ko?"
"Gago!" si Mineth.
Napailing-iling na lang ako. Lumingon ako kay Kiran na nakapikit, pumupuslit siya ng tulog dahil marami yata silang gawain ngayon. I usually sleep on his condo as well, pero hindi ko iniwan ang dorm ko. Ewan ko. . .ang hirap bitawan ng nakasanayan ko na, kahit minsan na lang ako umuwi sa dorm na 'yon, ayaw ko siyang iwan.
It wasn't hard to love and accept Kiran's affection towards me. After all, we already had a foundation when we met. Hindi man n'ya ako natatandaan, siya naman ay naka-imprinta na sa akin. Idagdag ko pa roon na matagal ko na siyang gusto. It was no brainer for me to accept his entire affection.
Tinatapos na namin ni Kiran ang napagkasunduan na mga papanoorin na pelikula. Nauna na namin tapusin ang mga nasa listahan n'ya dahil hanggang ngayon ay naghahanap kami ng mga kopya ng mga nasa listahan ko. I recommended Filipino movies so it was a bit hard to get their DVD copies. Pero mabuti na lang na maraming kakilala si Kiran na nangongolekta ng mga DVD.
Sumalampak ako sa sofa habang unti-unting nagsisimula na ang susunod naming papanoorin. We halted a few months ago because we were busy with classes. Kadalasan pa ay sariling sikap kami at tanging gabay lang ang binibigay ng aming mga professors sa UAC.
"Tissue," nilapag ni Kiran ang isang box ng tissue sa harap ko.
"Bakit? Nakakaiyak ba?" I asked in curiosity. I usually don't search for the movies that we'll watch. Gusto ko ay nagugulat ako sa kwento ng pelikula. I also trust Kiran's taste.
Ngumiti siya. "It's a good film."
"We don't read and write poetry because it's cute. We read and write poetry because we are members of the human race. And the human race is filled with passion. And medicine, law, business, engineering, these are noble pursuits and necessary to sustain life. But poetry, beauty, romance, love, these are what we stay alive for," the movie played out smoothly and my eyes started to sting a bit.
The movie wasn't a tearjerker—or it didn't aim to be. It was simply comforting to know that the artists are needed in this world—that we aren't alone in the grand pursuit of what makes us feel alive in a world where we are forced to just survive—that we forget how to live. It was a tap on a shoulder, it was a long gentle hug, and it inked comforting words that even if the movie already stops playing, I can still recite it with the same feeling.
"I want to be more like John Keating," I sighed. I want to be more like him when it comes to influencing others. I want to be someone that they look up to, not because I was successful—but because I have touched their heart in ways that no other people can.
"Captain, oh captain?" saad ni Kiran at may munting ngiti sa labi.
"I don't want to care about trivial things such as fame, money, or relevancy when it comes to writing," buong puso kong pag-amin kay Kiran. "I want to touch people's hearts, knead their unformed thoughts, and heal their wounded souls. I'm just afraid that my words are not enough for my ambition."
Kiran gently nuzzled on my neck and comfortably embraced me. Ang yakap n'ya ay nagdala ng init sa aking puso. "You will, I believe in you. Sa lahat ng tao na nakilala ko, ikaw yata ang pinaka-passionate. You breathe art, Nacia. Buong pagkatao mo ang pagiging isang sining."
He was supportive of me. Hindi ko alam kung anong kapalit nito. . .is he the good karma that I've been waiting for? Siya ba ang binigay sa akin dahil alam ng langit kung gaano ako naghihirap sa pagsunod sa aking pangarap?
Naliliyo ako sa klase ng pagmamahal ni Kiran. It was unconditional; may mga pagkakataon na tumitig lang ako sa kan'ya at kinukurot siya dahil baka hindi siya totoo. And he would kiss me in return, laughing because of my reaction.
"Can you accompany me?" tanong ni Kiran habang namimili ng damit para sa isang event.
I looked at him, puzzled. "Saan?"
"Makikipagplastikan lang," he sighed the looked back at me. "I really hate those events. Pero pinipilit akong sumama, for optics. Mas maganda kasi tingnan ang isang politikong may kumpletong pamilya—kasama yung kabit."
I shook my head while I rested on his bed. He would often do jokes like this to seemingly alleviate whatever discomfort that he feels. Siguro dahil kung sa kan'ya manggagaling ang punchline, mas hindi magiging masakit.
"Would you feel less alone if I'm with you?" tanong ko sa kan'ya.
"Oo naman," Kiran admitted, shamelessly. "I'll appreciate it a lot."
"Saan ba ang venue?"
"Sa Tagaytay Highlands lang," he said. "May shuttle naman but I'll prefer having our personal driver. Kung ako lang din ang masusunod, mas gusto ko ngang tayong dalawa na lang ang magkasama."
"Pero mahabang byahe 'yon kung sakali," saad ko at napatingin sa bintana kung saan sumisilip ang langit na unti-unting kumukulay kahel na.
"Yeah," Kiran agreed by nodding. "At darating ako roon bilang Conjuanco. People would create a gossip that the great Killian Conjuanco didn't let someone else drive the car for his son."
"Issue 'yon?"
"Everything's an issue if elections are near, lalo na si Papa ang leading," Kiran's lips twisted then he went towards me and placed a swift kiss on my lips. "Sana nga masiraan nila eh. Walang propaganda na gumagana."
Napapikit ako nang patakan n'ya ako ng halik sa labi. When our lips parted ways, he smirked then proceeded to check his suit.
I sighed to myself. I never thought I'd meet his parents this early. May pangamba sa aking dibdib dahil hindi ko sila lubusang kilala. A part of me feels that they might not like me, hindi naman ako parte ng alta sociedad.
Kiran was confident though. . .na para bang hindi siya natatakot na ipapahiya ako ng mga magulang n'ya. Maybe because he knew that the best they could do to alienate me is to ignore me. Malapit na raw ang elections, nagpapabango ang mga magulang n'ya.
Sa byahe, habang nakahilig ako kay Kiran, ay nagkukwento siya tungkol sa mga magulang n'ya. It was as if he was telling me to brace myself for them. Iniisip ko tuloy kung tulad ng ibang politiko ang tatay ni Kiran.
Mga malalaki ang tyan, makakapal ang bigote, at amoy pabangong mula America ang mga suot na polo. Kadalasan naman ay nakikita ang pagiging gahaman sa kanilang mukha. They can pull a look of sympathy but they can't fool everyone.
"Iba ang nanay mo sa nanay ng kuya mo?"
Unti-unting tumango si Kiran. "Oo."
"Nasa iisang bahay lang kayo?"
"Oo," sagot n'ya at bahagyang natulos sa kan'yang kinauupuan. "Pero yung nanay ni Kile. . .wala na."
"Umalis na?"
"Nagpakamatay."
My lips quivered as I looked at him. Doon ko napagdesisyunan na hindi na ituloy ang pinaguusapan namin. The look on Kiran's face. . .made me feel his intense fear of being blamed for someone else's death.
"Your father is running for senator?"
"Yes, palagi siyang leading sa magic 12," he shrugged off. "They want him to aim for the presidency next but I doubt he'll do it."
"What do you mean?"
"Kapag naging Presidente ka, mas lantad ang kasakiman mo," he pointed out. "Mas masangsang ang baho mo. Mas alam na ng madla na hindi ka p'wede pagkatiwalaan. Everyone's eyes lingered on you. Mas mahirap kumilos nang patago. But then, with how blind the people of the Philippines are and how they can easily silence those who oppressed their positions. . .natatakot ako sa kinabukasan ng bansa."
Tumango ako sa kan'ya. Nakakatakot lang na hinahayaan din kasi ng karamihan na paulit-ulit tayong tinatapaktapakan sa lipunan.
"You hate your father that much? Because of what he does?" tanong ko sa kan'ya at bahagyang kumunot ang noo. "Edi bakit ka pa a-attend ng event na ito?"
I don't think Kiran would force himself to go to Tagaytay Highlands for nothing. Hindi ko rin alam kung bakit n'ya pa pipilitin makisama kung gayong ayaw naman n'ya sa mga ito.
"As much as I want to completely disassociate myself with them. . .I still love my mother," napabuntonghinga siya. "Alam kong sirang-sira na siya sa mata ng iba. And maybe some of her friends are not even her real friends, but my mom? She's actually. . .nice."
Tumango ako dahil naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling. Si Nanay ay maalaga at mabait din naman. Alam ko na ginagawa n'ya ang lahat para lang maitaguyod kaming dalawa ni Tonton. Hindi man kami pareho ng prisipyo at paniniwala sa buhay, hindi naman nabago n'on ang puso na mayroon siya. Alam ko. . .kahit malayo ako sa kan'ya ngayon, inaalala n'ya pa rin ako dahil sa mga tanong ni Tonton. Alam kong bilin 'yon ni Nanay sa kan'ya, na ipagsabi sa akin na huwag kalimutan kumain sa tamang oras at magpahinga kapag pagod.
There's a thin line between love and hate; this usually applies to our families.
Sa venue ng event, maraming magagarbong palamuti ang nasa palagid. The giant chandelier in the middle of the venue made me feel so small. Kadalasan na naka-suit and tie ang mga tao, ang mga babae naman ay mga naka-dress na hanggang tuhod. Hindi nila ako sinisipat o tinitingnan, kahit si Kiran ay dinadaan-daanan lang nila. Lumabas muna kami ng indoor venue para makapalanghap ng hangin.
May nakita kaming batang umiihi sa gilid, sa mga damuhan. Kiran looks at the kid who's zippering his pants. Umangat ang tingin ng bata sa amin at tumawag ng kan'yang helper.
"Yaya!"
The kid stuck out his tongue at us. Nagtaas naman ng kilay si Kiran. Kahit ako ay nangunot ang noo, ang spoiled brat naman ng isang 'yon. Hindi naman namin sinasadyang tingnan siya habang umiihi siya sa damuhan.
"Bawal ihe, putol tite," Kiran mouthed to the kid while pretending that his hand was a scissors. Ngumiti pa siya sa bata.
The kid cried loudly. Nagulat naman ang helper na kasama nito at agad na pinatahan ang bata.
"Sure ka ba sa limang anak?" tanong ko kay Kiran, nakakunot ang noo ko nang lumingon sa kan'ya. "Dito pa lang, inaaway mo na yung bata."
"Bakit? Hindi naman magiging spoiled brat mga anak natin, kung sakali," nilabi n'ya sa akin. "Ikaw dapat ang tinatanong ko n'yan. After all, it's your body. . ."
Napanguso lang ako at bahagyang natawa si Kiran. He gently held my hand to assure me that the verdict of the decision relies on me, hindi sa kan'ya.
Bumalik kami sa loob matapos makapagpahangin pero lalo lang kami kaming naging turista sa isang event. They were completely ignoring us.
Goodness, they're good at alienating someone. Ganito ba palagi ang nararamdaman ni Kiran? Out of place? Kahit ang iilang kasing-edad namin ay hindi man lang kami nginingitian. Halatang matataas din ang tingin sa sarili.
"Kiran," someone called and our eyes immediately veered in his direction.
It was Eastre, he was wearing a white polo with the sleeves rolled up and black slacks which suited his thighs perfectly. Simple lang ang damit n'ya pero mas mukha siyang sosyal kumpara sa ibang nakasalubong namin. Maybe it was his expensive watch or his nonchalance to his surroundings.
Si Kiran din naman ay gano'n din ang halos suot. A light blue polo shirt and dark blue slacks. Maayos din ang istilo ng buhok n'ya ngayon.
"Ikaw na naman?" sikmat ni Kiran at nangunot ang noo.
Eastre chuckled. "Hey man, I'm not here for a fight. Gusto lang kita kausapin tungkol sa isang business proposal. I was emailing you but you're not responding."
"Nabasa ko na. I'll think about it," sagot ni Kiran. Humigpit ang hawak n'ya sa aking kamay.
Eastre's eyes flew towards our hands. Sumilay ang isang ngisi sa kan'yang labi.
"Hi, Nacia! How's your glasses?"
"Ahm, okay na siya," I smiled at him, grateful that he acknowledged my presence. Nakakatuwa na naalala n'ya pa 'yon, he must be good with people. "Kamusta ka po?"
"I'm good." He smiled back. "May table na ba kayo? You want to sit in with us? I'm only with some of my friends, Si Rien tapos si Enoch. Kile couldn't come ba?"
Mukha ngang kaibigan ng lahat si Eastre. I was sure he was friends with another person when he was in his club, ngayon naman ay ibang grupo na naman ang kasama n'ya. Grabe naman ang kan'yang social energy sa lahat.
Kiran's jaw ticked. "I don't know? Mukha ba akong hanapan ng nawawalang pusa?"
Eastre shrugged off. "Hey, chill. I was just asking. You want to sit in with us? We have a few more spaces left."
"Hindi na," tanggi ni Kiran. "Hindi rin naman kami magtatagal."
Ngumiti lang ako kay Eastre. Kiran was right after all. Nandito lang kami para sa photo ops yata. Uuwi rin kami agad dahil halatang hindi naman kami welcome rito. Akala ko nga ay para lang sa akin 'yon, pero kahit pala kay Kiran ay gano'n din ang nararamdaman n'ya.
May iilang mga matatanda na kumausap kay Kiran. Some of them were very interested in his studies, ang ilan ay kinakausap kung p'wede siyang kuhanin para sa mga promotional ads kung sakali, at ang iba naman ay may mga pasaring na ipinagsawalang bahala na lang ni Kiran.
My shoulders loosened as time went by. Ako yata ang napagod sa dami ng kumakausap kay Kiran. Magaspang ang ugali ni Kiran pero ngayong gabi ay ramdam kong pilit n'yang pinapakisamahan ang mga nakakausap namin.
"Hi. . ." Someone passed by me. Lumingon ako rito at halos nanglaki ang mga mata ko.
She was really pretty. Her cheekbones were high and her lips were plump. Mukha siyang mas matanda pero hindi nalalayo sa edad ko. Her hair had curly tips and she was plastering a soft smile on her lips.
"Hello po," bati ko pabalik.
"Kumain na ba kayo ni Kiran?" She asked and swiftly went beside me. She was wearing a maxi dress that hugged her body. Maganda ang kan'yang katawan.
"Kilala mo po si Kiran?" My eyes widened. They must be close? O ganito ba talaga sa events?
"I'm his mother," she laughed with ease. Lalong nanglaki ang mga mata ko. She looked so young! Parang ilang taon lang ang tanda sa akin!
"You can call me Tita Miranda," pakilala n'ya sa akin. "You must be Kiran's friend. . .or girlfriend?"
"Girlfriend po. . ." nahihiyang pakilala ko. "Okay lang po kung di n'yo ako tanggap."
Her eyes widened a fraction before she released a laugh. "Hala? Bakit naman? Actually, ramdam ko nga na may girlfriend si Kiran. Hindi ko lang alam kung bakit hindi n'ya dinadala sa bahay."
"Uh. . .wala naman po ganap kaya hindi rin po siguro nagtutugma ang landas natin," sagot ko.
She sighed then looked around our surroundings. "Sabagay, medyo busy kaming dalawa ni Killian. But if you want to, we could have dinner sometime. Yayain na rin namin si Kile para makilala mo."
"Nakakahiya po," I shook my head.
"Bakit naman? You're part of the family already," she smiled gently. "Will you stay at the booked hotel or will you go back to Manila pa?"
"Hindi ko po sure kay Kiran eh," sagot ko at lumingon kay Kiran na ngayon ay napapalibutan na ng mga mukhang business man. I sighed to myself.
"Oh," her lips suddenly curved downwards, na para bang nalungkot siya. "If ever, I would want to bond with you. Hindi ko alam bakit tinatago ka sa amin ni Kiran. But really, I don't mind your relationship. Hindi ko rin alam bakit naisip mo na hindi kita tanggap."
"Hindi po ako mayaman."
"Mukha ba kaming matapobre sa 'yo?" She blinked a few more times before plastering a pout. "I'm sorry if that's how we looked."
"Hindi naman po," I shook my head. "Alam ko lang po kung hanggang saan ako. Ayoko rin naman pong umasang tanggap n'yo po ako agad."
"But we do!" giit n'ya sa akin at hinawakan pa ang aking kamay. "I never had a daughter, kaya naman excited ako magkaroon ng mga jowa si Kiran at Kile. Pero hindi ko alam kung bakit wala silang pinapakilala sa akin! Kahit nga boyfriend sana, okay lang! Love wins! Pero wala talaga. Ayoko sanang lumaking walang apo."
"Lima po balak na anak ni Kiran," I assured her and held her hand as well.
"Kaya mo ang lima?" Bahagyang nanglaki ang mga mata n'ya sa akin.
"Ahm. . ." Napakamot ako ng batok ko. "Depende po siguro?"
She laughed and it sounded nice.
Hindi ko inakala na magiging close kami sa buong gabi. She made me eat a lot, inasikaso n'ya ako, at habang si Kiran ay tinatangay ng mga taong may malalaking pangalan sa industriya na ito, Tita Miranda was there to accompany me with her funny stories and warmth.
"Ingat kayo pauwi," Tita Miranda waved goodbye as she watched me and Kiran enter the car. "Kiran, text me when you're home."
Hindi sumagot si Kiran sa kan'yang ina kaya naman minabuti kong ako na lang ang magpaalam.
"Ingat ka, Tita," I smiled at her. I didn't see Kiran's father, pero baka tulad lang din ni Kiran ay naging busy ito kausapin ang mga tao na nasa venue.
When the car started to move, doon ako nagsimulang magkwento kay Kiran. He was massaging my hands while I was telling him how my day went. He seemed tired, ang mga mata ay mapungay na.
"Your mother was nice," saad ko habang inaalala ang pakikitungo n'ya sa akin.
"She is," anas n'ya sa mababang tono, he looked torned as he answered me. "And that's why it's hard to hate her."
Right at that moment, I could feel the intense feeling of Kiran for his parents. Nagtugma ang tingin naming dalawa at pinatakan ko siya ng halik sa kan'yang labi, I whispered 'it's okay' as our lips parted. I want him to know that it's okay to feel torn. . .it's okay to feel all of those emotions at once. It's okay to love someone and yet have boundaries with them.
Hiniling ko na sana matapos ang gabing 'yon na walang pangamba sa aming puso. . .ngunit may delubyo pa lang nakaabang sa akin sa aking kinabukasan. Sana pala ay sinulit ko na ang gabing iyon dahil iyon ang huling gabing payapa ang aking tulog.
Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako magaling. I have a lot to learn when it comes to writing; sa script man o sa nobela. I have long admitted to myself that the art of writing is a long-term process of learning. Ang akala kong alam ko na ay maaring natututunan ko pa lang. That's why I couldn't take some of the 'expert' writers seriously as much as I wanted to. Hindi ko kasi alam kung paano nila nasasabing alam na nila lahat sa pagsusulat at hindi na sila marunong tumanggap ng pagkatuto.
Pero ang hirap pala talaga tumanggap ng pagkatalo. Ang akala ko ay marunong ako kahit hindi magaling. Akala ko ay para sa akin ang pagsusulat. . .akala ko ay nandito ang aking tahanan. Akala ko talikuran man ako ng lahat, kaya kong uwian ang pagsusulat. Ni hindi ko naisip na ito rin ang unang bagay na magpapasuko sa akin sa buhay.
I thought it was already scraped against the clouds that I'm going to be a writer, no matter what. Kahit anong sabihin nila, magsusulat ako.
Pinasa ko ang script ko kay Sir Pablo Bello. Ilang linggo bago ito bumalik sa akin. Sa mga linggo na 'yon ay hindi ako makatulog nang mahimbing at hindi ko magawang kumain nang maayos. I was swimming in fear and burying myself in doubt as the time started to run on the clock.
When it was the judgement day, bumalik si Sir Pablo Bello na hawak sa kamay n'ya ang script na ilang buwan kong pinaghirapan. He was wearing a face of dismay and it made my face lose its color. Sa mga minutong 'yon ay pinangarap kong maging bingi sa katotohanan.
"Your script was rejected, Nacia."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top